''tell me about yourself?" seryosong tanong ng lalaki sa isang inosenteng dalagita na nasa kanyang harapan . Hawak ang isang papel bago ibigay sa dalaga . Nakalagda doon ang mga rule's na kailangan sundin ng dalaga para maging asawa nito . ''ano ito job interview?'' naloloka niyang tanong . ''hindi ba trabaho ang gagawin mo sa akin , magpanggap kang asawa ko at bayaran kita buwan buwan plus unti unting mahulugan ang utang ng iyong pamilya sa akin .Kung bakit kasi hindi nag iisip ang ama mo bago siya gumawa ng isang hakbang .Ang tanging nasa isip lang pera! '' pabulyaw nitong salita .Unti nalang mawawalan na siya temper dahil sa pagiging isip bata ng dalaga .Nagsisi si Dreymond na pumayag sa kondisyong hindi niya alam kung hanggang kailan ang pasensya niya sa isip batang katulad ng dalaga . Magagawa kayang sikmurain pakisamahan ni Evie Quinros ang isang babaerong lalaki .Magpapakasal sila at maging asawa siya sa isang papel lamang pero paano kung mas higit pa ang hingiin nito .Hindi niya gustong mahirapan ang kanyang ama dahil sa utang nito .Gagawin niya lahat kahit maging asawa pa ng isang manhid at walang puso na lalaki basta mabayaran niya lang ang pagkakautang ng kanyang ama sa mga Clarkson at ano ang matutuklasan ni Evie sa buhay ni Dreymond. Warning this is SPG 18+ is allowed to read this book .
View More''Pancho ano gagawin natin ngayon mukhang ginigipit na tayo ng mga Clarkson '' nag aalalang tanong ni Mae sa asawa niyang nakayuko sa mesa . Hindi nila alam na sila ang aako sa lahat ng panloloko ng kaibigan nito .
''hindi ko alam honey hindi ko na alam ,uuwi ngayon si Evie ayaw kong malaman niya ang tungkol dito! '' sumasakit na ang kanyang ulo kakaisip kung paano niya malulutasan ang kabobohan niyang nagawa . Tinuringan siyang matalino pero parang ang dali niyang maloko .Isa pa sa iniisip nila ang pauwi nilang anak galing sa ibang bansa .Hindi nila paano ipapaliwanag na mahirap na sila gayong buhay prinsesa ito nang ituring nila . Sarili nga nila hindi sila maka adjust sa sobra ng pagtitipid nila dahil walang wala na sila .Even Bank hinahabol na rin sila dahil sa utang nila. ''Ilabas niyo si Pancho Quinros '' sigaw ng dalawang lalaki mula sa sala .Basta basta nalang pumasok ang mga ito na akala ang tatapang nila . Nagmadaling pumunta sa taas ang katulong nila na matagal nang naninilbihan sa kanila .Kahit sinasabi nilang umuwi na ito dahil baka wala na silang maipasahod ay nanatili parin dahil wala naman na daw siyang pamilya na uiwian . '' ma'am Mae may mga lalaking basta basta nalang po pumasok sa loob galit na galit at hinahanap si sir sa tingin ko pp mga tauhan ng Clarkson'' agad agad lumabas ang mag asawa para tignan kung sino ang mga ito at hindi nga sila nagkakamali dahil mga tauhan ng mga Clarkson ang mga lalaking pumasok .Naramdaman na naman ng mag asawa ang kabang parang may nagkakarerang kabayo sa kanilang loob loob . ''narito kami para sabihin sayo na huwag mong tangkain tumakas mamaya may mga pulis ng aakay sayo para ikulong ka '' pagbabanta ng mga lalaki .Natakot naman si Pancho at walang nagawa kundi tumango .Wala na siyang magagawa kundi ang magpakulong nalang .Saan ba naman siya kukuha ng pera gayong wala na silang natira .May pera naman ang anak nilang dalaga pero ayaw niyang galawin ito dahil kailanganin niya ito balang araw. ''hindi naba mapaka usapan si mr.Clarkson paki usap huwag naman ganito.Paano kami makakabayad kung ipapakulong niyo naman ang asawa ko ? '' takot na takot si Mae at ayaw niyang makulong ang kanyang asawa .Paano nalang sila ng kanyang anak kung pati ang kanyang asawa ay mawawala .Wala na silang kapera pera dahil binayad na rin nila sa bangko .Hindi naman nila pwedeng ibenta o ibigay ang bahay na meron sila dahil ito lang ang tanging kayamanan na maibibigay nila sa nag iisa nilang anak . Pagpasok ni Evie sa kanilang bahay ay nadatnan niyang nakaluhod ang kanyang mga magulang sa mga lalaking hindi niya kilala .Kumaripas siyang tumakbo patungo sa mga magulang niya. ''mama,papa ano po ginagawa niyo bakit kayo nakaluhod ?" kauuwi lang ni Evie galing sa paaralan marami siyang inasikasong mga documento dahil kailangan na niyang makahanap ng trabaho .Mabuti nalang at nakapagtapos na siya. ''anak makukulong ang papa mo dahil sa mga utang niya sa mga Clarkson.Patawarin mo kami anak kung hindi kami nagsabi sayo ng totoo .'' gustong pigilan ni Pancho ang kanyang asawa dahil hindi niya gustong malaman ni Evie ang tungkol sa kalagayan ng kanilang pamilya.Gusto niya manatili itong walang iniisip . Pero nasabi na niya at nakita niyang lumaha ang nag iisa nilang prinsesa . Niyakap niya ang mama't papa niya . ''papa hindi na po ako bata para sa ganyan . Ayos lang po na malaman ko ang tungkol sa nangyayari sa inyo malay niyo matulungan ko kayo ?" akala niya nalugi lang ang nag iisang negosyo na meron ang kanyang mga magulang pero mas malala pala ang nangyari .Nagtataka siya kung nagawa ng mga ito umutang ng ganong kalaking halaga . ''at ano naman tulong ang maibibigay mo ?" seryosong tanong ng isang lalaking kakapasok palang sa kanilang bahay . Napapikit siya dahil sa malamig nitong boses at matapang na awra . Nakaramdam siya ng takot dahil baka tulad ito ng mga ibang tao na walang puso .Hindi niya kilala ang taong pinagkakautangan ng kanyang ama . ''parang awa niyo ng mr.Clarkson huwag niyo pong ipakulong ang asawa ko '' saksi si Evie kung paano magmakaawa ang kanyang ina't ama sa lalaking hindi man lang sila tinignan .Napalunok siya dahil sa kanya ito nakatingin .Inayos niya ang sarili at tinakpan niya ng unan ang kanyang hita . ''hindi pwedeng hindi siya makulong dahil ang laki ng utang niya sa akin . '' walang nagawa si Pancho at Mae kundi bumalik sa sofa kung saan nakaupo ang kanilang nag iisang anak .Hindi gusto ni mr.Clarkcson ang makulit dahil naniniwala ito sa isang salita lamang . ''huwag niyong gawing tumakas dahil pag oras na ginawa niyo iyon .I swear kulang ang buhay na meron kayo sa utang niyo sa akin '' medyo nasaktan si Evie sa salitang binitawan ng lalaki .Nasaktan siya dahil mas katumbas ng halaga pala ang kanilang buhay .Para sa kanya walang puso ang tulad ng lalaking nasa kanyang harapan . ''gwapo ka sana demonyo ka ngalang '' inis niyang bulong sa kanyang sarili . Napansin ni Dreymond ang dalaga sa tabi ng mag asawa .Alam niyang anak ito ng dalawa at humanga sa gandang meron ito .Pero uso pala ang bumulong at yon ang ayaw na ayaw niya kung nasa ganito siyang kalagayan. ''speak louder, miss'' ibubuka na sana niya ang kanyang labi ng biglang tinakpan ng kanyang ina .Napatingin siya at umiling iling lang ang kanyang ina at naintindihan niya iyon .Kilala ni Mae ang kanyang anak walang preno ang bunganga nito at prangka . Kailangan nilang pigilan makapagsalita ng kung ano ano dahil baka lalong magalit sa kanila si mr.Clarkson .''Hindi pa nakaabot ng isang taon ang asawa mo nasa limang buwan palang bago ito namatay magpapakasal kana ?" nasa kulungang siya ngayon dinalaw ang kuya Danilo niya dahil ito lang ang bukod tanging makakausap niya ng maayos .Kung kay kuya Danny naman niya ay sermon lang ang aabutin at hindi niya ito mababara sa pagsagot dahil para dito laging ito ang magaling at matino . Samantala ang kuya niya Danilo ay laging nakikinig ito sa kanya . ''wala kana doon kuya para na rin ito sa anak ko '' napanganga si Danilo sa kanyang narinig . ''may anak ka ?" gulat nitong tanong .Bakit wala siyang alam na may anak pala ito. ''yes at bente sais anyos na siya '' ''so matagal mo ng niloko si Aurora ?"" napailing siya dahil talagang manloloko ang kanyang kapatid .Hindi niya akalain na matagal na palang may anak ito pero bakit hindi nito sinabi sa kanilang ama para naman nabigyan ng mana ang anak nito . ''yaman lang ang habol ko sa babaeng iyon kuya at kung tatanungin mo kung bakit hindi
Malungkot na nakauwi si Michelle galing sa pilipinas kung saan lihim niyang kinuha ang abo ng kanyang amo at inuwi sa probinsya at tinabi nito sa abo kay Don De vera. Dalawang buwan siyang nagsiyasat at hinanap ang taong sinabi ng kanyang amo para makausap . Bago namatay ang kanyang amo nakatawag pa ito at binilin sa kanya ang lahat lalong lalo kay Aria . ''totoong aksidente ang nangyari kay ma'am Aurora pero may nakalap akong impormasyon.Gustong tumakas ni Aurora sa araw na iyan pero hindi natuloy dahil sa aksidente.Narinig ng katulong na nagpatakas kay Aurora tumakas ito na nahihilo .Maraming naimon na sleeping pills si ma'am Aurora at nang magising iba na ang epekto at dahil alam nitong nanganganib na ang buhay niya nagpasya siyang tumakas sa tulong ng katulong .'' habang pinapakinggan niya ang bawat salita na lumalabas sa boses ni Michelle nakaramdam siya ng galit kay Dante Clarkson.Kuyom ang kanyang palad habang nakatitig siya sa mukha nito na nasa larawan . '' pinilit niyang
Umuwing mainit ang ulo ni Dante .Wala siyang napala sa lahat . "anong nangyari?" agad na tanong ni Cora sa kanya bigla nalang itong umalis ng walang paalam tapos babalik na mainit ang ulo . "walang nangyari sa plano natin Cora ...walang hiya ka Aurora kung alam ko lang na may anak ka noon sana ito ang inuna ko bago ikaw" kahit anong sigaw niya wala na din silbi dahil hindi siya maririnig ni Aurora. "may anak siya?" gulat na tanong ni Cora.Bigla siyang natakot kay Dante kaya napalayo siya kaunti sa kinatatayuan nito habang nagsisigaw na parang nasa harapan niya si Aurora. "oo Cora may anak siyang kasing edad ni Kriza .Hindi ko akalain na ako ang niloko ni Aurora kung alam ko lang na may plano ito sana hindi pa natapos ang buhay ng babaeng iyon" kung nasa harapan niya lang si Aurora paulit ulit na sana niya ito binugbug .Iba pa naman siya pag galit gusto niyang ilabas . "ano ang plano mo ngayon" malumanay na tanong ni Cora .Nag aalala siya na baka sa kanya ibunton ni Dante
Tatlong buwan ng patay si Aurora nanatili paring nakangiti si Dante . Lahat pulido at walang aberya dahil sa kanyang plano . Pero sa mata ng lahat nanatili siyang nagdadalamhati kaya lagi siyang nakakatanggap ng simpatya ng ibang tao . '' ngayong patay na si Aurora ano ang balak mong gawin ?" tanong ni Cora paglapit niya kay Dante.Nilapag niya muna ang tea na pinagawa sa kanya saka umupo sa tabi ni Dante . '' ano pa nga ba o di kukunin ko lahat ng ari arian na meron ang asawa ko .Ito ang plano Cora '' humagikigik si Cora sa tuwa .Hindi naman masasabing may foul sa pagkaka aksidente ni Aurora dahil talagang tinotoo .Pinakulong lang nila ang driver ng ten wheeler.Balak sana nila pagbalik ni Aurora sa mansion ay doon nila gagawin ang plano. ''ang anak natin kamusta na siya ?" tanong ni Dante kay Cora na natihimik pero nakangiti lang . ''babalik na ito sa susunod na taon pag kinasal na tayo'' pangarap niyang ikasal sila noon pa pero dahil pinaliwanag ni Dante ang tungkol kay Auro
Hindi mapakali si Aria ilang buwan ng hindi nila makontak ang kanyang mommy Aurora. Nag aalala na siya na baka napahamak na ito. Higit isang taon na sila sa America at abala na rin siya sa pag aaral .Pero bigla nalang nawala ang contak nila kay Aurora at iyon ang hindi mawala wala sa kanyang isipan .Nagaalala siya na baka napahamak na ito. "gusto mo bang umuwi ako para tignan siya?" napailing siya agad at lumapit .Pero para kay Tina siya nalang ang uuwi sa ibang bansa dahil siya lang naman ang nakakakilala sa mga Clarkson at may alibi naman siya sakali kung makita siya ng asawa ni Aurora.Buntong hininga siyang nag isip kung ano nga ba ang gagawin . "huwag na nay hintayin nalang natin ang pagtawag niya" kahit ilang buwan na itong hindi tumawag maghihintay pa siya ng araw bago siya gagawa ng hakbang para makagawa ng paraan at makausap niya ang kanyang mommy Aurora.Kahit hindi niya ito tunay na ina may malasakit parin siya at pag aalala dahil sa mata ng batas tunay na ina niya ito .
" hindi ko pa nakikita ang asawa ni tito Dante pwede ba siyang madalaw sa mansion dad .Samahan mo ako hindi ko kasi pwede dalhin si Evie ayaw kong bumalik ang trauma nito sa mansion" maayos naman na ang kalagayan ni Evie kaya pwede na siyang makaalis at makapasok sa kompanya .Ilang araw na din siyang nag aalala sa kanyang asawa mabuti nalang at naging negative na ito sa leukemia.Kung hindi pa nila naagapan baka ano pa ang nangyari sa kanyang asawa . "sige Dreymond sasamahan kita " saad ni Danny sa anak nito .Hindi naman siya busy kaya sasamahan niya ang kanyang anak .Nag paalam muna siya para pumunta sa kwarto dahil nakalimutan niya doon ang kanyang cellphone."sayang kung pwede lang ipasyal dito si Aurora gagawin ko kaso mukhang hindi siya nakakalabas ng mansion" napatingin si Dreymond sa gawi ng kanyang ina .Nagtataka siya bakit nasabi nito ang tungkol sa asawa ng kanyang tiyohin. "what do you mean mom?" naguguluhang tanong nito."tinanong ko sa isang katulong kung ano ginagawa n
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments