ログインFEELS LIKE INTERROGATION
Gusto niyang tumayo at tumakbo pabalik sa kanyang silid. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang tanong na iyon nang hindi halatang may tinatago siya. Kung magsisinungaling siya, baka lalo lamang itong maghinala. Pero kung sasabihin niya ang totoo, hindi niya alam kung paano niya haharapin ang magiging reaksyon nito. "I... went to get some water,” kabado niyang sagot. "At midnight?" kunot noong tanong ni Dark. "Yes, nauhaw kasi ako while reading.” "From where?" Napatitig siya rito. Is he seriously asking me that? Kailangan ba talagang tanungin kung saan siya kukuha ng tubig. "The kitchen," sagot niya, pilit na pinapakalma ang sarili. "Where else would I get water?" dagdag pa niya. For the first time that morning, bahagyang gumalaw ang isang sulok ng labi ni Dark. Hindi iyon ganap na ngiti, ngunit may kung anong tila naaaliw sa kanyang sagot. “You're right, saan pa nga ba beside na kitchen,” wika nito na bahagya pang tumango. Nakahinga nang kaunti si Sophie, hanggang sa muli itong nagsalita. "Did you pass by my room?" Muntik na siyang mabilaukan. Agad niyang tinakpan ang bibig at napayuko habang sunod-sunod na umubo. "Sophie?" "I'm okay! Nasamid lang ako.” Inabot niya ang baso ng tubig at mabilis na nilagok iyon. Hindi niya kayang paniwalaan ang nangyayari. Bakit sunod-sunod ang mga tanong nito? At bakit tila eksaktong alam nito kung saan siya nahihirapang magsinungaling? Nang sa wakas ay tumingin siya rito, nakita niyang nakasandal lamang ito sa upuan, matamang pinagmamasdan siya. Walang bahid ng galit sa mukha nito, wala ring halatang pagkairita. Pero mas lalo siyang kinabahan dahil hindi niya mabasa ang iniisip nito. "Well?" tanong ni Dark. "I..." Napalunok siya. "I might have passed by." "Might have?" nakataas ang kilay na tanong nito. "I was sleepy, Uncle Dark. I don't remember everything." Tumahimik ang lalaki, ilang segundo siyang pinagmasdan nito bago muling kinuha ang tasa ng kape at humigop. "Next time, if you need anything at night, call one of the house staff." Bahagyang napakurap si Sophie sa sinabi ni Dark. "Why? I can do it on my own.” "Because wandering around the house at midnight isn't a good habit." "But I've always done that before." "Not anymore.” Simple lamang ang pagkakasabi nito, ngunit may bigat sa bawat salita. Napakunot ang noo niya. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng bahagyang pagkainis. Limang taon siyang namuhay nang wala ito sa mansion. Natuto siyang alagaan ang sarili, magdesisyon para sa sarili, at gumawa ng mga bagay nang hindi kailangang humingi ng pahintulot. Ngayon, sa unang pagkakataon mula nang bumalik ito, pakiramdam niya ay muli siyang tinatratong batang walang kakayahang mag-isip. "I'm not a child anymore, Uncle Dark, I can handle things on my own.” Bahagyang tumigil ang kamay nito sa paghawak sa tasa at tumingin sa kanya. "I know." "Then why are you treating me like one?" Diretso siyang tumingin dito, kahit ramdam niyang nanginginig ang kanyang mga daliri sa ilalim ng mesa. "Because you may have grown up, Sophie, but that doesn't mean I have stopped worrying about you." Nawala ang anumang isasagot niya. Hindi iyon ang sagot na inaasahan niya. Sa loob ng limang taon, sanay siyang makita si Dark bilang isang lalaking nagbibigay ng lahat ng kailangan niya ngunit bihirang magsalita tungkol sa nararamdaman nito. Kahit noong mga panahong nasa ibang bansa ito, palagi nitong sinisigurong sapat ang perang ipinadadala sa kanya, maayos ang pag-aaral niya, at wala siyang anumang problemang hindi kayang lutasin. Ngunit hindi ito madalas magsabi ng mga salitang ganoon. Kaya nang marinig niya iyon, may kung anong kumirot sa kanyang dibdib. "I'm not saying you should stop worrying about me," mahinang sabi niya. "I just want you to understand that I can take care of myself now.” Matagal siyang tinitigan ni Dark, lalo siyang kinabahan sa klase ng titig nito. "I know you can." "Then—" "But being able to take care of yourself doesn't mean you have to shut me out." Napatahimik siya. May kung anong tumama sa kanya sa mga salitang iyon. Dahil sa totoo lang, hindi lamang ang nangyari kagabi ang dahilan kung bakit hindi siya mapakali. May takot din siyang hindi niya maamin. Sa loob ng limang taon, natutunan niyang mabuhay nang wala si Dark sa tabi niya araw-araw. Pero sa kabila ng distansya, nanatili itong isang matatag na bahagi ng buhay niya, ang taong alam niyang maaari niyang sandalan kapag wala na siyang ibang malapitan. Ngayon, bumalik na ito, at sa halip na maging komportable, hindi niya alam kung paano muling magiging normal ang lahat. She had changed, and perhaps Dark had changed, too. Hindi niya alam kung paano haharapin ang mga pagbabagong iyon. "I'm not shutting you out Uncle," mahinang sagot niya at bahagyang yumuko. "Then look at me when you talk to me." Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha. This time, she managed to hold his gaze for a few seconds. Ngunit nang maalala niya ang nangyari kagabi, agad na bumalik ang init sa kanyang mga pisngi at mabilis siyang napayukong muli. And Dark noticed it. "Sophie." "Yes Uncle Dark?" "Is there something you're not telling me,” tanong nito. Nanlaki ang mga mata niya, hindi na niya napigilang mapahawak sa baso. "I—" Huminto siya, isang salita lamang ang kailangan para umamin.Pero ano ang sasabihin niya? Uncle Dark, I accidentally saw you last night. Hindi, hindi niya kayang sabihin iyon. Mas gugustuhin pa niyang maghugas ng pinggan sa buong mansion kaysa marinig kung ano ang sasabihin nito pagkatapos, kaya pilit siyang ngumiti. "No. There's nothing." Matagal siyang pinagmasdan ni Dark. Pagkatapos, marahan itong tumango. "All right.” Napabuntong-hininga si Sophie sa loob-loob niya. Hanggang sa maya- maya lang ay muling nagsalita ang lalaki. "But if you have a question, ask me directly. I don't like guessing games." Biglang nawala ang bahagyang ginhawang naramdaman niya. Dahil paano kung iyon mismo ang gusto niyang itanong? Kung sino ang kausap nito kagabi. Kung bakit hindi ito natutulog sa ganoong oras.Kung may isang taong mahalaga sa buhay nito na hindi niya alam. At kung bakit, sa kabila ng limang taong pagkakahiwalay nila, pakiramdam niya ay mas marami pa siyang hindi alam tungkol sa lalaking ito kaysa sa inaakala niya. Napailing siya. "There's nothing I want to ask Uncle Dark.” "Good.” Muling kinuha ni Dark ang tablet nito, na para bang tapos na ang usapan. Ngunit bago pa tuluyang makapagpatuloy si Sophie sa pagkain, nagsalita itong muli. "By the way, Sophie." Napatingin siya rito. "Yes, Uncle Dark?" "Next time you pass by my room, knock first,” sambit nito. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan niya. Napatitig siya sa lalaki. Hindi ito nakatingin sa kanya, abala ito sa pagtingin sa tablet, at sa mukha nito ay walang anumang bakas na nagpapahiwatig kung seryoso ba ito o sadyang nagpapaalala lamang. Pero hindi na kailangan ni Sophie ng paliwanag, alam niya. Alam nitong dumaan siya sa silid nito kagabi. At marahil, alam din nitong may nakita siya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang tinidor. "Uncle Dark..." "Hmm?" "Did you... see me last night?" Sa wakas, naitanong din niya ang bagay na buong umaga niyang iniiwasang banggitin. Unti-unting ibinaba ni Dark ang tablet. Pagkatapos, itinaas nito ang tingin sa kanya. For a long moment, neither of them spoke. Naramdaman ni Sophie ang muling pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Gusto niyang bawiin ang tanong, magkunwaring wala siyang sinabi, at bumalik sa kanyang silid bago pa siya tuluyang mapahiya. Ngunit huli na, naitanong na niya. Bahagyang sumandal si Dark sa kanyang upuan. "Why?" Isang salita, isang simpleng tanong. Pero sapat iyon para tuluyan siyang mawalan ng maisagot. Dahil ngayon, hindi na lamang siya ang may tanong. Si Dark Montenegro mismo ang naghihintay ng paliwanag mula sa kanya. At sa unang pagkakataon mula nang bumalik ito, naisip ni Sophie na baka ang pinakamahirap na bahagi ng muli nilang pagsasama sa iisang bubong ay hindi ang pag-aadjust sa presensya nito. Kundi ang katotohanang may mga bagay silang pareho nang gustong itanong, ngunit pareho ring natatakot na marinig ang sagot. At habang nakatitig siya sa lalaking minsan nang nagligtas sa kanya mula sa mundong gumuho sa kanyang paligid, alam niyang ang simpleng almusal na ito ay maaaring maging simula ng isang pag-uusap na matagal na nilang iniiwasan.HE SHOULDN'T HAVE ASKED Ilang segundo ding hindi nakasagot si Sophie, nag-isip siya saglit kung magsisinungaling ba siya o magsasabi ng totoo.Sa unang pagkakataon sa umagang iyon, nakaramdam siya ng pangamba, paano kung pati love life niya ay diktahan siya ni Uncle Dark. Ngunit sa bandang huli, naisip niyang huwag ng maglihim.“Yes Uncle Dark, I have a boyfriend.”Mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Dark. Ilang segundo itong hindi nagsalita. At napansin ni Sophie kung paano unti-unting nawala ang bahagyang lambot sa mga mata nito. Ang kamay nitong kanina'y nakahawak sa tasa ay dahan-dahang ibinaba iyon sa mesa."Since when?" seryosong tanong nito.Bahagyang napakurap sa Sophie."Since when have you had a boyfriend?" tanong nito ulit ng hindi siya nakasagot agad."Almost a year.""A year?""Yes.""Does he study with you?""No, I've met him through a friend and he has a stable job .""Where? Saan siya nagtatrabaho?”Napakunot ang noo ni Sophie, aminado talaga si Uncle Dark na alami
BAKIT BA KASI NAGTANONG PA?"Why?"Napakurap si Sophie, sa simpleng tanong na iyon, pakiramdam niya ay biglang naging masikip ang paligid. Hindi niya alam kung alin ang mas nakakatakot, ang paraan ng pagtitig ni Dark sa kanya o ang posibilidad na may alam na talaga ito."I... I was just asking,” nabubulol na sagot niya."About what?" "About last night.""I know." Bahagyang kumunot ang noo ni Dark. " But what I'm asking is why you suddenly want to know if I saw you."Napalunok si Sophie, tila biglang nanuyo ang lalamunan niya.“Damn.” lihim siyang napamura.Hindi niya dapat iyon tinanong, bakit ba kasi naitanong pa niya? Ayan tuloy napasubo na naman siya."I thought..." Huminga siya nang malalim at pilit na ngumiti. "I thought maybe you noticed someone passing by your room.""And?" kunot noong tanong ni Dark. Ina-anticipate ang sagot niya."And nothing, naitanong ko lang.”Hindi agad nagsalita si Dark, tahimik lamang itong nakatingin sa kanya, at sa bawat segundo ng katahimikan, lalo
FEELS LIKE INTERROGATIONGusto niyang tumayo at tumakbo pabalik sa kanyang silid. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang tanong na iyon nang hindi halatang may tinatago siya. Kung magsisinungaling siya, baka lalo lamang itong maghinala. Pero kung sasabihin niya ang totoo, hindi niya alam kung paano niya haharapin ang magiging reaksyon nito."I... went to get some water,” kabado niyang sagot."At midnight?" kunot noong tanong ni Dark."Yes, nauhaw kasi ako while reading.”"From where?"Napatitig siya rito. Is he seriously asking me that? Kailangan ba talagang tanungin kung saan siya kukuha ng tubig."The kitchen," sagot niya, pilit na pinapakalma ang sarili. "Where else would I get water?" dagdag pa niya.For the first time that morning, bahagyang gumalaw ang isang sulok ng labi ni Dark. Hindi iyon ganap na ngiti, ngunit may kung anong tila naaaliw sa kanyang sagot.“You're right, saan pa nga ba beside na kitchen,” wika nito na bahagya pang tumango.Nakahinga nang kaunti si So
The Morning AfterMaagang nagising si Sophie kinabukasan, ngunit hindi dahil sa sapat na tulog, kundi halos hindi siya nakatulog nang maayos.Buong gabi siyang nagpalipat-lipat ng posisyon sa kama at pilit na kinukumbinsi ang sarili na kalimutan ang nangyari kagabi. Ilang beses na niyang sinabi sa sarili na wala naman siyang ginawang masama,na hindi niya sinadyang makita ang pribadong sandali ni Uncle Dark. Nagkataon lamang na nakabukas ang pinto nito at nagpadala siya sa sariling curiosity.Pero kahit ilang beses niya iyong ulitin sa isip, hindi pa rin mawala ang hiya sa dibdib niya. At ang mas nakakainis? Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang lalaki ngayong umaga.Napabuntong-hininga siya habang nakatitig sa puting kisame.“God, Sophie, he's your Uncle Dark. You've known him for five years. Bakit parang first time mo siyang makikita ngayon?” Napapikit siya at tinakpan ng unan ang mukha.“Because you saw something you shouldn't have seen,” bulong niya sa sarili, agad si
THE MAN WHO TOOK HER IN“My name is Dark Montenegro.”Napatingala si Sophie sa lalaki, ni minsan ay hindi pa niya nakita ito. Then she lowered her eyes and tightly held the hem of her white dress.Naramdaman niyang muli ang pag-init ng kanyang mga mata. Ayaw niyang umiyak, kanina pa niya pinipigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Ayaw niyang magmukhang mahina sa harap ng isang estranghero. Ngunit maya-maya lang ay napilitan siyang magtanong.“Bakit po kayo nandito?” inosente nitong tanong.Bahagyang kumunot ang noo ni Dark.“I came because of your father.”Muling napatingala si Sophie ng banggitin ng estrangherong lalaki ang pangalan ng kanyang ama.“My father?”Tumango ito.“He asked me to come if something happened to him.”Parang may kung anong kumirot sa dibdib ni Sophie sa sagot ng lalaki.. “Bakit? Alam ba ni dad na he will—”Pumiyok si Sophie at iniyuko ang kanyang ulo, hindi niya kayang ituloy ang masakit na tanong sa kanyang dibdib.Hindi kaagad sumagot si Dark, bagkus ni
Behind his doorTatlong araw pa lang mula nang bumalik si Uncle Dark Mula sa abroad, pero pakiramdam ni Sophie ay may kakaiba sa mansion. Hindi niya alam kung ano iyon, pero hindi niya maipaliwanag. Perhaps it was because five years had passed since the last time she saw him.Sa makalipas na limang taon, maraming nagbago sa kanya. She had grown up, finished college and finally learned to live independently.Pero si Uncle Dark, parang hindi man lang ito tumanda ng ilang taon. Mas naging mature lang ang features nito, mas naging defined ang jawlines at mas intimidating ang presensya. The first time she saw him again after graduation, she almost didn't recognize him, but the moment their eyes met, she knew. It was Uncle Dark, the man who had taken her in when she had nowhere to go.The same man, na nagpa-aral sa kanya, nagbigay ng lahat ng mga pangangailangan niya at tahimik na nakabantay sa kanya from a distance.Pero, mula ng bumalik ito parang may kakaiba, something na hindi niya m







