Sorry po sa mahabang hindi pag-update. Na-busy po ako sa pag-aayos ng gamit. Kakauwi lang namin galing province at ngayon ay maglilipat na naman. Pasensya na po kayo. Sana hindi kayo magsawang sumuporta. Marami pa pong mangyayari. Wala pa tayo sa exciting part kaya kapit lang kayo! Maraming salamat po!
“Ugh..” ungol ni Rana habang pinipilit ang sarili na bumangon mula sa pagkakahiga. Ihing-ihi na siya.Tinignan niya ang oras sa kanyang cellphone. 5:28 am na. Nilingon niya ang nasa tabi niya.Mahimbing na mahimbing na ang tulog ni Bryson.Matapos nilang mag-usap kagabi ay sa isang umaatikabong tagpo na naman natuloy ang pag-uusap na iyon.Bandang huli ay hindi na nakapagluto ang lalaki at nag-order na lamang sila.At katatapos lang nila kani-kanina!Natawa si Rana at napailing nalang. She leaned in for a kiss.Muli siyang napaungol nang maramdaman ang pananakit ng buong katawan. Habang padalas nang padalas ang pagtatagpo ng kanilang mga katawan ay patindi rin ng patindi ang mga ginagawa sa kanya ni Bryson.Kung hindi lamang masarap ang mga ginagawa nito sa kanyang katawan ay umayaw na siya.She knows that Bryson might be good in bed. But she didn’t expect this wild!Para siyang nasisiraan ng bait tuwing may mga bago itong ginagawa sa kanya.Kahit siya ay hindi niya na makilala ang sa
Tahimik silang pumasok sa unit ni Bryson. Ramdam na ramdam ni Rana ang tensyon sa kanilang dalawa. Kahit pa malumanay na kumikilos si Bryson at hindi nagdadabog ay tila mas ramdam niya ang inis nito.“Kumain ka na ba?” tanong nito. Agad nitong hinila mula sa batok ang damit saka naghubad. Medyo maalinsangan ang panahon.Nag-iwas ng tingin si Rana sa likod nitong malapad. Habang nagtatanggal ito nang damit ay kitang-kita niya ang bawat flex ng mga muscle nito sa likod. Kung hindi lang siguro sila awkward sa isa’t-isa ay talagang umaatikabong gabi na naman ang magaganap.“Syempre hindi pa.” mahinang sagot niya. “Bakit ikaw, kumain ka na?”Hindi napigilan ni Rana ang pagtakas ng pagtatampo sa kanyang boses kaya naman nilingon siya ni Bryson. Nakakunot ang noo nito at halos irapan si Rana. Ngumuso ang babae. Simula nang dito na siya umuuwi kay Bryson ay palagi silang nagsasabay na kumain. Minsan siya ang nagluluto pero madalas ay si Bryson. Nag-aaral daw kasi itong magluto kaya hinahayaan
“Galit ka ba?” tanong ni Vern habang focus na focus si Rana sa pagmamaneho.Doon naman napalingon ang babae sa kanya.“Huh? Hindi. Bakit?”Ang di mapansin ni Rana ay mahigpit ang kapit ni Vern sa kanyang seatbelt na mahigpit niya ring ikinabit sa katawan niya.“Sana sinabi mong masama ang loob mong ihatid ako! Ang bilis mo magpatakbo.” pikit ni Vern habang humahalakhak. “I never saw you drive like this!”Then Rana slowed down.Hindi niya napansin na halos mag over take na siya sa lahat ng sasakyan.“I-I’m sorry. Hindi ko napansin.”“May problema ka ba?” seryosong tanong ni Vern sa kanya.Tumawa si Rana at umiling. Hindi na niya sinagot si Vern.Mabilis silang nakarating sa building ng unit ni Vern.Agad na bumaba si Vern upang ibaba rin ang bagaheng dala.Kumaway si Rana kay Vern nang matapos ang binata.Hindi na siya bumaba sa sasakyan.Ngumiti rin ang huli sa kanya.“Salamat! Nakatatak na ‘to sa puso’t isip ko. Baka hanggang panaginip madala ko ‘to. Kahit ramdam ko ang sama ng loob
Agad inilapag ni Rana ang bag sa kanyang lamesa.Hindi niya alam kung bakit nate-tense siya.“‘Wag kang magulo rito ha. Lalabas ako. I-susupervise ko ang atelier.”Umalma si Vern. “Edi doon nalang din ako.”“Paano ka makakapagpahinga roon? Wala kang hihigaan doon. And like I said magsusupervise ako. Feeling supervisor ka din sa tabi ko?”“Ayaw mo ‘nun, support?”Umirap si Rana. “Stay here.”“Common on. I didn’t come here to just wait for you. Hindi naman ako antok at pagod. Uuwi talaga ako ‘pag nakaramdam ako ng isa sa dalawang ‘yon. But for now, let me be with you.”Nanliit ang mata ni Rana.“Anong nakain mo? Bakit ang lakas yata masyado ng loob mo ngayon?”Napangisi si Vern.“I have no fears now. Nabasted mo na ako eh. Kung i-re-reject mo man ako ulit at least, I’ve tried.”“Ewan ko sa’yo.”Napailing na tinalikuran ni Rana si Vern.Bitbit niya lang ang cellphone at isang notebook.Naramdaman niya agad ang pagsunod sa kanya ng lalaki. Mas bumilis nang kaunti ang lakad niya.Ayaw saba
Habang papalapit ang launching ay mas lalong na-busy si Rana sa pag-aasikaso ng mga deliver. Sinisimulan na rin ang pagtatahi.At handmade din ang mga sequins na ikakabit sa mga gowns.Siya ang mismong magtatahi ng mga iyon. Naging busy rin si Bryson sa paghahanap ng mga potential sponsor upang palitan ang mga nag-back out.Hindi siya humingi ng anumang connection kay Rana.Siya mismo ang kumukontak at nagkikipag-meet sa mga iyon.Ngunit hindi nila nakakalimutan ang isa’t-isa.They call each other whenever they have time. At sa gabi ay uuwi si Rana sa bahay ni BrysonAt sa umaga ay sabay mag-bbreakfast tapos ay ihahatid si Rana sa kanyang studio.Sa nagdaang dalawang linggo ay naging ganoon sila kapayapa.Itinigil ni Rana ang ginagawa nang tumunog ang cellphone.Rumehistro ang pangalan ni Vern doon.Nanlaki ang mata niya.“Vern!”Dinig niya agad ang halakhak ng lalaki. “Miss me?”Bumagsak ang damdamin niya ngunit itinapon niya agad iyon.Maingay ang paligid nito, halatang nasa airport
Pinalis ni Rana ang luhang pumatak sa kanyang mata.Padarag niyang binuksan ang pintuan sakanyang harapan. Punong-puno siya nang hinanakit.Agad na nalaglag ang panga niya nang makita ang isang malaking bungkos ng bulaklak sa kanyang upuan.Muling umagos ang luha sa kanyang mata.Nang tignan niya si Bryson ay nakangiti pa ito at nakatapat ang cellphone sa kanya. Ngunit nang makitang umiiyak siya ay agad nitong ibinaba iyon at agad hinawakan ang kamay niya.“Why? Ayaw mo ba nito? Hindi mo gusto? Why? Baby?” dinig niya ang taranta sa boses nito.Akmang aalisin nito ang bouquet sa upuan nang pigilan iyon ni Rana.“Bwisit ka.”Si Rana na ang nag-angat ng bulaklak.Mabigat iyon kaya tinulungan rin siya ni Bryson.Pagkaupo niya ay inilapag na niya iyon sa kanyang kandungan. Inabutan siya ni Bryson ng tissue.“Why are you crying?”Hinampas siya ni Rana.Hindi na rin maintindihan ng dalaga kung bakit naging emosyonal siya bigla pagdating kay Bryson.“Akala ko binalewala mo na naman ako! Hindi