로그인
Sa tuwid at mahabang kalsada, mabilis ang takbo ng mamahaling sasakyan na minamaneho ni Saintour Cole, ang bagong CEO ng The Cole Group of Company.
Kilala ito bilang maligalig at babaerong tagapagmana ng pamilya Cole. Tinalikuran ang propesyon upang saluhin ang trono ng kaniyang may sakit na ama.
Magaling siya sa pagmamaneho dahil isa sa kaniyang hilig ang karera ngunit hindi siya nakikipagkarera para manalo—hinahabol niya ang babaeng importante sa kaniyang buhay.
Nadatnan lang naman siya nitong kalandian ang kaniyang sekretarya sa loob ng opisina!
“Sh*t! Sh*t! Get out of my f*cking way—you!” Gigil na gigil itong tinipa ang busena ng sasakyan.
Madaming nakaharang na sasakyan sa kaniyang harapan dahilan para mawala sa kaniyang paningin ang big bike na kaniyang hinahabol.
“Argh!”
Galit na galit niyang pinagsusuntok ang manibela dahil bigla tumirik sa gitna ng daan ang kaniyang sasakyan. Itinabi niya muna ito bago sinubukan na muling buhayin ang makina.
Nawala na nga sa mata niya ang sinusundan, tumirik pa ang kaniyang sasakyan!
Malas na buhay ‘to!
“Putangina mo!” Bulaslas niya.
Halos mapatalon sa gulat si Saintour dahil sa malakas na kalabog sa kaniyang harapan.
Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang isang mumurahin at lumang sasakyan na wala na ang likuran nito.
At saan naman nangagaling ang basurang ‘yan?!
Napakurap-kurap siya. May kumakatok sa bintana ng kaniyang sasakyan. Isinuot niya ang kaniyang aviator na kanina'y ginawa niyang headband. Dahan-dahan niyang binuksan ang bintana ng sasakyan hanggang sa makakalahati ito.
Bumungad sa kaniya ang namumulang mukha ng dalaga. Marahil nakakita ito ng isang Adonis na katulad niya—alangan naman dahil sa init 'di ba?
Natigilan sila.
Sa unang tingin makikita mo itong isang babaeng lansangan sa itsura nitong madungis. Magulo ang buhok, madumi at gusot-gusot na damit. Kung nakakapaglakad lang ang suklay at washing machine, kanina pa hinabol ang babaeng ‘to.
Mabuti na lang at hindi! Lucky her.
Nakatitig ang dalaga sa kaniyang mga mata. Napaawang pa ang labi.
Sus! Iba talaga nag karisma ko pati pulubi pinagnanasaan ako!
Hindi na bago kay Saintour ang mga taong lansangan. Hindi na rin bago sa kaniya na kumakatok ito upang humingi ng barya.
Badly, he doesn't have cash.
“I don't have cash.”
Dumukot siya sa kaniyang bulsa at nakuha ang isang piso coins.
Mukhang sinuswerte pa naman ang dalaga sa kaniya!
“Take it.”
Pinitik niya ito dahilan para lumanding ito sa kalsada sa harapan ng dalaga at umalingawngaw ang tunog ng piso.
Pinanuod ng dalaga ang hanggang sa tumigil.
Napaawang ang labi niya. Hindi siya kumatok para manlimos at piso? Anong mabibili ng piso?
Isasara na sana ni Saintour ang bintana nang muling katukin ng babae. Sa inis ni Saintour binuksan niya ng tuluyan ang kaniyang bintana.
Sa kulit ng dalaga ay mas lalo itong nakadagdag sa init ng ulo niya!
“Hoy! Antipatikong bastos lumabas ka diyan!” Dinuro ng dalaga si Saintour.
Nakaawang ang labi na tinuro ni Saintour ang sarili.
“Oo! Sino pa ba?! Hindi mo ba nakikita ang sira ng sasakyan? Piso? Anong akala mo sa sasakyan ko mumurahin?!”
Bahagyang binaba ni Saintour ang suot niyang aviator upang tingnan ng mabuti ang sasakyan sa kaniyang harapan.
Lumang-luma na ‘yon! Wala ng parte na mukhang maayos. Ang pintura nito'y burado—itsura na dapat nang ibenta sa junk shop.
“Eh mukhang wala namang masisira pa diyan sa sasakyan mo, Miss. Mabuti pa pumunta ka sa pinakamalapit na junk shop ibenta mo para magkapera ka naman.” Suhestiyon niya.
Namewang ang dalaga at malakas ang boses na sinabi, “Hoy! Kahit luma na ang sasakyan ko may halaga 'yan! Hindi tulad niyong mga mayayaman ang bilis-bilis niyong pakawalan ang mga bagay na sa tingin niyo wala ng silbi. Palibhasa naliligo kayo sa pera kaya kapag sa tingin niyo luma at madumi—wala! Itinatapon niyo agad-agad, hindi niyo man lang inisip ang ka halagahan nito.”
Nagpanting ang pandinig ni Cole dahil masyadong matalas ang dila ng dalaga.
Humugot pa nga!
“Hey, woman! We are just talking about your old fuckin' car, you're going too far. You know I can sue for that!”
Sumilay ang gulat sa mukha ng dalaga pero agad naman na nawala.
“Abah! Abah! Ikaw pa itong may ganang magalit? Wag na nating pa habain pa ang usapan! Bayaran mo ako—tapos! Tapos ang usapan!” Inilahad nito ang kaniyang palad.
Sa pagkakatanda ni Saintour, walang sasakyan sa harapan niya nang huminto skay.kaya bakit niya naman babayaran kung hindi niya naman ito na bundol?
“Are you scamming me woman? Try harder.” His pissed off. “You know I can sue for making trouble.”
Mas lalong mamula ang mukha ng dalaga sa galit nang makitang wala itong balak na magbayad.
“Huh! Alam mo ang ganda nitong sasakyan mo. . .” Inikutan ng dalaga ang sasakyan ni Saintour.
Nagmamadaling bumaba si Saintour, nanlaki ang mata ng makitang may hawak na lumang baseball ang dalaga.
“Hey! Hey!” Awat ni Saintour.
“Stop!” Pigil ni Saintour nang umakto ang dalaga na ibabato sa bintana ng kaniyang sasakyan ang baseball.
Gigil na hinarap ni Saintour ang dalaga.
Kung ang bulok nga nitong sasakyan iniingatan nito—ang sasakyan niya pa kaya na milyones ang halaga?
“You know, I don't have cash.”
Natatarantang dinukot ni Saintour sa bulsa ng pantalon ang kaniyang wallet.
“Let's make it short.” Inabot niya sa dalaga ang calling card.
“If you have complain just go see my lawyer. He'll pay damages.” Saintour sarcastically said and glance on the girl’s poor car.
Nagbaba ng tingin ang dalaga sa calling card na inaabot niya bago ito tumingin sa kaniyang mata.
“Madali ka naman pa lang kausap pinatagal mo pa.” Inagaw nito ang calling sa kaniyang kamay.
Nakangisi itong tiningnan at binasa. “Atty. Saintour Cole. . .”
Nakangiting pinulot ng dalaga ang bumper ng bulok nitong sasakyan at ibinalik. Para itong bata na naglakad papunta sa driver side.
She's about to open her car when the handle was broke but she manage to open it. When she entered something fall on her head that's make Saintour shook his head.
“What a trash.”
Wala mang emosyon ang kaniyang mukha ngunit ang kaniyang isipan ay humahalakhak.
Umiiling na bumalik siya sa loob ng kaniyang sasakyan. Sinubukan na paandarin ang kaniyang sasakyan pero hindi ito gumana.
Tangina!
Anong silbi ng magandang sasakyan kung hindi mapatakbo?
“Damn! Wala ng gas!” bulaslas niya.
Napipikon na hinampas niya ang manibela.
Dahil sa babaeng ‘yon nawala na sa isipan niya na hinahabol niya ang kaniyang nobya!
He took his phone and dial his close friend's number.
[“What's up, mother fucker?”] bungad ng kaibigan niyang si Roxzel.
“I'm out of gas, pick me up.”
Napapikit si Saintour sa asar nang umalingawngaw sa kaniyang tenga ang malutong na tawa ni Roxzel sa kabilang linya.
[“Ow, men! Naghihirap na ba ang attorney naming ‘yan?”]
“Hindi magandang biro 'yan at mas lalong hindi maganda ang ibabalita ko!”
[“What did you do?!”]
“Nahuli ako ni Charmy.”
Natahimik si Roxzel. Nakuha nito ang kaniyang ibig sabihin.
Nakarinig siya ng kalabog at daing sa kabilang linya. Stupid!
Binabaan niya ito.
He track the location of his love. Masyado na itong malayo at patungo ito sa rancho.
He removed his aviator and put it on his head. Hinilamos niya ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang mga palad.
He can't let go of her. He can't let her do whatever she wants. He can't forgive himself if there something happen to her.
Alam niya sa kaniyang sarili na sa pagkakataong ito nagkamali siya. . .
Hello, Readers! Welcome to my ANG PULUBI NA ASAWA NG BILYONARYO. Nawa'y mapatawa, mapaiyak, kiligin, mapikon, magalit at mahalin niyo ang kwento nina Saintour at Shevaughn.🖤 READ, RATE and FEEDBACK! Maraming salamat po! ~ Soli Deo
“Minsan ka lang makakahawak ng ganito kakapal na pera sa buong buhay mo!” Isinampal ni Secretary Madeline kay Shevaughn ang pera. “Makukuha mo ang pera na ‘to kung magmamakaawa ka sa akin, hahalikan mo ang paa ko at humingi ng tawad sa pagpapahiya sa akin!” Nakangising sambit ni Secretary Madeline.“Kung magyayabang ka ng pera, sisiguraduhin mo na galing sa sarili mong bulsa.” wika ni Shevaughn dahil nakita niya kung saan nito kinuha ang pera na ‘yon.Mas lalong namula sa galit si Secretary Madeline, galit na pinagsasampal si Shevaughn gamit ang pera. Itinapon ang ilang libo sa mukha ni Shevaughn at kinumos ni Secretary Madeline ang ilang libo at pilit ipinapakain kay Shevaughn.Pumapalag si Shevaughn pero agad ring napirmi sa kaniyang pagkakadapa sa sahig dahil hinawakan ng dalawang kasamahan ni Secretary Madeline ang kaniya magkabilaang braso.“Tama na ‘yan!” saway ni Secretary Thompson.Sinulyapan ni Secretary Thompson ang kaniyang mamahalin na pambisig na relo upang tingnan ang or
Lahat ay napalingon sa pinanggalingan ng boses maging si Shevaughn ay napatingin doon. A man in a maroon outfit; from blazer to trouser.Nagsigilid ang mga empleyado upang bigyan ang daan si Secretary Thompson, ang Secretary ni Mr. Monteverde.“Anong kaguluhan ito?” Isinarado ni Secretary Thompson ang butones ng blazer.Natigilan si Secretary Thompson nang makitang nakasalampak sa maduming sahig si Secretary Madeline, umiiyak at kaawa-awa ang kalagayan.Dumapo ang mata ni Secretary Thompson kay Shevaughn, pinasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa.Magmula ng maging empleyado si Secretary Thompson ng Monteverde Global Holdings, ngayon lamang siya nakakita ng hampaslupa na napadpad sa kanilang kumpanya.Walang ibang nakikita si Secretary Thompson kundi ang hampaslupa na nasa harapan ang may kagagawan no'n kay Secretary Madeline.“Secretary Thompson!”“Secretary Thompson, tulungan niyo si Secretary Madeline!”Agad na sumalubong ang dalawang kasamahan ni Madeline kay Secretary Thomp
Hindi makatulog si Shevaughn dahil sa nabasa niyang mensahe kung kaya't kinabukasan, maagang-maaga siyang umalis sa kanilang tahanan.Upang hindi mag-alala ang kaniyang Mamang Esme at Papang Ringhoy, nagpaalam siya na didistakarte para sa pandagdag na pera sa pambili ng gamot at follow-up check ng kaniyang Manang Esme.Hindi pa sapat ang kaniyang ipon, ang kinita niya kahapon na dapat para sana pambili ng gamot ng kaniyang Mamang ay nauwi sa pambili ng bigas at pangangailangan sa loob ng bahay na aabot hanggang dalawang linggo.Aabot pa naman sa makalawa ang gamot ng kaniyang Mamang at sa susunod na buwan pa naman ang check-ip nito kung kaya't para sa kaniya ay may oras pa siya para pag-ipunan ‘yon.Inuna niya muna ang mga bagay na mas importante—ang hindi mawalan ng laman ang hapag! Kahit na simple, basta sila ay mabusog.“Nakarating rin sa wakas!” Puno ng sayang sambit ni Shevaughn nang makarating sa tapat ng malawak at matayug na gusali ng Monteverde Global Holdings.Ang Monteverde
Mahaba ang gabi ni Saintour at Roxzel dahil sa sanggol na lalaki na natagpuan sa loob ng sasakyan ni Saintour.Umaalingawngaw sa loob ng condo ni Roxzel ang iyak ng sanggol dahilan kung para hindi sila makatulog.“Anong gagawin ko? Saintour, tulungan mo 'ko sabi!” Sigaw ni Roxzel.Binato ni Roxzel ng unan si Saintour na sinusubukan nitong matulog sa sofa-bed habang nakatakip ng mga unan sa tenga.“Padedehin mo!” Bulyaw ni Saintour na tila nauubusan ng pasensya.Ito na nga ang pinakaayaw ko sa lahat!“Ginawa ko na pero ayaw niya!” Aburido na tugon ni Roxzel.“Patulugin mo!” Utos ni Saintour.“Ginawa ko na pero trip niya talagang umiyak!” Giit naman ni Roxzel.“Trip ko ring matulog!” Ibinato ni Saintour ang unan at bumangon. “Kaya kung hindi 'yan titigil ihuhulog ko na 'yan sa bintana!” Mabilis na inawat ni Roxzel si Saintour nang lalapitan nito ang bata na pinaupo nila sa sofa at panay ang iyak, nagpapadyak ang malilit nitong paa.“Gago ka ba?! Bata lang ‘yan!” Saway ni Roxzel.Nilapit
Sa kabilang banda, sa iskuwater. Napakaraming bahay. Siksikian at kahit bulungan ng kapitbahay ay dinig sa kabilang bahay.Maraming bata na nagkalat sa lansangan, may mga batang umiiyak, may mga matatamlay at ang iba ay idinadaan na lamang sa laro ang gutom.Doon na rin nakatira ang lahat ng klase ng taong gumagawa ng crimen. Karamihan sa mga ‘yon ay mabubuting tao, natututong gumawa ng masama upang may maipakain sa pamilya.Gabing gabi na ay pauwi pa lamang si Shevaughn o mas kilala sa pangalang Eva—sa kanilang munting tahanan, suot niya ang damit pang matanda at mayroon rin siyang wig na kulay puti at gusot-gusot—nakuha niya ‘yon sa basurahan, isinuot niya ‘yon dahil mapapakinabangan naman.Kahit na anong oras siya dumaan sa eskinita ay hindi siya napagti-tripan ng mga tambay, lasinggero o sugarol dahil kilalang-kilala siya sa kanilang lugar na Eva-balibag ka.“Paldo! Paldo ang Lola niyo!” Patalon-talon na binibilang ni Shevaughn ang ilang libong nakuha niya nang walang kahirap-hira
Pagkatapos ng nakakabaliw nilang dramahan. Napagdesisyunan nilang dalawa na pumunta sa pinakamalapit na resto-bar upang kumain ng hapunan.Ang sasakyan na lamang ni Saintour ang ginamit nila at ito na rin ang nagmaneho.Habang nasa byahe panay ang scroll ni Roxzel sa kaniyang social media at kapag may nakita itong magandang babae, ipinapakita rin sa kaniya dahilan para mawala siya sa focus sa pagmamaneho at muntik-muntikan pa silang makabundol ng matandang babae.“Shit! Shit! Kasalanan mo 'to!” Paninisi ni Saintour.“Ano? Bakit ako, eh ikaw ang nagmamaneho!”“Eh sa ginugulo mo ako!” Singhal niya dito.Nagkatinginan silang dalawa. Nagmamadaling bumaba si Roxzel, sa kasamaang palad na patid ito ng seatbelt dahilan para lumanding ito sa kalsada. Tawang-tawa si Saintour hanggang sa sumakit ang tiyan. May papalakpak pa ito at pa tayo-tayo pa kaya na untog ang ulo niya—siya naman ang tinawanan ni Roxzel nang makabalik sa loob ng sasakyan.“Ilang isda ba ang na huli mong galunggong ka?!” Pa







