เข้าสู่ระบบCHAPTER 53: Locked Away“SIGURADUHIN mong walang magbubukas ng pinto hanggang bukas ng umaga,” mahinang utos ni Yngrid sa isang hotel staff. “Kapag kulang pa ’yan, sabihin mo lang. Magdadagdag ako ng bayad.”Mabilis na tumango ang staff at bahagyang yumuko. “Opo, Ma’am. Maraming salamat po.”Ngumiti si Yngrid. Isang maliit na ngiting puno ng kasiyahan dahil alam niyang nagtagumpay ang plano niya. Pagkatapos, iniwan niya ang staff at bumalik sa lobby kung saan naghihintay ang pamilya nila para umuwi.Unti-unti nang umaalis ang mga bisita. Sa labas ng hotel, naglalaro ang mga ilaw sa makikintab na sasakyan habang isa-isang umaalis ang mga ito sa driveway.Isang SUV na lang ang hindi pa umaalis. Ang itim na SUV ni Light. Mayamaya pa'y mabilis na sumakay si Yngrid sa passenger seat.“Love…” mahinang tawag ni Yngrid, pilit na pinapalambot ang boses.Saglit siyang nilingon ni Light. “May naiwan ka ba?” walang emosyon ang tanong nito, sabay abot niya kay Yngrid ang anak nilang si Althea na k
CHAPTER 52: A Hidden Truth—“DANI?”Napalingon si Dani nang marinig ang pangalan niya mula sa likuran. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala kung sino ang tumawag sa kanya. Mabilis niyang ibinalik sa mesa ang maliit na dessert plate na hawak niya kanina.“Carla?”Masayang lumapit ang isang magandang babae na halos kaedad niya. Mula ulo hanggang paa, pinagmasdan siya nito na para bang sinusubukang tiyakin kung siya nga ba ang dating kaibigan.“Oh my God! Dani, ikaw nga!” Napatawa si Carla. “Grabe, ang ganda-ganda mo na! Kung hindi ko nakita yung tattoo mong rose sa paa, baka hindi talaga kita nakilala!”Napangiti si Dani. “Hindi ko alam na nandito ka rin, Carla. Sino'ng kasama mo? By the way, graduate ka na ba?”“Isa-isa lang!” natatawang sagot ni Carla. “Kasama ko si Mommy. And yes, graduate na ako. Katatapos ko lang din ng clinical internship.”“Wow! May degree ka na ngayon?“Mabilis na tumango si Carla. “Finally! Licensed midwife na rin ako soon, hopefully.” Hindi pa rin nawawala
CHAPTER 51: A Question of Blood—“SELOS? How does it feel? Masakit ba?”Bahagyang yumuko si Drake habang nakatingin kay Irish. May pilyong ngiti sa labi niya, pero seryoso ang mga mata nito. Nasa likuran ni Irish ang pader, habang nakaharang naman sa harap niya ang matangkad na lalaki.“D-Drake, huwag kang ganyan. Paano kung may makakita sa atin?” bulong ni Irish. Inilagay niya ang dalawang kamay sa dibdib ng lalaki para magkaroon ng distansya sa pagitan nila. Pero hindi umatras si Drake.“Let them,” mahinang sagot niya. “Ikaw naman ang dahilan kung bakit ako ganito.”Napatingin si Irish sa kanya. “Hindi mo kailangang magalit dahil lang sumama ako kay Raven.”“Hindi ako galit dahil sumama ka sa kanya.”“Then what's your problem?”Bahagyang ngumisi si Drake. “Hindi ko gusto na nakikita kitang nakikipag-close sa ibang lalaki. Lalo na kapag nakangiti ka sa kanila na para bang wala ako.”Napairap si Irish. “Sumama lang ako kay Raven dahil formalities iyon. Hindi ko naman puwedeng sabihi
CHAPTER 50: The Wrong AssumptionHindi pa rin tumitigil si Lola Beatriz sa pagkukuwento. Kahit nasa edad sitenta na siya, halatang hindi siya nauubusan ng sasabihin. Mahirap siyang patahimikin, lalo na kapag may nakakausap siyang bagong tao.“Alam mo, Yngrid, masyadong seryoso ang apo kong si Light. Ang cold, masyadong tahimik, at hindi talaga romantic,” komento niya habang umiiling.Napangiti si Dani.“Ganyan na talaga siya mula pagkabata. Masyadong mahigpit ang pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya. Siya kasi ang panganay, kaya kailangan niyang maging matatag palagi. Hindi siya puwedeng magpakita ng kahinaan.”Bahagya siyang lumapit kay Dani at nagpatuloy.“Kaya kapag may nakikilala siyang bagong tao, lalo na kung babae, mukha talaga siyang walang pakialam. Parang ice cream na nakalimutang ilagay sa freezer.”Napatawa nang mahina si Lola Beatriz sa sarili niyang biro. Napangiti na lang si Dani kahit medyo awkward. Sa totoo lang, tama naman ang matanda. Ganoon na ganoon si Light.
KABANATA 49: A Night of Surprises~“KUYA RAVEN, kaibigan mo ba 'yung bagong dating?” mahinang tanong ni Drake kay Raven habang magkatabi silang nakatayo sa gilid ng ballroom. Kanina pa tahimik ang kapatid niya at si Irish. Halos hindi man lang nag-uusap ang mag-asawa.Sinundan ni Raven ang direksiyon ng tingin ng kapatid niya. Pagkatapos, tumango siya at lumingon kay Irish. “Come with me, hon. Sasalubungin natin yung kaibigan ko.”Nakaupo lang si Irish sa isa sa mga mesa at komportableng nag-aayos ng damit niya. Nang marinig ang sinabi ng asawa, napatingin siya kay Raven.Samantala, si Drake ay palihim na nagbigay ng senyas kay Irish. Gusto niyang tumanggi ito at manatili na lang sa tabi niya. Pero hindi iyon ginawa ni Irish. Tumayo siya mula sa upuan at inayos ang damit. Hindi naman sa gusto niyang sumama. Ayaw lang niyang magkaroon pa ng problema kay Doña Victoria kapag nalaman nitong hindi niya sinunod ang asawa niya.“Let's go, Hon,” sabi niya habang naghahanda.Iniabot ni Raven
CHAPTER 48: Getting Ready Together~“K-KUYA Light…”Mabilis na hinila ni Dani ang kamay niya para makabangon mula sa pagkakadapa sa ibabaw ni Light. Pero sa halip na pakawalan siya, bahagyang hinigpitan ng lalaki ang pagkakahawak sa kanya.“Stay like this for a little while,” paos na sabi ni Light. Halatang bagong gising pa ang boses nito.“H-Hindi puwede, Kuya Light.” Mabilis na umiling si Dani. Ayaw niyang bigla na lang pumasok si Julie at makita silang ganoon kalapit sa isa't isa. “Kailangan na nating pumunta sa hotel bago magsimula ang event.” Sinubukan ulit ni Dani na makawala, pero tila wala namang balak si Light na magmadali.“I like this position,” kaswal na sagot nito. May pilyong ngiti sa labi ng lalaki. At kahit bagong gising pa lang, hindi maikakailang mas lalong gumagwapo ito sa paningin ni Dani. “K-Kuya Light…” mahina ang tawag niya. Halos pakiusap na ang tono ng boses niya.Sa pagkakataong iyon, ngumiti lang si Light bago tuluyang binitiwan ang kamay niya. Agad na t







