“Pumasok ka.”
Malamig pa rin ang tinig ni Señor Lucien. Dahan-dahang pumasok si Megan sa loob ng opisina, isang maluwag na silid na tila pinaghalong kapangyarihan at katahimikan ang bumungad sa kanya. Mahina ang ilaw, at ang mga dingding ay puno ng estante ng mga aklat. Sa gitna, isang malaking mesa na yari sa maitim at matibay na kahoy. Doon nakaupo si Señor Lucien, nakasandig ang siko sa mesa at nakapangalumbaba, tila hindi mo mawari kung galit siya o interesado. Isa siyang gwapo at matipunong lalaki, na bakaas ang pagiging sanay sa pagbibigay ng utos at sa pagsunod ng lahat sa kanyang ritmo. Tahimik na isinara ni Manang Nelda ang pinto at iniwan silang dalawa sa loob. Halos hindi makalingon si Megan. Sa halip, ibinaling niya ang paningin sa suot niyang puting pantulog. Ramdam niyang dayuhan siya sa lugar na ito, parang ibong tinanggalan ng pakpak at ipinasok sa hawlang gawa sa ginto. Tahimik lang si Lucien sa unang minuto. Tila binibigyan siya ng oras para makapag-adjust... o baka tinitimbang lang siya. Sa bawat segundo ng katahimikan na lumilipas, pakiramdam ni Megan ay lalo siyang lumiliit. “Umupo ka,” utos nito. Maingat siyang lumapit sa isa sa mga silyang nasa harap ng mesa at marahang umupo nang hindi pa rin nagtataas ng paningin. Pilit niyang pinapakalma ang kaba sa kanyang dibdib. Nanginig ang kanyang mga kamay kaya’t pinilit niyang ipatong ang mga ito sa kanyang pajama at pigilan ang panginginig. “Alam mo ba kung bakit ka narito?” tanong ni Lucien sa malamig at mababang tinig, walang halong emosyon. Nag taas ng tinginsi Megan ngunit agad ding ibinaba ang paningin nang masalubong ang malamig na titig ng misteryosong señorito. “Dahil... binili niyo ho ako...” “Binili kita para sa isang kasunduan.” Napakunot-noo siya. “Kasunduan ho?” “Hindi mo pa kailangang malaman ang tungkol doon. Ang mahalaga lang ay nandito ka na. At kung nais mong manatili, kailangan mong sumunod at patunayan na karapat-dapat ka sa kasunduang iyon.” “O-oho, Señorito. Gagawin ko ho ang lahat. Maglilinis ako, magluluto, maglalaba, mag-aalaga ng hayop kung meron man. Basta ho… huwag niyo lang akong ibalik sa Inay ko. Kahit ano hong iutos ninyo, susundin ko. Magiging masunurin ho ako. Hindi na ako uulit. Hindi ako tatanggi. Hindi ako aalis. Kahit ano hong gusto ninyo, gagawin ko.” Napalunok si Megan pagkatapos sabihin iyon. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang tinig ngunit pinilit niyang maging matatag. Ayaw niyang ipakitang mahina siya. Ayaw niyang isipin ng lalaki na wala siyang halaga. Tinitigan siya ni Lucien. Wala pa ring bakas ng galit o lambing sa mukha nito. Blangko ang tingin nito na parang sinusuri siya mula ulo hanggang paa, mula sa manipis niyang damit hanggang sa nanginginig niyang laman. “Bakit ayaw mong bumalik sa nanay mo?” tanong ng lalaki. “Dahil…” bahagya siyang napatigil, nanginginig ang tinig. “…kapag hindi ho ako sumusunod sa gusto niya, binubugbog ho niya ako. Wala ho akong halaga sa kanya. Mas mahalaga pa ho sa kanya ang bisyo kaysa sa akin. Pero kahit gano’n, mahal ko pa rin siya. Nanay ko pa rin siya.” Naluha ang kanyang mga mata, pero hindi siya umiiyak para sa sarili niya. Umiiyak siya para sa isang taong hindi kailanman itinuring siya bilang anak. “Kung ang pagbenta ho sa akin ang makakapagpasaya sa kanya, kung iyon ang paraan para mapawi ang galit niya… tatanggapin ko. Masakit man, masaya na rin akong kahit papaano, nagamit niya ako sa bagay na gusto niya.” Natahimik ang buong silid. Tinitigan siya ni Señor Lucien. Wala pa ring ekspresyon sa mukha nito, ngunit sa likod ng malamig niyang mata, may bahagyang pag daan ng kung anong emosyon sa mga mata niya parang hindi inaasahan ang mga salitang narinig mula sa dalaga. Hindi rin nakalampas sa paningin niya ang namamagang pisngi ni Megan, alam niyang hindi lang iyon dahil sa pag iyak, at ang panginginig ng katawan ng dalaga. Muling nagsalita si Megan, halos pabulong “Hindi ko ho siya kinamumuhian. Dahil kung ako ho ang nasa kalagayan niya, baka gano’n din ang maging desisyon ko. Kaya kahit gaano kasakit… pipiliin ko pa rin siyang unawain. Kasi siya lang ho ang meron ako.” Tumayo si Lucien, mahinahon, at umikot sa mesa hanggang sa makalapit sa kinauupuan ni Megan. Tumigil siya sa harapan nito. Napalunok si Megan. Hindi siya makatingin, at tila mas bumilis ang tibok ng puso niya sa ginawang paglapit ng lalaki. Itinaas ni Lucien ang kanyang kamay at marahang itinapat ang dalawang daliri sa baba ng dalaga. Walang pagmamadali. Walang pananakot. Ngunit mabigat ang kilos. Itinaas niya ang mukha ni Megan upang magtama ang kanilang mga mata. “Naiintindihan ko,” bulong niyang puno ng awtoridad. “Pero dito, hindi mo kailangang magmakaawa.” Habang tinititigan ang maputlang mukha at mamulang pisngi ng dalaga, ramdam ni Lucien ang init ng katawan nito—may lagnat siya. Napasinghap si Megan. Hindi niya inaasahan iyon. Akala niya ay pandidirihan siya nito, ipapahiya siya,at aapakan ang kaniyang pagkatao, pero hindi. Ang mga mata ni Lucien... bagama’t malamig pa rin, ay may bakas ng pag-unawa. “Hindi kita binili para maging katulong,” saad ni Lucien, hindi malakas pero tiyak. “At lalong hindi kita binili para saktan.” Napatigil si Megan. Hindi siya makasagot. Hindi niya maunawaan ang ibig sabihin ng mga salitang iyon. “Pero gusto kong makita kung gaano ka katatag. Kung anong klaseng tao ka. Kaya bibigyan kita ng iba’t ibang klase ng trabaho.” Tahimik si Megan, ngunit hindi na siya nanginginig tulad kanina. May bahagi sa kanya na tila unti-unting lumuluwag. “Simula ngayon, hindi mo na kailangang magpanggap. Hindi mo kailangang umiyak nang palihim.” Kaya niya bang hindi magpanggap? Totoo bang ayos lang na ipakita niyang pagod na siya? “Bumalik ka na sa kwarto mo at magpahinga. Bukas, ibibigay ni Manang Nelda ang iskedyul ng mga gawain mo,” wika ng binata. Tahimik siyang tumango at tumayo mula sa kinauupuan. Ngunit bago pa siya tuluyang makatayo nang maayos, biglang nagdilim ang kanyang paningin—at bumagsak ang kanyang katawan. Agad siyang nasalo ni Lucien, kasabay ng pagdulas ng kanyang talukap.Tahimik. Walang ibang maririnig kundi ang mahinang ugong ng aircon at ang tiktak ng orasan sa pader. Ngunit para kay Megan, ang pinakamatunog sa lahat ay ang mabilis na tibok ng puso niya. Parang gusto nitong kumawala mula sa kanyang dibdib sa sobrang kaba. Hindi siya makagalaw. Naka-upo siya sa gilid ng kama, habang si Lucien ay dahan-dahang isiniksik ang sarili sa katawan niya at niyakap. Mahigpit ngunit marahan siya nitong niyakap, walang puwersa, walang panggigipit. Isang yakap na tila ba nangungusap, na pagod ito, na kailangan lang nito ng katahimikan, ng pahinga, at ng isang taong hindi manghuhusga, at handang damaya siya sa mga ganitong pag kakataon. Ramdam ni Megan ang mainit na hininga ng lalaki sa kanyang batok. Magsasalita sana siya, ngunit parang natuyuan ng laway ang kanyang lalamunan. Wala siyang lakas. Lahat ng lakas niya kanina ay naubos na sa paglalaba, paglilinis, at pag-aayos. At ngayon… nauubos na naman siya sa kakaibang emosyon na pilit niyang nilalabanan.
Matapos maligo at mag ayos ay mabilis na nag linis si Megan sa silid ni Lucien, winalisan niya ito, minop, pinunasan ang lamesa, upuan, shelves, libro, bintana, at ang iba pang bagay roon, pinagpag niya rin ang malaking kama nito at pinalitan ng kobre ang kama, pinalitang ng punda ang mga unan, ang mga kurtina ng malaking bintana, inilagay niya na rin sa laundry room ang mga nasa laundry basket ng binata saka siya saglit na nahiga sa kama dahil sa pagod. Nagisijg na lang siya ng makaradam ng malambot na bagay sa kanyang labi. Mabilis siyang bumangon mula sa pag kakahiga at agad na inilibot ang tingin, dumako iyon sa pintuan ng kwarto kung saan mukhang kapapasok lang nang nakatayong si Lucien.Natatarantang tumayo siya at inayos ang nagusot na kobre ng kama. "Nako pasensya na ho naka tulog ako rito sa kwarto niyo, hindi ko ho sinasadya, lahat ho gagawin ko huwag niyo lamang ho akong parusahan." Kinakabahang aniya ni Megan habang patuloy na pinaplansa ang kama gamit ang kanyang kamay up
hindi siya nagrereklamo. Hindi siya umiyak sa harapan ng mga ito kahit na pinagtatawanan nila siya at kahit na gusto nang bumagsak ng mga luha niya. Hindi siya pu-pwedeng umiyak o sumumangot, wala siyang karapatang magalit, kailangan niyang ngumiti, kailangan palaging may ngiti sa kanyang labi. Kahit na masakit ang pwetan, mga gasgas, at basang-basa si Megan pinilit niyang tumayo at muling sinimulan ang pag lilinis ang sahig na basang-basa, matapos ay naglalampaso ng hagdan, matapos iyon ay saka pa lamang siya naka alis sa lugar na iyon. Pag pasok na pag pasok niya sa janitors room, kung saan nila inilalagay ang mga gamit pang linis ay saka palamang niya inilabas ang luhang kanina pa niya pinipigil."Ti-tig-nan *sob* m-o Me-gan o-oh a-ang du-dumi-du-mi *sob* mo-mo n-a, *sob* hin-hi-ndi ka ka-kasi na-g i-ing-at e-eh. *sob." Sa bawat salitang lumalabas sakaniyang bibig ay kasunod ng mga hindi mapigil na pag hikbi, marahan niyang hinaplos ang kaiyang dibdib na nag sisimula nanamang mana
Tahimik ang mga araw na lumipas sa loob ng malaking bahay. Simula nang maging abala si Lucien ilang gabi na ang nakalilipas, tila mas lumamig pa ang paligid. Wala siyang alam kung bakit bigla na lang itong hindi nagpapakita. Pero hindi iyon tinanong ni Megan. Wala siyang karapatang magtanong. Isa lang siyang tagalinis. Isa lang siyang binili upang utusan hangang sa malaman daw ni Lucien kung karapat-dapat ba siya sa isang bagay na hindi rin naman niya alam kung ano.Araw-araw, tinatanggap niya ang schedule na iniiwan ni Manang Nelda sa ibabaw ng mesa sa kusina. Maayos na nakasulat sa papel, may petsa, may oras, may mga tungkuling kailangan niyang gampanan. Maaga siyang gumigising para matapos ang lahat bago magtanghali, dahil hindi niya alam kung kailan darating si Lucien. Minsan madaling-araw, minsan gabi, minsan hindi talaga siya dumarating. May usap-usapan ang mga katulong na baka raw may nobya na ang kanilang amo kaya raw hindi na madalas napaparito, baka raw doon na sa bahay ng b
Sa bawat hakbang ni Lucien palayo, parang kasabay din niyon ang unti-unting pagbalik ng hangin sa baga ni Megan. Hindi siya napagalitan. Isa iyong tagumpay sa kanya. Medyo oa man pero napakalaking halaga na niyon sa kanya. Dahil sa mundo na kinalakihan niya, ang isang araw na walang sigaw, walang pananakit, ay isa nang himala. Hindi niya alam kung ano ang tingin sa kanya ni Lucien. Malamang wala. Isa lamang siyang bahagi ng utos, isang kagamitan sa mansyon na binili nang Señorito. Hindi niya makalimutan ang malamig na tingin nito noong araw ng auction. Habang ang ibang mayayaman ay tumatawa at namimili na parang nasa palengke ng tao, si Lucien ay tahimik lamang. Na nakatayo, seryoso, wala siyang emosyon. Hanggang sa iangat nito ang kamay at ipako ang halagang hindi na nasundan ng iba.Pagkatapos niyon, hindi na siya muling tinapunan ng tingin. At simula noon, tinanggap na ni Megan ang kanyang bagong kapalaran, isang malaking bahay na tahimik pero puno ng malamig na anino. Parang bawat
Isa siyang tulad ng mga bulaklak sa hallway na lilinisin niya mamaya. Hindi man pinansin sa umpisa, pero may taglay na ganda. At kapag napunasan ang alikabok, masisilayan rin. Dahil minsan, ang mga taong tahimik… ay silang may pinakamatitinding kwento. At ang mga kagaya ni Megan—iyong laging nakayuko, laging nakangiti, laging sumusunod—sila ang pinaka-marupok sa tingin ng iba. Pero sa totoo lang, sila ang may pinakamatibay na likod. Dahil araw-araw, binubuhat nila ang bigat ng hindi pagmamahal. Ngayon, panibagong araw na naman. At kahit walang bumati sa kanya ng “Magandang umaga,” ngumiti pa rin siya. Kasi sa dami ng sakit na dinanas niya, natutunan niyang ang ngiti ay pwedeng maging sandata. At kung ang ngiti niya ang tanging bagay na hindi pa niya nakikitang sinisira ng mundo… ayaw niyang mawala pa iyon. Hindi niya sinayang ang oras. Alam niyang hindi siya narito para magpahinga, kaya’t agad niyang kinuha ang papel na naglalaman ng kanyang schedule at tumuloy sa unang gaw