Share

152

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-04-27 19:00:48

UMUWI na muna sina Velora at Vanna. Naiwan sa ospital ang Papa nila at si Dwight para magsalitang magbantay kay Marilyn.

Pagkapasok nilang magkapatid sa loob ng bahay, sinalubong sila ni Len, karga si Baby Devor. Malawak ang ngiting ibinigay ng anak ni Velora sa kanya.

"Namiss mo si Mama, Devor?" tanong ni Velora habang kinukuha ang anak mula kay Len. Ibinigay naman ito sa kanya, at pinanggigilan niya ang malalambot na pisngi ni Devor.

"Kumusta ang kapatid n'yo?" tanong ni Len habang nakatingin sa kanila.

"Ayos na po siya, Ate Len," sagot ni Vanna.

"Salamat at ligtas siya. Kapag maayos na ang pakiramdam niya, samahan n'yo ako sa ospital para makilala ko naman siya."

"Hayaan mo, Ate Len. Ipapakilala ko rin si Devor. May pamangkin na rin po kami para sa kanya," nakangiting sagot ni Velora.

"Ay, siyanga ba? Marami na kayo ngayon. Dati kayo lang dalawa ni Vanna."

Napatango si Vanna habang nakangiti. "Oo nga po, Ate. Nakakatuwa pong malaman na may pamangkin pa ako kay Ate Marilyn.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Ime Naag
update po pls
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
asan n nmn kya si dewie,,ngpapasuyo cguro hehe
goodnovel comment avatar
JanEngelica Mendoza Felipe
velora maganda kaw nmn lumapit kay dewei.........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   285

    BIGLANG tumayo si Reynaldo. Itinaas niya ang kanyang isang kamay. "May I have your attention, please..." panimula niya. Napatingin silang lahat sa gawi niya. Si Jena ay nagtaka kay Reynaldo. Sina Aster at Jai ay napatingin din kay Reynaldo. "Siguro nagtataka kayo kung bakit kinuha ko ang atensyong ninyong lahat..." sabi niya at napabaling ng tingin kay Jena na kitang-kita sa mata ang pagtataka. "Hoo! Tatay ko 'yan!" Malakas na sigaw ni Jai. At malakas din silang nagsitawanan at nagsigawan. Sumenyas si Reynaldo na ihinto ang sigawan at tumahimi ang paligid. Ang mga mata ay tanging nasa kanya lang. Suminghap siya, pinilit ang sarili na manatiling kalmado. Muli siyang tumingin kay Jena, diretso sa mga mata nito. "I just want to express how much I love the only woman I’ve ever truly loved... you, Jena." Napailing siya, parang nahihiya sa sariling emosyon, pero tuloy pa rin. “Hindi ko kayang itago. I know, ang dami kong naging pagkukulang sa'yo at sa anak natin. Nagkalayo tayo s

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   284

    "WHY are you crying again?" Sabat na tanong ni Jai habang papalapit kay Aster. "Nahihiya kasi ako sa'yo... sa ginawa ko at mga nasabi ko. Mali ako ng akala. I'm sorry," sagot ni Aster, at parang bata na humagulhol. Tinawid ni Jai ang pagitan nilang mag-asawa at niyakap si Aster. Natahimik silang lahat. Mangiyak-ngiyak na rin si Wendy habang nakikinig sa kanyang anak. "Shhh.. tahan na. It's okay. Naintindihan ko naman. Nasabi mo lang lahat ng iyon dahil galit ka at hindi mo intensyon na saktan ang damdamin ko. Nasaktan ka rin naman. Kaya wala kang dapat na ipag-alala." Saad ni Jai at niyakap si Aster. "Tama na 'yan. Let's enjoy while we're here in the resort. Dapat tayong mag-celebrate dahil sa proposal ng aking anak kay Aster," singit ni Reynaldo. Bumitaw sina Aster at Jai sa isa't isa at napangiti sa tinuran ni Tatay Reynaldo. Tahimik si Vanna habang hawak-hawak ang kanyang cellphone. Patingin-tingin din siya dito na parang may hinihintay na importanteng tawag. Hindi siya map

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   283

    PARANG naestatwa si Aster sa kanyang kinatatayuan nang malaman na totoong si Tatay Rey ang nakikita niya. "Pa-Paanong nangyari na buhay si Tatay Rey?" "It's a long story, wife. Unti-unti ay ikukuwento ko sa'yo. But for now, hindi ka na aalis, ha. Dito lang muna tayo sa resort..." sagot ni Jai sa asawa. Napabaling ng tingin si Aster kay Jai at nginitian ito habang lumuluha pa rin ang mga mata. Kinuh ni Jai ang singsing na nasa loob ng box at isinuot iyon sa daliri ni Aster. Pinagmamasdan ni Aster ang kanyang daliri, suot ang kanyang napaka-eleganteng singsing. At muli niyang niyakap ng mahigpit si Jai. "I love you," buong pusong bulong ni Jai sa tenga ni Aster. "I love you, too, Jai..." tugon din ni Aster. Nang bumitaw sila sa yakap ng isa't isa ay pinunasan ni Aster ang mga luha niya sa mata. Humarap siya sa lahat ng mga taong nakasaksi ng importante moment sa buhay niya. Unang lumapit ang Mama niya at si Nanay Jena. "Binabati kita, anak. Masayang-masaya ako para sa inyo ni

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   282

    "HINDI mo ba naiintindihan na ayoko na..." lumuluhang sabi ni Aster na hindi kayang tumingin sa mga mata ni Jai. Napatulala si Jai at nang makahuma ay may ngising sumilay sa kanyang labi. "Nakakalimutan mo na may contract tayo. One year, Aster. Wala pang isang taon, kaya hindi mo ako puwedeng hiwalayan o tumalikod sa akin." Biglang napatunghay sa mukha ni Jai si Aster. Napaamang siyang nakatingin sa mukha ni Jai na tila may kakaibang kislap ang mga mata. Nalintikan na. Nautakan siya. Hindi pa tapos ang araw na nakasaad sa kontrata nila na pareho nilang pinirmahan. Para siyang pinagpawisan bigla. "P-Puwede naman siguro 'yon na tapusin na lang. Kung wala nang pag-asa, magandang tapusin na ang kung anong nakasaad sa kontrata natin. Para maging malaya ka na at magawa mo ang mga bagay na gustong-gusto mo. Na hindi ako nakikialam..." Mariing tumiim si Jai. Napakuyom siya ng kanyang kamao. "Hindi nga ako pumapayag. Hindi mo ba 'yon naiintindihan? Wala nang alisan sa pinirmahan mong kon

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   281

    NAKAPARADA na sa labas ng resort ang taxi na sasakyan ng mag-inang sina Aster at Wendy pauwi ng Manila. "Aster, nasa labas na ang taxi na tinawagan mo kanina para ihatid tayo," tawag ni Wendy sa anak. Handa na ang lahat para sa kanilang pag-alis. Malungkot na nakatingin si Jena sa mag-ina. "Nay, tatawagan ko po kayo 'pag nasa Manila na kami ni Mama," sabi ni Aster, hawak niya ang maliit niyang maleta habang nasa tabi ang ina. Marahan na hinaplos nito ang kanyang tiyan saka siya niyakap. "Mag-iingat kayo sa biyahe. Si baby, ingatan mo, anak," bilin ni Jena na nangangata ang boses, parang iiyak na. Nang bumitaw si Aster sa pagkakayakap ng biyenan ay sumunod na nagpaalam ang Mama niya. "Mare, mag-iingat ka dito..." sabi naman ni Wendy. Tumango si Jena at pilit na ngumiti. Ngunit bago pa man sila makalabas ng main door ng resort, bumungad sa kanila si Jai na hingal at namumula ang mukha na tila nagmamadali. Nagulat sina Wendy at Jena, maging si Aster ay nanlaki ang mga mat

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   280

    "HINDI na ba mapipigilan ang desisyon mong bumalik sa Manila?" paniniguradong tanong ni Jena sa manugang. Marahang tumango si Aster. "Opo, Nay. Baka hindi ko na po mahintay si Jai rito sa resort." Malungkot na tumingin si Jena kay Aster. "Pagpasensiyahan mo na ang anak ko. Naiintindihan ko ang damdamin mo, kung bakit 'yan ang pasya mo. At hindi kita pipigilan. Sana ay makaisip si Jai na puntahan ka na ngayon para naman mawala ang agam-agam sa kalooban mo." Malamlam ang mata na nagyuko si Aster. Ayaw niyang ipakita ang pagluha sa ginang, na ina ng kanyang asawa. Napatunghay siya sa ginang at tumingin dito na sobrang bigat ang kalooban. "Hindi po ako galit, Nay. Medyo masama lang po talaga ang loob ko. Mag-asawa na po kami ni Jai pero parang binabalewala niya pa rin ako. Magkakaanak na po kami, ayoko po na harapin ito na mag-isa. Pero iyon po ang ipinaparamdam niya sa akin." Hinawakan ni Jena sa balikat si Aster. Saka, tumango. "Alam ko, kaya nga naiintindihan ko lahat. Hindi ako

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status