Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Falling for the Replacement Mistress

Falling for the Replacement Mistress

Hindi inaasahan ni Reiko Cordova na mapapasubo siya sa isang trabaho na hindi niya inaplayan. Ngunit dahil sa kagagawan ng nakakatanda na kapatid at walang iba na pagpipilian, kinailangan niya na pumalit dito bilang isang "kabit" ng guwapo at masungit na piloto na si Kenji Jarvis. Hindi inaasahan ni Kenji Jarvis na mapapasubo siya sa pag-aalok ng isang trabaho sa isang babae upang masiguro na hindi siya iiwan ng kan'yang asawa na nahuhumaling sa matalik na kaibigan nito. Umupa si Kenji ng babae na magpapanggap bilang kan'yang kabit para pagselosin ang asawa na nagloloko. Ngunit sa hindi inaasahan ay tinakbuhan siya ng naturang babae dala-dala ang pera na naibayad na niya. Kaya wala silang nagawa ng kan'yang kaibigan kung hindi ang takutin at ipaako ang trabaho sa naiwan na kapatid ng babae upang siya ang pumalit at magpanggap na kabit niya. Ang pagpapanggap ay mauuwi sa katotohanan nang isang gabi ay makalimot si Kenji sa kontrata. Ang babae na itinuturing lamang niya na isang pamalit sa kasunduan ay magkakaroon nang mas malalim na ugnayan at halaga sa kan'ya. Papayag ba si Reiko na habang-buhay na lamang siya na maging "replacement mistress" sa buhay ni Kenji, lalo na at alam niya kung gaano kamahal ng lalaki ang asawa nito? O gagawin niya ang tama at kusa na lamang na lalayo sa lalaki na natutunan na niya na mahalin?
Romance
1031.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Destined To Be With You

Destined To Be With You

BLURB: Dianne Ace Reyes. Isang babae na sa murang edad ay nag padalos-dalos ng desisyon pagdating sa paghahanap ng kanyang Truelove. Kaya nakapag boyfriend ito kahit wala naman siya ni katiting na nararamdaman sa lalake. Hanggang sa hindi rin sila tumagal. Ang hindi niya alam ay simula First Year Highschool palang siya ay may isang lalake na ang palihim siyang minamahal. Hanggang sa makilala niya si Jaxxon Kade Ibarra. Kuya ng Best Friend niyang si Maxine. Hindi alam ni Dianne na ang kapatid ng kanyang best friend ay yung lalake na palihim siyang minamahal sa loob ng ilang dekada. And then naging sila ilang buwan ang makalipas simula nang pinagtagpo sila ng tadhana. But in an unexpected incident, they separated and there was no closure for six years. After six years of being seperated without good closure, muli silang pinagtagpo ng kanilang koneksyon at doon parehas na silang succesfull sa buhay. Ang Dianne Ace na dating Sales-Lady lang sa Mall ay ngayon ay isang kilalang Architect na. At ang Jaxxon Kade na dating CEO lang ng kompanya ng kanyang pamilya ay ngayon ay may sarili nang Firm at mga Mall. “ If the connection is real, We'll see again. Maybe not in weeks, months or even years. But at some point, we will connect again. We will meet again in the best version of us.” Yan ang pinanghahawakan ni Jaxxon. Pero posible pa ba na magkabalikan sila? Kung ang pag kaka-alam ni Dianne ay may anak na si Jaxxon.
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Pretty You

Pretty You

Certified raketera, palaban at walang inuurungan. Siya si Leah Rivera o mas kilala sa tawag na Iya ng mga taong malapit sa kaniya. Magmula pagkabata ay natuto na siyang maging isang raketera dahil maaga rin siyang tinuruan ng kaniyang ina na nagtitinda sa palengke ng kung anu-anong trabaho na sa kalaunan ay nakasanayan na niyang gawin. Ang kailangan niya ay pera. Pera na makakatulong sa kanila para mairaos ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan at para na rin makatulong siya sa pagpapaaral sa kaniyang kambal na kapatid na ngayon ay nasa kolehiyo na. Likas kay Leah ang pagiging masayahin at pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay. Pero hindi sa lahat ng oras. Tulad na lamang nang isang gabi, habang nagse-serve siya ng alak sa mga mayayamang costumer ng bar na pinapasukan niya ay may nagtangkang mambastos sa kaniya. Dahil likas sa kaniya ang pagiging palaban, gumanti siya sa lalaki. Ang kaso, ang suntok na dapat na para rito ay dumapo sa isang kasama nito na wala namang ginawang masama sa kaniya. Paano kung ang lalaking hindi niya sinasadyang masuntok ay ang anak ng kaniyang boss? At anong gagawin niya kung sakaling magkagusto ito sa kaniya at yayain siya nitong magpakasal? Makakaya ba niyang tanggapin ang alok nito sa kaniya kapalit ng halaga na makapag-aahon sa kanila sa kahirapan? Will she ever fall in love with the man who is only good at pestering her with his stupid antics?
Romance
1020.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Ningas NG Atraksyon

Ningas NG Atraksyon

Isang atraksyon na nauwi sa mainit na gabi ng hindi sinasadya. Nagbunga, hanggang sa panagutan ngunit wala sa sentro ang pag-ibig kundi para lamang sa responsibilidad na kailangang magawa. Magkakaroon kaya ng pag-asa ang dalawang taong pinagtagpo sa hindi sinasadyang pagkakataon?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Doctor 's Bargain Wife (Series 2)

Doctor 's Bargain Wife (Series 2)

Sypnosis Mula pagkabata, hindi na naranasan ni Venisse ang init ng tunay na pamilya. Sa murang edad, natutunan niyang tumayong mag-isa—kahit pa ibig sabihin niyon ay isakripisyo ang sariling pangarap. Sa edad na 23, isang hindi inaasahang pagbubuntis ang tuluyang gumiba sa plano niyang buhay. Unti-unting nawala ang pag-asa. Araw-gabi siyang kumakayod—kahit anong trabaho, mapasukan lang. Para sa gamot, check-up, at isang kinabukasang hindi pa sigurado. Hanggang sa dumating ang panahong wala na siyang pagpipilian. Pumasok siya bilang GRO sa isang kilalang bar—isang trabahong kailanma’y hindi niya inakalang papasukin. Sa bawat ngiti at aliw sa mayayamang bisita, pinipilit niyang itago ang lungkot at takot sa likod ng mata. At doon sila nagtagpo—ni Dr. Kurt Navarro. Isang gabi, isang emergency. Ang batang dinadala ni Venisse sa sinapupunan, nalagay sa panganib. Isang komplikasyon. Isang mahal na operasyon. Isang bayarin na hindi niya kayang pasanin. At sa gitna ng kaguluhan, may inalok si Kurt. Isang kasunduan. Anim na buwang kasal. Walang emosyon. Walang label. Puro papel at pirma. Kapalit: kaligtasan ng anak niya. Pero paano kung habang lumilipas ang bawat araw, unti-unting lumambot ang pusong matagal nang pinatigas ng sakit? Paano kung sa likod ng kontrata, unti-unti niyang nararamdaman ang bagay na hindi kasama sa usapan? Pag-ibig. Isang kasunduan. Isang kasinungalingan. Isang pusong unti-unting bumibigay. Pero sa dulo ng anim na buwan… pipirma ba sila para sa wakas? O para sa panibagong simula?
Romance
9.8736 viewsOngoing
Read
Add to library
[Tagalog] In Her Shoes

[Tagalog] In Her Shoes

Alex Dane Lee
Si Lara ay isang babae na may malungkot na nakaraan at buhay. Wala siyang sariling pamilya, wala siyang sariling ipon, at nagsusumikap siya sa araw-araw para lang mabuhay. Limang taon na siyang nagtatrabaho bilang janitress sa isang sikat at prestihiyosong kumpanya sa bansa, ang Etoile Cosmetics. Ang kanyang pang-araw-araw na gawain ay ang gumising ng maaga sa umaga, pumasok sa trabaho, umuwi sa tinitirhang apartment, at magpalipas ng malungkot na gabi nang mag-isa. Nais niyang maging katulad ni Amanda Montserrat, isang maganda, mayaman at isang makapangyarihang babae na nagmamay-ari ng kumpanya na Etoile Cosmetics. At mukhang nagkatotoo ang kanyang kahilingan. Nang dahil sa isang malaking aksidente ay nabubuhay siya ngayon bilang si Amanda Montserrat at kailangan niyang mamuhay sa mundo nito hanggang sa makabalik siya sa kanyang sariling katawan! Pero paano niya gagawin iyon?
Romance
101.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Affair Bk. 1 WOUNDED HEARTS

The Billionaire's Affair Bk. 1 WOUNDED HEARTS

WOUNDED HEARTS Marcus Ace Thompson is a well-known businessman at his own rights. Marami na siyang naabot at napatunayan sa larangan ng negosyo. He is also a well-known womanizer. Walang babae na nakakatanggi sa karisma niya pero wala din siyang sineseryoso. Luhaan ang babae kapag iniwan niya pero wala siyang pakialam sa bagay na yon. Hanggang sa makilala niya si Blanca dela Riva. Ang kaisa-isang babaeng ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Para sa kanya ay challenge ang babaeng ito at sampal sa kanyang ego kaya pinilit niya itong hanapin. But things happened at nahulog ang loob niya dito. Hindi niya alam na may malalalim na dahilan ang pagtatagpo nila ni Blanca. Makuha kayang hilumin ng pag-ibig na nararamdaman nila para sa isa’t-isa ang mga sugat ng nakaraan?
Romance
1020.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Exes Secrets (Love ko Ex ni Misis)

Exes Secrets (Love ko Ex ni Misis)

Romcom Family Story Ang Nakakatuwa at Nakakaiyak na kwento ng pag ibig Sadya bang mapaglaro ang tadhana? O' sadyang hindi ito ang itinidhana. Sabi nila tayo ang gumagawa ng tadhana natin pero bat ganun minsan di naayon sa gusto mangyari ang dapat na mangyari. Kaya mo bang sumabay sa agos ng buhay pano kung ang agos ay nasa dalawang ilog kaya mo bang mamangka ng sabay . Hanggang kailan kaya ka lalaban Hanggang kailan kaya mong tiisin. Kasinungalingan nga ba ang paraan ng matibay na relasyon. Si Ace or Francisco Baltazar ay galing sa broken family .Nag aral eto sa Perpetual Novaliches Integrity School dito niya nakilala si Isay o Ysabelle kanyang unang pag ibig at pagkabigo at si Alex o Alexander isang lalaki na dati ay mortal na magkaaway na kinaulanan ay nagkaroon sila ng relasyon ilang pangyayari ang nagibg dahilan para si Alex at ace ay magkahiwalay,may gusto na si Alex kay Isay dati pa. Kinalaunan ay nagpakasal si Ysabelle at Ace , mahabang pangyayari at nagkaroon din ng relasyon na si Alexander/Alex at Ysay . Ano nga ba ang sikreto na maluluntad ano nga ba ang rebelasyon na ikakasakit para isa.Magkakaroon nga ba ng happy ending si Ace or Ysabelle? Ating subaybayan ang kwento na makakapagbigay Ngiti at Magbibigay ng hapdi sa ating mga puso. Mabigyan ng aral ang bawat magbabasa neto.
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Captivating Mr. Mysterious ( She’s Into Him )

Captivating Mr. Mysterious ( She’s Into Him )

Presilda Amore
Sabi nila First love never dies. Pero para kay Faye gusto na niyang mamatay ang damdamin niya para sa ex boyfriend niyang si Mark. Ayaw na muna niyang mainlove. Ngunit mapipigilan ba niya ang kaniyang puso sa muling pagtibok nito? Sino kaya sa dalawang binata ang karapatdapat niyang piliin na maging second love: Si Lance ba na kababata niya at matagal nang nagmamahal sa kaniya o si James, ang the man in a leather shoes na bumihag sa puso niya pero nakatakda na palang ikasal sa iba?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Aggressive Maid

The Billionaire's Aggressive Maid

Tahimik ang mansyon. Tahimik… maliban sa mahinang iyak ni Princess sa bisig ko—isang buwang gulang, walang alam, walang kasalanan. Pero siya ang unang nasaktan sa lahat ng ‘to. Siya ang naiipit sa pagitan ng dalawang taong hindi na alam kung paano magmahal nang sabay. Nakaluhod ako sa harap ni Elise. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida niya, parang batang takot na maiwan sa dilim. Nanginginig ang labi ko, pinipigilan ang mga luhang ayaw na sanang lumabas—pero hindi ko na kayang kontrolin. “Please, Elise…” garalgal kong pakiusap. “’Wag mo kaming iwan. Hindi ko alam kung paano palalakihin si Princess nang wala ka. Hindi ko alam kung paano mamuhay kung wala kayo…” Pero wala. Wala siyang emosyon. Wala siyang luha. Matigas ang titig niya, parang ako pa ang mali. Bitbit niya ang maleta niya—hindi lang punô ng damit, kundi punô ng lahat ng alaala namin. Lahat ng pangarap. Lahat ng ‘akala ko tayo.’ “Hindi ko ‘to pinlano, Levi,” mahina niyang sagot. “Pero kailangan kong piliin ang sarili ko. Pagod na akong umasa. Pagod na akong maging pangalawa sa trabaho mo, sa mundo mo. Hindi ko kayang maging ina habang ako mismo’y hindi buo.” Gumuho ako. Literal. Napayuko ako habang yakap ko si Princess, habang nararamdaman ko ang init ng iyak niya sa dibdib ko. Halik ako nang halik sa noo niya, para bang kaya kong takpan ng pagmamahal ang kawalan ng ina niya. “Anak mo ‘to, Elise. Anak natin…” pabulong kong daing. “Kung hindi mo na ako kayang mahalin… kahit siya na lang. Kahit siya. ‘Wag mong iwan ang anak mo…” Pero wala. Ni hindi siya lumapit. Ni hindi siya tumingin. Tumalikod siya, dala ang katahimikang mas malakas pa sa kahit anong sigaw ng pagtanggi. "Ayoko na" mahina niyang sabi at hinila ang maleta palabas ng mansion.
Romance
1020.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3839404142
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status