Contract With The Devil
Nakangiting lumabas siya matapos mabayaran ang binili.
Nang masigurong naroon na ang lahat ng kanyang mga kailangan ay sumakay siya ng taxi pauwi. Naroon pa rin sa bahay ang tagalinis ni Malcolm na nasa singkuwenta marahil ang edad, kasama nito ang apong lalaki na isang binatilyo. Nagpatulong siya sa dalawa na itayo ang Christmas tree na nabili niya. Hindi naman naging mahirap ang pa-assemble at pagtayo nila niyon. Ilang pulgada lang ang taas niyon sa kanya, sa bahay ni Malcolm na napakalaki ay nagmumukha iyong maliit, subalit sapat na iyon sa tingin niya.
"Ngayon lang ako nakakita ng Christmas tree sa bahay na ito," komento ng matanda habang tinutulungan siya sa pagkakabit ng mga Christmas