LOGINLAHAT NG MGA NAKARINIG ay napasinghap sa balita ni Mila. Si Leo naman ay natigilan na rin at tuluyan nang nawala ang atensyon sa meeting."Anong sabi mo?" tanong pa ni Leo sa sekretarya."N-Nasangkot po si Ma'am sa isang malaking away sa school..." sagot ni Mila. "Nagsabi rin po sila na kailangan ang guardian niya na pumunta doon."Natahimik na lang si Leo. Hanggang sa nandilim na lang ang kaniyang ekspresyon. Syempre, nainis talaga siya kasi naman hindi pa nagtatagal si Hyacinth sa university pero ito, may nagawa nang hindi maganda! Natutulog nga rin ito sa klase, eh. Tapos ngayon, pinapatawag na ang guardian niya!Nawalan na talaga ng mood si Leo. Pabalang na niyang naibaba ang dokumentong binabasa lang kanina sa table at napatayo na lang. Walang sabing deretso siyang lumabas ng silid na iyon.Nang tuluyan nang nakaalis si Leo, saka naman napuno ng bulungan ang conference room."T-Teka, tama ba ang pagkakarinig ko kanina? Asawa ni Mr. Cantavieja ang tinutukoy ng sekretarya niya?!""
NAGSIPAGHAGALPAKAN ANG MGA alipores ni Axel ng malalakas na tawa. Sina Cassie at Hyacinth naman ay tila kinilabutan lang lalo. Bahagyang nanginig na rin sa takot si Cassie na siyang bihira lang mangyari dahil masiyahin nga itong tao at positibo.Pero kahit na gano'n, ayaw naman ni Cassie na ipahalata na takot pa rin siya. Hahakbang na sana ito papalapit kina Axel at sa mga kasama nito pero mabilis siyang napigilan ni Hyacinth at inilagay siya sa likod nito na animo'y prinoprotektahan siya."Akala mo ba aatrasan namin kayo kahit na mga babae kayo?" nakangising ani Axel at itinaas ang kamay, iminuwestra sa mga alipores na sumugod na sila.Mabilis namang sumugod ang mga kasama ni Axel. Talagang lumaban sila at hindi na inalala pa na babae ang mga kalaban nila. Naging magulo na ang lahat. Umalingawngaw ang malakas na sigaw na siyang kumalat sa buong campus. Umabot ang balitang may away sa opisina ni Dr. Magalaman."Uy, may sabong daw!""Tara, tingnan natin!"Nakyuryuso si Dr. Magalaman at
"OO," DERETSAHANG SAGOT ni Cassie. "Kasal na siya pero ayaw niya sa asawa niya. Kaya ayun... nagpapakasasa sa kabit niya. Napakagago talaga..." dagdag pa nito.Hindi pa rin nakasagot si Hyacinth. Parang ang dali lang kasing ikwento lahat ni Cassie. Kaya gulat na gulat tuloy si Hyacinth.Pero hindi rin makapaniwala si Hyacinth, eh. Tama si Cassie. Gago nga ang pinsan niya. At... somehow, nakikita niya ang kawawang asawa ng pinsan ni Cassie sa posisyon niya. Kasi parang parehas lang talaga sila.LUMAPIT SI LEO KAY Jasmine. Parang mahihiya na ang hangin sa dumaan sa pagitan nila dahil sa lapit nila sa isa't isa. Amoy na amoy na rin ni Jasmine lalo ang panlalaking amoy ni Leo na humalo sa amoy ng alak sa hininga nito. Mas lalo lang bumilis ang tibok ng kaniyang puso.Hinintay ni Jasmine ang tuluyang paglapat ng mga labi nila ni Leo pero nadismaya lang siya nang hindi iyon nangyari. Narinig na lang niya ang boses ni Leo."'Yung lipstick mo, medyo nagsmudge..." ani Leo sa mababang boses.Pa
DUMIRETSO SA MAY SINK si Jasmine at nagretouch ng kaniyang make up. Hanggang sa may naalala siya bigla."Lira... may tanong ako. Alam kong medyo out of the blue pero curious lang..." saad ni Jasmine."Hmm. Ano iyon?" tanong din ni Lira habang nagreretouch."'Yung anak ni Dr. Magalaman... 'di ba may anak siya dati? Nasaan na siya ngayon? Nahanap na ba siya?" kyuryusong tanong niya.Si Geoffrey Magalaman ay may babaeng anak na talaga namang mahal na mahal nito. Sa pamilya Magalaman, ito ang pinakabata at talaga namang kinagigiliwan ng lahat. Ang pangalan daw nito at Georgina, pinsan din nila Leo.Makapangyarihan din ang mga Magalaman. Malaki ang koneksyon nito sa mga malalaking pamilya sa business world. Kaya naman hindi na katakha takha na tago ang identity ng anak na babae ni Dr. Magalaman.Ang totoo niyan, sa sobrang kyuryuso ni Jasmine, sinubukan niya isang beses na hanapin din ito. Pero protektado talaga ito ng mga Cantavieja at Magalaman. Hanggang sa siya na lang din ang napagod s
NAKARATING SILA SA BAR at mukhang nagkakasiyahan na ang lahat. At mukhang pinaglalaruan sila ng tadhana dahil ang pwesto na napili nila ay malapit sa pwesto nila Leo. Kasama ng lalaki sina Jasmine, Alfred at iba pang mga kaibigan nito.Nagkakasiyahan ang grupo nila Leo. Nakaupo ang lalaki sa pinaka sentro ng table nila at sa tabi nito ay si Jasmine na agaw pansin din dahil ang ganda ganda nito sa suot na dress. Ang sweet nilang tingnan sa totoo lang. Sinusubuan pa kasi ni Jasmine si Leo ng pulutan nila at inaasar na rin sila ng mga ibang kasama."Naks, ngumingiti na ang untouchable CEO na iyan, oh!""Syempre naman! Tingnan mo, si Jasmine na iyang katabi, oh!""Talagang mapapangiti ka kapag ang ganda ng katabi mo!"Ayaw man ni Hyacinth, naramdaman niya ang tila paninikip ng dibdib niya habang pinapanuod ang dalawa sa pwesto. Kung umakto kasi sila Leo at Jasmine, parang sila na lang ang tao sa mundo. Wala silang nakikitang iba.Nag iwas ng tingin si Hyacinth. Pero kalaunan, nagbago rin
HINILA NI ANNIKA papasok sa apartment niya si Hyacinth. Agad niyang naramdaman ang lamig ng kamay ng kaibigan, naisip na baka kanina pa ito doon sa labas."Ano ba talaga ang nangyari, Hya? Gabing gabi na, oh. Delekado na tapos nandito ka pa sa labas..." nag aalalang sambit ni Annika.Maliit na ngumiti si Hyacinth. "Nahulog sa hagdan si Jasmine ngayon..." sagot niya."Ano?! 'Wag mong sabihin na sinisisi ka sa nangyari sa babaeng iyon?!"Agad umiling si Hyacinth. "Hindi. Pero... nagkausap sila ni Leo na ayaw na daw ni Jasmine na... nasa iisang kwarto kami. Kaya... umalis na ako."Parang nanigas ng ilang segundo si Annika doon pero kalaunan, niyakap niya si Hyacinth ng mahigpit."Ang sasama ng dalawang iyon!" bulalas pa ni Annika. Parang maiiyak naman bigla si Hyacinth pero pinigilan niya ang sarili. "Bakit lagi ka na lang nilang trinatrato ng ganiyan?!"Hindi na lang sumagot pa si Hyacinth.SA SUMUNOD NA ARAW nga ay nagpunta sa school. Naging mabilis ang lahat dahil si Mr. Magalaman ang







