Marrying His Ex-Love
Kaya naman batid na ng mga ito ang pangalan at itsura ni Baby Seven.
"Pero, bakla, nag-iintriga lang ako, bakit pala Seven ang ipinangalan mo sa baby mo?" tanong ni Julianna habang patuloy ito sa pagre-refill ng ice isang storage box.
"Teka, pang-ilang paliwanag ko na ba 'to?" pabirong tanong pa niya sa mga ito. "Sa totoo lang kasi ay madalas din itanong 'yan sa akin, e. Bakit nga ba Seven? Kasi, may dalang swerte sa akin ang numerong seven. At saka 'di ba, mayroong pitong araw sa loob ng isang linggo at pangpito ro'n ay Linggo? Ibig sabihin, maituturing na araw ng Linggo si Seven, kung saan ay madalas na pahinga ng mga tao. Dahil si Seven ang nagsisilbing pahinga ko sa nakakapagod na mundo.
Hot Chapters