Share

Kabanata 08 : Helix's POV

Mukhang hindi maganda ang mood mo ngayon, apo ko." Ang sabi ni Lolo sa akin pagkapasok ko sa loob ng mansyon.

Hindi ko na lamang siya pinansin at dere-deretso lang ako sa loob ng kuwarto ko.

"Hindi mo naman siguro nakalimutan ang napagkasunduan nating dalawa, hindi ba?" Dugtong pa niya na ikinahinto ko sa paglalakad. Nakatalikod pa rin ako sa kaniya habang naririnig ko ang paghalikhik niya. Napayuko ako at tiniklop ang dalawang kamao ko habang nakapikit ang aking mga mata.

Oo nga pala, may napagkasunduan nga pala kaming dalawa ni Lolo na magiging akin lamang ang titulo ng mansyong ito kapag may pinakilala akong babae sa kaniya na papakasalan ko. Pero, paano ko gagawin 'yon kung wala akong nagugustuhan ibang babae na pakasalan maliban kay Minari? Paano ko sasabihin sa kaniya na ang babaeng gusto kong maging asawa ay kasal na sa iba?

Napabuga na lang ako ng malalim na paghinga at pumasok ako sa loob ng aking kuwarto.

Fourteen days na lang ang natitirang araw na mayroon ako para magawa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status