“Hindi ako dapat magpadala sa takot ko! Alam kong kakampihan ako ni Master Ama kapag sinabi ko ang nangyayari sa anak niya! Hindi ako pwedeng manahimik lang sa tabi habang unti-unti nilang pinapatay ang anak ng Boss ko!” madiin na wika ng isang tauhan ni Ama Clinthon, kasabay ng mariing pagkuyom ng kamao. Ramdam niya ang mabilis na tibok ng dibdib pero hindi siya uurong—kahit pa buhay niya ang kapalit. Kahit kanina lang ay natatakot siya sa posibleng mangyari sa kanya. Biglang narinig niya ang mabigat na yabag na papalapit. “Hoy! Anong ginagawa mo d’yan? Diba dapat nasa labas ka at nagbabantay?” malamig na tanong ng isa pang tauhan, na alam ng lahat ay tapat na alagad ni Benjie. Matalim ang titig nito, wari bang binabasa ang laman ng kanyang isipan. Saglit na natigilan ang tauhan ni Ama Clinthon, pero agad siyang nagkunwaring kalmado. Pinilit niyang itago ang kaba at ang apoy ng kanyang paninindigan. “Ah—eh, wala… napadaan lang ako dito. Nagpapahinga saglit. Gusto ko lang sigu
“Wag kang mag-alala sa kambal, ako na ang bahala sa kanila,” wika ni Mrs. Vellama habang aliw na aliw sa pag-aalaga sa dalawang sanggol. “Napaka-cute ng kambal ng anak ko,” bulong pa niya sa sarili, kasabay ng malambing na paghaplos kay Roxiel na masayang nakangiti habang nakadantay sa kanyang mga bisig. Biglang sumabat ang isang malamig ngunit matatag na tinig. “Anong kaguluhan ito? Bakit narito kayo, at bakit nauna pa kayong nakarating kaysa sa amin?” madiing tanong ni Mr. Nathaniel, asawa ni Mrs. Vellama, habang nakakunot ang noo at halatang naguguluhan. Hindi nagpatinag si Mrs. Vellama at agad siyang bumaling sa asawa. “Anong balita sa lakad mo?” mahinahong usisa nito. Mariin namang sumagot si Mr. Nathaniel, “Hindi ko nakita si Dark. Ngunit ano itong pinagtatakhan ko—bakit may mga sanggol dito? At hindi lang isa kundi kambal pa?!” Sa halip na sagutin ang tanong, ngumiti lamang si Mrs. Vellama at maingat na iniabot si Roxiel sa asawa. “Oh, sige na. Kargahin mo ang apo mo,”
Sa loob ng opisina ni Mr. Nathaniel Villamonte… Tahimik ang buong silid, tanging mahinang tikatak ng malaking orasan sa dingding ang maririnig. Mahigpit ang titig ni Mrs. Vellama kay Lyka, halatang puno ng pagdududa at kaba ang kanyang dibdib. Dahan-dahan siyang lumapit sa lamesa ng asawa niya at ipinatong ang dalawang kamay sa ibabaw nito, bago nagsalita sa malamig at awtoridad na tinig. Vellama: “Dahil wala rito ang aking asawa… ako muna ang papalit na magtatanong sa inyo. At uunahin kita, Lyka.” Umayos ng upo si Lyka, mahigpit ang hawak sa laylayan ng kanyang damit. Kita sa kanyang mukha ang tensyon ngunit pinilit niyang huminga ng malalim. Vellama; “Unang tanong—bakit ka biglang nawala sa Villamonte? Wala kang iniwang paliwanag, wala kang pasabi… parang bula kang naglaho.” Napalunok si Lyka, nanginginig ang kanyang tinig nang sumagot. Lyka: “Dahil po sa isang misyon, Madam…” Agad kumunot ang noo ni Mrs. Vellama. Ang kanyang mga mata ay kumislap sa galit at pagt
“GRABEee! MAY ASAWA KA NA AT KAMBAL NA ANAK MO TAPOS ANG ASAWA MO BAK—” halos pasabog na bungad ni Maxine, nakapamewang pa at nanlalaki ang mata, para bang nakakita ng multo. “OA KA! Umalis ka nga d’yan!” agad na sabat ni Lyka, sabay irap at pagtabig kay Maxine. “Kung makadaldal ka akala mo ikaw ang nanay ng kambal!” Mabilis na pumasok si Lyka at Rockie sa loob ng Villamonte Mansyon, karga nila ang kambal. Napasinghap si Maxine, sunod-sunod ang turo kay Lyka. “Ay grabe! Yan na ba ang tinatawag na instant mommy package? Kambal agad ang dala, wala man lang lampin! Diyos ko, baka isipin ng tao nag-shopping ka ng baby, buy one take one!”tapos ang tatay bak-.. “Psssstttt!” biglang harang ni Rockie sa bibig ni Maxine gamit ang dalawang daliri, parang naglalagay ng mute button. “Kung wala kang magandang sasabihin, umayos ka! Bakla man akong matatawag…” tumuwid pa ng tindig si Rockie, parang beauty queen na nag-iintroduce ng sarili, “…mas maganda pa rin ako sa’yo, noh!” Halos malaglag
Naging mabilis ang mga pangyayari at halos hindi na nila namamalayan na nakarating na sila sa Airport. “Umalis na kayo bago pa kayo makita ng mga tauhan ni Ama Clinthon!” sigaw ni Gerald habang pawis na pawis sa pagmamadali. “Ako na ang bahalang iligaw ang mga tauhan ni Benjie!” dagdag pa niya, kasabay no’n ay mariin niyang inapakan ang silinyador ng sasakyan para makalayo. Ramdam ang kaba at tapang sa bawat pagpihit ng manibela, lalo na nang masilayan niyang papalapit na ang mga armadong tauhan ng Clinthon. Si Yaya Rhia, Yaya Meme, at ang kambal na sina Clairox at Roxiel na karga-karga nila ay mabilis na si silang nakapasok sa loob ng airport. Dala nila ang kaba at pag-asa, habang pilit nilang itinatago ang kanilang paghinga para hindi na sila matunton ng mga kalaban. Sa wakas, nakahinga sila ng maluwag nang tuluyang maisara ang pinto ng paliparan sa kanilang likuran. … Sa loob ng Eroplano. Tahimik ang paligid, tanging ugong ng makina ng eroplano ang naririnig. Ngunit hindi ma
“Boss Benjie!” hingal na sigaw ng isa sa mga tauhan habang mabilis na sumilip sa loob ng silid ng kambal. “Nawawala sila! Walang tao rito! Mukhang natunugan nila ang plano natin!” Biglang nanlilisik ang mga mata ni Boss Benjie, nagngangalit ang panga habang mariing pinagsalubong ang kanyang mga kamao. Halos mabasag ang ngipin niya sa pagkakadiin ng panga. “Mga G*Gong inutil!” bulyaw niya, halos yumanig ang buong pasilyo sa lakas ng kanyang tinig. “Paano nila natunugan ang galaw natin?! Ha?! Mga bwis*t kayo, pati simpleng pagbabantay hindi niyo magawa ng tama!” Napaatras ang mga tauhan, nanginginig ang tuhod habang iwasan ang nagbabagang titig ni Boss Benjie. Ang isa ay napatungo, nanginginig ang kamay habang hawak pa ang hawla na dapat sana ay para sa kambal. “Boss… baka may nagtaksil sa grupo—” nanginginig na paliwanag ng isa, pero hindi na niya natapos. “Tumahimik ka!” singhal ni Benjie sabay hampas ng kamao sa mesa malapit sa kanila, dahilan upang mabasag ang isang baso a