แชร์

Chapter 3 - The Replacement Mistress

ผู้เขียน: aiwrites
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2022-03-27 02:24:54

Nakapulupot ang mga braso niya sa aking beywang habang patuloy ang paglapit ng kan'yang mukha sa aking pisngi at tainga. Ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga niya at hindi ko maiwasan na panindigan ng balahibo.

Dumadagundong ang puso ko at sa kabila ng kaba na nararamdaman ko ay ipinapakita ko ang kunyari na kasiyahan ko. Ipinlaster ko ang nakapang-aakit na mga ngiti ko sa aking mukha. Masuyo ko siya na hinawakan sa braso at pinatulay roon ang aking daliri habang inilapit ang aking bibig sa kanyang tainga.

Dahan-dahan kami na naglakad papasok sa restawran na iyon habang patuloy niya ako na hinahapit papalapit sa kan’ya. Nang makapasok ay idinirekta kami ng waitress sa isang pribado na puwesto kung saan matataas ang mga sandalan.

Patuloy ang kaba na nararamdaman ko pero pilit ko rin ito na pinaglalabanan. Nang makaupo ay ginitgit niya pa ako kaya lapit na lapit ang aming mga katawan.

Ito ang unang araw ko sa aking trabaho. Sa trabaho na napilitan lamang ako na akuin upang iligtas muli si Reina sa kalokohan na kan’yang ginawa.

I am Reina’s replacement as a mistress. A contracted mistress at that. Kagaya nang amin napag-usapan, ang lahat ng ito ay pagpapanggap lamang kapag nasa labas kami. Hindi ko kailangan na matakot dahil walang mangyayari sa pagitan namin ni Kenji.

At hindi ko rin nanaisin na may mangyari sa amin. Ang magpanggap pa nga lamang na kabit ay malaking pagkakasala na sa aking kasintahan na hanggang ngayon ay walang kaalam-alam sa pinasok ko na ito. Pero may pagpipilian pa ba ako?

"You’re doing good, Reiko. Nakita ko na ang asawa ko. You just have to keep up with the act." bulong ni Kenji sa aking tainga.

Kunyari ay tumawa ako at hinimas ang braso niya upang mas lalo na maging kapani-paniwala ang lahat sa pagganap namin.

Isang bag ang padabog na inilapag sa lamesa namin, kaya buhat sa aming pagbubulungan ay pareho kami na nag-angat ng mukha ni Kenji.

Mukha ng isang magandang babae na matatalim ang tingin ang nakatuon sa akin. Siya na marahil ang tunay na asawa.

"What is the meaning of this, Kenji?" maanghang na tanong ng babae sa lalaking kasama ko.

Sarkastiko na tumawa si Kenji at hindi man lamang na lumayo sa akin. "Ica, I didn’t know you were here. Sino ang kasama mo rito?"

"Why are you here?" Muli ay nanggigigil na tanong niya na hindi man lamang sinagot ang tanong ni Kenji.

"This is a restaurant. Ano ba ang ginagawa rito? Hindi ba at kumakain? I’m supposing that you’ll be doing the same. Sino ang kasama mo?"

"You, bitch! Who are you?!" Pigil ang galit na ibinaling ng babae ang atensyon niya sa akin.

Nagsalubong ang kilay ko sa narinig na itinawag niya sa akin. Ngali-ngali ko na patulan ang babae na ito na tinawag ako na bitch. Ngunit gustuhin ko man ay hindi ko magagawa. Mahigpit na nakasulat sa kontrata na hindi ko maaari na patulan o saktan ang tunay na asawa. Sa halip, sisiguraduhin ni Kenji na hindi dadapo ang kamay ng kanyang asawa sa akin.

"Are you talking to me?" Malandi na sagot ko naman habang idinikit ko pa ang aking mukha sa mukha ni Kenji.

Namumula na sa galit ang babae na kaharap namin. "Do you know who I am?"

Ngumiti ako na lalo niya na ikinainis, "Oh! I’m sorry, but I don’t. Should I know you, though?" Ipinagpapasalamat ko na sa call center ako nagtatrabaho at nagagawa ko na makipagsabayan ng Inglisan sa babae na ito na kaharap ko.

"In case Kenji forgot to mention it, he's married. And I am his wife!"

Kunyari ay umasta ako na nagulat at napatakip pa ang kamay ko sa aking bibig. "Oh! You are his wife? I thought you were his older sister. I am really sorry." Binalingan ko si Kenji at muli na umarte, "Kenj, you didn’t tell me you have a wife."

Hindi pa man nakakasagot si Kenji ay muli na sumabat ang babae. "Now that you know, leave. Kenji, make that bitch leave."

"Excuse me? Dumating ako rito na kasama si Kenji, and I’ll be leaving with him. Now, will you excuse us? It’s rude to barge into a table when you’re not invited."

Lalo ang galit na rumehistro sa kan’yang mukha. Inihampas niya muli ang bag sa lamesa at titig na titig sa akin. "Aalis ka ba o kakaladkarin kita palabas?"

Kinabahan ako sa pagbabanta na iyon. I can fight her with words, but I cannot fight her physically. Paano na lamang kung saktan niya ako? Mukha pa naman na natuod na si Kenji sa tabi ko.

"Leave, Ica." Matipid ngunit may diin na utos ni Kenji sa asawa niya.

"What did you say, Kenji Jarvis?" Hindi makapaniwala na tanong muli ng babae.

"I said, you be the one to leave. We came here together, and as she said, we will leave this place together. Hindi ba at may kasama ka rin na kakain dito? You don’t eat alone, and I’m sure that you are with someone. So take your leave and go to whoever you are with."

"Or maybe she wanted to join us, Kenj? I actually don’t mind inviting her. She can sit across from us since you’re seated beside me."

"She’s leaving, cupcake." Gusto ko na masamid sa tawag na iyon. Cupcake, really?

"Cupcake, really, Kenji? Are you even sure that she is of legal age?"

"Leave, Ica. Don’t make a scene here. Let’s talk at home." Ang pagkakasabi nito ni Kenji ay hindi na tono ng pakiusap, kung hindi isang pag-uutos na, ngunit nanatili na naestatwa ang babae sa harap namin. Patuloy lamang niya ako na pinagmamasdan.

"How much do you need, bitch?" maanghang na tanong pa niya muli.

"Ica, I said leave." Bahagya na lumayo sa akin si Kenji nang makita niya ang pagrehistro ng sakit sa mukha ng asawa. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, ngunit nanatili na tikom ang bibig ko.

"Why are you doing this, Kenji?" mahina na tanong ng babae.

"Let’s not talk about our relationship here, Ica. Nakakahiya kay Reiko."

She smirked and glanced at me. "Reiko is the name, huh? And bitching is your game? I’ll let you off the hook this time, pero sa susunod na magtagpo ang landas natin ay sisiguraduhin ko nang pagsisisihan mo for ever crossing my path."

Nagkibit-balikat na lamang ako at sa malandi na paraan ay ininom ang tubig sa aking harapan. "Whatever floats your boat, then. I’m up for the challenge."

"You will have a lot of explaining to do, mister." Nang madampot niya ang bag na inihagis niya sa lamesa kanina ay hinampas pa niya si Kenji sa balikat kaya napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko upang pigilan ang tawa na nais na kumawala sa akin.

Sinundan namin siya ng tanaw hanggang sa makalabas siya ng restawran. Napa-isip ako dahil ang sabi ni Kenji kanina ay may kasama ang asawa niya, ngunit mag-isa naman na lumabas sa kainan. Nang masiguro na wala na siya ay lumayo na sa akin si Kenji at nagbigay na ng tamang espasyo sa pagitan namin dalawa.

"Thank you." tipid na sabi niya sa akin. Napasandal siya at hinimas ang noo niya. "You can order your food for takeout, then I’ll bring you home."

"No need. I am okay. I can go home by myself."

Umiling siya habang patuloy na nakatuon ang mga mata sa akin. "I’ll drop you off. By the way, puwede ka na manatili sa condo ko pansamantalaa. Sigurado kasi ako na ipapa-imbestiga ka na ni Ica, at mas mabuti na alam niya na ibinabahay na kita. I don’t stay there, so there's no need to worry."

Tumawag siya ng waitress at nagbigay ng ilang order ng pagkain habang nanatili ako na tahimik. Nang makaalis ang waitress ay muli siya na sumandal at ipinikit ang mga mata niya.

Ano ba itong gulo na napasok ko? Isang malaking kabaliwan ang ginagawa ng lalaki na ito. Sa tingin ba niya ay makukuha niya ang asawa niya kung palalabasin niya na niloloko niya iyon? Hindi ba at kapag niloko ka ay iiwan mo na? Tanga ba o tanga lang talaga ang magkaibigan na piloto sa kanilang naisip na ito?

"Huwag ka rin mag-alala, dahil babayaran pa rin kita sa serbisyo mo."

"No." Mabilis na sagot ko na nagpadilat sa kan’ya. Tiningnan niya ako habang nakakunot ang noo. "Hindi mo na kailangan na magbayad pa. Tama na ang naibigay mo na kay Reina. Huwag na natin dagdagan pa ang utang namin sa’yo."

"Initial payment lamang ang five hundred thousand, Reiko. May makukuha pa na kabuuan na bayad kapag natapos ang kontrata at may bonus kapag nagtagumpay tayo."

"Hindi pa tapos ang kontrata, at hindi pa rin tayo nagtatagumpay, kaya huwag mo na dagdagan pa ang bayad. But are you sure that this will work? I mean your plan? Hindi ba at mas lalo na malalagay sa alanganin ang relasyon ninyo dahil sa ginagawa mo?"

"Ica doesn’t like competition. And she sees you as competition now, so I am sure that this plan will work."

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
nakakatanga talaga ang pag ibig hay grabe
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Falling for the Replacement Mistress   Thank You!

    Maraming, maraming salamat po sa lahat ng tumangkilik sa istorya nina Reiko at Kenji. Natapos na po ang kuwento ng pag-iibigan nila at sana po ay nagustuhan ninyo. Sobrang thank you po sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa mga stories ko. This means so much to me. Sana po ay suportahan ninyo rin po ang iba ko pa na kuwento sa GN: Completed Stories: The Invisible Love of Billlionaire (Taglish) Married to the Runaway Bride (Taglish) My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Ongoing Stories: The Rise of the Fallen Ex-Wife (Taglish) Entangled to the Hidden Mafia (Taglish) The Dragster's Mafia Heiress (English) The Runaways' Second Chance Mate (English)

  • Falling for the Replacement Mistress   Epilogue cont.

    Aligaga siya habang naghihintay ng abiso sa kan'ya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya sa mga oras na iyon. She had been waiting for this day to come, and now that it is here, she doesn't really know if this is still what she wants. She doesn't really know if there is still something or someone out there for her when she goes out. Tatlong taon mahigit din na nakulong si Ica. Matapos siya na tuluyan na pabayaan ng kan’yang mga magulang at talikuran ng dating asawa niya, natutunan na niya ang mamuhay na mag-isa sa piitan. Hindi na nga niya inisip pa na mabibigyan pa siya ng pagkakataon na makalabas muli buhat sa mundo na ito, pero isang anghel ang dumating at binigyan siya ng isa pa na pagkakataon na ayusin muli ang buhay niya. Mahigit isang linggo na ang nakakaraan nang sadyain siya ni Reiko sa kulungan. That visit was unexpected, but it was something that they both needed to find closure on everything that happened between them. —-- "Ano ang ginagawa mo rito?" Iyon agad

  • Falling for the Replacement Mistress   Epilogue

    "Dad, do you think she’ll like this?" Nag-aalinlangan na tanong ng anak sa kan’yang ama habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang cake na nasa harapan niya. Malalim ang pag-iisip na ginagawa niya kung ano ba ang nararapat niya na piliin. "She will definitely like anything that you choose for her, son." Paninigurado naman ng ama niya sa kan’ya. "Are you sure? I’m not certain if this is her favorite or not." "More than the cake, it is your presence that will clearly matter for her, Kiro." Nakangiti na tugon ni Arden sa kan’yang anak. "Okay, let’s buy this one then." Sabay turo nito sa korteng puso na cake sa staff ng shop na iyon na agad naman na tumugon sa kan’ya at inayos ang order niya. Napapa-iling na lamang si Arden habang binabayaran ang kinuha na cake ng anak niya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o mag-aalala sa nakikita na pagka-aligaga sa kan’yang anak. He is not really sure because he is feeling the exact same way as Kiro is feeling at this exact moment. Pareho

  • Falling for the Replacement Mistress   Special Chapter 5 - Kenji Jarvis

    "Hey, you’re in deep thought." Ang boses na iyon ng asawa ko ang nagpaputol sa akin sa pag-aalala ng amin nakaraan at nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Nakangiti siya habang papalapit sa akin, pero ang mga mata niya ay napupuno ng mga katanungan. "What are you thinking? May problema ba? May masakit ba sa'yo?" Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil sa nakikita ko na pag-aalala niya para sa akin. Everything is still as surreal for me as it can be. We may have been married already, but the butterflies in my stomach that she always makes me feel are still indescribable and unfathomable. Kalalaki ko na tao pero hindi ko maiwasan ang pagsirko-sirko ng puso ko sa asawa ko, lalo na kapag nakikita ko ang sobra rin na pagmamahal niya para sa akin. What we have is different from my past relationships. She is way different from all the other women that I’ve come across. And what we have will always be something that I'll treasure. "Pinapakilig mo na naman ako, misis ko. Alam mo naman na hindi

  • Falling for the Replacement Mistress   Special Chapter 4 -Kenji Jarvis

    The set-up was going well for both of us. Hindi ko inakala, pero maayos naman ang naging usapan namin ni Reiko kung ano ang mangyayari sa kontrata. At gaya nang sinabi ko kay Reina, iyon din ang sinabi ko sa kan'ya. Ang lahat ng ito ay pagpapanggap lamang. Hindi namin kailangan na maging intimate sa isa't-isa. Wala akong plano na sirain ang relasyon namin ng asawa ko. Ginagawa ko lamang ito para mabawi siya sa pagkahumaling niya sa matalik na kaibigan niya. Matapos ang unang paghaharap namin nina Ica, I knew that I was back in the game. Alam ko na tama ang naging plano na ito ni Gray para muli ko na makuha ang pagmamahal ng asawa ko. Ayaw ni Ica sa kompetisyon, at nakita ko ang pagkabahala niya nang makita niya kami na magkasama ni Reiko sa restawran. And just as we have expected, Ica cannot bear the threats she sees in Reiko, and it is all the more fulfilling to see that in just a matter of days, I know this plan will succeed. And it should be, dahil hindi maaari na tumagal pa ang

  • Falling for the Replacement Mistress   Special Chapter 3 -Kenji Jarvis

    I couldn’t keep the smile off my face as I watched the two most important people in my life enjoy our time together. It’s been a month since Reiko and I got married, and being married to her is the most wonderful feeling I have ever felt. I never thought I could still have the chance to find my happy ending in love. I never even believed that there was still somebody out there for me after Ica, but indeed, the right person will come at the right time. Habang pinagmamasdan ko ang mag-ina ko habang nagtatampisaw sila sa tabing-dagat, hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na balikan ang aming nakaraan. Ang hindi ko inakala na pagmamahal na mararamdaman ko sa babae na pilosopa na naabutan namin ni Gray sa bahay ni Reina noon ay siya pala na makakasama ko sa habang-buhay ngayon. And who would have thought that I would even end up marrying the woman who got on my nerves the first time I saw her? Totoo nga siguro ang kasabihan na "the more you hate, the more you love", dahil ang pagmamaha

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status