Have a nice day, Everyone!✨
“Tatlong araw pa lang kayong namamalagi dito ng anak mo—nagbayad ka na para sa isang buwan na upa, tapos aalos na kayo ngayon. E, saan na kayo pupunta ng anak mo niyan?”“Hindi ko po binabawi iyong sa upa, pasasalamat ko na po iyon sa inyo dahil pinatuloy niyo kami ng anak ko.” Ngumiti si Tamara at inabot sa Ginang ang bitbit niyang paperbag. “Nga po pala, makikisuyo ako. Pakiabot po ito kay Erla, siya na kamo ang bahala na ibigay sa mga kasamahan niya iyong inihanda ko para sa kanila. Pakisabi na rin po; salamat sa ilang araw na punong-puno ng saya, masaya ako na naging bahagi sila ng buhay namin ni Gavin ng maikling panahon.”Wala ang mga kasamahan nila sa apartment dahil kapag araw ng lunes ay lahat ito may pasok, siguro ito nga rin ang tamang gawin ang umalis ng hindi nakikita ang mga ito dahil parang hindi niya na rin kayang iwan.“Oh siya, makakaasa kang makakarating ito sa mga bata. Kung saan man kayo pupunta ng anak mo ay mag-iingat kayo ah? Bukas na bukas itong apartment ko
Lumabas si Tamara nang silid upang uminom ng tubig, nadatnan siya sa labas ang ilang dalaga na nag-aaral sa dinning table. Napansin ni Tamara si Erla na mag-isa sa sala, nakaupo ito sa sahig habang abala sa sketch notebook, marami rin ang nagkalat na lukot na papel. Pinulot ni Tamara ang isang ginawang bolang papel, binuksan niya iyon at isa iyong sketch ng magandang pangkasal na dress. Tahimik na naupo si Tamara sa sofa habang pinagmamasdan si Erla na gumuguhit. Hindi niya kinuha ang atensyon nito, kaya kusa itong tumingin sa kaniya at ipinakita ang iginuhit nitong wedding gown, maganda iyon. “Ate Tamara, maganda po ba itong wedding gown na iginuhit ko?” “Oo naman, maganda.” “Seryoso? Baka binobola niyo lang po ako para hindi ako masaktan, hindi pa po ito tapos, lalagyan ko pa ng mga desinyo ang nasa ibaba para mas magmukhang elegante.” “Magandang ideya ‘yan at mas lalong gaganda ang wedding gown. Isa ba ito sa proyekto mo?” Usisa ni Tamara dahil halos lahat ay nag-aaral. “Ah
Samantala, sa isang mumurahing apartment na malapit sa isang university, umupa ng isang silid si Tamara, at ang mga kasamahan roon ay ang mga koleheyalang skolar. Laking pasalamat niya na tinanggap siya ng landlord lalo pa't ang apartment na iyon ay para lamang sa mga estudyante, sa tulong ng mga koleheyala, nakumbinsi ang ginang na manatili silang mag-ina kahapon. Ang silid nina Tamara maliit na espasyo. Maliit na kama, at mayroong study table sa gilid. Nakaupo si Gavin sa kama habang makasandal ang katawan nito sa mga patong na unan, nakaluhod si Tamara sa sahig, nakatukod ang mga siko sa kama habang hinahaplos ang braso ni Gavin na nilagyan niya ng bandaid na may desinyong spiderman. Ang bandaid sa braso ni Gavin ay tinatakpan ang kalmot na gawa ni Maris. Galit na galit si Tamara nang makita iyon pero wala siyang nagawa kundi ang umiyak, kung nalaman niya kaagad ang dahilan nang pag-iyak nito kahapon hindi siya magdadalawang isip na saktan si Maris, wala siyang pakialam kung bu
Umaga na nang nakabalik si Galvino sa Lorenzo Mansion dahil sa magdamag siyang nagbantay kay Maris, kailangan nitong manatili sa hospital upang isagawa ang ilan pang mga test at pinayuhan ng doktor na kailangan nitong magpahiga at kung maari ay bedrest dahil mahina ang kapit ng bata. Kapag naulit pa ang nangyari o mastress si Maris ay tuluyan itong mawawala. Nagmamadaling umakyat si Galvino sa kaniyang silid upang makita ang mag-ina niya, dismayado siya ng hindi ito makita. Buong gabi na si Tamara at Gavin lang ang iniisip niya, gusto niya itong tawagan pero hindi niya ginawa dahil ayaw niyang sumama pa lalo ang loob ni Tamara kapag nalaman nitong mananatili siya sa tabi ni Maris nang gabing iyon. Nasa walk-in closet ang maleta nitong kulay pula, maging ang maleta na pinadala ng ina niya sa resort ay naroon din. Huminga ng malalim si Galvino bago nagtungo sa banyo upang maligo. Pagkatapos, makapagbihis, lumabas siya ng silid upang puntahan si Tamara kung saan ito palaging nagkukul
“Pumunta ka ba rito para panuorin kung maayos akong magtrabaho? O baka naman para mainggit dahil kahit pamilya mo pa ang may ari ng sikat na clothing company ay hindi mo ito naranasan magkaroon ng ganitong maternity photoshoot . .” Napatanga si Tamara nang marinig ang sinabi ni Maris nang lumapit ito sa kaniya habang suot nito ang kulay pulang maternity dress. Nabanggit sa kaniya ni Mesande na si Maris ang modelong kinuha ni Galvino para sa bagong release na disenyong damit para sa mga buntis, sumang-ayon ang lahat ng executive maging ang mga magulang ni Tamara dahil kilala si Maris bilang isang magaling na artista at isa itong modelo, idagdag pa na totoong buntis ito hindi kailangan ng modelo na magpanggap na buntis! Ngunit ang photoshoot ay tapos na mula nang araw na nilisan ni Mesande ang resort, ganu'n ka hands-on si Mesande sa trabaho nito, hindi basta-basta inaasa sa mga crew. “Tama ang iniisip mo, isa sa benefits na ibinigay sa akin ng House of Alonzo ang magkaroon ng mater
Kinabukasan, araw ng linggo. Maagang nagising sina Tamara at Galvino upang dumalo sa pang-alas otsong simba, sa malaking simbahan na kalapit ng resort. Makikipagsabayan na si Tamara sa mga tao palabas ng simbahan. Natigilan si Tamara ng dumapo ang braso ni Galvino sa bewang niya upang mapirmi sa kinatatayuan. “Let's take a picture there.” Nakangiting itinuro ni Galvino ang altar nang simbahan. “Hindi—” “You used to capture a moment of the two of you. Now, let me be in the picture with you two.” Inilabas ni Galvino ang mamahalin niyang cellphone. “Family picture?” Kahapon, pasimpleng kinukunan ni Galvino nang larawan ni Tamara at Gavin kapag may pagkakataon siya pero wala silang magandang larawan na magkakasama. Huminga nang malalim si Tamara. “Okay, fine.” Nakisuyo si Galvino sa isang binatilyo na kunan sila ng larawan sa iba't-ibang posisyon. Mayroon pang pareho silang nakahalik sa pisngi ni Gavin habang ngiting-ngiti naman ito. Iyon ang paborito ni Galvino sa lahat at ginawan