The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire
“Maaaring hindi kita mabigyan ng perpektong kaligayahan, pero maibibigay ko sa’yo ang kapayapaan. Isang ligtas na buhay. Isang ligtas na mundo.”
Napatitig si Kyline sa kanya, tila nalulunod sa bigat ng mga salitang iyon. May kung anong hindi niya maipaliwanag, parang hindi na ito ang simpleng, masayahing Christian na nakilala niya noon. O baka… ngayon lang niya tunay na nakita ang totoong siya.
“Christian…” mahina niyang sambit.
“Atty. Gonzaga,” putol ni Christian, hindi na umatras. “Gusto kita.” Direkta. Walang pag-aalinlangan. “Ayokong makita kang nasasaktan pa. Ayokong makita kang pinahihirapan.”
ตอนยอดนิยม