Share

Billionaire's Secret Wife is His Secretary
Billionaire's Secret Wife is His Secretary
Author: Anoushka

Kabanata 1

Author: Anoushka
last update publish date: 2025-03-29 17:54:05

Magulo ang kwarto sa isang hotel. Isang babaeng nagising nang maramdaman niya ang pananakit sa kanyang katawan. Si Vaiana.

Hinilamos niya ang kanyang mukha bago tuloyang bumangon, ngunit napansin ang matangkad na pigurang nakahiga sa tabi niya.

Isang napakagwapong mukha, matangos ang ilong, malalim ang mga mata, at matalim ang mga linya ng kanyang mukha. Mahimbing pa rin itong natutulog.

Ang lalaking nakahiga sa tabi niya ay walang ibang kundi ang kanyang amo, at asawa sa papel, si Kyro de Vera.

Umupo si Vaiana sa kama, at nang dumulas ang kumot, lumantad ang ilang marka sa kanyang maputing balikat. Tumayo siya, at kitang-kita ang bakas ng dugo sa sapin ng kama.

Pagtingin niya sa oras, malapit na siyang mahuli sa trabaho. Dinampot niya ang gusot na uniporme at agad itong sinuot. Napansin niyang punit na ang kanyang stockings, ginawa niya itong bola at itinapon sa basurahan bago sinuot ang kanyang takong.

Maya-maya, may kumatok sa pinto.

Nakapaghanda na si Vaiana at bumalik sa anyo ng isang maayos at propesyonal na sekretarya. Kinuha niya ang kanyang bag at at handa nang umalis ng silid.

Isang napakagandang babae ang pumasok, ang babaeng siya mismo ang tumawag.

“Humiga ka lang sa kama at hintayin mong magising si Mr. de Vera. Wala ka nang kailangang sabihin pa.” Walang emosyon na sinabi ni Vaiana.

Saglit siyang lumingon sa lalaking natutulog sa kama. May kurot sa kanyang puso, pero pinili niyang umalis.

Ayaw niyang malaman ni Kyro ang nangyari kagabi. May kasunduan silang tatapusin ang kasal nila pagkatapos ng tatlong taong lihim na pagsasama, at sa panahong iyon, hindi sila dapat lumampas sa limitasyon.

Pitong taon na siyang personal na sekretarya ni Kyro, at tatlong taon bilang kanyang asawa. Mula noong araw ng kanilang pagtatapos, nanatili na siyang kasama nito at hindi kailanman lumayo.

Ngunit sa parehong araw na iyon, sinabi na rin ni Kyro sa kanya na ang relasyon nila ay mananatili lamang bilang amo at tauhan. Hindi kailanman maaaring lumampas sa hangganang iyon.

***

Habang nakatayo si Vaiana sa tabi ng bintana sa pasilyo, naalala pa rin niya ang nangyari kagabi. Nang hawakan siya ni Kyro, habang mahina nitong binabanggit ang isang pangalan, Althea.

Muling kumirot ang puso niya. Si Althea ang unang minahal ni Kyro at hanggayon ay mahal niya pa rin ito. Ginamit lang siya bilang panakip-butas.

Alam niya iyon. Kilala niya si Kyro. Hindi nito gugustuhing may mangyari sa kanila.

Ang kasal na ito, siya lang ang nagseryoso. Dapat na itong matapos. At ang nangyari kagabi ay maaaring ituring bilang pagtatapos ng tatlong taon nilang pagsasama.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at nakita ang isang headline sa balita: “Rising star singer, Miss Althea, bumalik ng bansa kasama ang kanyang fiancé!”

Napakapit siya sa kanyang telepono, at ang pait sa kanyang puso ay lalong lumalim. Maging ang dulo ng ilong niya ay uminit.

Ngayon niya naintindihan kung bakit ito nalasing kagabi, kung bakit ito umiiyak habang yakap siya.

Humihip ang malamig na hangin. Mapait siyang napangiti, inilagay ang cellphone sa kanyang bag, at kinuha ang isang kahang sigarilyo.

Sinindihan niya ito, idinikit sa kanyang manipis at mahahabang daliri, at hinayaang lumipad ang usok, unti-unting tinatabunan ang kanyang malamlam ngunit napakagandang mukha.

Sa sandaling iyon, dumating si Elyse na humihingal sa pagtakbo.

“Miss Vaiana, dumating na po ang suit ni Mr. de Vera. Ihahatid ko na.”

Naputol ang pag-iisip ni Vaiana at tumingin siya kay Elyse.

Sinulyapan niya ang dala nito at sinabi, “Sandale”

Nag-alinlangan si Elyse. “May problema po ba, Miss Vaiana?”

“Ayaw niya ng asul. Palitan mo ng itim. Itali ng may plaid stripes. Plantsahin uli, siguraduhin mong walang gusot. At huwag mong gamitin ang transparent na plastic bag, ayaw niyang makarinig ng tunog ng plastik. Isabit mo na lang nang maayos sa hanger bago mo dalhin.”

Si Vaiana ay parang isang personal na butler ni Kyro, alam ang bawat maliit niyang nakasanayan, at ni minsan ay hindi siya nagkamali.

Napamulagat si Elyse. Tatlong buwan pa lang siya sa trabaho, pero ilang beses na siyang ninerbyos dahil sa presensya ni Mr. de Vera. Halos magkamali na naman siya ngayon.

Agad siyang tumakbo para palitan ang damit. “Salamat po, Miss Vaiana.”

Ngunit biglang nagmula sa loob ng kwarto ang isang galit na sigaw,

“LUMABAS KA!”

Kasunod nito, narinig ang takot na sigaw ng babae.

Makalipas ang ilang sandali, bumukas ang pinto.

Lalabas na sana si Elyse, pero namumula ang kanyang mga mata at mukhang matamlay. Napagalitan siya. At sa pagkakataong ito, mukhang talagang iritable si Kyro.

Tumingin siya kay Vaiana na tila nagmamakaawa. “Miss Vaiana, pinapatawag ka ni Mr. de Vera.”

Tinitigan ni Vaiana ang bukas na pinto. Alam niyang hindi ito magiging madali. “Sige, bumaba ka na.”

Pinatay niya ang sigarilyo sa ashtray at pumasok sa suite.

Sa pintuan pa lang, nakita na niyang magulo ang buong kwarto. Kalat ang mga gamit ni Kyro, sira ang lampshade, at ang cellphone nito ay basag ang screen ngunit patuloy pa ring nagvi-vibrate.

Ang babaeng natagpuan niya ay takot na takot, walang saplot, hindi alam kung saan tatayo, at may bakas ng kawalan sa kanyang mga mata.

Samantala, nakaupo nang madilim sa kama si Kyro. Ang kanyang pangangatawan ay perpekto, matagal na siyang nag-eehersisyo kaya malinaw ang hubog ng kanyang muscles, malapad ang kanyang dibdib, at kitang-kita ang kanyang mga pandesal sa tiyan. Ang kanyang V-line ay bahagyang natatakpan ng kumot. Kahit mukhang kaakit-akit, ang ekspresyon sa kanyang gwapong mukha ay mabigat, madilim ang kanyang mga mata, at tila nasa gilid na ng galit.

Lumapit si Vaiana, pinulot ang natumbang lampshade, saka kumuha ng isang basong tubig at inilapag ito sa tabi ng kama. "Mr. de Vera, may meeting kayo ng alas-nwebe y medya. Kailangan n'yo nang gumising."

Malamig ang tingin ni Kyro sa babae, na parang hindi siya makapaniwala sa nangyari.

Napansin iyon ni Vaiana at sinabihan ang babae, "Pwede ka nang umalis."

Nag-aalalang pinulot ng babae ang kanyang damit at agad na lumabas, ayaw nang manatili pa kahit isang segundo.

Nanumbalik ang katahimikan. Dahan-dahang inilipat ni Kyro ang kanyang tingin kay Vaiana.

Sanay na si Vaiana sa ganitong sitwasyon kaya inabot niya sa kanya ang baso ng tubig at inilapag ang kanyang puting polo sa kama. "Mr. de Vera, magbihis na po kayo."

Pero hindi gumalaw si Kyro. Malinaw ang inis sa kanyang mukha, at malamig niyang sinabi, "Saan ka pumunta kagabi?"

Napatigil saglit si Vaiana. Pinapagalitan ba siya nito dahil hindi siya nanatili sa tabi niya? Dahil hinayaan niyang ibang babae ang humawak sa kanya? Dahil hindi siya ang babaeng tinawag niyang ‘My woman’?

Lumiit ang kanyang mga mata. "Mr. de Vera, lasing kayo kagabi. Kung ano man ang nangyari, wala na kayong dapat alalahanin. Matatanda na tayo, hindi kailangang bigyan ng kahulugan ang lahat."

Ipinapahiwatig niyang wala siyang balak guluhin ang buhay nito, at hindi niya hahayaang makialam ang babaeng kasama niya kanina.

Matalim ang tingin ni Kyro, saka bahagyang tumingala. "Tatanungin kitang muli, saan ka pumunta kagabi?"

Bahagyang kinabahan si Vaiana. "Dahil sa dami ng trabaho ko nitong mga nakaraang araw, nakatulog ako sa opisina."

Pagkasabi niya niyon, napangisi nang malamig si Kyro.

Nanatili ang matigas niyang ekspresyon, hindi nagsalita, at tumayo mula sa kama habang nakabalot lang ng tuwalya ang katawan.

Pinagmasdan ni Vaiana ang kanyang likuran, at naramdaman niya ang bigat sa kanyang dibdib.

Lagi siyang itinuring ni Kyro bilang isang estranghero, isang bagay na hindi kanais-nais.

Pero kagabi, nang yakapin siya nito at tawagin siyang ‘My woman’ hindi naman gano’n ang pakikitungo niya rito.

***

Nang bumalik siya sa kanyang ulirat, nakaligo na si Kyro at nakatayo sa harap ng salamin. Lumapit si Vaiana para tulungan siyang isara ang kanyang polo, tulad ng nakasanayan niya.

Napakataas ni Kyro, 1.88 metro. Kahit 1.68 metro siya, hindi pa rin sapat ang tangkad niya para maabot nang maayos ang kanyang leeg.

Nakatayo ito nang tuwid, halatang inis sa sarili. Siguro ay galit ito dahil pakiramdam niya ay nadumihan siya kagabi, dahil nagkamali siya.

Dahil sa hindi ito yumuko, napilitan siyang tumingkayad at inabot ang kanyang leeg para ayusin ang necktie nito.

Habang abala siya sa pag-aayos, dumampi sa kanyang tainga ang mainit na hininga ni Kyro.

At sa isang paos na boses, sinabi nito, "Vaiana, ang babaeng kasama ko kagabi… ikaw ‘yon."

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (11)
goodnovel comment avatar
Nanc y Obias
... ha ha ha
goodnovel comment avatar
Leony Cabral Mejia
nice story
goodnovel comment avatar
Epifania Ejera
nice story
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Billionaire's Secret Wife is His Secretary   Kabanata 1471

    “Wala pong kinalaman ang buong pamilya Alonzo sa mga ginawa ng suwail naming anak! Matagal na namin siyang itinakwil. Wala na kaming pakialam sa mga desisyon niya, at hindi na rin namin alam kung sino ang pinakasalan niya o kung ano-ano ang ginagawa niya ngayon!”Hindi pa man lubusang natatapos si M

  • Billionaire's Secret Wife is His Secretary   Kabanata 1470

    Halos sampung minuto pa ang lumipas habang naghihintay ang tatlo sa loob ng opisina.Sa pasilyo sa labas, sa likod ng malalaking salaming bintana mula sahig hanggang kisame, sunod-sunod na nag-ring ang mga cellphone ng mga reporter na may dalang camera at mga influencer na nakahawak sa kanilang mga

  • Billionaire's Secret Wife is His Secretary   Kabanata 1469

    Tatlong salita ang lumitaw sa screen bilang pangalan ng tumatawag: Malina.Bahagyang natigil ang mga daliri ni Fierra. Saglit siyang nag-alinlangan bago tuluyang pinindot ang sagot.“Fierra!”Bago pa man siya makapagsalita, agad na umalingawngaw sa kabilang linya ang matinis at galit na tinig ni Mal

  • Billionaire's Secret Wife is His Secretary   Kabanata 1468

    Umupo si Madam Gloria sa malaking sofa, at kaagad na naupo si Hailey sa tabi niya. Samantala, pinili ni Fierra ang nag-iisang silyang nasa tapat nila. Hindi nagtagal, nagmamadaling pumasok ang sekretarya upang maghain ng tsaa. Pagkatapos ay magalang itong nagpaalam at iniwang mag-isa ang tatlong bab

  • Billionaire's Secret Wife is His Secretary   Kabanata 1467

    Sa wakas, huminto si Jaelan at bahagyang lumingon sa kaniya. Kalmado ang mga mata nito, ngunit malamig ang kaniyang tinig at walang bahid ng pag-aalinlangan.“Kung ganoon, bigyan natin sila ng paliwanag.”Natigilan si Wren sa narinig. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa dahil tila handa si J

  • Billionaire's Secret Wife is His Secretary   Kabanata 1466

    Tuluyang nagsara ang mga p***o ng elevator, naiwan si Wren sa lobby ng Century Building. Nakatayo siya sa tapat nito habang pinagmamasdan ang metal na mga p***o hanggang sa tuluyan nang mawala ang mga ito sa kaniyang paningin. Halos magdikit na ang kaniyang mga kilay sa sobrang pag-aalala. Bilang de

  • Billionaire's Secret Wife is His Secretary   Kabanata 700

    “Balita ko,” sabi ni Kerstyn na parang walang interes habang nilalaro ang cellphone, “may alitan kayo ni Miss Wendy.”“Minor disagreement lang ‘yon,” mabilis niyang sagot. “Sibling rivalry.”“Oh.” Wala sa tonong seryoso ang sagot ni Kerstyn. Pagkatapos, parang nagkukuwento lang, idinagdag niya, “The

    last updateLast Updated : 2026-04-02
  • Billionaire's Secret Wife is His Secretary   Kabanata 705

    Iba na siya sa lalaking nasa alaala ni Kerstyn, ang batang may hawak na basketball sa isang kamay, puno ng sigla at init ng kabataan. Ngayon, bagama’t may bahagya pang kabataan sa mukha nito, mas malinaw ang pagiging kalmado at matatag. Diretso ang tindig habang pumapasok sa gusaling pang-negosyo, a

    last updateLast Updated : 2026-04-02
  • Billionaire's Secret Wife is His Secretary   Kabanata 728

    “Masaya,” sagot niya nang walang pag-aalinlangan.“Kung masaya ka, masaya na rin ako.”Sanay si Kerstyn sa ganitong maliliit na laro, mga salitang may lambing, mga titig na may pang-akit, na para bang ang lahat ng emosyon niya ay nasa kamay ni Kian.At tulad niya, tinatamasa rin iyon ni Kian. Hinigp

    last updateLast Updated : 2026-04-02
  • Billionaire's Secret Wife is His Secretary   Kabanata 708

    “Kahit marami?”Ngumiti si Kian, halatang nabasa ang iniisip niya. Bahagya siyang yumuko at dahan-dahang ngumiti. “Sa’yo ang card ko. Unlimited. Swipe mo lang.”Sa kanya, sapat na ang secondary card.Nagpalitan sila ng card, isang munting laro, isang tahimik na kasunduan, at isang uri ng lambing na

    last updateLast Updated : 2026-04-02
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status