Kabanata 48

Memo

"What the hell are you talking about, Memo?" Tanong ni Rowan habang hindi ito makapaniwala na nakatingin sa akin, halata sa kanyang mukha ang pagkagulat dahil sa aking sinabi.

Hindi ko mapigilang murahin ang aking sarili nang ma-realize ko kung ano ang nasabi ko kay Rowan.

"Ah, never mind, forget that I asked you that question." Tugon ko sa kanya at sigurado akong sa puntong ito ay pulang-pula na ang pisngi ko sa sobrang kahihiyan. Parang gusto ko nalang na lamunin ako ng lupa ngayon mismo.

"O-Okay," sambit ni Rowan pero halata sa mukha nito na parang gusto niyang pag-usapan ang sinabi ko sa kanya kanina pero ayaw din nito akong pilitin.

"Do you have any alcohol here? I think I might need some." Tanong ko kay Rowan pero hindi ko na hinintay pa ang sagot nito at ako na mismo ang naghanap kung saan maaaring ilagay ni Rowan ang mga inumin niya rito.

"Whoah! What is happening, Memo? Why do you need an alcohol?" Nagtatakang tanong ni Rowan pero hindi ko siya pinakinggan hanggang sa makarating ako sa may kitchen at hindi ko mapigilang mapangiti nang makita sa may cabinet ang ibat-ibang inumin na naka-display doon. Mabilis akong naglakad patungo sa may cabinet at kumuha ng isang bote ng alak, hindi ko na tiningnan pa kung anong klase ng alak ang nakuha ko basta ang importante ay malasing ako ngayong gabi.

"Care to tell me what's going on, Memo?" Muling tanong sa akin ni Rowan habang binubuksan ko ang bote ng alak.

"I'm okay if that's what you want to hear, Rowan. Gusto ko lang uminom ngayong gabi, let's celebrate." Tugon ko rito at pasimpleng ngumisi pero tinaasan lamang ako ng kilay ni Rowan.

"Celebrate what?" Takang tanong nito.

"Celebrate nothing, get a bottle and let's have a toast, Rowan." Utos ko rito at itinulak ito patungo sa cabinet kung saan naka-display ang ibat-ibang klase ng alak. Para namang napipilitan na kumuha si Rowan ng isang bote ng alak at binuksan ito.

"Kampay!" Nakangisi kong sambit at ikinampay ko ang aking bote sa hawak na bote ni Rowan.

"An now you're acting like you're already drunk, Memo." Natatawang komento ni Rowan pero nginisihan ko lamang ito bago ko tinungga ang laman ng bote ng alak. Agad na kumunot ang aking noo nang biglang manuot sa aking lalamunan ang napakatapang na lasa ng alak, parang sinusunog nito ang aking lalamunan at pinipigilan akong makahinga.

"Fuck!" Mahinang mura ko at napasandal na lamang ako sa may lamesa dahil parang nawawalan na ako ng balanse habang sinusubukang huwag isipin ang napakatapang na lasa ng alak.

"Hindi mo kaya? That's a hard gin, Memo." Sambit ni Rowan na parang tuwang-tuwa habang pinapanood akong tinitiis ang mapait at mainit na lasa ng alak.

Makalipas ang ilang segundo ay unti-unti na ring nawawala ang matapang na lasa ng alak sa aking lalamunan pero ngayon ay ramdam na ramdam ko naman ito sa aking tiyan na nag-iinit.

"Hard gin? Ibig sabihin nakakalasing to diba?" Tanong ko kay Rowan.

"If you consume too much, then yes." Tugon sa akin ni Rowan at uminom ng alak, hindi ko mapigilang mapakunot-noo dahil hindi man lang nagbago ang ekspresyon nito habang umiinom ng alak, parang lang itong umiinom ng tubig.

"You're a cheater." Akusa ko kay Rowan at dinuro-duro siya, gulat na napatingin ito sa akin at itinuro ang kanyang sarili na para bang kinukompirma niya na siya nga ang tinuturo ko.

"Don't tell me lasing ka na agad? What are you talking about?" Takang tanong nito sa akin pero mas lalo ko lamang itong dinuro-duro.

"You're a cheater, Rowan." Mariin kong sambit habang naglalakad ako palapit sa kanya.

"I don't know what you're talking about, Memo. I'm not a fucking cheater." Tugon sa akin ni Rowan, halata sa boses nito na parang naiinis na rin ito sa pag-aakusa ko sa kanya.

"Yes, you are. You're not drinking a hard gin, I didn't see you make an ugly face when you drank in your bottle." Reklamo ko at inagaw sa kanya ang bote, pagkatapos ay ibinigay ko naman sa kanya ang aking bote ng alak.

"That's a hard gin, Memo, I'm just used to it." Depensa ni Rowan pero inismiran ko lamang ito at umiling-iling at pagkatapos ay ngumisi sa kanya.

"You're a liar." Sambit ko rito.

"Wow! Kanina lang ay inakusahan mo akong cheater tapos ngayon sinungaling naman? That's not nice," reklamo ni Rowan, "okay, so we're exchanging bottles now?"

"Yeah!" Tugon ko rito at walang pag-aalinlangan na tinungga ko ang bote ng alak na inagaw ko mula kay Rowan. Walang pang ilang segundo ay mabilis akong napatigil sa pag-inom at napasigaw na lamang ako ng mga mura sa aking isipan nang muli ko na namang nalasahan ang napakatapang at napakapait na lasa ng alak, hindi ko alam pero parang dumoble pa ata ang tapang at pait ng alak na 'to kompara sa nauna kong ininom.

"See? That's a hard gin, Memo." Komento ni Rowan habang ako ay wala sa sariling napahiga na lamang sa mesa dahil parang umiikot na ang aking paningin. Tangina! Bakit nang uminom si Rowan ay parang wala lang sa kanya? Parang sarap na sarap ito sa lasa ng alak kahit na ang totoo ay sobrang pangit ng lasa nito. Hindi ko nga maintindihan kung bakit may mga tao na parang adik na adik sa pag-inom ng alak.

"Lasing ka na, Memo." Dinig kong sambit ni Rowan dahilan para mapangiti ako na parang tanga at marahang umiling-iling habang nakatingin ako sa kulay puting ceiling ng kitchen ni Rowan.

"What? Me? Drunk? Of course not!" Tugon ko rito habang sinusubukan kong bumangon mula sa pagkakahiga sa mesa pero sa tuwing igagalaw ko ang aking ulo ay parang umiikot naman ang aking paningin kaya ang nangyayari ay bumabalik lang ako sa pagkakahiga ko sa may mesa.

"Rowan! Hey, I'm not drunk! Come here, tumabi ka sa akin." Utos ko rito at tinapik-tapik ko ang aking gilid. Alam kong hindi pa ako lasing dahil medyo alam ko pa naman kung ano ang ginagawa ko at kung ano ang mga pinagsasabi ko.

"That is not a good idea, Memo. Give me your bottle at bubuhatin na kita papunta sa kwarto, this is not a comfortable place to sleep." Sambit ni Rowan at inagaw sa akin ang bote ng alak na hawak-hawak ko, wala na akong lakas pa para lumaban sa kanya at agawin ang bote ng alak, mas lalong wala na akong lakas pa para pigilan si Rowan na buhatin ako.

"Holy sheshh! I'm fucking flying!" Manghang sambit ko sa aking sarili, hindi ko alam pero pakiramdam ko kasi ay lumilipad ako at nakalutang ang aking katawan sa hangin. Narinig ko na lamang ang mahihinang pagtawa ni Rowan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status