Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaires Son

The Billionaires Son

“Lord pahiram ng anak ko! Please lang huwag mo muna siyang kuhain sa akin, hindi ko kakayanin. Sobrang bata pa ng aking anak! Huhuhu!” napasandal na lang ako sa wall ng hospital at humahagulgol na nananalangin. Bago pa ako makapagsalita ulit ay nakita ko ang Arnaldong iyun na nakatingin saming dalawa ni Regan, nakatayo lang din ito sa isang sulok malapit samin, yumuko siya ng makita niya akong nakatingin sa kanya. Bumitiw ako sa pagkakakapit ko kay Regan at lumapit ako papunta sa lugar kung nasan si Arnaldo, hinabol lang ako ng tingin ni Regan at hindi ko na napigilan ang aking sarili, isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sa pisngi ni Arnaldo. Nagsusumigaw ang galit sa aking puso't isipan Nakita kong napakapit siya sa kanyang pisngi at nagatataka siyang napatingin sakin"Hay*p ka! nakapawalang hiya mo talaga. Nagpakalayo-layo na kami ni Anthony nasundan mo pa rin kami. Wala ka ng dinala sa buhay naming mag-ina kundi puro sakuna.(pinaghahampas ko ang kanyang dibdib habang patuloy ang aking pag iyak, Sobrang galit ang aking nararamdaman, hinahayaan lang naman niya ako sa kanyang ginagawa, maya-maya ay naramdaman kong niyakap na niya ako para huminahon, ) Hindi na ako nanggulo sa buhay niyong mag-asawa kagaya ng gusto mong mangyari! kaya please lang lubayan mo na kaming mag-ina. HUHUHU" bigla naman akong nanghina at tila nawalan ng lakas ng yakapin na niya ako, pakiramdam ko ay nasa maayos akong mga kamay sa piling ng bisig nito. "Naguguluhan ako! anong ibig mong sabihin?! Hindi kita maintindihan, Una kitang nakita sa bahay namin, kasama ko sa kwarto , yun na ang una at huli nating pagkikita!" sagot sakin ni Arnaldo
Romance
1032.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Binili Ako Ng Isang Bilyonaryo

Binili Ako Ng Isang Bilyonaryo

Ako si Shen, isa akong stripper sa sikat na club at binili ako ng isang lalaking bilyonaryo at ginawa akong asawa niya.
Romance
10.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Don't Fall for Me

Don't Fall for Me

Upang matakasan ang isang arrange marriage, ginawa ni Zea ang lahat para lamang hindi maipakasal sa taong ni sa hinagap ay hindi niya nakilala at mas lalong hindi niya mahal. Nang magawang makatakas ay nag tungo siya sa hindi pamilyar na lugar na sa tingin niya ay hindi siya mahahanap ng kanyang lolo. Natagpuan niya ang isang napakalaking gate kung saan sa malayuan ay ang mala-haciendang tahanan. Dala ng kakuryosohan ay sinubukan niyang pumasok at lumibot sa lugar na pinagsisihan niya dahil sa lalaking walang habas na hinila siya papasok ng hacienda at basta na lamang siyang ginawang katulong. Dahil walang sapat na pera at bahay na matitirhan ay wala siyang magagawa kung hindi sapilitang tanggapin ang naging kapalaran. Ang dating magarang buhay niya ay magbabago. Ayos lang kung ang kapalit naman nito ay makatakas siya sa bagay na ayaw niya. Akala niya ay nagawa na niyang makatakas kahit pansamantala ngunit hindi naman niya inakala na yun pa pala ang maglalapit sa kanya sa isang bagay na pilit niyang iniiwasan.
Romance
9.918.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Nalunod Ako Dahil Nabulunan ng Tubig sa Pool ang Hipag Ko

Nalunod Ako Dahil Nabulunan ng Tubig sa Pool ang Hipag Ko

Halos muntik lang naman malunod habang lumalangoy ang kapatid ni Hadden, at para diyan, itinulak niya ako sa pool pagkatapos itali. Iniwan niya lang ako ng maliit na butas para sa hangin na may sukat na isang pulgada. Sinabi niya na pagbabayaran ko ang lahat ng doble para sa bawat pagdurusang dinanas ni Julia. Hindi ako marunong lumangoy. Wala akong magawa kundi subukan ang aking buong makakaya habang umiyak ako at pinakiusapan siya na pakawalan ako. Pero ang natanggap ko lang ay leksyon. “Hindi ka matututo kung hindi kita tuturuan ng leksyon ngayon.” Nagpumiglas ako para manatiling nakalutang, pero… Inabot ng limang araw bago naglaho ang galit ni Hadden at itinigil niya na ang pagdurusa ko, pero huli na ang lahat. “Pakakawalan kita sa pagkakataong ito, pero huwag mo nang uulitin ang parehong pagkakamali!” Namatay na ako sa pagkalunod.
Short Story · Romance
1.1K viewsCompleted
Read
Add to library
CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)

CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)

Pagkalipas ng tatlong taon ay nagbalik siya, at narinig ko siyang pinag-uusapan ang tungkol sa dovorce. Wala siyang sinabi kahit na matapos niyang makuha ang aking pagkabirhen bago siya umalis. Sobrang sakit ng naramdaman ko. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataong maging mabuting asawa para sa kanya, pero gusto niya pa rin akong hiwalayan. Hindi dahil mahal ko siya, kundi dahil inakala kong naging tapat ako sa kanya habang siya naman ay nagpakasaya kasama ang kanyang kalaguyo. Ngunit nagawa pa niyang magreklamo na parang ako ang sumakal sa kanya. Galit na galit ako. Sisiguraduhin kong mahihirapan sila ng kanyang kalaguyo na makumbinsi ako sa diborsyo. Pero bakit parang iba ang ikinikilos niya? Bakit nakakaramdam ako ng pagkasabik sa tuwing magkakadikit kami?
Romance
1035.5K viewsCompleted
Read
Add to library
I Am the Lawyer's Contracted Wife

I Am the Lawyer's Contracted Wife

“Huwag ka ng umasa na tatanggapin pa kita ulit. Dahil hindi ko masisikmurang magmahal ng isang tulad mong may dugong kriminal.” Si Rocky Bouchard ay isang ulila sa Canada na inampon ng mag-asawang Mary at Roen Bouchard noong sampung taong gulang pa lamang. Hindi nila alam kung sino ang tunay na magulang ni Rocky dahil wala rin naman itong maikwento sa kanila sa tuwing tinatanong nila. Kalaunan, naging legal na Bouchard si Rocky na siyang lumaki sa isang mayaman at respetadong pamilya sa Canada. Pagkalipas ng ilang taon ay isa na siyang successful na corporate lawyer. Sa hindi inaasahan, nahulog ang loob niya sa pamangkin ng kanyang foster mom na siyang nakatadhana na rin sa iba. Napagdesisyunan niyang ibaon na lamang sa limot ang nararamdaman at mag-focus sa career. Sa kabilang banda, si Cristianna Erica Rowanda ay lumaking breadwinner simula noong hindi na bumalik mula sa Canada ang OFW niyang ama. Wala na silang naging balita rito na para bang naglaho gaya ng isang bula. Dahil dito, kinailangan niyang magtrabaho para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya niya. Sa kasamaang palad, siya ay napagbintangang magnanakaw ng pera ng kumpanya na siyang naghatid sa kanya sa rurok ng kahirapan. Wala siyang kapera-pera dahil ang araw na inaasahan niyang unang sahod niya ay nauwi sa pagkakakulong. Nang kunin ni Rocky ang kanyang kaso, nagawa niya itong ipanalo at patunayan ang kainosentehan ni Cristianna. Gayunpaman, pagkatapos ng dalawang buwan ay muli silang nagkita bitbit ang kani-kanilang problema—si Cristianna na hindi makahanap ng trabaho at si Rocky na pressured ng parents na magkaroon ng asawa. Isang kontrata. Dalawang taon. Nag-iisang krimen na akala nila ay nabaon na sa limot. Magagawa kaya nilang ipanalo ang kanilang pagmamahal kung gayong ang dugo na nananalaytay sa kanilang katawan ay siyang hahatol sa isang ipinagbabawal na pag-ibig?
Romance
103.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Legal mistress (tagalog SPG)

The Legal mistress (tagalog SPG)

Pumayag si Hailey sa alok ni Selina na maging kabit ng asawa nitong si Justine. 10 milyon ang kapalit kapag nagtagumpay syang akitin at maging kabit nito. Gusto na kasing makipag hiwalay ni Selina kay Justine ngunit wala syang maisip na magandang dahilan para mahiwalay dito kaya naisip nya na kung magkakaroon ng kabit si Justine ay iyon ang gagamitin nya para mapa-walang bisa ang kasal nila. Pumayag si Hailey para sa pera. Unang araw pa lang nilang nagkakakilala ni Justine ay kaagad na nya itong naakit at may nangyari sa kanila. Noong una ay inisip ni Hailey na para sa pera lamang ang ginagawa nya ngunit noong tumagal na ay napamahal na sya kay Justine at nais na nyang totohanin ang lahat sa kanila. Ano kaya ang gagawin ni Hailey sakaling magbago ang isip ni Selina at itigil na ang kanilang napagkasunduan? Paano kung si Justine mismo ay ayaw na syang pakawalan? Paano nya aaminin dito na kaya lang nya ito inakit ay dahil sa utos ni Selina? The Legal Mistress
Romance
10405.5K viewsCompleted
Show Reviews (28)
Read
Add to library
reader
Iwan ko sa story na ito. pero masakit Ang pagkamatay ni Wilson huhuhuhu. bakit deserve parin Ng mga taong mapanakit Ang maging Masaya, samantalang Yung mga taong nagmamahal hg wagas at may respeto hndi na nabgyan jy chance huhuhu
velascohannahjean
Di masyado maganda story puro ka****gan ginagawa ng 2 bida. nagkanda matay matay na mga tao importante sa kanila puro pa din s*x inaatupag nila. yung justine siya dahilan kaya nadisgrasya si wilson hindi niya sinasagot ang tawag yung anak naman nila kanda sakit2 na inuna pa si justine.
Read All Reviews
The Billionaires Pregnant Babysitter

The Billionaires Pregnant Babysitter

Tatlong buwan na siyang buntis—tinakbuhan sya ng boyfriend nya kaya wala syang katuwang sa buhay. Desperado din syang magkapera para sa operasyon ng kapatid. Sa ospital, isang batang umiiyak ang lumapit sa kanya, mahigpit na yumakap at tinawag siyang “Mama.” Bago pa man siya makapaliwanag, dumating ang bilyonaryong si Lucien Montclair. Sa halip na pasalamatan siya, pinagbintangan siyang nanlilinlang. Para sa lalaki, siya ay isang impostor—isang multo na nagpapaalala sa babaeng nang iwan dito. Ngunit nang malaman nitong desperado siya para sa pera, binigyan siya ng isang alok na hindi niya kayang tanggihan. Ang maging babysitter ng anak nito. Sa ilalim ng iisang bubong, araw-araw niyang nararamdaman ang bigat ng titig ng lalaki—galit, hinanakit, at isang mapanganib na pagnanasa na unti-unting kumakain sa kanila pareho. Sa pagitan ng kasinungalingan, galit, at isang lihim na hindi niya kayang ibunyag… paano kung ang lalaking kinamumuhian siya ang siya ring magpapatibok ng puso niya?
Romance
94 viewsOngoing
Read
Add to library
Craving For Love

Craving For Love

Sa mundong ang nagpapaikot ay pera, ang tingin ni Samara Licaforte sa mga mahihirap ay laruan lang ng mayayaman. Bagama't hindi legal na anak sa mata ng batas ng business tycoon na si Mr. Frederick Licaforte, CEO ng Licaforte Corp, ay lumaki sa luho si Samara at hindi makakailang siya ang paboritong anak sa pagitan nila ng stepsister niyang Monica. Happy-go-lucky, bully at eskandalosa. Ganyan siya kung ilarawan ng karamihan dahil sa mga ginagawa niyang kalokohan para lang mapanatili ang popularidad niya. Dahil wala na ang kanyang ina, at sa tingin niya ay nakikihati lang siya sa pagmamahal at oras ng kanyang ama mula sa legal nitong pamilya, ay sa atensyon ng ibang tao niya hinanap ang halaga niya. Sa pag-aakalang mananatiling ganun lang si Samara, ay kumatok sa buhay niya ang pobreng bulag na si Marco Villaflor, ang lalaking unti-unting titibag sa mga paniniwala niya.
Romance
1013.1K viewsOngoing
Read
Add to library
When Were 15

When Were 15

Superyora Mizian
For matured readers only (TAGLISH) "Akala ko sapat na ang salitang I love you para umabot tayo hanggang dulo..." Galing sa sawing pag-ibig si Marion. Kinse palang siya nang unang umibig. Naging masalimuot ang buhay niya sa murang edad dahil sa kapusukan at katigasan ng ulo. Nagresulta para matakot siyang magmahal dahil naging sugatan ang puso niya. Pero makalipas ang ilang taon heto at nagbabalik ang sumugat sa puso niya. Si Shin Dela Vega. "Oo nagkamali ako, nasaktan kita. Hindi rin kita naipaglaban noon, pero gusto kong malaman mo na ikaw pa rin ang mahal ko hanggang ngayon at gusto kong itama ang lahat, all I need is a second chance Marion..." pakiusap ni Shin. Pero may isang humihingi ng pagkakataon na lingunin niya. "Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Manhid ka ba? Hindi mo ba nakikita na palagi akong nasa tabi mo kahit noon pa. Hindi kita iniiwan at kaya kitang ipaglaban kanino man. Hinihintay ko lang na bigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka para maramdaman mong karapat-dapat din ako sa puso mo," pag-amin ni Grant Tyler sa kanya. Nalilito ang puso niya. Sino ang dapat niyang piliin? Magbibigay ba siya ng ikalawang pagkakataon para kay Shin, ang taong minahal niya o susubukan niyang muling buksan ang puso para kay Grant Tyler?
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3637383940
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status