Share

142

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-08-21 03:58:48

DINALAW ni Elorda ang kanyang pamilya sa bagong bahay. Sila lamang mag-ina, hindi nakasama si Jav dahil abala ito sa trabaho.

"Kumusta po kayo rito, Inay?" tanong ni Elorda nang lumapit ang ina, dala ang isang baso ng inumin. Inilapag iyon sa center table bago umupo sa tabi ng anak.

"Okay naman kami. Nakakapanibago lang, anak. Alam mo namang hindi kami sanay sa ganito. Si Erros ay may maayos nang tinutulugan kaya masayang-masaya kami ng Itay mo," sagot ni Elina, litaw ang saya sa mukha.

Napangiti si Elorda. "Si Itay po pala? Nasaan siya?"

"Nagbebenta uli ng meryenda. Siyempre, kailangan pa rin naming kumilos. Ayaw naming umasa lang sa asawa mo. Sobra-sobra na ang ibinigay sa amin ni Jav."

Naalala ni Elorda ang inalok ni Jav para sa mga magulang niya—isang tindahan sa labas ng subdivision, upang hindi na sila mahirapan sa pagbebenta. Doon si Erros nakaatang bilang bantay.

"Bakit pa po nagtitinda si Itay? May tindahan na po kayo. Mas mabuti siguro kung tinutulungan na lang niya si
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   149

    "K-KUYA Jav, puwede ba ako sumabay sa'yo pauwi sa bahay?" parang nakikiusap na tanong ni Elaine. Napatigil si Jav sa kanyang ginagawa. Napahinga siya ng malalim saka tumingin kay Elaine na tila naghihintay ng kanyang sagot. Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay. "Ilalabas ko ang pamilya ko mamaya, so I'm leaving early today. You can just get a cab. Kung wala kang pamasahe, bibigyan kita," diretsong sagot niya, sabay kuha ng tatlong libo mula sa wallet at inilapag iyon sa mesa. "Kung kulang pa 'yan, sabihin mo lang. Pero please, Elaine, ayoko talagang makarating sa asawa ko na nagtatrabaho ka rito sa JE. She doesn’t even come here in JE for me," dagdag pa niyang litanya. "Talaga? Hindi pa nakakapunta rito sa kompanya si Ate Elorda?" "Yes," mabilis niyang tugon, sabay iwas ng tingin. "Hindi sa ayaw niyang pumunta sa JE. Mas gusto lang ng kapatid mo na tahimik ang buhay naming dalawa, na hindi masyadong alam ng lahat kung sino ang asawa ko. Pero I’m proud that I married her. Ayaw

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   148

    BUMUKAS ang pinto ng kuwarto at dinig ni Elorda ang pagsara nito. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mata at nagtulog-tulugan. Dumating na si Jav at ala una na ng madaling araw. Hindi naamoy ni Elorda na lasing ang asawa pero madaling araw na itong umuwi. Batid niya na may muling pagbabago si Jav pero pilit niyang sinasabi sa sarili na hindi iyon totoo. Na mali ang nararamdaman niyang pagdududa sa kanyang kalooban. Maya-maya’y lumundo ang kama. Pigil na pigil ni Elorda ang kanyang paghinga. Hindi niya nagawang gumalaw nang dumampi ang halik ni Jav sa kanyang labi. Parang gustong lumuha ni Elorda pero pigil na pigil niya ang sariling damdamin. Naramdaman niya ang pagpulupot ng isang kamay ni Jav sa beywang niya. Kinabukasan, nagmulat ng mga mata si Elorda. Napabangon siya at napaupo. Wala na siyang katabi. Napaikot ang kanyang tingin sa buong kuwarto nila ni Jav. Walang trace ng kanyang asawa. Nakaalis na siguro ito at pumasok na sa trabaho. Pero nang mapaharap siya sa tabi ng ka

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   147

    NAPATIGIL sina Lindrick nang biglang pumasok si Elaine sa loob ng opisina. "Kuya Jav, nagbreak ka na? Nagugutom na ako, sa canteen tayo," tanong at aya ni Elaine. Napabaling ng tingin si Jav kay Lindrick. May makahulugang tingin ang kaibigan niya sa kanya. "A-Ah, Elaine, pasensiya na. But my friend is here, we are going somewhere," tangging sagot ni Jav, iniiwasan na sumama ang loob ng hipag niya. Ginagawa niya ang lahat para iwasan si Elaine. Hangga't maari ay ayaw na niyang magkakasama sila na sila lamang, may ibang taong makakita at makarating kay Elorda ang sekretong itinatago niya sa asawa. Natuon ang tingin ni Elaine kay Lindrick. Tumango ito sa kanya. "Yes. Actually, that is why I'm here. Yayain ko si Jav, may invitation kami sa isang seminar out of Manila," pagsisinungaling ni Lindrick. Sinenyasan ni Jav ang kanyang kaibigan habang hindi nakatingin si Elaine sa kanya. Napakunot ang noo ni Elaine. "Seminar? Out of Manila?" ulit niya, halatang nagtataka. "Bakit ngayon ko

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   146

    HALOS araw-araw ay napapansin ni Elorda na umaalis si Elaine, ngunit hindi niya alam kung saan ito laging pumupunta. Mag-iisang linggo na mula nang tumira ang kapatid niya sa kanilang bahay kasama si Jav. "Elaine, aalis ka na naman. Saan ka ba nagpupunta?" Usisa na ni Elorda. Bihis na bihis na naman ito, kipkip ang bag at nakahanda na para umalis. "Naghahanap po ako ng trabaho, Ate Elorda." Tinitigan ni Elorda ang kapatid. "Sigurado ka ba? Anong trabaho naman ang gusto mong matanggap ka?" "Kahit ano na lang, Ate. Ang mahalaga ay may trabaho na ako para hindi na ako umaasa sa inyo ni Kuya Jav..." "Hindi ka naman namin inoobliga na maghanap ng trabaho. Ang gusto namin ng Kuya Jav mo ay maging maayos muli ang inyong pamilya ni Harry," sabi ni Elorda. Walang pumipilit kay Elaine para maghanap ng trabaho. Kaya naman nila ang gastos at hindi sila kinakapos. May sarili ring pera na nakukuha si Elorda galing sa tindahan. "Kung gusto mo sa tindahan ka na lang. Tulungan mo si Ate Tess mo.

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   145

    BUONG gabi na hindi makatulog nang maayos si Elorda. Iniisip niya ang asawa at si Elaine. May kung anong hindi niya maipaliwanag na pakiramdam tungkol sa kapatid niya. Para bang may mangyayaring hindi kanais-nais habang nakatira ito sa bahay nila. Nang makaalis si Jav para pumasok sa kompanya, kaagad pinuntahan ni Elorda ang kapatid sa guest room. Huminga muna siya nang malalim bago kumatok sa pinto. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at marahang bumukas ang pinto. Nakita niya si Elaine na nakaupo sa gilid ng kama, parang may malalim na iniisip. Napatigil ito nang makita siya. “Ate Elorda, bakit ka nandito?” tanong ni Elaine na bahagya pang nagulat nang makita ang kapatid. Pero kaagad ring ngumiti. Hindi agad nakasagot si Elorda. Tinitigan niya ang kapatid, sinusubukang basahin ang ekspresyon nito. Para bang may mga bagay na hindi sinasabi ito sa kanya. “May kailangan lang akong itanong. Gusto kong sa'yo manggaling ang sagot," mahina niyang sabi, ramdam ang bigat ng dibdib

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   144

    "INAY, Itay, alis na po kami. Babalik na lang po kami ulit sa susunod na linggo," nakangiting paalam ni Elorda.Karga ng mag-asawa ang kambal, halos ayaw nilang bitawan ang mga ito."Mamimiss na naman namin itong dalawang batang 'to. Kailan na naman kaya kayo papasyal dito?" tanong ng Inay habang hinahaplos ang pisngi ng isa sa apo."Kapag may bakante po ulit ako, Inay. Alam n’yo namang ako lang ang nag-aasikaso sa mga bata sa Maynila," sagot ni Elorda at bahagyang napatingin sa yaya na abala sa pag-aayos ng gamit ng kambal."Hay naku, magpalakas ka rin ng katawan, hija," wika ng Itay. "Mahaba-haba ang pasensya at lakas ang kailangan sa pagpapalaki sa kambal."Ngumiti si Elorda at tumango. "Opo, Itay. Kaya ko naman po, basta nandiyan ang tulong ni Neng."Hinagkan ng mag-asawa ang kambal bago muling ibinalik kay Elorda. Kita ang bigat sa kanilang mga mata sa muling pamamaalam."Mag-iingat kayo sa biyahe n'yo. Tumawag ka o magtext kapag nakarating na kayo sa Manila," mga bilin pa ni Eli

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status