Share

Kabanata 9

LUMALABAS LANG si Aiha sa kaniyang silid kapag alam niyang wala sa mansion ang kaniyang amo. At saka lang din siya maglilinis sa kwarto ng amo niya kapag nakaalis na ito.

Ayaw niyang makita ang pagmumukha ng amo niyang iyon. Isang malaking insulto para kay Aiha ang pagsabihan siya ng mga salitang hindi naman nararapat para sa kaniya. Pinagkaitan na nga siya ng kaibigan sa probinsiya, tapos pati rito ay kinokontrol din siya ng amo niya na makipag-kaibigan.

Nagpapahatid si Aiha minsan sa Andromeda para linisin ang opisina ng amo niya, ginagawa niya rin ito kapag nasa mansion ang amo niya.

Kapag pumapasok naman si Aiha ay hindi na siya nagpapahatid at sundo kay Weiss. Sa halip na ang amo niya ang maghahatid at sundo sa kaniya ay si Mang Kanor na.

"Wala si Lord Weiss?" halos pabulong na tanong ni Aiha kay Aling Belen.

Lumapit sa kaniya ang mayordoma.

"Kumain ka na, Aiha. Ilang araw ka lang nagkakaganiyan pero nangangayayat ka na," sabi ng mayordoma at hindi sinagot ang tanong ni Aih
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status