Pagkatapos ng tatlong taon ay winakasan na ni Rana ang bisa ng kasal nila ni Bryson Deogracia. Hindi siya pinahahalagahan ng asawa sapagkat may ibang nilalaman ang puso nito. Malupit rin ang pamilya nito sa kanya. Kaya wala nang dahilan upang ituloy niya ang pagdurusa niya sa pamamahay nito. Nararapat lamang na bumalik siya sa dating buhay. Ang buhay na tinalikuran at kinalimutan niya para sa lalaki.
View MorePinunasan ni Rana ang mga butil ng pawis sa kanyang noo habang inilalapag sa lamesa ang huling putaheng inihanda niya.
Bumukas ang pintuan at pumasok si Bryson kaya mabilis niya muling inayos ang sarili.
âButi nalang naka-downy ako. Hindi ako amoy ulam!â ngisi niya sa kanyang utak.
Ngunit nawala ang ngiti sa mga labi niya nang sa likuran ng asawa ay ang nakangising mukha ni Pey ang tumambad sa kanya.
Tatlong taon na silang kasal ni Bryson, pero tatlong taon din siyang binabalewala nito.
Sa bawat gabing hindi ito umuuwi sa bahay nila, palaging nagpapadala si Pey ng mapanuksong mensahe, mga larawan nilang dalawa ng lalaki na magkasama.
Lantarang pinapamukha nito, kung ano sila ng asawa niya.
Paalala kung gaano siya kahirap sa isang pilit na pagsasamang walang kaligayahan.
Mahinhin na hinawakan ni Pey ang braso ni Bryson at hinamas-himas ito.
"Pasensya na kung biglaan ang pagdating ko, Rana." ngumisi ito. "Ikaw ba ang nagluto ng lahat ng ito? Ang galing mo talaga! Hindi tulad ko, mahina ang katawan. Kaya nga hindi ako pinapayagan ni Bry na magluto, dahil ayaw niyang.. nahihirapan ako," anito sa malambing na tinig at tumingin pa sa kanyang asawa.
Mariing kinagat ni Rana ang kanyang mga labi. Pinigilan niyang igalaw ang kamay na may hawak na sandok.
âNakaranas na kaya âtong masampal ng sandok?â aniya sa kanyang utak.
Ngunit alam niyang sa huli ay siya lang rin ang masasaktan.
Hindi siya ang kakampihan ng asawa.
Ang pagdala sa babaeng ito sa kanilang pamamahay ay matinding paalala na kailanman ay hindi siya mamahalin ni Bryson.
Isa lang ang nasa puso nito. At iyon ay si Pey.
Sarkastiko siyang ngumiti sa dalawa.
"Iba na talaga ang trend ngayon, âno? Pati mga kabit ay puwede nang pumasok sa bahay na parang siya ang may-ari? Feeling slayable ka?" malamig na wika ni Rana.
Napangiwi si Pey na parang batang nasaktan. Halos masuka si Rana.
"Hindi kami ganun ni Bry. Huwag kang magkamali ng akala, Rana.â nakanguso nitong sambit.
âHindi lang yata sandok ang maisasampal ko rito.â tiim bagang niyang pinipigilan ang mga salitang nasa dulo na ng dila niya.
âSinabi kasi ng doktor na hindi maganda kung puro takeout lang ang kinakain ko. Kaya nag-ask ako ng favor kung pwedeng makikain rito dahil narinig ko kay Bry na masarap kang magluto." dagdag nito sa mas malungkot na boses.
Lalong kumuyom ang kamao ni Rana.
âKawawa ang kawali ko rito kapag iyon ang ginamit kong panghampas.â
"Close ba tayo? Kapatid ba kita? Saan mo ba nabili 'yang foundation mo at ang kapal ng mukha mo? Este ng pagkakalagay mo sa mukha mo? Curious lang ako."
Tila pusa itong tumungo.
"Isa lang ang anak ng magulang ko, sa pagkakatanda ko." nakataas na kilay na saad niya rito. "Hindi ba uso ang karinderya sa inyo? Lutong bahay din ang mga ulam doon. At higit sa lahat, nagluto ako para sa asawa ko, hindi para sa 'yo."
Ibinagsak ni Bryson ang palad sa lamesa. Napatalon siya sa gulat at agad na gumihit ang takot sa kanyang dibdib.
"Ano bang problema mo, Rana?! Ganitong klase ba ang pagtrato mo sa bisita? Isang hapunan lang naman, huwag mo ng palakihin."
"Oo nga!" sagot ni Bryenne habang pababa ng hagdan. Ito ang kapatid na babae ni Bryson. Isa ring impakta sa buhay niya.
Nang tumapat ito kay Rana ay humalukipkip ito ng braso at tumaas ang kilay nito.
"Isa pa, kung hindi ka lang pumasok sa eksena at nanggulo, baka si Pey na ang asawa ng Kuya ko ngayon." umupo siya sa hapag-kainan at tinapik ang upuan sa tabi niya. "Halika rito, Feia. Kumain ka nang marami."
Walang nagawa si Rana nang lampasan siya ni Bryson at Pey na humabol pa ng bahagyang bangga sa kanyang braso.
âAy, sorry.â mahinhing sabi nito.
Umupo na sila.
Magkatabi ang asawa niya at si Pey. Kaya kahit naaalibadbaran siyang katabi si Bryenne ay hindi nalang siya nagsalita.
Nasa harapan niya ang lalaki.
Nakatitig ito ng malamig sa kanya kaya hindi niya inatrasan ito. Hindi sila napapansin dahil masayang nag-uusap ang dalawa.
Sumubo siya ng ulam.
Akala niya ay umiwas na ng titig ang kanyang asawa ngunit nanatili ang tingin nito sa kanya. Tinapatan niya. Kung gaano kalamig ang titig nito ay ganoon din ang sa kanya.
Hindi siya pwedeng pati sa asawa ay magmukhang talunan.
Tinaasan niya ito ng kilay. Ngunit hindi nagbabago ang titig nito sa kanya.
Susubo na sana ulit siya ng pagkain ngunit naiilang siya sa titig nito habang tumatagal.
Malamig ang titig ngunit halos tumalon talon na naman ang puso niya.
"Bwisit na lalaking ito! Nasa tabi na nga 'yung kabit. Kung sa kwarto mo 'yan ginagawa, edi.." halos mapatawa siya sa naiisip.
Napapangisi siya sa naiisip na kalokohan.
Inangat niya ang tingin sa asawa at napangisi ng malawak nang makitang nakatingin pa rin ito sa kanya.
Kumunot ang noo nito. Pumikit siya at dahan-dahang isusubo na sana ang kutsara kahit walang laman nang..
Biglang tumunog ang cellphone ni Bryson. Napadilat si Rana at nasusuyang mukha ni Pey ang nasalubong niya. Inirapan niya nalang ito.
Sinagot ito ni Bryson.
"Sige papunta na ako.â anito at mabilis na ibinaba ang cellphone.
"May kailangan akong asikasuhin sa opisina. Rana, ikaw na ang bahala rito. Hindi ako uuwi mamayang gabi," anito bago umalis.
âHindi na naman uuwi.â
Napatingin si Rana sa dalawa pang natitirang kasama sa mesa. Nawalan na siya ng gana.
"Tapos na akong kumain. Wag kayong mabulunan sana kayo." malamig niyang sabi bago tumalikod at umakyat sa kanyang silid.
Habang naglalakad palayo si Rana ay nakatitig ang dalawa sa kanya.
"Nagalit yata si Rana. Kasalanan ko ba?" tanong ni Pey na kunwaring nag-aalala.
"Maarte talaga 'yon. Huwag mo nang pansinin, Feia. Tikman mo ito..." sabay bigay ng pinggan kay Pey.
Sa kwarto, nakahiga sa kama, nakatitig sa kisame at malalalim na paghinga ang pinapakawalan ni Rana. Paulit-ulit na inaalala ang nagdaang tatlong taon.
Nag-lelecture si Bryson sa isang unibersidad nang una niya itong makita.
Para siyang outsider na nakasilip lang sa bintana ng klase nito. Agad siyang nabighani.
Ang bawat kibot ng labi nito, ang bawat hampas ng kamay, ang matikas nitong tindig, alam niyang hindi lang siya ang natutulala rito.
Napakabanayad ng boses nito habang nagsasalita sa harapan.
Hindi maikakailang, maraming babae ang humahabol dito.
He even looked like a model because of his height! His fair skin made him even more freakin' hot. Lalaking-lalaki.
The way his long eyelashes flickered when he spoke made her knees wobble.
Na nag-cocontradict sa kanyang makapal na kilay na tila laging nakakunot, ngunit sa pagkabaliw niya rito, ay mas nagiging attractive pa ito sa paningin niya.
At ang saktong tangos nitong ilong.
âSarap!â sa kanyang isip.
All in all, he has strong features but can make her heart soft. At ang makasal sa kanya ay tila katuparan ng kanyang pangarap.
Pero lahat nang ito ay bumagsak.
Dahil ang pangarap na ito ang sumira at sumisira pa sa buhay niya.
Oo, siya nga ay banayad at mabaitâpero hindi sa kanya.
Oo, siya nga ay malakas at maimpluwensyaâpero hindi siya nito ipinagtatanggol.
Para mapanatili ang kanilang marupok na pagsasama, isinuko ni Rana ang lahat. Nagpaka-alila siya sa buong pamilya ni Bryson.
Daig niya pa ang all around na kasambahay, dahil hindi naman siya sumusweldo.
Naglilinis, nagluluto, nagsisilbi sa mga biyenan.
Ultimo paglalaba sa mga underwear nito ay ginawa na niya. Kahit ilang beses siyang inalipusta ng ina at kapatid ni Bryson ay tiniis niya ang lahat at hindi siya kailanman nagreklamo.
Ang iniisip niya, kung mas magsisikap pa siya at mas magpapasensya, baka makita rin ni Bryson ang halaga niya.
Pero ngayon dinala pa rin niya si Pey dito para makikain. Ano ang susunod? Palalayasin na ba siya sa bahay na ito?
Biglang may kumatok sa pinto, naputol ang pagmumuni-muni niya. Pagbukas niya, bumungad si Pey, mukhang malungkot.
"Rana, patawarin mo ako. Hindi ko alam na anniversary niyo pala ngayon ni Bry. Hindi ko sana ginulo ang gabi niyo.â
"Umalis na si Bryson, Pey. Hindi mo na kailangang magkunwaring mabait." matalim na sagot ni Rana. Pagod nang makipaglaro ng plastik-plastikan sa kanya.
Walang imik ang dalawa habang nagmamaneho si Bryson.Ramdam na ramdam ng lalaki ang tensyon.Hindi niya alam kung tutuloy pa ba sila sa columbarium kung saan nakalagak ang mga abo ng mga magulang ni Rana.Lumunok siya at bahagyang sumulyap sa katabi. âWe can go to a mall. To buy you.. new clothes.ââItâs fine.âMuling natahimik si Bryson.Hindi nawawala ang tensyon sa kanya.Ranaâs face seems to be relaxed and peaceful, but her aura tells another story.Napapikit siya.âTutuloy ba tayo saâââAyaw mo ba? I can go alone.â akmang kakalasin nito ang seatbelt kaya agad itong inagapan ni Bryson.âNo! No! Diyan ka lang. Sasama ako. Dalawa tayo.â sinulyapan niya ulit si Rana. âGusto kong sumama.âHindi na ito sumagot at inilubog nalang ang sarili sa upuan.Pumikit ito kaya lalong bumagsak ang damdamin ni Bryson.Huminga siya ng malalim at hinayaan nalang itong magpahinga.Nakarating sila sa sementeryo.Hindi na siya hinintay ni Rana kahit obvious na nagmadali pa siya para ipagbukas ito ng pin
âAre you done?âMarahang kumatok si Bryson sa kanilang kwarto.Nasa loob pa ang dalaga at naghahanda para sa kanilang dinner date routine tuwing sabado.Sa labas sila kumakain, konting date date sa kung saan matipuhan ni Rana.âAlmost! Give me a sec!â sigaw ni Rana sa loob.Pinatunog ni Rana ang mga labi nang matapos ilagay ang lipstick.Pinaghandaan niya talaga ito dahil kung hanggang ngayon ay mag-asawa pa rin sila ni Bryson, ay ito ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib.Bahagya rin niyang inihahanda ang sarili na hindi madisappoint kung hindi man ito maalala ni Bryson.After all, they are starting again.Kaya baka ang lahat sa nakaraan ay gustong kalimutan ng lalaki.Ngunit paglabas niya nang silid niya ay tumambad sa kanya ang isang palumpon ng bulaklak pagkatapos ay sumungaw sa gilid non ang mukha ni Bryson.Malaki ang ngiti nito at napakagwapo sa bagong gupit na buhok.Naliligo na kasi si Rana nang magpaalam ito na magpapagupit kaya ngayon lang niya ito nakita.âHappy Anniversa
âAndy?âSinabayan ng katok ni Rana ang pagtawag niya kay Andy.Napag-alaman niyang sa kwarto ng kanyang kuya na ito tumutuloy kaya doon siya agad dumiretso.Hindi sana muna niya kakausapin si Andy dahil baka naiilang pa ito ngunit ito nalang ang magiging takas niya sa kuya Ruan niya.âPlease, Andy, let's talk. Hindi naman ako galit eh.âNakadikit siya sa pinto kaya naman na-out balance siya nang buksan nito ang pintuan.Namumula ang mga mata nito at tungki ng ilong.âCan I come in?ââAno ka ba. Syempre bahay niyo ito eh.âNgumiti si Rana. âBahay natin.âNapanguso si Andy. Halatang pinipigilan ang muling pagbuhos ng luha. âPumasok ka na nga.âSabay silang naupo sa kama.Saglit na nanahimik bago siya tuluyang humarap kay Andy.Tumingin din ito sa kanya kaya niyakap na niya ito.Naramdaman ni Rana na saglit na nanigas si Andy ngunit lumambot rin kalaunan.âIâm so happy for you.ââIâm sorry.âKumalas si Rana sa pagkakayakap at nakakunot ang noong tinignan si Andy.âBakit ba sorry ka ng so
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa magkapatid.Lahat ng kaba at pagkabalisa ni Rana at tila lumipad na sa hangin dahil sa nalaman.Pareho silang nakatitig sa lamesa.Nabasag ang katahimikan nang tumayo ang kanyang kuya upang patayin ang kalan saka bumalik sa pagkakaupo nito, isang silya ang pagitan mula sa kanya.âLike what Andy said. We are sorry. Hindi namin nasabi agad saâyo. Itâs intentional but we have no choice.âKinagat ni Rana ang labi. âWala naman kayong dapat ipag-sorry.âNakita ng dalaga sa gilid ng kanyang mata na nilingon siya ng kapatid kaya lumingon din siya dito.âAre you sure? Youâre not⊠upset with her?ââBakit naman?â bigla siyang natigilan sa susunod na sasabihin. âAng saya nga eh. May⊠pamangkin na ako.âHabang sinasabi iyon ni Rana ay hindi niya mapigilan ang pangingilid ng kanyang luha.Hindi iyon mailabas ng kanyang dila.Tila ngayon lang sa kanya nag-sink in talaga ang nangyayari at mangyayari sa mga susunod pang araw.Masaya niyang inangat ang paningin
Maayos na lumipas ang mga araw para kina Rana at Bryson.Halos inuunti-unti na rin ni Bryson ang pagpapalipat sa mga gamit ni Rana sa bahay nito.âParang nakakahalata na ako saâyo.â sita ni Rana isang gabi. âPalagi mo ako dito pinapatulog at sinasabihang magdala nalang ng damit para di na ako mahirapan pagpasok.âNatawa si Bryson.Sinamahan niyang tumayo sa tapat ng kanyang walk-in closet si Rana na nakatitig sa mga damit niya roon.Halos isang parte noon ay mga gamit at damit ni Rana ang nakalagay roon.Nakataas ang gilid ng labi ni Rana nang harapin niya si Bryson.Nagkibit balikat ang binata.âBakit pala hindi ka sumama maghatid kila Bryenne?ââKaya na nila ang mga sarili nila.ââButi sumama âyung kapatid mo ânoh?ââWell, if not. Alam niyang magdudusa ang buhay niya na kaming dalawa lang ang magkasama dito sa Pilipinas. Siya na mismo ang nagprisinta na sumama kay mama.âBinasa ni Rana ang labi. âD-did they know?ââAng alin?âHindi nakapagsalita si Rana. Hindi niya alam kung anong t
âUgh..â ungol ni Rana habang pinipilit ang sarili na bumangon mula sa pagkakahiga. Ihing-ihi na siya.Tinignan niya ang oras sa kanyang cellphone. 5:28 am na. Nilingon niya ang nasa tabi niya.Mahimbing na mahimbing na ang tulog ni Bryson.Matapos nilang mag-usap kagabi ay sa isang umaatikabong tagpo na naman natuloy ang pag-uusap na iyon.Bandang huli ay hindi na nakapagluto ang lalaki at nag-order na lamang sila.At katatapos lang nila kani-kanina!Natawa si Rana at napailing nalang. She leaned in for a kiss.Muli siyang napaungol nang maramdaman ang pananakit ng buong katawan. Habang padalas nang padalas ang pagtatagpo ng kanilang mga katawan ay patindi rin ng patindi ang mga ginagawa sa kanya ni Bryson.Kung hindi lamang masarap ang mga ginagawa nito sa kanyang katawan ay umayaw na siya.She knows that Bryson might be good in bed. But she didnât expect this wild!Para siyang nasisiraan ng bait tuwing may mga bago itong ginagawa sa kanya.Kahit siya ay hindi niya na makilala ang sa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealistaïŒnais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments