LOGINSorry guys ngayon lang naka update! Sisikapin ko pong maka update kahit two chapter everyday. Stay tuned!
SENNAApat na buwan na ang lumipas mula nang magsimula akong tumanggap ng kung anu-anong trabaho para lang maitaguyod kaming mag-ina.Sa loob ng apat na buwang iyon, halos wala na akong araw na walang ginagawa. Kapag may catering event, pumapasok ako bilang waitress o kitchen helper. Kapag walang booking, naglilinis ako ng condo, nagpa-pack ng parcels, nagluluto ng packed meals, o nagbebenta online ng kahit anong puwedeng pagkakitaan.Malaking tulong ang limang daang libong pisong ibinigay sa akin ni Ma’am Emery, pero mabilis din iyong nabawasan. May mga gamot si Ashley na kailangang bilhin, laboratory tests, consultations, hospital visits, renta, pagkain, at iba pang gastusing hindi puwedeng ipagpaliban.Hindi ko pinagsisihan kahit isang piso.Kung para kay Ashley, kahit maubos pa lahat ng pera ko, ayos lang.Ang problema, may isa pa akong obligasyong hindi ko kayang takasan.Ang isang milyon kong utang.Naupo ako sa maliit na mesa ng apartment namin at binuksan ang notebook kung saa
SENNADumating ang araw ng malaking catering event na sinabi ni Ma’am Liza. Maaga pa lang ay nakahanda na ako. Ang problema, ilang minuto bago ako umalis ay tumawag ang aking kapitbahay na pinakiusapan kong magbantay sana kay Ashley. Hindi raw siya makakapunta dahil may emergency sa pamilya nila.Napahawak ako sa noo.Hindi ko pwedeng iwan mag-isa si Ashley. Pero hindi ko rin kayang hindi pumasok. Mas mataas ang bayad sa event na ito kaysa sa karaniwang booking namin.Wala akong ibang choice kundi isama siya.Pagdating namin sa catering office, agad akong lumapit kay Ma’am Liza habang hawak ang kamay ng anak ko.“Ma’am, pasensya na po. Biglang hindi po makakapunta iyong magbabantay sana kay Ashley. Pwede po bang dito lang siya sa staff lounge habang nagtatrabaho ako?” pakiusap ko habang bahagyang hinihigpitan ang hawak sa kamay niya.Tiningnan muna ni Ma’am Liza si Ashley bago napabuntong-hininga.“Sige,” sagot niya habang itinuturo ang staff area. “Pero siguraduhin mong hindi siya la
Part TwoSENNADoon nagsimula ang bago kong routine.Kapag may catering event, pumapasok ako bilang waitress o kitchen helper. Kapag walang booking, naghahanap ako ng ibang puwedeng pagkakitaan.Hindi na mahalaga sa akin kung anong trabaho iyon. Basta marangal, may bayad, at may maiuuwi akong pera para kay Ashley.Nag-online selling ako ng mga damit at gamit na hindi na namin kailangan. May ilang branded bags pa akong natira mula noong maayos pa ang buhay namin ni Mavix. Dati, iniingatan ko pa ang mga iyon dahil mahal ang bili ko, pero ngayon, kahit halos kalahati lang ng original price ang ibinabayad sa akin, ibinenta ko pa rin.Ano pa bang gagawin ko sa mamahaling bag kung wala naman akong pambili ng gamot ng anak ko?Naglinis din ako ng condo units kapag may nagpapahanap ng cleaner. May isang araw na dalawang unit ang nilinis ko mula umaga hanggang hapon. Pagkatapos no’n, dumiretso pa ako sa catering event sa gabi.May mga araw ding nagpa-pack ako ng parcels para sa isang online sho
Part OneSENNAPagkauwi namin mula sa ospital, halos hindi pa ako nakakapagpahinga nang maalala ko ang text message na natanggap ko tungkol sa part-time work sa catering service.Agad kong kinuha ang cellphone ko at muling binasa ang message.[ May kakilala akong naghahanap ng part-time staff sa catering service. Kailangan nila ng waitress at kitchen helper. Hindi kalakihan ang sahod pero puwedeng magsimula agad. Interested ka? ]Napatingin ako kay Ashley na nakahiga sa kama habang tahimik na naglalaro ng stuffed toy niya.Hindi na ako puwedeng mamili ng trabaho.May gamot siyang kailangang bilhin. May renta kaming kailangang bayaran. May pagkain at araw-araw na gastusin. At higit sa lahat, may isang milyon akong utang na kailangan kong bayaran sa loob ng apat na buwan.Agad kong tinawagan ang numerong ibinigay sa akin.“Hello po. Ako po si Senna Chavez. May nagsabi po sa akin na naghahanap kayo ng part-time staff,” bungad ko habang nakaupo sa maliit na mesa ng apartment namin.“Yes, h
SENNAHabang nasa labas pa ako ng Ellington Biopharm Corporation, biglang nag-ring ang cellphone ko. Nang tingnan ko ang screen, nakita kong si Aling Rosa ang tumatawag.“Hello po, Aling Rosa. May problema po ba?” tanong ko habang naglalakad papunta sa sasakyan.“Naku, Senna, hinahanap ka na ng anak mo. Nasaan ka na ba?” tanong ni Aling Rosa mula sa kabilang linya.“Eto po, pauwi na. May dadaanan lang po ako saglit,” sagot ko habang binubuksan ang p***o ng kotse.“Oh, siya. Sige, at nami-miss ka na yata ng anak mo. Mag-iingat ka sa biyahe,” natatawang sabi ni Aling Rosa.“Sige po. Salamat po ulit sa pagbabantay kay Ashley,” sagot ko bago ko ibinaba ang tawag.Mabilis akong sumakay sa sasakyan at dumaan muna sa paboritong fast-food restaurant ni Ashley. Binilhan ko siya ng pagkain kahit alam kong hindi siya masyadong malakas kumain nitong mga nakaraang araw. Gusto ko lang siyang mapasaya kahit kaunti.Pagdating ko sa bahay ni Aling Rosa, agad akong bumaba ng sasakyan dala ang paper bag.
SENNAKinabukasan, maaga pa lang ay gising na ako. Halos hindi ako nakatulog buong gabi dahil paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang email mula sa Human Resources ng Ellington Biopharm Corporation.Terminated effective immediately.Isang araw lang ako nagtrabaho sa kompanyang iyon, tapos bigla na lang nila akong tinanggal dahil sa nangyari kay Lucien sa restaurant. Hindi ko matanggap na sa akin nila ibinagsak ang lahat ng sisi gayong walang nagpaliwanag sa akin nang maayos tungkol sa kondisyon niya.Oo, nagpanic ako. Hindi ko rin agad nakita ang emergency injector sa bag niya. Pero paano ko malalaman ang gagawin kung walang nagturo sa akin?Ang tanging sinabi sa akin ay allergic siya sa mga bata at kailangan ko siyang ilayo sa mga ito. Walang nagsabi na maaari siyang mawalan ng malay o mamatay kapag inatake siya. Wala ring nagturo sa akin kung nasaan ang gamot niya at kung paano iyon gamitin.Kaya hindi ako papayag na basta na lang akuin ang lahat ng sisi.Napalingon ako kay Ashley na
SENNAKinabukasan matapos ma-discharge si Ashley, agad akong humanap ng maliit na apartment na kaya kong bayaran buwan-buwan. Hindi man iyon kasing ganda ng dati naming bahay, sapat na iyon para may matulugan kami ng anak ko.Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama habang pinapanood si Ashley n
SENNAMabuti na lang at binigyan ako ng ideya ng katrabaho ko. Hawak ko ang cellphone ko habang nakaupo pa sa loob ng sasakyan.“May kakilala akong puwedeng magpautang. Pero… loan shark siya, Senna. Mataas ang interes,” wika ng katrabaho ko sa kabilang linya.Napapikit ako sandali.Wala na akong pa
SENNAParang may humigpit agad sa dibdib ko nang marinig ko ang malamig niyang boses. Hindi pa rin nagbabago ang paraan ng pagsasalita niya. Para bang isa lang akong estrangherong biglang sumulpot sa bahay niya. “Kailangan ko ng tulong mo, Dad,” pilit kong sabi.Dahan-dahan niyang ibinaba ang tasa
SENNANapalingon si Natalia sa direksyon ko. Nang makita niya ako, agad na namutla ang mukha niya sa gulat. Mabilis siyang bumaba mula sa pagkakapatong kay Mavix at tarantang hinablot ang kumot upang ibalot sa hubad niyang katawan.“S-Senna…” nanginginig niyang tawag habang namumuo ang luha sa mga m







