登入SA NIGHTCLUB NAKIPAGKITA si Romeo. Hindi na nagtakha pa si Hyacinth. Talagang iginugugol ba naman ni Romeo ang oras niya lagi sa pagpaparty.Sa loob ng VIP room, nakaupo si Romeo habang may dalawang babae sa magkabila nito, nilalambing siya. "Wow... may isa pa kaming kasama? Maganda siya... pero sana hindi niya kami agawan..." saad nung isang babaeng kasama nito.Napahalakhak si Romeo doon. "Relax. Nandito lang naman siya para magdala ng pera," sagot nito.Hindi na nasurpresa pa si Romeo na nakita si Hyacinth ngayon. Alam niya kasi talagang pupunta talaga ito. Malamig na tumingin si Hyacinth sa mga kasamang babae ni Romeo. "Lumabas muna kayo," saad niya sa mga ito.Ngumuso ang isa at mas inilapit lang lalo ang sarili kay Romeo. "Ayaw. Gusto namin dito lang kay Romeo..." wika nito."Hey, okay lang iyan, girls. Labas muna kayo tutal may mag eentertain naman na sa 'kin," malokong saad ni Romeo sa mga babae. Ang totoo niyan ay medyo nawalan na rin talaga siya ng interest sa mga ito ngay
"KUNG ANU ANO pang sinasabi mo diyan, Hyacinth. Ibigay mo na lang ngayong gabi ang one hundred million na hinihingi ko o lalabas itong mga litrato mo. Hihintayin kita," sagot lang ni Romeo at mabilis ng pinatay ang tawag.Hindi makapaniwala si Hyacinth. Napahigpit na lang lalo ang hawak niya sa phone bago marinig ang boses ni Leo."Ang Tatay Romeo mo ba ang tumawag?" kyuryusong tanong nito.Binalingan ni Hyacinth si Leo na ngayon ay nakabalik na rin dito sa kwarto nang hindi man lang niya namamalayan. Bumaba ang tingin ni Leo sa box na hawak ni Hyacinth at mas lalo lang nacurious."Ang sabi ni Lola binigyan ka daw ng regalo ng tatay tatayan mo. Mga pictures daw... anong klaseng pictures iyan? Pwedeng makita?" tanong pa ni Leo nang hindi nagsalita si Hyacinth.Napalunok na lang si Hyacinth at napaisip. Kung tutuusin, malawak ang koneksyon ni Leo. Pwede kayang sabihin niya sa lalaki ang tungkol sa tatay tatayan niya? Pwede niya kayang ilabas kay Leo ang totoo?Pero kung sinabi nga niya,
HINDI PA MAN nakakasagot si Hyacinth, may katulong biglang lumapit."Ma'am Hyacinth, may padala po sa inyo," saad ng katulong.Kinuha ni Hyacinth ang box. "Ah, salamat. Pero kanino po galing?" takhang tanong niya."Ah... sa tatay niyo po," sagot nito.Natigilan si Hyacinth. Si Romeo na naman kasi. Hindi maganda ang pakiramdam niya rito, ibang iba kay Lola Elizabeth na ngiting ngiti pa talaga."Oh, may regalo siya sa iyo? Buksan mo na, Hyacinth!" naeexcite pa na sambit ng matanda.Kahit na may pag aalinglangan, nakaramdam din naman ng pagiging kyuryuso si Hyacinth. Kaya naman binuksan niya rin ang box.Nakapaloob doon ang ilang mga litratong nakunan sa kaniya noong bata pa siya nang wala siyang kaalam alam. Pagkakita iyon ni Hyacinth, parang bumabaliktad na ang sikmura niya.Hindi iyon maituturing na regalo kagaya ng sinasabi ni Lola Elizabeth. Ibinigay iyon kay Hyacinth para... takutin siya. At ang nakakainis, epektibo ang planong iyon ni Romeo."Ano iyang ibinigay niya sa iyo? Pweden
SA KOMPANIYA NI LEO, busy siya sa pagbabasa ng ilang mga importanteng dokumento. Nandoon din ang kaibigan niyang si Rui na hindi niya alam kung anong nakain at bigla itong bumisita sa kaniya ngayon.Uminom sa tasa ng kape si Rui at umuklo kaunti at pinagsalikop ang kamay sa harap ni Leo. "Dude, kailangan ko ang advice mo..." saad bigla ni Rui.Bahagyang natigilan si Leo pero hindi niya ipinahalata at nagpakabusy pa rin sa ginagawa. Parang alam na niya kung anong klaseng advice ang hinihingi ngayon ng kaibigan niya."Anong klaseng advice ba ang kailangan mo? Tsaka... bago iyan, ah? Parang paeasy easy ka lang, eh. Hindi mo kailangan ng advice," nakangising sambit ni Leo, bahagyang inasar ang kaibigan."Seryoso kasi, dude!" ani Rui at tila batang nagtatampo at kulang na lang ay magpapadyak sa sahig.Kumunot ang noo ni Leo. "Oo na. Tungkol saan ba?" tanong niya.Bumuntong hininga si Rui. "Paano ko kaya makukuha ang loob ni Hyacinth?" tanong nito.Doon natigilan si Leo. Hindi niya alam ku
AGAD NA NATIGILAN si Romeo at umarteng kaawa awa sa lahat. "Hyacinth, anak... tatay mo naman ako, 'di ba? Ako ang nagpalaki sa iyo. Ikinahihiya mo ba ako, anak? Pasensya na kung... ganito lang ako," saad nito at talagang mukhang paiyak na.Si Jasmine ay nagsalita rin agad. Syempre, parte pa rin iyon ng plano nila. "Hyacinth, tatay mo pa rin siya. Hindi mo siya pwedeng ignorahin lang. Dapat nga ikaw ang nag aalaga sa kaniya, eh."Kumuyom ang kamao ni Hyacinth habang nakatitig kay Romeo. Alam na alam niya ang ginagawa nito. Siguro sa loob loob niya ay nagbubunyi na ito at sinasabing hindi siya basta basta mapapaalis sa buhay niya. Mas lalo lang siyang kinilabutan."Pasensya na talaga, anak. Sana pala hindi na lang ako nagpunta dito dahil... napahiya lang kita. Ayos na ako na nakikita kitang nasa maayos na kalagayan. Babalik na lang ulit ako sa probinsya..." dagdag pa ni Romeo.Alam na alam ni Hyacinth na peke lahat ng mga iyon kaya parang gusto niya na lang masuka sa sobrang inis.Tumal
PULANG PULA PA rin ang mukha ni Hyacinth at sinubukan pa ring lumayo kay Leo."Relax... bakit parang kabado ka diyan?" tanong pa ni Leo at nagpakawala ng isang buntong hininga. Sinimangutan niya si Leo. "Pinagsasabi mo naman diyan?" pagtataray na lang niya.Biglang bumigat ang atmosphere sa paligid. Parang naging awkward bigla ang lahat. Hanggang sa nagring bigla ang phone ni Leo. Parehas silang natigilan doon.Kinuha ni Leo ang phone at mabilis ding sinagot. "Jasmine..." Nag iwas ng tingin si Hyacinth nang muling marinig ang pangalan ng stepsister niya. Parang nawalan siya ng gana bigla na pansinin si Leo. Mabilis siyang lumayo at walang sabing nagtungo agad sa loob ng banyo.Si Leo naman ay agad na narinig ang boses ni Jasmine sa kabilang linya. "Gising ka na, Leo?" tanong nito."Oo," maikling sagot lang ni Leo habang pasimple siyang sumulyap sa bandang banyo kung saan pumasok si Hyacinth.Ang totoo niyan, kanina pa gising talaga si Leo. Hindi lang niya binubuksan agad ang mga mat







