Dumating si Lucilia sa Shangrila hotel, kung saan kasalukuyang ginaganap ang birthday celebration ng anak niyang kambal.
Basang-basa si Lucilia dahil bumuhos ang malakas na ulan habang naglalakad sila papunta sa venue. Nakasuot ng raincoat ang anak niyang si Lilo at binalot naman niya ng plastic ang dalang cake para hindi ito mabasa. Samantalang siya ay sumuong nalang sa ulan. Nagulat pa ang lahat ng buksan niya ang pintuan ng hotel. Lahat nagsitinginan sa kanya at nagbulong-bulungan. "Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ng isang babae. "Mukha siyang basang sisiw." Natatawang saad naman ng isa. "Ano bang ginagawa niya rito?" Tanong rin ng isa. Gustong ipamukha ni Lucilia na birthday lang naman ng mga anak niya kaya siya narito pero hindi niya nalang ito pinansin. Bakit parang gulat na gulat sila eh ako naman ang ina ng mga birthday celebrant? Tanong ni Lucilia sa isip niya. Nabaling lang ang attention ni Lucilia sa harap ng magsalita ang asawa. "Anong wish mo, anak?" Tanong ni Nolan kay Leland. "I want tita Lilah to be my mother!" Masiglang saad ng bata. Parang tinurok ng maraming karayom ang puso ni Lucilia sa narinig mula sa anak. Natawa naman si Lilah na nasa tabi lang ng anak niya. "Ano ka ba naman hindi pwedi iyan kasi may mommy ka naman eh." Natatawang saad ni Lilah. "Then dad would divorce mom para ikaw na maging mommy ko." "Bakit mo naman gustong magkaroon ng bagong mommy?" Tanong pa ni Lilah. "Because daddy likes you." "Saka napaka controlling ni mommy kaya ayaw ko na sa kanya." Nakangusong saad ni Leland. Noon pa man ay ramdam ni Lucilia na hindi siya gusto ng anak. Pero pinagtitiisan niya nalang ito dahil bata pa. Umaasa siya na magbabago ito habang lumalaki. At sa seven years na pagsasama nila ng asawa ay hindi niya naramdaman na mahal siya nito. Simula nung iluwal niya ang kambal ay natulog na sila sa magkahiwalay na kwarto. Alam ng lahat na childhood sweetheart sina Nolan at Lilah. At marahil nga ay mahal pa ni Nolan ang babae. "I like you to be my mom because daddy likes you. And that's my birthday wish." Saad pa ni Leland. Napangiti naman si Lilah na parang na touched sa sinabi ng bata saka ito niyakap at hinalikan sa noo. Nanigas si Lucilia sa kinatatayuan. Simula pagkabata ay ayaw na ayaw ni Leland ng physical contact especially sa kanya pero ngayon nakikita niya ang anak na kayakap ang babaeng ninanais nitong maging kanyang ina. Durog na durog ang puso ni Lucilia sa nakikita. Namumuo na rin ang luha sa mga mata niya. "Mommy." Tawag sa kanya ni Lilo. Pinilit niyang ngumiti saka hinarap ang anak. "Anong birthday wish mo, anak?" Nakangiting tanong ni Lucilia. "I only want you, mommy." Saad ni Lilo. "How about your daddy and Leland?" Umiling lang si Lilo saka niyakap si Lucilia. "Don't cry na mommy, hayaan mo po pagsasabihan ko si Leland na huwag ng lumapit kay tita Lilah." Saad pa nito. Napangiti nalang ng lihim si Lucilia. Pero nakapag desisyon na siya. Pagod na siyang maging invisible sa buhay ng asawa at anak niya. Kaya gusto na niya itong tapusin ngayon din. Hinawakan niya ang kamay ni Lilo saka sila naglakad palapit kina Nolan, Leland, at Lilah. "Lucil." Gulat na saad ni Lilah. "What happened? Bakit basang-basa ka?" Tanong nito pero hindi siya pinasin ni Lucilia. Tinanggal nito ang supot ng cake saka ito inilagay sa mesa at hiniwa. Nag bake siya ng cake na may desinyong mukha ng kambal. Siya palagi ang gumagawa ng cake ng kambal kasi may allergy si Leland sa gatas at dairy. Ibinigay niya ang hiniwa na cake kay Leland. "Ayaw ko niyan." Saad ni Leland saka itinapon sa sahig ang cake. "Itong cake ni tita Lilah ang gusto ko." Saad pa nito saka kinain ang cake na dala ni Lilah. "Allergic ka sa gatas, Leland." Suway ni Lucilia. "Allergic siya sa dairy kasi hindi mo naman siya pinakakain nun. Kung palagi mo siyang pinakakain nun edi mawawala na yung allergies niya." Saad ni Lilah. "Tita Lila is right." Saad ni Leland habang kumakain ng cake. Nasaktan si Lucilia sa ginawa ng anak. Hindi niya akalaing ipapahiya siya ng sarili niyang anak. Anak na iniluwal, inalagaan, at minahal niya ng limang taon ay ngayon pinagtutulakan na siya palayo. Pinunasan niya ang luha niya saka nagsalita. "Wish granted. Simula ngayon hindi mo na ako mommy." Saad ni Lucilia. Napatingin naman sa kanya si Leland. "Lucil!" Saway ni Nolan. "Papatulan mo ang sinasabi ng bata?" "Mag divorce na tayo. Magkita nalang tayo sa Regional Trial Court bukas ng alas tres ng hapon." Saad ni Lucilia saka hinila si Lilo palabas ng hotel. "Lucil!" Tawag ni Lilah. "Hayaan mo siya." Saad ni Nolan. "Kailangan mo siyang pigilan at suyuin." "Suyuin? Nagpapatawa ka ba, Lilah? Huwag kang mag alala pag uwi namin nakabantay lang yun sa may pintuan. Siya ang manunuyo at mag mamakaawa sa akin at hindi ako." Saad ni Nolan saka uminom ng wine at nakipag usap na sa mga kaibigan. Pagkatapos ng party ay nakatulog si Leland sa couch habang nagliligpit yung mga tao sa paligid. Nagising nalang ito dahil sobrang nangangati na ito. "Daddy!" Iyak ni Leland. Napalingon naman si Nolan na busyng nakikipag usap. Nilapitan niya ang anak at nakitang kamot ng kamot ito sa buong katawan. "What happened?" Tanong ni Nolan. "Ang kati po." Naiiyak na saad ni Leland at medyo nahihirapan na ring huminga. Tiningnan ni Nolan ang leeg ng anak at may mga rashes na nga ito. "It's your allergies." "Kasalanan ito ni mommy kung sana pinapainom at pinapakain niya ako ng dairy eh hindi ako magkaka allergies." Uniiyak na saad ni Leland. Kinarga ni Nolan ang anak saka nag drive pauwi. Ine-expect niya na sasalubungin sila ni Lucilia sa pintuan nila pero hindi ito nangyari. Ang sumalubong sa kanila ay si manang Esther, ang kasambahay nila. "Nasaan ang asawa ko?" Tanong ni Nolan. "Wala po dito si madam at young lady, sir. Umuwi po sa tahanan ng mga magulang niya." Saad ni manang Esther. "What?!" Gulat na tanong ni Nolan. Hindi siya makapaniwala na umalis talaga si Lucilia at iniwan sila. Sinubukan niyang tawagan ang asawa pero hindi nito sinagot ang tawag niya. "I can't believe her. May allergies na ang anak niya pero wala lang siyang pake?!" Galit na saad ni Nolan sa sarili. "Manang Esher, get Leland's medicine!" Utos nito. "Naku sir hindi ko po alam kung nasaan." Nakatanggap naman ng matalim na titig si Manang Esther mula kay Nolan. "Anong hindi mo alam?" Galit na saad nito. "Si madam naman po kasi ang nag aasikaso ng mga medisina ng kabal." Paliwanag ni Manang Esther. Nasapo nalang ni Nolan noo niya sa inis."Lilo, anak, lumaban ka." Umiiyak na Saad ni Lucil habang ipinapasok ng emergency room si Lilo."Misis, hanggang dito lang po kayo." Hinarang ng isang nurse sina Lucil at Donovan.Wala naman silang nagawa kundi ang maghintay nalang sa labas ng emergency room.Umiiyak at nanginginig na napaupo sa sahig si Lucil. Napatingin siya sa nanginginig niyang mga kamay na may dugo ni Lilo. Mas lalo siyang naiyak ng maalala ang duguang itsura ng anak niya.Niyakap nalang ni Donovan ang asawa para kahit papaano ay kumalma ito."Magiging okay rin si Lilo. Magdasal nalang tayo." Saad ni Donovan. Tumango naman si Lucil. Taimtim nga silang nagdasal na sana ay making mabuti ang kalagayan ni Lilo.Maya-maya ay dumating si Nolan na humahangos agad niyang itinulak si Donovan palayo at hinawakan sa magkabilang braso si Lucil at itinayo."Anong nangayri sa anak ko?!" Sigaw ni Nolan. "Bakit mo siya pinabayaang mabangga ng kotse? Anong klase kang Ina?" Dagdag pa ni Nolan. Walang nagawa si Lucil kundi ang umiy
Habang dumadaan ang mga araw ay may lumalago ang galit na nararamdaman ni Lilo kay Lucil. Napaniwala na siya sa mga kasinungalingan ni Nolan.Inis na pinatay ni Lilo ang alarm clock nung tumunog ito saka bumalik sa pagtulog. Ngayong araw ay susunduin na siya ni Lucil pero ayaw na niyang sumama dito.Maya-maya ay pumasok si Nolan sa kwarto ni Lilo para gisingin ito."Anak, bangon ka na diyan. Tumawag na ang mommy mo, susunduin ka na niya." Saad ni Nolan."I don't want to." Saad ni Lilo saka nagtalukbong ng kumot."Sir?" Napalingon si Nolan ng may tumawag sa kanya. Si Manang Esther pala."Bakit Manang?" "Nasa baba na po si madam Lucil, hinihintay si young lady." Saad ni Manang Esther. Tumango naman si Nolan."Did you heard that young lady? Nasa baba na ang mommy mo kaya bumangon ka na diyan." Padabog Naman na bumangon si Lilo saka nagtungo ng banyo para maligo."Manang, pakisabi kay Lucil na maghintay sandali dahil naliligo pa si Lilo." Utos ni Nolan."Yes, sir." Saad ni Manang Esther
Kinabukasan ay maagang si Lilo dahil sa sinag ng Araw na tumatama sa mukha niya. Kinusot niya ang mata saka bumangon. Nagtungo siya sa banyo para maghilamos at mag toothbrush. Pagkatapos ay tumakbo papunta sa kwarto ni Nolan.Nakita niya itong mahimbing pang natutulog kaya marahan niya itong ginising."Daddy, wake up." Tawag ni Lilo. Dahan-dahan namang nagmulat ng mata si Nolan at nakita ang anak."Bakit, anak?" Tanong ni Nolan."Bangon ka na po at prepare ka na ng breakfast."Nagtataka namang napatingin si Nolan sa anak. Andiyan naman kasi si manang Esther para maghanda ng breakfast nila."Go and tell Manang Esther to prepare breakfast." Utos ni Nolan pero kumunot ang noo ni Lilo saka bumusangot. Nag cros arms pa ito sa harap ng daddy niya.Naintindihan Naman agad ni Nolan ang ibig sabihin ng anak niya. Gusto nitong siya ang magluto ng breakfast para makapag bonding na rin silang mag ama."Alright, alright magluluto na ako." Saad ni Nolan saka bumangon na sa kama.Napangiti at napata
Kinagabihan ay kinauspa ni Lucil si Donovan tungkol sa pinag usapan nila ni Lilo, na dadalaw ito sa daddy at kambal niya kinabukasan."Hon, gustong dumalaw ni Lilo sa daddy at Kapatid niya at pinayagan ko Naman siya. Okay lang ba Sayo Yun?" Tanong ni Lucil habang nakahiga sila sa kama."Oo naman, daddy niya parin si Nolan at Hindi ko ipagkakait sa kanya na makasama ang totoong daddy niya at ang Kapatid niya Lalo na kung nami-miss na niya ang mga ito." Saad ni Donovan. Natuwa naman si Lucil kaya hinalikan niya sa pisngi si Donovan saka niyakap."Thanks hon." Saad nito.Pagkatapos nilang mag usap ay natulog na rin Silang dalawa.Kinabukasan ay maagang nagising si Lilo dahil super excited itong Makita ang daddy at Kapatid niya. Pumunta pa nga ito sa kwarto nila Lucil at Donovan nang 4:30 am at ginising si Lucil."Mommy, wake up." Saad ni Lilo habang niyuyugyog ang Ina."Hmmm?" Si Lucil.Nagising naman agad si Donovan ng marinig ang bosses ni Lilo."Good morning, princess, why so early?
Nakangiwing nanonood si Lilo habang naglalambingan sina Lucil at Donovan."Uhmm can you guys stop it now?" Saad ni Lilo na nagpatigil kina Lucil at Donovan."Lilo, you're still here?" Nanlalaki ang matang tanong ni Donovan."Yes.""So you see...""I've seen it all. Kaya tumigil na ho kayo kasi nandidiri na ako." Mataray na saad ni Lilo.Hindi naman makapaniwala si Lucil na ganito na magsalita ang anak niya. Para na itong teenager kung magsalita samantalang five years old palang naman ito."Titigil na. Let's go to your room now." Aya ni Lucil sa anak."How about me?" Tanong ni Donovan.Tiningnan lang siya ni Lucil saka ito ngumiti."Ayusin mo nalang yung mga pinamili ko. Thanks!" Sad nito saka umakyat na ng hagdan kasama si Lilo.Bumagsak naman ang balikat ni Donovan pero dahil gusto niyang maging mabuting asawa ay binuhat niya papuntang kitchen yung mga pinamili ni Lucil saka isa-isang inilagay sa pantry yung mga canned goods, biscuits, at pasta. Inilagay naman nito sa freezer yung mg
"Nag pa press conference kapa at ipinagkalat mo sa buong mundo na niloko ka namin ni Donovan pero ikaw, kayong dalawa naman talaga ang mga manloloko!" Sigaw ni Lucil."Hindi kita niloko." Saad ni Nolan."Mas lalo naman ako!""Kalimutan na natin ang lahat ang mahalaga ay bumalik ka na. Pinapatawad na kita." Tumaas ang kilay ni Lucil matapos marinig ang sinabi ni Nolan.Akmang sasagot na si Lucil ng matigil siya dahil sinampal ni Lilah si Nolan. Parehong nagulat sina Lucil at Nolan sa nangyari.Galit na napatingin si Nolan sa gawi ni Lila. Sobrang talim ng tingin niya dito na animoy pinapatay na niya ito. Hinawakan niy ang wrist nito saka hinila palabas ng office. Pero nakawala si Lila kaya tumakbo ito sa gawi ni Lucil saka niya ito sinabunutan."This is all your fault! Dahil sayo okay lang Nolan na nawala ang baby namin!" Sigaw ni Lilah habang sinasabunutan si Lucil.Lumaban naman pabalik si Lucil kaya nagsabunutan silang dalawa. Umawat naman si Nolan, hinila niya palayo si Lilah."Get