Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Soldier's Billionaire: A Wife's Sacrifice

Soldier's Billionaire: A Wife's Sacrifice

"Gustuhin ko man ipaubaya sa'yo ang asawa ko, ngunit hindi p'wede.... Hindi p'wede dahil..." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago nagsalita muli upang pigilan ang pagkamuhi sa babaeng kaharap ko! "Marahil ay hindi mo pa maiintindihan ang salitang hindi p'wede dahil wala ka pang anak. Anak na handa kang magsakripisyo maibigay lang ang nararapat para sakanya! Kaya kong tiisin na marami akong kahati sa asawa ko at isa kana ron! Ngunit wag lang ang anak ko...ibang usapan 'yon! Dahil ilalagay ko kayo sa tamang paglalagyan nyo." -Dina Sedest Sa isang relasyon, may isang haligi at may isang ilaw. Paano kung ang haligi ay bumigay at hindi na nakayanan pang tumayo ng matatag. Hanggang saan kaya kayang ilawan ng ating ilaw ng tahanan ang isang madilim na parte ng buhay nila? Ngunit makakaya kaya n'yang harap harapan na syang ginagago ng kaniyang asawa? Ito na ba ang senyales na hinihingi n'ya mula sa itaas upang sumuko na..
Romance
9.97.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Secretly Married To A Heartless CEO

Secretly Married To A Heartless CEO

Nasanay sa simpleng buhay si Yana at hirap mag-adjust sa marangyang buhay kasama ang bilyonaryo niyang lolo. Wala siyang alam sa negosyo at inaaming mahina ang kan’yang utak. Nagtrabaho siya sa ibang kumpanya subalit hindi naging madali dahil sa ubod ng sungit at mahigpit nilang CEO, si Alexis. Kahit masungit ang binata ay sekreto niya itong hinahangaan, lalo’t pagdating sa kan’ya ay hindi nito magawang magalit, bagay na ipinagtataka niya. Nawindang siya nang malamang si Alexis pala ang lalaking itinakda ng lolo niya na kaniyang pakakasalan. Walang alinlangang tinanggap niya ang sekretong kasal sa binata kahit na susubukin ang kaniyang pasensiya. Ikinahal nga siya rito ngunit mas malamig pa sa yelo ang pakikisama nito sa kan’ya. Umaasa siyang mapaamo niya ito sa pamamagitan ng paghilom sa sugat ng puso nito, ngunit hindi iyon kasing dali ng inaakala niya. Handa ba siyang magtiis sa one-sided love, o ibabaling ang atensiyon sa taong may pamamahal sa kan'ya?
Romance
1014.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Runaway from My Jerk Husband

Runaway from My Jerk Husband

Sa mata ng buong mundo, si Catherine Adams ang pinakamapalad na babae—minahal, pinrotektahan, at pinangakuan ng habang-buhay ng lalaking pinapangarap ng lahat: si Nolan Martinez. Mula pagkabata hanggang sa proposal na isinahimpapawid sa buong mundo, saksi ang lahat sa tila perpektong pag-iibigan nila. Ngunit sa likod ng matatamis na ngiti at engrandeng singsing, may lihim na pilit niyang nilulunok—ang pagkakanulo ng lalaking minahal niya ng buong puso. Sa bawat "overtime", sa bawat palusot, unti-unting nalaman ni Catherine ang sakit ng katotohanang may ibang babae sa buhay ni Nolan. Kaya’t isang desisyon ang binuo niya: maglaho. Sa mismong araw ng kasal, ang bride na inaasahang pupuno ng altar ay isang “patay” na katauhan. “Wala na kaming kinabukasan.” Ito ang paniniwala ni Catherine, kahit pa sa bawat sulyap ni Nolan ay tila may lambing na totoo. Pero sa isang mundong puno ng kasinungalingan, may lugar pa ba para sa tunay na pagmamahal? Isang kwento ng pagkakanulo, paglimos ng katotohanan, at ang masakit na pagpili—pag-ibig o paghilom?
Romance
5.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Secretly Loving You (Tagalog)

Secretly Loving You (Tagalog)

Mark Ivan Barcelon and Eizel Francine Story (Hello, sa nakabasa na po ng Book 1 ng MY STALKER, eto na po ang kwento ni Eizel at Ivan, Bestfriend at kambal ni Kisha. Enjoy Reading!) Si Eizel ay may lihim na pag-ibig kay Ivan, ang kambal ng kanyang matalik na kaibigan. Ang magmahal niya dito ay hindi madali, pero para kay Eizel, walang mahirap pagdating sa pag-ibig. Mula pagkabata, may pagtingin na siya kay Ivan, at habang tumatagal, lalong lumalalim ang nararamdaman niya. Natatakot siyang umamin dahil baka layuan siya nito at hindi na pansinin. O mas takot siyang masaktan sa magiging sagot nito. Kaya't nakukuntento na lang siya sa pagtingin mula sa malayo at pag-silay. Matapang siyang babae, pero pagdating sa nararamdaman niya kay Ivan, wala siyang lakas ng loob na umamin. Pero dahil sa suporta ng kanyang kaibigan sa kabaliwan niya, nakapag-isip siya ng paraan kung paano unti-unting makuha ang atensyon nito. Tinext niya ito at nagpakilala sa ibang pangalan. Hindi siya sumuko kahit napaka-ilap nito sa text at chat. Hindi naman nasayang ang effort na ginawa niya. Napansin din siya nito. Pero paano kung nakuha na niya ang atensyon na matagal na niyang inaasam? At hiniling nito na magpakilala na siya at magpakita? Kaya ba niyang sundin ang hiling nito? Handa na ba siyang harapin ang lalaking mahal niya? Tatanggapin kaya siya nito kapag nalaman na siya si Eizel Francine Evangelista, ang bestfriend ng kambal niya, ang babaeng nasa likod ng lahat? ************************
Romance
9.8101.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Game With The Billionaire Twins

Love Game With The Billionaire Twins

[Matured Content/SPG] Si Elle Calys Saavedra, isang probinsyanang napilitang lumuwas ng Maynila upang makapagtrabaho’t makatulong sa kanyang ama na ibangon kanilang nasirang sakahan. Sa tulong ng kanyang tiyahin ay mabilis siyang nakahanap ng trabaho. Buong akala ni Elle ay magiging maayos na ang lahat gayong binigyan siya ng trabaho ng kanyang auntie Levi nang lumuwas siya sa Maynila, ngunit iba ang nangyari. Nang malamang pagiging escort sa isang high-end bar ang trabahong ibinigay sa kanya— isang trabahong pagbibigay ng aliw na alam niyang hindi niya kayang sikmurain, doon na nagsimulang magbago ang buhay niya. Taliwas man sa prinsipyong kinagisnan, kapit-patalim na lamang si Elle dahil wala siyang magawa. Aniya’y para sa pamilya. Isang gabi ay nakilala niya ang isang lalaking may malapad at perpektong mga kilay, singkit ang mga mata, matangos ang ilong, may matikas na panga at aroganteng ngiti sa mga labi. Ang lalaking hindi niya akalaing pag-aalayan niya ng kanyang sarili. Marupok at tanga na nga siguro siya para magpaubaya sa lalaking hindi niya kilala. Mas lalong nagulo ang isip niya sa mga nakitang pagbabago sa lalaking ‘yon. Animo’y dalawa ang personalidad, pabago-bago ang ugali dahilan para umusbong ang galit para sa lalaki. Ngunit nang malaman niya ang katotohanan at nasagot ang mga tanong na bumagabag sa kanya ay mas lalo pa yatang gumulo ang buhay niya. Ilang beses niyang kinuwestyon ang sarili kung sino ba ang napagkalooban niya ng kanyang katawan. Sino nga ba ang lalaking ‘yon?
Romance
5.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying the Devil

Marrying the Devil

Kung ikaw si Lyresh Fontanilla, mamahalin mo ba ang lalaking pinagkait sayo ang bawat pangarap ng mga babaeng makasal sa taong mahal at pinapangarap nila? Makakaya ba ng puso mong palagpasin ang sapilitan pagkuha sa iyong pagka babae? Ang isang Zyaire Torricelli ba ay may pag asang magbago kung sa paningin mo ay isa siyang demonyo?
Romance
9.539.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Epiphany

Epiphany

Mary Roselyn SabusapDramaGoodgirl
Sa loob ng anim na taong relationship ni Athena at Josh, hindi pa rin mawala sa isip ni Athena ang nakaraan na mayroon sila ni Daniel. Maayos ba sa isang reunion ang lahat? Ang mga katanungang naiwan, masasagot ba ng taong nang iwan? Ang mga pusong nasugatan, naghilom nga ba sa haba ng panahong nagdaan? Hindi alam ni Athena, na ang closure na hinahanap niya, ang siyang mag bubukas ng daan tungo sa landas na hinihiling ng puso niya. Ano ba ang naghihintay sa kanila?
Romance
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Once Again

Once Again

Nagising si Cresia sa nakakasilaw na liwanag. Iginala niya ang paningin. She found myself lying on the cold ground. Huling naalala niya, habang pabalik siya sa condo... may nakita siyang batang babae sa kabilang bahagi ng kalsada. The girl was about to get hit by a car but she saved her. Bumangon siya at muling iginala ang tingin sa paligid. Nasaan na ang batang iniligtas niya? Where is she now? Napapikit siya nang tamaan ang mata ng sinag ng araw. Fuck. At bakit umaga na? Nakatulog ba siya sa daan? Ibinaba niya ang tingin sa sarili. She remember she was covered with blood. But how come she was perfectly fine now? Walang anumang bahid ng dugo ang damit niya... Iginalaw ni Cresia ang kamay. Wala siyang naramdamang anumang masakit doon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang paparating na truck. Fuck! Her first instinct is to run. But it is too late. The truck is only meters away from her. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at hinintay ang pagtama niyon sa kanya... But seconds passed. Nothing happened. Walang truck na tumama sa kanya. Bakit? Dahan-dahang idinilat ni Cresia ang mga mata. Wala na ang truck. Bakit? Anong nangyari? Muli niyang inalala ang nangyari kagabi... She was fucking sure she got hit by a car. Hindi kaya...hindi kaya...patay na siya? "Not yet." Isang lalaki ang biglang sumulpot sa tabi niya. Para itong galing sa libing sa suot na damit. Black cape, black pants, black shoes. Everything is black. Even his eyes. They're as dark as his outfit. "S-sino ka?" He smiled to her. Hindi alam ni Cresia kung bakit kinilabutan siya sa ngiti ng lalaki. "I'm Kairos. Your death angel." Death angel? "What? I... I'm...I'm dead?"
Romance
104.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit

Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit

Kinasal si Athalia o mas kilala bilang Tati kay Raphael. Sa ilang taong pagsasama nila ay ilang beses lang umuwi ang asawa niya. Raphael hates her to the core, ginagawa niya ang lahat para maibalik ang dating meron sila. Ngunit paano nga ba maibabalik ang bagay na hindi naman nangyari? Limang taon niyang pilit pinapalitan sa puso nito ang dating kasintahan. Ngunit hindi ito maalis sa puso ni Raphael. Lalaban pa ba siya o susuko na? Mananatili ba siyang Mrs. Yapchengco o susuko na lamang ba? Ito ang kwento ni Doktora Athalia Rielle “Tati” Lazarus–Yapchengco.
Romance
1058.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Legal Mistress

The Legal Mistress

Zarpphiaa
Maicah is living her life at its finest, mayroon siyang mabait na asawa na kasalukuyang nagmamay-ari ng isang malaking kumpanya. Bagamat wala pa silang anak ay hindi ito naging hadlang upang magkaroon sila ng masayang pagsasama at masaganang buhay. Sa loob ng limang taon ay wala na ngang mahihiling pa si Maicah hanggang sa isang araw ay nagbago ang lahat. “WALANG BABAENG PINANGARAP MAGING KABET. Yan ang sabi sa isang movie na napanood ko. Totoo naman yun. Pero nagising na lang ako isang araw na wala na saakin ang lahat. Ang buhay ko, kayamanan, kasiyahan, pangarap, pamilya, asawa, at maging sarili kong pangalan. And that leaves me no choice but to be his... LEGAL MISTRESS.”
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2122232425
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status