His Fake Wife
Nag-iskuwat naman ako para madali niya akong mayakap, pero hindi lang yakap ang ginawa niya dahil pinupog niya nga ako ng mumunting halik sa pisngi, sa ilong at sa noo.
Saglit na kiniliti ang puso ko dahil sa ginawa niya kaya napatawa ako. This is Snow, the sweet and adorable Snow. Hinalikan ko rin ang pisngi niya at humagikhik naman siya. Tiningnan ko si Winter na ngayon ay nakatingin na sa amin. Ngumiti ako sa kaniya kaya bumaba siya ng kama at naglakad papunta sa amin. Kung si Snow makulit at energetic, si Winter naman nang lumapit mariin lang na hinalikan ang kaliwa kong pisngi at tipid na ngumiti.
Hot Chapters