공유

HIS SECRET BLUEPRINT
HIS SECRET BLUEPRINT
작가: R.A Nulla

chapter 1.

작가: R.A Nulla
last update 게시일: 2026-03-10 12:25:17

Ang ulan sa labas ng The Glass Lounge ay tila nakikiramay sa bigat ng nararamdaman ni Liza. Sa loob ng eksklusibong bar na iyon, kung saan ang bawat baso ng alak ay nagkakahalaga ng kalahati ng kanyang buwanang suweldo bilang guro, nakaupo siya sa pinakasulok.

Tatlong baso na ng tequila ang nasa harap niya. Pero ang pait sa kanyang lalamunan ay wala pa sa kalahati ng pait na nararamdaman ng kanyang puso.

"Isa pa... kuya, isa pa," gumaralgal ang boses ni Liza habang itinataas ang kanyang nanginginig na kamay.

"Ma'am, baka po tama na. Nakaka-apat na shot na kayo," magalang na sagot ng bartender.

"Bakit? May pambayad naman ako, ah!" Inilabas ni Liza ang kanyang pitaka, pero ang tumambad sa kanya ay ang wedding photo nila ni Mark na hindi pa niya natatanggal. Doon siya tuluyang nanghina. Ang lalaking pinangakuan niya ng habambuhay, nahuli niya sa mismong kama nila—kasama ang isang babaeng mas bata, mas sexy, at mas "fresh" kaysa sa kanya.

"Liza. That’s enough."

Isang malalim at baritonong boses ang pumutol sa kanyang pag-iisip. Hindi na kailangang lumingon ni Liza para malaman kung sino iyon. Ang amoy pa lang ng mamahaling sandalwood at peppermint ay sapat na para makilala niya ang lalaking laging dumarating kapag kailangan niya ng tulong.

Si Architect Julian Valderama. Ang matalik na kaibigan ng kanyang biyenan. Ang nag-iisang tumayo bilang Ninong sa kasal nila ni Mark dalawang taon na ang nakakaraan.

"Ninong..." pabulong na sabi ni Liza, bago siya muling humagulgol. "Bakit ka nandito? Sasabihin mo rin ba sa akin na 'intindihin' ko si Mark? Na 'lalaki lang' siya?"

Umupo si Julian sa tabi niya. Hindi ito naka-suit ngayon, kundi naka-puting polo shirt lang na nakatupi hanggang siko, dahilan para makita ang matitigas na masel sa kanyang braso. Inagaw ni Julian ang baso ng alak mula sa kamay ni Liza.

"Hindi ko sasabihin 'yan. Dahil kung ako ang asawa mo, hinding-hindi ko gagawin ang ginawa niya," seryosong sabi ni Julian. Tumingin siya sa bartender at inabutan ito ng itim na credit card. "Close the tab. I’m taking her home."

"Ayoko! Wala na akong bahay! Nandoon silang dalawa... sa kama ko... sa unan ko..." bulong ni Liza habang sinusubukan niyang tumayo pero agad ding napa-upo dahil sa hilo.

Sa isang iglap, naramdaman ni Liza ang malalapad na palad ni Julian sa kanyang baywang. Inalalayan siya nito nang buong ingat, tila ba isa siyang mamahaling sining na baka mabasag sa isang maling galaw.

"Sa penthouse ko muna tayo. Doon ka magpahinga," utos ni Julian.

"Bakit mo 'to ginagawa, Ninong? D-dapat kay Mark ka pumanig, 'di ba? Kaibigan mo ang pamilya niya..."

Tumigil si Julian sa paglalakad at hinarap si Liza. Sa ilalim ng madilim na ilaw ng bar, nakita ni Liza ang bagsik at ang hindi maipaliwanag na emosyon sa mga mata ng arkitekto.

"Huwag mo akong tawaging Ninong, Liza. Hindi ngayon. Dahil sa bawat pagbigkas mo ng salitang 'yan, mas nahihirapan akong pigilan ang sarili ko na huwag saktan ang asawa mo sa ginawa niya sa'yo."

Habang nasa loob ng elevator patungo sa penthouse ni Julian, hindi na nakayanan ni Liza ang antok at hilo. Sumandal siya sa dibdib ni Julian. Naririnig niya ang mabilis at malakas na tibok ng puso ng lalaki.

Inangat ni Julian ang baba ni Liza. Sobrang lapit ng kanilang mga mukha—isang pulgada na lang at magdidikit na ang kanilang mga labi. Ramdam ni Liza ang init ng hininga ni Julian.

"Liza, kung alam mo lang kung gaano ko gustong burahin ang bawat alaala mo sa kanya," bulong ni Julian. Dahan-dahang hinaplos ng kanyang hinlalaki ang labi ni Liza. "Mula ngayon, ako na ang bahala sa'yo. Kahit itakwil pa ako ng mundo, hinding-hindi ka na muling iiyak."

Sa sandaling iyon, sa loob ng maliit at tahimik na elevator, naramdaman ni Liza na ang "Ninong" na kinagisnan niya ay may itinatagong apoy na siya lang ang pwedeng makapagpa-amo.

Nang bumukas ang pinto ng penthouse, hindi na nag-aksaya ng panahon si Julian. Binuhat niya si Liza na parang isang bagong kasal—pero walang kaba, puro nag-aapoy na pagnanasa lang ang bakas sa kanyang mga mata. Inihiga niya si Liza sa malambot na kama na gawa sa Egyptian cotton, ang bango ng silid ay halo ng alak at ng maskuladong presensya ni Julian.

"Ninong..." pabulong na tawag ni Liza. Ang kanyang paningin ay malabo dahil sa tequila, pero ang nararamdaman niya ay kristal sa linaw. Ang init ng katawan ni Julian na nakapatong sa kanya ay ang tanging bagay na nagpapalimot sa kanya sa lamig ng pagtataksil ni Mark.

"Liza, stop me now. Sabihin mo lang na huminto ako at lalabas ako ng kwartong ito," paos na sabi ni Julian. Ang kanyang mga kamay ay nakabaon sa magkabilang gilid ng ulo ni Liza, ang kanyang mga braso ay naninigas sa pagpipigil.

Sa halip na sumagot, hinila ni Liza ang batok ni Julian at isinara ang distansya ng kanilang mga labi. Isang ungol ang kumawala sa lalamunan ni Julian—isang tunog ng pagsuko at pag-angkin. Ang halik na iyon ay hindi banayad; ito ay gutom, parang isang lalaking naglakad sa disyerto ng sampung taon at ngayon lang nakakita ng tubig.

Mabilis na tinanggal ni Julian ang kanyang polo shirt, inilantad ang matitigas na masel ng kanyang dibdib at abs na tila inukit ng isang arkitekto. Sinundan iyon ng pagtanggal sa damit ni Liza. Sa bawat sentimetro ng balat na nalalantad, ang mga mata ni Julian ay tila sumasamba.

"You have no idea how long I’ve imagined this," bulong ni Julian sa pagitan ng mga halik sa leeg pababa sa malusog na dibdib ni Liza. "Watching you from afar was a torture. Tonight, I’m ending that torture."

Naging maalab ang bawat haplos. Ang mga kamay ni Julian ay gumapang sa bawat kurba ni Liza, mapang-angkin at dominante. Sa ilalim ng impluwensya ng alak, nawala ang lahat ng hiya ni Liza. Itinaas niya ang kanyang balakang para sumabay sa ritmo ni Julian. Ang bawat lapat ng kanilang balat ay naglalabas ng kuryente—masidhi, marahas, pero puno ng damdamin.

Dahan dahan naglalakbay mula sa pusod pababa sa dalawang hita ni liza ang mga labi ni julian.

"Ninong... ah... Ninong," ungol ni Liza, ang kanyang mga kuko ay bumaon sa likod ng arkitekto habang nararamdaman ang bawat bigat at lakas ng lalaki.

Sa loob ng kwartong iyon, nawala ang mundo. Walang Mark, walang iskandalo, walang bawal. Mayroon lang isang lalaki na handang ibigay ang lahat, at isang babaeng sa wakas ay natutong sumuko sa tamang mga kamay. Ang bawat galaw ni Julian ay may kasamang bagsik at pag-iingat, tila ba tinitiyak niyang bawat hibla ng pagkatao ni Liza ay matatatakan ng kanyang pangalan.

Nang marating nila ang rurok ng kanilang pagnanasa, sabay silang huminga nang malalim sa gitna ng katahimikan ng gabi. Balot ng pawis at pagod, niyakap ni Julian si Liza nang mahigpit, na tila ayaw na itong pakawalan kailanman.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • HIS SECRET BLUEPRINT   chapter 9

    Nanginig ang mga daliri ni Liza habang pinupulot ang litrato sa sahig. Ang imahe ay malinaw—ang paghalik ni Julian sa kanya sa rooftop, ang ebidensya ng isang gabi na akala niya ay ligtas sa mapanghusgang mata ng mundo. Ngunit ang mas nagpapatigil ng kanyang hininga ay ang banta sa likod nito. Ang kanyang mga magulang sa probinsya. Ang tanging natitirang pundasyon ng kanyang pagkatao na hindi pa narurungisan ng gulo sa Maynila."Liza, alam kong naririyan ka," boses ni Cindy, puno ng pait at tagumpay. "Huwag mong paghintayin si Tito Hector. Hindi siya sanay na pinagdadamutan ng oras."Dahan-dahang pinihit ni Liza ang doorknob. Pagbukas ng pinto, tumambad sa kanya ang marangyang anyo ni Cindy na tila ba galing sa isang photo shoot, at sa tabi nito, ang matandang lalaki na si Hector. Ang kanyang mga mata ay kasing-lamig ng bakal, at ang kanyang presensya ay tila kumakain ng hangin sa maliit na hallway ng apartment."Pasok," paos na sabi ni Liza.Pumasok ang dalawa na tila sila ang nagmam

  • HIS SECRET BLUEPRINT   Chapter 8

    Ang sinag ng araw na tumatagos sa manipis na kurtina ng silid ni Liza ay tila isang mapangahas na paalala na tapos na ang gabi ng pagtakas. Sa loob ng maliit na kwarto, ang hangin ay amoy pabango pa rin ni Julian—isang timpla ng sandalwood at mamahaling tabako na humahalo sa amoy ng bagong labang kumot.Dahan-dahang imulat ni Liza ang kanyang mga mata. Naramdaman niya ang bigat ng braso ni Julian na nakapulupot sa kanyang bewang, isang angking pagmamay-ari na kahit sa pagtulog ay hindi bumibitaw. Sa unang pagkakataon sa loob ng maraming taon, hindi takot ang gumising sa kanya, kundi isang uri ng kapayapaang alam niyang hiram lang.Pinagmasdan niya ang natutulog na mukha ni Julian. Ang matitigas na linya sa panga nito ay relax na ngayon. Sino ang mag-aakalang ang lalaking kinatatakutan sa boardrooms at tinitingala sa mga arkitektura ay may ganito kalalim na sugat mula sa kanyang kabataan?Dahan-dahang bumangon si Liza, pilit na hindi naggigising ang lalaki. Pero bago pa man lapat ang k

  • HIS SECRET BLUEPRINT   chapter 7

    Kabanata 7: Ang Guho at ang Apoy​Sa rooftop ng apartment, tila huminto ang pag-inog ng mundo. Ang pag-amin ni Julian tungkol sa kanyang madilim na nakaraan ay nag-iwan ng nakabibinging katahimikan. Nakatingin pa rin si Julian sa kawalan, ang kanyang mga mata ay tila nakakakita ng mga apoy na matagal na sanang nabaon sa limot.​Dahan-dahang lumapit si Liza. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin, pero alam niya ang pakiramdam ng mawalan ng lahat. Hinawakan niya ang kamay ni Julian—ang kamay na kanina ay nakakuyom sa galit—at dahan-dahan itong nirelaks.​"Julian... nandito na ako. Hindi ka na nag-iisa," mahinang bulong ni Liza.​Lumingon si Julian sa kanya. Ang lamig sa kanyang mga mata ay biglang napalitan ng isang emosyong hindi maipaliwanag—halo ng pangungulila, poot, at matinding pagnanasa. Sa isang iglap, binitawan ni Julian ang bote ng beer at hinawakan si Liza sa batok, inilalapit ang mukha nito sa kanya.​"Liza, huwag kang maging masyadong mabait sa akin," paos na sabi ni Julia

  • HIS SECRET BLUEPRINT   chapter 6

    Sa isang madilim na opisina sa kailaliman ng isang abandonadong bodega sa pier, dahan-dahang ibinaba ni Hector ang telepono. Ang tanging liwanag sa silid ay ang dulo ng kanyang sinindihang tabako at ang asul na sinag mula sa mga CCTV monitor na nakapaligid sa kanya. Isang mapanganib na ngiti ang gumuhit sa kanyang mukhang puno ng peklat. "Reyes Builders..." bulong niya sa sarili habang ibinubuga ang usok. "Isang pamilyang desperado. At isang arkitektong masyadong matayog ang lipad." Alam ni Hector ang pangalan ni Julian Valderama. Sa mundo ng underground, ang mga tulad ni Julian—na tila malinis at kagalang-galang—ang pinakamasarap pabagsakin. Kinuha ni Hector ang isang folder mula sa kanyang mesa. Doon, may nakasingit na lumang litrato ng isang bata sa harap ng isang nasunog na bahay. "Tingnan natin kung gaano katatag ang pundasyon mo, Architect," huling sabi niya bago tuluyang pinatay ang ilaw ng silid. Samantala, ang loob ng SUV ni Julian ay balot ng katahimikan habang binabayba

  • HIS SECRET BLUEPRINT   chapter 5

    Mariing nakakapit ang mga kamay ni Mark sa manibela ng kanyang sasakyan, halos mamuti ang kanyang mga buku-buku sa tindi ng pagkakahawak. Ang loob ng sasakyan ay puno ng tensyon at ang tanging naririnig ay ang mabilis na paghinga niya at ang iritadong buntong-hininga ni Cindy sa kanyang tabi. "Ano ba, Mark! Magdamag mo na lang bang papatayin sa titig ang manibela na 'yan?" singhal ni Cindy habang marahas na inaayos ang kanyang buhok sa harap ng rearview mirror. "Masyado kang apektado! Akala ko ba wala ka nang pakialam sa asawa mo? Pero kanina sa restaurant, kulang na lang ay matunaw si Liza sa mga tingin mo!" "Hindi mo naiintindihan, Cindy!" sigaw ni Mark sabay hampas sa dashboard. "Si Julian... Ninong ko siya! Respetadong arkitekto siya, kilala ng pamilya namin. Pero ang paraan ng pag-asta niya kanina? Ibang-iba! Kung hindi lang nakasalalay ang Reyes Builders sa mga koneksyon niya sa bangko at sa gobyerno, baka nasapak ko na ang pagmumukha niya!" "So, magtitiis ka dahil kailang

  • HIS SECRET BLUEPRINT   chapter 4

    Alas-kwatro ng hapon. Katatapos lang ng huling klase ni Liza sa St. Bernadette. Habang nilalagay niya ang mga krayola at drawing papers sa kanyang bag, ramdam niya ang bigat ng kanyang mga talukap. Ang gabi nila ni Julian ay parang isang panaginip na ayaw humiwalay sa kanyang ulirat, at ang bawat titig ng mga kapwa guro ay tila nagtatanong kung bakit tila malalim ang kanyang iniisip. Paglabas niya ng gate ng eskwelahan, napatigil siya. Isang makintab na itim na SUV ang nakaparada sa tapat. Nakasandal doon si Julian, suot ang isang navy blue na polo shirt na hapit sa kanyang dibdib at isang salamin sa mata. Mukha itong isang modelong naligaw sa gitna ng ingay ng mga batang nagsisiuwian. "Julian? Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Liza, sabay tingin sa paligid. "Baka may makakita sa atin." "Susunduin ka. Simple lang," diretsong sagot ni Julian. Lumapit ito sa kanya at kinuha ang mabigat niyang bag. "You look exhausted, Liza. Sumama ka sa akin, maghapunan tayo sa labas." "H

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status