แชร์

Chapter 5

ผู้เขียน: Moanah
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-02-23 21:08:21

“Ate, Nandito kana agad? Halos kararating ko lang sa paghatid saiyo ah?”, gulat na turan ni Lance ng makita siyang pumasok sa may pinto. Nasa sala ito at kasalukuyang gumagawa ng drawing ng bahay.

“Oo, sumakit ang ulo ko kaya umuwi na ako.”, saad niya na pilit ikinubli ang labis na kalungkutan.

„Sina Mark at Karl, tulog na ba sila?”, turan pa niya upang mabaling sa iba ang pagtingin ng kapatid na sa ngayon ay nakatitig sa kanya.

„Pumasok na sa room nila, sigurado kang okey ka lang?”, may pag-aalalang turan nito at tumango siya.

“Okey lang ako, inom lang ako ng gamot mawawala din ito. Sige na, pasok na ako sa kuarto ko.”, pahayag niya pagkatapos ay nagmamadali na niyang tinungo ang hagdanan baka makahalata pa ito. Ayaw niyang mag-alala ang kanyang mga kapatid kaya kung ano man ang nararamdaman niya sa ngayon ay sa kanya na lamang iyon. Pagdating niya sa taas ay binuksan pa niya ang kuwarto ng dalawang kapatid. Tulog na si Karl at inayos niya ang kumot nito pagkatapos ay binigyan niya ng haik sa noo bago lumabas sa kuawrto nito. Si Mark naman ay may hawak pang libro ng mapagbuksan niya ito at tila nagulat din sa mabilis niyang pagdating.

“Nakauwi kana agad, ate?”, takang turan nito at tumango siya kasabay ng bahagyang pagngiti.

“Bakit hindi ka pa natutulog? May exam ka ba bukas?”, wika niya dito at nag-inat muna iyon bago umiling.

“Hindi pa ako inaantok ate, magbabasa na lang muna ako”, tugon ng kapatid at nginitian niya ito. Kaya naman sobrang galing ng kapatid niyang ito dahil ginagawang libangan ang pagbabasa.

“Okey, punta na ako sa kuarto ko. Good night, Mark.”, pahayag niya at kumaway ito.

“Night ate; I love you.”, turan nito kung kayat nakangiti siyang umalis sa pintuan ng silid nito. Tahimik lamang at mukhang supladito ang kapatid niyang ito ngunit pagdating sa kanya ay super sweet nito. Sweet naman silang tatlo sa kanya at ramdam na ramdam niya ang pagmamahal at respeto ng mga ito sa kanya. Hindi gumawa ng hakbang ang mga kapatid niya kung hindi sinasabi sa kanya o kinukuha ang opinion niya. Pagpasok niya sa kanyang kuarto ay bigla ngang sumakit ang kanyang ulo kaya dagli niyang tinanggal ang damit at itinutok ang katawan sa shower.  Ngunit natapos siya sa paliligo ay parang mas lalong lumalala ang pananakit ng ulo kaya bumaba siya at kumuha ng gamot sa medicine cabinet at nagtungo sa kitchen upang kumuha ng maiinom.

Pagkainom niya ng gamot ay naupo muna siya sa harap ng mesa habang pinapakiramdaman ang sarili. Napahawak siya sa noo ng maalala ang nangayari sa party ni Yael kasabay pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Hindi pa rin siya makapaniwalang may girlfriend ng iba ang minamahal niyang lalaki at nanunuot ang sakit sa kanyang puso.

“Sorry ate.”, maya maya ay biglang yumakap ang kapatid sa kanyang likuran at mabilis niyang pinunasan ang mukha.

“Okey lang ako, sumakit lang ang ulo ko.”, saad niya na pilit ikinubli ang pag-iyak. Ngunit mas lalo lamang siya nitong niyapos at hinalikan ang ulo.

“Nang dahil saamin nagkaproblema kayo ni kuya Yael, sorry.”, ang kapatid kung kayat hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng kanyang luha.

“Ano ka ba, wala naman kayong kasalanan bakit ka humihingi ng sorry?”, saad niyang bahagyang tumawa kahit patuloy ang pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata.

“Nasaktan ka tuloy ng dahil saamin.”, patuloy pa nito kaya hinarap niya ito pagkatapos ay hinawakan ang kamay ng kapatid.

“Wala kayong kasalanan, okey? Marahil ay hindi nga kami para sa isa’t isa ni Yael isa pa he deserves someone better.”, saad niya at napatitig ito sa kanya.

“Paano ka?”, si Lance at hindi niya naiwasang ngumiti ng mapait.

“Kayo ang priority ko sa ngayon kaya masaya na ako kung nakikita kong masaya kayong tatlo.”, pahayag niya at napayakap ulit sa kanya ang kapatid.

“Thank you, ate; promise sisikapin kong makapagtapos para ako naman ang magtatrabaho para saating lahat.”, ang kapatid at nakangiti siyang yumakap din dito kasabay ng pagtapik sa likuran nito.

“Magtatrabaho tayong dalawa, mag-iipon alam mo naman na napakataas ng pangarap ng isa nating kapatid.’, saad niya at napakamot ito sa ulo habang nakatawa.

“Oo nga, kaya ba nating magpaaral sa Harvard?”, may pag-aalalang turan nito at kahit malabo pa sa gabi ay nagthumbs up siya dito.

“Kaya yan, tiwala lang!”, mas malakas pa sa kalabaw ang fighting spirit niya at natatawang umiling iling ang kapatid.

Eduardo’s Holding Company

“Sir, narito po ang mga documents ng mga applicants baka gusto niyo pong tignan muna bago sila pumasok isa isa.”, si Mrs. Santos kay Ezekiel kasabay ng pag-abot nito sa mga nakafolder na files ng mga applicants. Nainip na yata ang CEO sa paghihintay ng secretary nito at ito na ang nagvolunteer para mag-interview sa mga aplicante.

“Let me check, ilan silang lahat?”, turan ni Ezekiel kasabay ng pagkuha sa sa folder na hawak ni Mrs. Santos.

“Twelve po silang lahat sir at nagconfirmed po silang lahat na pupunta.”, tugon ni Mrs. Santos at tumango tango ang boss pakatapos ay isa isang pinasadahan ang mga resume ng mga aplicante.

After five minutes ay nagbigay na si Ezekiel ng hudyat kay Mrs. Santos na pwede nang pumasok ang mga ito for interview. Pagkakita pa lamang sa unang applicant ay hindi na niya nagustuhan ang sobrang ikli na palda nito kaya agad niya itong dinismissed. Ang pangalawa naman ay nagpapacute sa pangiti ngiti kaya tulad ng una ay hindi rin tumagal sa harap niya. Ang pangatlo naman ay masyadong mababa ang neckline ng inner nito at kitang kita ang cleavage kaya halos hindi pa nakakaupo ay pinalabas na niya ito. Ang panglima ay masyadong makapal ang make-up kaya tulad ng mga nauna aya napalabas din kaagad.

“Excuse me, sir. May humahabol po na applicant, endorse daw ni Attorney Garcia kung pwede daw pong sumingit dahil umexit lang daw siya saglit sa work niya.”, bigla ay sumingaw ang ulo ni Mrs. Santos sa may pintuan.

“Sabihin mo pumila siya, if she can’t wait pwede na siyang umalis!”, pasupladong pahayag niya. Nainis siya bigla, hindi porke may nag-endorse sa kanya ay nag-eexpect ng special treatment. Sa inis niya ay pinabagal niya ang pag-interview kahit wala siyang bet sa mga ibang pumapasok na applicante. Okey naman ang mga credentials ng mga ito kaso wala siyang magustuhan upang maging secretary niya. Pagkatapos ng labindalawang applicant ay nagbreak muna siya at nagbasa ng mga document ng thirty minutes bago nagbigay ng hudyat kay Mrs. Santos upang papasukin ang huling dumating. Ni hindi siya nagtaas ng mukha ng narinig ang pagbukas ng pintuan at maging ang pagbati nito ng makalapit sa harap ng kanyang mesa. Hindi niya nagustuhan ang ginawa nitong paghingi ng special treatment kung kayat nanatili siya sa pagbabasa at hinayaang tumayo ito sa harap niya ng sampung minuto. Infairness, ito lamang ang nakaslacks sa mga pumasok sa kanyang upisina upang magpainterview.

“Tell me about yourself.”, sa wakas ay turan niya habang nakapokus pa rin ang mukha sa binabasa.

‘Good morning, sir, I’m Anna Marie Lacuesta, twenty-four years old…”, panimula nito at bigla siyang natigilan pagkarinig sa pangalan nito. Pag-angat ng kanyang mukha ay pasimple siyang umayos mula sa pagkakaupo at mariing tumingin sa mukha nito habang nagpapakilala sa sarili. She looks so fresh and simple, nakalugay lamang ang hanggang balikat nitong buhok at kaunting blush on lamang ang nasa pisngi samantalang parang natural na pink lamang ang kanyang mga labi. Nakaslacks ito ng gray na kung saan nakatuck ang putting inner nito na halos natakpan ang skin hanggang sa punong leeg nito na pinatungan din ng kulay gray na blazer at pinaresan ng halos tatlong pulgada yata ang taas ng kulay gray ding close shoes. Wala din itong kolorete sa mga kuko at halos mapataas ang kilay niya dahil ang iiksi ng mga kuko nito. Parang ito lang yata ang babaing nakita niya na hindi mahahaba ang kuko at walang magandang tinta.

“That’s all sir, and thank you.”, narinig niyang turan nito. Agad siyang napakumpas sa mga daliri kahit wala siyang naintindihan sa mga sinabi nito.

“Okey, what do you think of me?”, straight niyang pahayag at halatang nagulat ito.

“Sorry, sir?”, hindi yata makapaniwala sa narinig kung kayat inulit niya ang kanyang sinabi.

“I said, what do you think of me?”, turan na habang tumitig sa mukha nito.

“In my point of view sir, you are a dignified and respectable person.”, saad nito at naitaas niya ang kanyang kilay. Sa isip niya hindi man lang ba nagandahang lalaki ito sa kanya?

“In your wildest dream, don’t you find me attractive and potential to be your boyfriend?”, wika niya at halatang natigilan ito at nanlaki ang mga mata.

“No sir!”, saad nito at ramdam niyang nag-init ang kanyang mukha. Ano ito cynic at hindi man lamang nakaramdam ng ano sa kanya samantalang halos lahat ng mga babaeng lumalapit sa kanya ang gustong makuha ang atensiyon niya?

‘What then?”, hindi niya napigilang magsungit dito.

“Pasensiya na sir, pero trabaho po ang dahilan kung bakit po ako nandito at hindi po ang paghahanap ng boyfriend.”, saad nito kung kayat mas lalong tumaas ang kanyang kilay. Sa hitsura nito ay tila hindi man lamang niya nakitaan na may dating siya dito. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam siya ng pagkainis dito.

“Good! This office maintains decency and does not condone bitches act. You can go!”, pagdidismissed niya dito.

“I’ll give the result to the HR, and they will be the one to contact you for the result.’, saad niya ng hindi ito agad tumalima. Pagkarinig sa sinabi niya ay napilitan itong tumango pagkatapos ay biglang rumehistro sa mukha ang tila kawalan ng pag-asa. Ganon pa man ay nagpasalamat ito sa kanya pagkatapos ay bahagyang yumuko bago tinungo ang pintuan ng kanyang upisina.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Entangled With My Entitled Boss   Chapter 51

    Wala namang pag-aalinlangan si Anna na bantayan at alagaan si Ezekiel habang may sakit. Hindi naman ito part ng kanyang trabaho bilang secretary; hindi rin nito hiningi o inutos pero kusa niyang inobliga ang sarili na samahan at alagaan ito. Bukod sa nag-alala siya sa kalagayan ng binata ay hindi rin maatim ng kanyang konsensiya na basta na lamang iwanan ito sa ganoong sitwasyon.“Morning, ate, kumusta si kuya Kiel?”, si Lance sa kabilang linya. Eksaktong pababa siya sa maganda at may kataasang hagdan ng tumunog ang kanyang cellphone na nakatago sa kanyang bulsa.„Ayun, sa awa ng Diyos unti unti ng bumubuti ang kanyang pakiramdam.”, turan niya at napataas ang kanyang kilay sapagkat tila nakahinga ng maluwang ang kapatid.„Salamat naman kung ganon, Ate, kawawa naman si kuya Kiel. Diyan ka muna, ate, alagaan mo muna si Kuya.”, si Lance at sa tinuran nito ay napatigil siya sa gitna ng hagdanan at pinamaywangan ang kapatid kahit hindi siya nito nakikita.„Aba! Aba! Ginawa mo pa akong yaya

  • Entangled With My Entitled Boss   Chapter 50

    “Kuya, sa hospital po tayo.”, instruct ni Anna kay kuya Delfin. Sa lagay ni Ezekiel ay parang hindi na tatalab ang pilit niyang pinainom na tableta. Mas lalong namula ang mukha nito at namamaga.„Sa bahay na lang Ms. Anna, naghihintay na si Dr. Rick doon.”, kalmadong tugon ni Kuya Delfin habang nagmamaniobra sa manibela.„Hindi ba mas safe kung sa hospital natin siya dadalhin?”, may pag-aalalang turan niya kasabay ng pagsulyap niya sa binata. Nanatili lamang itong nakapikit at kalmado ngunit halatang nahihirapan sa paghinga sapagkat napakabilis ng pagtaas-baba ng dibdib nito.“Baka mas lalong makasama sa kanya, ayaw na ayaw ni bossing ang pumupunta sa ospital.”, turan ni Kuya Delfin. Napatingin siya sa driver ngunit nagkibit ito ng magkasalubong ang paningin nila sa salamin. Pumasok tuloy sa isip niya na takot ang binata sa ospital o di naman kaya ay may phobia. Muli ay ibinalik niya ang paningin kay Ezekiel na noon ay biglang nagmulat kasabay ng paglagay ng kamay sa may dibdib pataa

  • Entangled With My Entitled Boss   Chapter 49

    Chapter 49“Ms. Anna, kanina pa sa loob ng sasakyan sina bossing, saan ka nagpunta?”, si kuya Delfin ng agad binuksan ang pang-unahang pintuan ng sasakyan.„Sorry, kuya, may binili lang.”, paliwang niya ngunit sumenyas sa kanya si kuya Delfin na dalian na niyang sumakay."Where have you been? We've been stuck here for ages!", hindi pa man siya nakakasampa sa loob ay sinalubong na siya ng yamot na yamot na binata.“Sorry, sir, akala ko malapit lang yung binilhan ko pero may kalayuan pala.”, nakayukong turan niya dahil sa sobrang hiya.“Whatever! Let’s move.”, supladitong saad nito at lihim siyang napasulyap kay kuya Delfin habang nakakimkim ang bibig. Pasimple namang ngumiti ng bahagya sa kanya ito kung kayat binalewala lang niya ang kasungitan ng binata. Kahit ulanin siya ng katakot takot na sermon ay tatanggapain na lamang niya sapagkat may kasalanan naman talaga siya. Mabuti na lamang at hindi nito naisipang iwanan siya kundi magkakaproblema siya ng mas malaki.Gaya ng sinabi ni Eze

  • Entangled With My Entitled Boss   Chapter 48

    “Sir, thank you po pala sa binigay niyong opportunity kay Lance. Tatanawin ko pong malaking utang na loob sainyo.”, saad niya kay Ezekiel ng makahanap ng tiyempo upang makapagpasalamat dito. Hindi niya agad agad nakausap ang binata sapagkat kaliwat kanan ang meeting nito sa labas. Sa ngayon ay nasa loob lamang ng upisina ang binata at nagbabasa ng mga reports.“It was his talent that opened this door for him; there’s no need for that.”, uninterested na tugon ng binata habang nakatuon sa ginagawa; ni hindi man lamang ito nag-angat ng mukha.“Salamat pa din po kung ganon. May ipag-uutos po kayo saakin? Itimplahan ko po kayo ng kape?.”, saad niya dito.„Send this back to the respective departments, and require compliance within 24 hours.”, sa halip ay turan ng binata sabay patong sa harap niya ang ilang folders.“Yes sir, masusunod po.”, wika niya at agad kumilos upang kunin ang mga ito.“Make a lunch reservation for three in Moonlight.”, saad nito matapos niyang makuha ang mga folders

  • Entangled With My Entitled Boss   Chapter 47

    After ng ingkwentro nila ni Ezekiel sa upisina nito ay bumalik sa pagiging seryoso at non-chalant ang binata. Yung tipong tahimik at saka lamang kikibo kapag may iniuutos. At kung dumadating naman ay parang wala itong nakikita kahit binabati niya ito ng good morning. Pero okey lang naman para sa kanya, mabuti nayun para matigil na ang kahibangan niya sa binata. Hindi sila magkauri ni Ezekiel at baka mas marami pang panghahamak ang kanyang matanggap kung hahayaan niya ang sariling mafall ng tuluyan dito. Magtiis na lang muna siya, siguro kapag grumaduate na si Lance pwede na siyang umalis sa pagiging secretary nito at mag-abroad na lamang. Marami kasi ang mga kailangan ng mga kapatid ngayon kaya hindi siya basta basta umayaw na lamang sa kanyang trabaho. Hindi niya kikitain sa iba ang sweldo niya sa ngayon pwera na lamang kapag mataas ang kanyang pwesto. Pero sa katulad niyang ilang years pa lamang na nagtatrabaho ay imposibleng makakahanap siya ng trabahong mataas agad ang posisyon.

  • Entangled With My Entitled Boss   Chapter 46

    Ezekiel was furious after being rejected by her a few days ago. Despite his status and accomplishments, he felt small and unwanted after she declined his proposal. Hindi niya ubos maisip kung ano ang kulang sa kanya upang ayawan siya ng dalaga. Ilang araw na ang nakakalipas ngunit nararamdaman pa rin niya ang galit sa kanyang dibdib. The hurt ran too deep, and he couldn't forgive her for shattering his confidence, for making him feel so utterly insignificant.Pero hindi niya alam kung paano ilalabas ang galit dito. He often felt the urge to be harsh, cold, and sarcastic, but the moment he saw her hurt and disappointed expression, his anger melted, replaced by an overwhelming desire to hold and kiss her. He'd planned revenge, but it fell apart. Instead, he found himself holding her, kissing her with a passion he never knew he possessed, a desperate attempt to suppress the longing he had felt. To his surprise, she yielded completely. He lifted her, undressed her, his touch burning wit

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status