แชร์

151

ผู้เขียน: RIDA Writes
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-04-26 23:01:03

Inilipat na sa private room si Marilyn. Palaging nasa tabi niya ang asawang si Dwight. Hindi siya iniwan nito kahit na isang saglit.

Nahihiyang pumasok sina Vanna at Velora sa kuwarto, sinamahan sila ng kanilang ama para dalawin si Marilyn.

Ligtas na ito at nagpapagaling na lang. Ayon sa doktor ay nagtamo lang ito ng minor injuries at ilang sugat sa tuhod, at ulo. Pero hindi naman masyadong malala. Nagpapasalamat sila na 'yon lang ang natamong sugat ni Marilyn.

"I'm just outside, hon," nakangiting paalam ni Dwight sa asawa para bigyan sila ng oras na makapag-usap na pamilya. Hinalikan niya muna sa noo si Marilyn bago lumabas ng kuwarto.

"Salamat, Dwight," nakangiting sabi ni Velora. Tinanguan siya nito at lumabas na ng silid.

Pagkaalis ni Dwight, saglit na katahimikan ang bumalot sa loob ng kuwarto. Tila nagpapakiramdaman sila kung sino sa kanila ang unang magsasalita.a

Lumapit si Vener sa kama ng anak. Hawak niya ang kamay ni Marilyn, mahigpit pero maingat. "Anak..." mahina ni
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (3)
goodnovel comment avatar
JanEngelica Mendoza Felipe
time dewei naman...update na po author
goodnovel comment avatar
Azthy De mapacale
hapi na c dewei nmn asikasohin m
goodnovel comment avatar
rea oliver manzano
wow buti nmn nag bati n cla at bkt aq naiiyak habang binabasa ko to
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   286

    MALUHA-LUHA si Jai habang pinagmamasdan ang kanyang prinsesa sa labas ng nursery room. Nakapanganak na si Aster at baby girl ng unang anak nila. "Ang ganda-ganda niya, anak... kamukhang-kamukha mo," punang sabi ni Jena habang hindi inaalis ang mga mata sa kanyang apo. "May naisip na ba kayong name ng baby girl n'yo?" "Hahayaan ko po si Aster na magbigay ng pangalan sa anak namin." Sagot ni Jai. Si Aster ang gusto niyang magdesisyon para sa kanilang anak. Siya ang ina, karapatan niya ang lahat ng iyon dahil hindi biro ang pinagdaanan ng kanyang asawa para lamang ipanganak ang kanilang panganay. Ngumiti si Jena at pinisil ang braso ng anak. "Napakabuting asawa at ama mo na, Jai." Hindi na nakaimik si Jai. Sa dami ng nararamdaman niyang emosyon, tuwa, pagod, at pananabik na mayakap ang kanyang mag-ina. Tanging ang pagtingin sa anak nila ni Aster ang nagpapalakas sa loob niya ngayon. Maya-maya’y lumabas ang nurse mula sa nursery at lumapit sa kanila. "Puwede na po kayong pumunta sa

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   285

    BIGLANG tumayo si Reynaldo. Itinaas niya ang kanyang isang kamay. "May I have your attention, please..." panimula niya. Napatingin silang lahat sa gawi niya. Si Jena ay nagtaka kay Reynaldo. Sina Aster at Jai ay napatingin din kay Reynaldo. "Siguro nagtataka kayo kung bakit kinuha ko ang atensyong ninyong lahat..." sabi niya at napabaling ng tingin kay Jena na kitang-kita sa mata ang pagtataka. "Hoo! Tatay ko 'yan!" Malakas na sigaw ni Jai. At malakas din silang nagsitawanan at nagsigawan. Sumenyas si Reynaldo na ihinto ang sigawan at tumahimi ang paligid. Ang mga mata ay tanging nasa kanya lang. Suminghap siya, pinilit ang sarili na manatiling kalmado. Muli siyang tumingin kay Jena, diretso sa mga mata nito. "I just want to express how much I love the only woman I’ve ever truly loved... you, Jena." Napailing siya, parang nahihiya sa sariling emosyon, pero tuloy pa rin. “Hindi ko kayang itago. I know, ang dami kong naging pagkukulang sa'yo at sa anak natin. Nagkalayo tayo s

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   284

    "WHY are you crying again?" Sabat na tanong ni Jai habang papalapit kay Aster. "Nahihiya kasi ako sa'yo... sa ginawa ko at mga nasabi ko. Mali ako ng akala. I'm sorry," sagot ni Aster, at parang bata na humagulhol. Tinawid ni Jai ang pagitan nilang mag-asawa at niyakap si Aster. Natahimik silang lahat. Mangiyak-ngiyak na rin si Wendy habang nakikinig sa kanyang anak. "Shhh.. tahan na. It's okay. Naintindihan ko naman. Nasabi mo lang lahat ng iyon dahil galit ka at hindi mo intensyon na saktan ang damdamin ko. Nasaktan ka rin naman. Kaya wala kang dapat na ipag-alala." Saad ni Jai at niyakap si Aster. "Tama na 'yan. Let's enjoy while we're here in the resort. Dapat tayong mag-celebrate dahil sa proposal ng aking anak kay Aster," singit ni Reynaldo. Bumitaw sina Aster at Jai sa isa't isa at napangiti sa tinuran ni Tatay Reynaldo. Tahimik si Vanna habang hawak-hawak ang kanyang cellphone. Patingin-tingin din siya dito na parang may hinihintay na importanteng tawag. Hindi siya map

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   283

    PARANG naestatwa si Aster sa kanyang kinatatayuan nang malaman na totoong si Tatay Rey ang nakikita niya. "Pa-Paanong nangyari na buhay si Tatay Rey?" "It's a long story, wife. Unti-unti ay ikukuwento ko sa'yo. But for now, hindi ka na aalis, ha. Dito lang muna tayo sa resort..." sagot ni Jai sa asawa. Napabaling ng tingin si Aster kay Jai at nginitian ito habang lumuluha pa rin ang mga mata. Kinuh ni Jai ang singsing na nasa loob ng box at isinuot iyon sa daliri ni Aster. Pinagmamasdan ni Aster ang kanyang daliri, suot ang kanyang napaka-eleganteng singsing. At muli niyang niyakap ng mahigpit si Jai. "I love you," buong pusong bulong ni Jai sa tenga ni Aster. "I love you, too, Jai..." tugon din ni Aster. Nang bumitaw sila sa yakap ng isa't isa ay pinunasan ni Aster ang mga luha niya sa mata. Humarap siya sa lahat ng mga taong nakasaksi ng importante moment sa buhay niya. Unang lumapit ang Mama niya at si Nanay Jena. "Binabati kita, anak. Masayang-masaya ako para sa inyo ni

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   282

    "HINDI mo ba naiintindihan na ayoko na..." lumuluhang sabi ni Aster na hindi kayang tumingin sa mga mata ni Jai. Napatulala si Jai at nang makahuma ay may ngising sumilay sa kanyang labi. "Nakakalimutan mo na may contract tayo. One year, Aster. Wala pang isang taon, kaya hindi mo ako puwedeng hiwalayan o tumalikod sa akin." Biglang napatunghay sa mukha ni Jai si Aster. Napaamang siyang nakatingin sa mukha ni Jai na tila may kakaibang kislap ang mga mata. Nalintikan na. Nautakan siya. Hindi pa tapos ang araw na nakasaad sa kontrata nila na pareho nilang pinirmahan. Para siyang pinagpawisan bigla. "P-Puwede naman siguro 'yon na tapusin na lang. Kung wala nang pag-asa, magandang tapusin na ang kung anong nakasaad sa kontrata natin. Para maging malaya ka na at magawa mo ang mga bagay na gustong-gusto mo. Na hindi ako nakikialam..." Mariing tumiim si Jai. Napakuyom siya ng kanyang kamao. "Hindi nga ako pumapayag. Hindi mo ba 'yon naiintindihan? Wala nang alisan sa pinirmahan mong kon

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   281

    NAKAPARADA na sa labas ng resort ang taxi na sasakyan ng mag-inang sina Aster at Wendy pauwi ng Manila. "Aster, nasa labas na ang taxi na tinawagan mo kanina para ihatid tayo," tawag ni Wendy sa anak. Handa na ang lahat para sa kanilang pag-alis. Malungkot na nakatingin si Jena sa mag-ina. "Nay, tatawagan ko po kayo 'pag nasa Manila na kami ni Mama," sabi ni Aster, hawak niya ang maliit niyang maleta habang nasa tabi ang ina. Marahan na hinaplos nito ang kanyang tiyan saka siya niyakap. "Mag-iingat kayo sa biyahe. Si baby, ingatan mo, anak," bilin ni Jena na nangangata ang boses, parang iiyak na. Nang bumitaw si Aster sa pagkakayakap ng biyenan ay sumunod na nagpaalam ang Mama niya. "Mare, mag-iingat ka dito..." sabi naman ni Wendy. Tumango si Jena at pilit na ngumiti. Ngunit bago pa man sila makalabas ng main door ng resort, bumungad sa kanila si Jai na hingal at namumula ang mukha na tila nagmamadali. Nagulat sina Wendy at Jena, maging si Aster ay nanlaki ang mga mat

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status