[THIRD PERSON]“Na-i-stress ako riyan kay Arneil kung anong pasakit na ang dinadala niya sa pamilya natin. I just can’t believe that he let that woman enter our company building kahit na ninakawan na siya nito!” pagalit na sambit ni Mrs. Gomez habang palakad-lakad sa kanyang pwesto. Nag-iinit ang kanyang ulo at nabahala simula n’ong isinumbong ni Vannezza ang tungkol kay Sabrina sa kanya.Ayaw na ayaw niyang may dinadalang mga babae si Zachne lalo na’t hindi naman mayayaman ang dinadali nito. Ang nais nilang mga babae para sa anak nila ay mga modelo, mga artista, o mayayaman katulad na lang ni Vannezza.“That’s why I gave that branch of company. He deserved it. Siya naman din ang mawawalan at hindi tayo. Hayaan mo na siya,” kalmadong tugon ni Mr. Gomez habang nagbabasa ng mga report sa kanyang laptop. “Matigas ulo e, hirap palambutin. Kaysa ma-stress e hayaan niyo na lang siya.”“No! I can’t let that brat do everything he wanted to do. The last time na nalaman ko ay pumunta siya sa cl
Humiga kami sa sahig ni Neil dahil mag-i-star gazing daw kami. Nakapatong ang batok ko sa braso niya habang siya ay nakahawak sa balikat ko tapos ay nakayakap ang isang kamay niya sa katawan ko.Hindi ko maiwasan na tingnan siya. Iyon na lang ang gulat ko nang makita ko siyang nakatitig sa akin. Ngumiti siya ng malapad at hinaplos ang labi ko.“Ang sarap mo sigurong halikan sa gabing malamig,” bulong niya.“Eh…kiss me, then,” sambit ko at bumaling sa kanya nang mas malapit kasama ang katawan ko. Napahawak ako sa dibdib niya nang dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya at hinalikan ako ng may halong pagmamahal.Pagmamahal?Bigla siyang umupo at nag-iwas ng tingin. “Uh…” napatayo na rin ako at tinabihan siya na ngayo’y nagkakamot sa kanyang batok.“Bakit?”“Do you want some chocolate?” he asked. Nagbablush ba siya? Bakit siya biglang nailang ta’s naging balisa?“M-Mamaya na lang,” naiilang ko rin na sagot ko. Niyakap ko ang sarili ko nang biglang humangin ng malakas na may halong la
“Tired?” tanong ko kay Neil at tinulungan siyang alisin ang kanyang blazer. Nitong alas-singko ng umaga na kami umuwi at mas lalo yatang napagod si Neil dahil pag-uwi namin ay nagbihis at kumain lang siya at saka na siya dumiretso sa company nila, pero umuwi siya ng alas dos. Magca-camping daw kami.Excited ako dahil mas nakakaenjoy daw sa camping site kaysa sa rooftop kagabi. Kanina nga ring umaga ay namalengke kami ng pagbabarbecue namin. Inayos ko na nga lahat at tinusok ko na ang ihihihaw namin para mamaya. Hindi naman ganun karami at sakto lang para sa aming dalawa.Nagulat na lang ako nang haplusin niya ang mukha ko. Bigla siyang nag-alala. Ang hawak niya ay parang hindi na kami magkikita pa bukas.“Bakit?”“Sana kaya kong itigil ang oras para hindi na matapos ‘to,” bulong niya at ang dalawa niyang palad ang humahaplos ngayon sa pisngi ko.“May nangyari ba?” takang tanong ko at hinawakan ang kamay niya. Tamad niya akong tiningnan at parang nalulungkot ang mga mata niya. Ngayon
“Ang ganda!” sigaw ko sa buong paligid nang makarating kami sa buong camping site. Kami lamang dalawa rito at ang sarap lang sa pakiramdam dahil sariwa ang hangin.Sumayaw-sayaw pa ako ng bahagya habang pinapadyak ang mga damo.“Let’s fix our tent first,” aniya. Tinulungan ko siya na maibaba ang mga gamit namin. Habang nag-aayos kami ay hindi ko maiwasan na mapatitig sa hitsura ni Neil habang suot ang ngiti ko. Ewan ko ba, napapadalas akong ganito kay Neil. Ang sarap niyang titigan tapos lumalakas ang tibok ng puso ko kapag tinitingnan niya ako pabalik.Nakabukas ang tatlong butones ng kanyang polo shirt at litaw ang matigas niyang dibdib na palagi kong hinihimas.Ay…landi!“Sisindihan ko na ‘yung uling tapos ikaw maglatag ka na ng blanket at ilatag mo na rin ‘yung mga beer natin,” utos niya nang hindi nakatingin. Pogi niya kahit anong anggulo siya magpostura.“Aye, aye, captain Neil!” He chuckled.“Ang cute mo,” aniya na kaagad nagpangiti sa akin. Si Neil naman e! Oo na, kinikilig na
Pareho kaming nakainom ni Neil at nakahiga kami ngayon sa ilalim ng buwan habang ginagawa kong unan ang kanyang braso habang ang braso ko ay nakayakap sa katawan niya, as usual sinisinghot siya. Adik na adik ako sa kanya e. Palagi na siyang nagfaflash sa isip ko tapos kinikilig ako kapag naiisip ko siya.Tapos ayaw ko na siyang mawala sa tabi ko. Kapag nagtatrabaho siya miss na miss ko na kaagad siya.Nababaliw na ako.“Sabrina, you told me you’re parentless, right?” basag ni Neil sa katahimikan.“Yes. Why?” tiningala ko siya at siya naman ay tinititigan ang mga bituin.“I saw a shooting star and then I prayed that you would see your real parents,” sambit niya at hinagod ang braso ko gamit ng hinlalaki niya.“Thank you, pero alam mo ba na hindi ko na naiisip ‘yan? Hindi ko naman sila kilala at saka lumaki ako na mag-isa, walang yakap ng magulang, kaya nasanay na ako,” sagot ko at inamoy ang kanyang dibdib.“So I hope you find them because I want you to experience the embrace of parent
Nadatnan ko si Neil sa kwarto niya nang makapasok ako rito. Dumadagundon ang tibok ng puso ko dahil sa nerbyos. Sampong minuto akong humahagulgol sa sala kanina at nang mapagtanto kong wala akong kasama ay umakyat ako sa kwarto ni Neil para ayusin na ang mga gamit ko.Nagmukha akong tanga sa sala. Nagmukha akong basang sisiw. Nagmukha akong talunan.Nakatalikod siya mula sa pinto at alam kong alam niyang pumasok ako. Pauram-uram ang mga mata ko habang nilalapitan siya ng dahan-dahan. Kabado ako pero kailangan ko siyang kausapin. Kailangan kong linawin ang tungkol sa amin. Kailangan kong malaman kung bakit ang dali-dali lang sa kanyang sabihin ang tungkol sa mga kasinungalingan niya.“Neil?” tawag ko. Naglakad pa ako sa harap niya. Nakatingin siya sa sahig. Pinaglalaruan niya ang kanyang relo. Lumuhod ako at hinawakan ang magkabila niyang tuhod. Tumingala ako para tingnan ang kanyang mga mata pero hindi ko ito masyadong makita dahil nga nakayuko siya.“Neil, alam ko na hindi ka nagsis
“T-Tere…” napatakbo ako nang makita ko si Teresita sa harap ng club. Hindi ko na pinansin kahit na may kayakap siya ng lalaki basta gusto ko lang mailabas ang lungkot ko at gusto ko ng isang taong magiging karamay ko.Narinig ko pa ang daing nung lalaki nang hilain ko si Teresita at dambahan ng yakap.“Bes, okay ka lang? Anong nangyari? My God, kawawa naman ikaw,” naaawa niyang sabi habang hinahagod palikod ang buhok ko at pinunasan ang mga luha ko sa pisngi ko. “Tahan na.”Hindi ako nagsalita ng kung ano bagkos ay mas hinila lamang siya at niyakap ng mahigpit na mahigpit. Alam kong naiintindihan niya ako sa paraan na paghaplos niya sa likod ko.“Sabihin mo lang kapag ready ka na magkuwento. Tara pasok tayo sa loob, doon ka muna sa pwesto ko,” aya niya. Nagpaalam siya sa lalaking ineentertain niya at hinatid ako sa staff room ng club. Walang katao-tao sa loob. Maganda na rin ito dahil ayokong makita nila ang mukha ko na basang-basa dahil sa luha.“What happened sa inyo ni Neil?” tanon
Alas otso na ng gabi at ito ako ngayon ay nakabihis ng napakanipis, naka-makeup at ready nang lumabas para puntahan ang nag-table sa akin. Kinakabahan ako at ayoko mang gawin ‘to pero kailangan. Ayaw ko namang matanggalan ng trabaho. Ayoko namang mabuhay sa kalsada. Ayoko na rin umasa na lang din kay Teresita, kaya ano pa bang magagawa ko?“Wala, ganyan talaga ang buhay, beh. Kailangan natin ng pera e,” pag-aalo ni Tere sa akin at hinaplos pa ako sa mukha. “Hindi bale, kapag nakaipon ka pwede ka namang umalis dito at maghanap ng trabaho sa ibang lugar,” pagbibigay lakas loob niya pa.“Ayos lang ako,” pagngiti ko at tumango.Sayang at nangako pa naman kami ni Neil sa isa’t isa na hindi na ako babalik dito pero ito ako ngayon, magtatrabaho na as prosti. Sorry, Neil. Magiging ganung babae ako tulad ng sinasabi ng mga taong nasa paligid mo.“Sabrina, sa table 5,” ani Madam at ibinigay sa akin ang bucket of beer. Kinuha ko ito at inayos muna ang sarili bago nilapitan ‘yung nag-iisang lalak