Share

29.

Penulis: Batino
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-20 01:58:43

Imbes na abutin ni Roxane ang kamay ni Dark, nagpatihunang naglakad ang dalaga—hindi alintana ang suot niyang kupas na daster na pantulog. Maluwag ito, gusot-gusot, at halatang pinaglumaan na ng ilang taon ng labada. Ngunit sa kabila ng itsura niya, dere-deretso ang lakad niya, taas-noo—tila ba hindi siya nahihiyang nasa publiko nang ganoon ang itsura.

Napangiti si Dark habang nakasunod lang sa kanya. May kakaibang saya sa kanyang mga mata—parang tuwang-tuwa siyang makita ang babaeng ito sa kanyang pinakasimpleng anyo. Hindi gaya ng mga babaeng palaging naka-make-up o nakabihis ng mamahaling brand, si Roxane ay... totoo.

Samantala, hindi namamalayan ni Roxane ang sunod-sunod na mapanuring tingin ng mga kababaihang nasa paligid. Yung iba’y yakap ang mga nobyo, pero pansamantalang nabaling ang atensyon sa lalaking sumusunod sa kanya—matangkad, gwapo, matikas—na para bang kakatapos lang mag-shoot ng perfume commercial.

“Grabe! Kung ako lang siya, malamang hinding-hindi ako magpapakipo
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Batino
updated n po
goodnovel comment avatar
Melanie Ruso Delossantos Ines
update please
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   165. Lihim na sila lang ang nakakaalam/Signature

    “Ituloy ang kasal!” malakas at matigas na utos ni Ama Clinthon, ang tinig niya ay parang kulog na umalingawngaw sa bawat sulok ng Bulwagan. Halos manginginig ang mga haligi ng Clinthon Crown sa bigat ng kanyang tinig. “Walang sino man ang magbubukas ng pintuan ng Bulwagan! Ang sinumang mangahas na suwayin ako ay palalayasin at hindi na kailanman makakabalik sa bulwagang ito!” dagdag pa niya, ang kanyang mga mata’y naglalagablab na tila tumatagos sa kaluluwa ng bawat isa. Natigilan ang lahat ng bisita; ang mga mararangal na panauhin na kanina’y bulungan ng bulungan ay napipi’t hindi makatingin nang diretso sa kanya. Kahit ang mga tauhan at guwardiya ay napakuyom ng kamao, nanginginig sa takot na baka sila ang mapagbalingan ng matandang haligi ng Clinthon. “Hindi maaaring masira ang kasal ng aking apo! Ito ay hindi lamang pagdiriwang, ito ay dangal at kapangyarihan ng ating lahi—at sinumang hahadlang dito ay haharap sa akin mismo!” sigaw niya, at ang kanyang baston ay malakas na ibin

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   164.

    Malapit nang marating ni Roxane ang entablado ng marangyang Bulwagan ng Clinthon Crown, at bawat hakbang niya ay tila umaalingawngaw sa loob ng engrandeng silid. Ang kanyang dibdib ay kumakabog, hindi dahil sa kaba lamang, kundi dahil sa bigat ng lahat ng mata na nakatuon sa kanya. Sa unahan, nakatayo si Gravon Calvez, nakasuot ng itim at ginto na tuxedo na tila hinubog para sa kanya lamang. Ang ngiti sa kanyang labi ay hindi basta ngiti—iyon ay isang ngiting nagsusumigaw ng tagumpay, pagmamahal, at pag-aari. Isang ngiti na hindi kayang tumbasan ng kahit sinong panauhin, dahil iyon ay para kay Roxane lamang. Ngunit sa isang sulok ng bulwagan, mahigpit ang pagkakakuyom ng mga daliri ni Ismeralda Rechenora sa kanyang abaniko. Hindi maitago ang matalim na apoy sa kanyang mga mata, habang halos mabulunan siya sa pagsambit ng, “Kainis!” Napansin ng ilan ang bahagyang pag-angat ng kanyang kilay at ang panlalamig ng kanyang tinig. Para bang bawat hakbang ni Roxane papalapit sa al

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   163.

    “Ma’am Carolina Clinthon, handa na po ba kayong umalis?” tanong ng isang make-up artist na may bahagyang panginginig ng tinig, tila dama rin ang bigat ng okasyon. “Oo… handa na ako,” mahina ngunit mariing sagot ni Roxane, hindi na niya nilingon ang nagsalita sa likuran, sa pag-aakalang isa lamang itong karaniwang staff na nag-aasikaso sa kanya. Ngunit sa loob niya, kumakabog ang dibdib na parang may tinatagong kaba—hindi niya malaman kung ito ba’y takot o pananabik. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa malambot na upuang pelus na kulay ginto. Agad na sumaklolo ang dalawang staff upang alalayan siya; halos hindi siya makagalaw dahil sa bigat ng napakalapad at kumikislap na gown na tila yari sa sinulid na ginto. Ang bawat hakbang niya ay may kasamang tunog ng mga brilyanteng nakasabit sa laylayan, nagbabanggaan na parang mga maliliit na kampana. Sa liwanag ng mga chandeliers, ang dyamanteng alahas na suot niya—mula sa korona hanggang sa pulseras—ay kumikislap na animo’y mga bituin na bu

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   162.

    Ang nakatakdang kasalan ay magaganap sa malawak na bulwagan ng Clinthon Crown, ang tinaguriang hiyas ng lungsod na tanging mga maharlika at makapangyarihan lamang ang karaniwang nakakapasok. Mula pa lang sa paanyaya na ipinadala sa mga piling bisita—gintong sobre na may tatak na eskudo ng Clinthon family—ramdam na agad ang bigat at prestihiyo ng selebrasyon. Ang mismong bulwagan ay pinaghahandaan na ng mga kilalang event stylist mula Europa, bawat detalye’y pinag-isipan: mula sa higanteng chandelier na lilinisin gamit ang imported na kristal polish, hanggang sa paglalagay ng mga bulaklak na ipapadala mula sa apat na kontinente—orchids mula Singapore, tulips mula Amsterdam, at rare blue roses mula Turkey. Ang sahig ay tatakpan ng hand-woven silk carpet na may burdang ginto, habang ang altar ng kasal ay itatayo sa gitna ng makintab na marmol, may backdrop na dinisenyo ng isang kilalang Italian architect. Hindi rin pahuhuli ang listahan ng mga dadalo: mga kilalang negosyante, royal f

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   161.

    “Ikulong ang katulong na ‘yan sa Balkonahe!” malakas at galit na utos ni Benjie Clinmax sa mga tauhan niya, sabay turo kay Yaya Rhia na halos walang kalaban-laban. Agad na kumilos ang dalawang guwardiya, papalapit para hablutin si Yaya Rhia. Ngunit bago pa nila magawa iyon, biglang sumambulat ang malakas at sunod-sunod na iyakan ng kambal. “Waaaaaahhh!” Si Clairox, agad kinarga ni Yaya Meme, nanginginig ang maliit na katawan habang mahigpit na kumakapit sa leeg niya. Samantalang si Roxiel, na nasa stroller pa rin, ay hindi maawat ang pag-iyak, ang maliliit na kamao ay paulit-ulit na pumapalo sa hangin, tila naghahanap ng kalinga ng kanyang ina. Napalingon ang lahat, saglit na natigilan sa mga iyak ng mga sanggol. Ramdam ang tensyon at bigat ng sitwasyon. “A-anong gusto n’yong mangyari? Ang makarating ito kay Master Ama Clinthon?!” madiin at matapang na sigaw ni Yaya Meme, nanginginig man ang boses dahil sa takot, dama pa rin ang tapang at paninindigan niya. “Mga guard! Ano pang

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   160.

    “Excuse me! Nakaharang kayo sa daan?! Dadaan ang mga hari ng CEM!” malambing pero may halong lambing at biro na sabi ni Yaya Rhia, habang pumapagitna siya sa gitna ng tensyonadong sagupaan ng mga salita. Napalingon ang lahat sa kanya. Ang matitinding titigan at nagbabagang emosyon ng bawat panig ay biglang naputol—para bang isang mahiwagang pihit ng oras ang pumigil sa lahat. Unti-unting gumilid ang mga tao, pilit na pinapakalma ang sarili, at hinayaan ang daraanan. Mula roon, dumaan ang kambal, nakaupo sa kanilang mamahaling stroller na kumikintab at halatang gawa sa imported na materyales. Para silang mga munting prinsipe, nakangiti at inosente, walang kamalay-malay na ang paligid nila’y puno ng galit at sigawan ilang sandali lang ang nakalipas. Kasunod nila, nakaporma ang mga bodyguard—matikas, matitigas ang panga, at bawat mata ay matalim ang tingin sa kapaligiran. Walang sinuman ang naglakas ng loob na lumapit. Doon, nanlaki ang mga mata ni Mr. Nathaniel. Halos hindi siya

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status