Ito ay kuwento ng dalawang young sweethearts, halos sabay na ipinanganak, ng dalawang magkaibigang pamilya. Sabay na lumaki at nagkaisip subalit may magkasalungat na pag-uugali. Lumaki silang hindi magkasundo at sa tuwina'y nagbabangayan. Magkakumpitensya sa lahat ng bagay. Darating kaya ang pagkakataong ang mga batang puso nila'y panain ni kupido at magising na sila pala'y itinadhana sa isa't isa? Mananaig kaya ang kasabihang "opposite attracts" para sa kanila? Tunghayan ang journey ng pag-iibigang Brix at Lace.
View MoreLACE... Hindi ako makatulog. Binabalik-balikan ko sa isip ko ang nangyari kanina lang. Totoo ba 'yon? Bakit may ganun? Sabi ni papa, ihatid ko daw sa may gate ang mga bisita. Bisita ba 'yon e si Brylle lang naman at si Brix 'yon. Pero bilang mabuting anak, sumunod naman ako kay papa. Pagkalabas nila ng gate, nagulat ako nang tawagin ako ni Brix. "Lace." "O, bakit?" asik ko, alam ko naman kasi na wala syang matinong sasabihin kaya pinangunahan ko na sya ng galit na tono. Pero may kakaiba akong nabanaagan sa kanyang mga mata. Ano yun? Nde ko masabing lungkot pero nde rin naman saya. Higit sa lahat seryoso sya. Kaya minabuti ko nang kausapin sya ng maayos. "Dun tayo sa may upuan." niyaya ko sya sa may pahingahan sa may gilid ng bahay namin. Naupo ako at sumunod naman sya. Pero nde naman sya nagsasalita kaya naisip kong itanong yung kanina ko pa gustong itanong sa kanya sa school pa lang. "Masama ba ang loob mo dahil ako ang napili nil
LACE... "Lace, may dala ang papa mong chocolate cake dyan sa ref, kumuha ka na lang." "Nandito si papa? Bakit di mo'ko ginising agad, ma?" pagmamaktol ko. Every two weeks lang kung umuwi si papa, o kung minsan inaabot pa ng buwan. Kaya naman pag ganung umuwi sya, gusto ko salubungin ko sya kasi siguradong matutulog na sya. Masyadong busy si papa sa work nya, bilang heneral, sa Davao sya ngayon nakadestino dahil sa di magandang nangyayari ngayon sa Mindanao. At sa ganitong pagkakataon lang sya nakakapagpahinga, kapag umuwi sya sa amin. Sobrang miss na miss ko na si papa. "Ayaw ka na ipagising ng papa mo e. Sinilip ka nya sa kwarto mo, ang sarap daw ng tulog mo. Mamaya susunduin ka na lang daw nya sa school tapos mamasyal daw tayo, manonood ng sine, o di kaya'y kakain sa labas." "Ma, pwede ba dito na lang tayo sa bahay, mag-videoke na lang tayo o dito na lang tayo manood ng movie." "Bakit? Ayaw mo ba lumabas kasama ang papa mo?" "Kas
LACE... "Oh shit!!" Laking gulat ko nang buksan ko ang locker ko. "Brix!! Lagot ka talaga sa akin pag nakita kita!!", nanggagalaiti kong sigaw. Halos maputol na ang litid ko sa pagsigaw. "Oy, Lace, bakit naka-megaphone ka na naman?" Sabi ni Jas, ang bestfriend ko since grade one. "Bwisit talaga yang Brix na yan, akalain mong lagyan ng dagang costa 'tong locker ko, aatakihin ako sa puso sa kagagawan ng lalaking 'yon e." "How sure ka naman na sya ang naglagay nyan?" "Hello, sino pa ba? Alam naman nating lahat na sya lang ang makakagawa nito sa akin!" Si Andrei Brix Alarcon, ang most hate kong nilalang. Marahil sadyang itinadhana kaming magkaaway, dahil halos sabay kaming nabuo at nag-exist sa mundo. Sabay kaming ipinanganak ng February 14, 1988, nauna lang sya, I mean sila (ng kambal nyang si Andrew Brylle) ng limang oras. Pero sa halip na LOVE ang isaboy namin sa isa't isa, WAR ang tuwina'y ibinibigay namin sa isa't isa. Idagdag pan
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments