Share

HIS UNWANTED SLAVE
HIS UNWANTED SLAVE
Author: Tinetine21

CHAPTER 1

Author: Tinetine21
last update publish date: 2026-09-14 07:26:44

ELIANA POV

“Ma!”

Halos mapasigaw ako nang biglang bumagsak si Mama sa sahig.

Kakapasok ko pa lang ng bahay galing sa paghahanap ng trabaho nang makita ko siyang nakahawak sa dibdib habang nanginginig. Bago pa ako makalapit, tuluyan siyang nawalan ng malay.

“Ma! Gising!” Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang mukha niya. “Ma, please!”

Walang sagot.

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tumawag sa emergency service. Ilang minuto lang, pero parang napakatagal bago dumating ang ambulansya.

Habang nakasakay kami papuntang hospital, hawak ko ang malamig niyang kamay.

“Please, Ma. Huwag mo akong iwan.”

Wala akong ibang iniisip kundi ang takot na baka tuluyan ko ring mawala ang nag-iisang pamilya ko.

Pagdating sa hospital, agad siyang isinugod sa emergency room. Naiwan akong nakatayo sa labas, nanginginig habang nakatingin sa mga doktor na abala sa loob.

Makalipas ang halos isang oras, lumabas ang doktor.

“Family member?”

“Ako po ang anak niya.”

“Your mother needs immediate treatment and further tests. Stable siya ngayon, pero kailangan natin siyang ma-monitor.”

Tumango ako agad. “Gawin niyo po lahat ng kailangan.”

Tinitigan ako ng doktor bago maingat na nagtanong, “May pambayad po ba kayo para sa admission at treatment?”

Parang biglang nawala ang lakas ng katawan ko.

“Magkano po?”

Binanggit niya ang estimated amount. Napayuko ako. Wala akong ganoong pera.

“Pwede po bang kahit partial muna? Babayaran ko po. Makakahanap ako ng paraan.”

“I understand, pero kailangan nating ma-process ang admission.”

“Please,” pakiusap ko habang pinipigilan ang luha. “May sakit po ang nanay ko. Huwag niyo naman siyang palabasin dahil wala kaming pambayad.”

Humigpit ang hawak ko sa bag ko dahil wala akong pera, wala akong trabaho, at may ₱2.3 million pa kaming utang.

Kinagabihan, nakauwi ako kasama si Mama matapos ma-stabilize ang kondisyon niya. Hindi man lang ako nakatulog nang maayos.

Nasa mesa sa tabi ng kama ang mga medical bill, listahan ng gamot, at mga papel ng utang.

₱2,300,000.

Ilang beses kong tinitigan ang halaga hanggang sa pumatak ang luha ko.

Hindi ganito dapat.

College graduate ako ng Culinary Arts. May pangarap ako. Gusto kong maging chef, magkaroon ng sariling restaurant, at magkaroon ng magandang buhay kasama si Mama. Pero pagkatapos mamatay ni Papa, nawala ang lahat ng plano namin.

Si Papa ang pangunahing kumikita. May maliit siyang negosyo na sapat para sa pang-araw-araw naming pangangailangan. Pero may mga loan at obligasyon pala itong naiwan. Nang mawala siya, wala nang nagpatuloy sa negosyo at patuloy namang nadagdagan ang utang.

Ngayon, pati gamot ni Mama, hindi ko mabili nang maayos.

“Anak…”

Napalingon ako.

Gising na si Mama.

“Ma.”

Lumapit ako at hinawakan ang kamay niya.

“Maghanap ka lang ng trabaho. Huwag mong isipin lahat ng ito.”

Napangiti ako kahit umiiyak. “Kailangan kong isipin. Ikaw ang kailangan kong alagaan.”

“Hindi ko gustong isakripisyo mo ang pangarap mo.”

“Pangarap lang iyon, Ma. Ikaw ang mas importante.”

Hindi na siya nakasagot. Niyakap ko siya nang mahigpit. Kinabukasan, naghanap ulit ako ng trabaho hanggang sa may nakita akong advertisement.

PERSONAL SLAVE

Napakunot-noo ako at binasa ko ang details.

Personal assistance, household duties, errands, schedule assistance.

May sariling room at libre ang pagkain, at ang sahod ay ₱150,000 kada buwan.

Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang laki ng salary. Hindi ito ang trabahong gusto ko, pero sapat ito para makabili ng gamot ni Mama at unti-unting mabayaran ang utang namin.

Matagal akong nakatitig sa application form hanggang sa pinindot ko ang APPLY.

Kinabukasan, tinanggap ako at bago ako umalis, tiningnan ko si Mama.

“Ma, may trabaho na ako.”

Ngumiti siya. “Sigurado ka ba diyan?”

“Oo.”

Hindi ko sinabi ang buong title. Hindi ko sinabi na magiging Personal Slave ako ng isang mayamang lalaki. Ang sinabi ko lang, “Malaki ang sahod.”

Dahil iyon lang ang mahalaga sa akin.

Pagdating ko sa Montenegro Mansion, muntik akong mapatigil sa gate.

“Holy shit…” bulong ko.

Napakalaki ng bahay. May malawak na garden, mahabang driveway, at security gate na parang papasok ako sa isang hotel.

“Miss Monteverde?”

Napalingon ako sa staff na sumalubong sa akin.

“Yes.”

“Welcome to Montenegro Mansion. The young master is inside. You need to meet him before starting your duties.”

Huminga ako nang malalim.

“Kael Montenegro?” tanong ko. Kasi iyon ang nakalagay kung sino ang pagsisilbihan ko.

“Yes.”

Hindi pa ako nakakasagot nang makarinig ako ng yabag mula sa hagdan.

Napatingala ako at doon ko siya unang nakita.

Matangkad, broad shoulders, magulong itim na buhok, at naka-black robe na halatang bagong galing sa shower. Pero ang mas nakakainis?

Diretso siyang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa, mabagal at walang hiya.

Napataas ang kilay ko.

“May problema ba?” tanong ko.

Bahagya siyang ngumisi.

“So you're the new Slave?”

Napakunot-noo ako.

“I have a name. Eliana.”

“I know your name. I just prefer calling you Slave.”

Napairap ako. “I'm an employee, not a slave. May contract ako.”

“You're quite bold.”

“I'm here to work. Hindi para maging entertainment mo.”

Tumawa siya nang mahina.

“Interesting.”

Napabuntong-hininga ako. “Pwede bang sabihin mo na lang kung ano ang first task ko?”

“Coffee.”

“Black?”

“Yes. Black. No sugar.”

Isinulat ko iyon sa notebook.

“Anything else?”

“Breakfast. Surprise me.”

Napatingin ako sa kanya. “I'm a Culinary Arts graduate.”

“I know.”

“Then don't complain about my cooking.”

“If you're good, I won't.”

Tumalikod ako para pumunta sa kitchen, pero narinig ko ulit ang boses niya.

“By the way, Eliana.”

Napalingon ako.

“You should get used to me looking at you.”

“Why?”

“Because I don't plan on stopping.”

Napailing ako sa kapal ng mukha niya.

“Bastos ka.”

Tumawa lang siya at habang papunta ako sa kitchen, narinig ko ang huli niyang sinabi.

“Let's see how long you last, Slave.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HIS UNWANTED SLAVE    CHAPTER 9

    ELIANA POVMaaga akong nagising kinabukasan. Hindi ko na hinintay ang alarm dahil gusto kong matapos agad ang gawain ko. Gusto ko ring umiwas. Ayoko munang makita si Kael pagkatapos ng nangyari kahapon pero mukhang malabo iyon.Pagpasok ko sa kusina ay narinig ko agad ang footsteps niya sa likod ko."Eliana" tawag ni Kael sa akin.Napapikit ako. Siya na naman. Hindi ako lumingon at ipinagpatuloy ko lang ang paghahanda ng almusal."Good morning" bati ni Kael sa akin."Good morning sir" sagot ko kay Kael."Sir" ulit ni Kael at halatang nagtaka siya sa tawag ko."Opo" sagot ko kay Kael."Yesterday Kael. Today sir" tanong ni Kael sa akin."Opo" sagot ko kay Kael at hindi pa rin ako tumingin sa kanya.Narinig ko ang mahinang tawa ni Kael."Galit ka" tanong ni Kael sa akin."Hindi" sagot ko kay Kael."Sure" tanong ni Kael sa akin."Opo" sagot ko kay Kael.Lumapit siya sa tabi ko at ramdam ko ang presensya niya."Look at me" sabi ni Kael sa akin."Busy ako" sagot ko kay Kael."Doing what" ta

  • HIS UNWANTED SLAVE    CHAPTER 8

    Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Yung babaeng basta na lang pumasok sa mansion at humalik kay Kael sa pisngi.Ang mas nakakainis, hindi man lang siya nagulat. Parang normal lang sa kanya. Parang sanay na sanay siya na may babaeng lumalapit na may karapatan.Nasa walk-in closet niya ako at inaayos ang mga nakakalat na damit. Kinuha ko ang itim na polo niya at isinabit sa hanger. Pilit kong ibinabalik ang atensyon ko sa trabaho pero bumabalik pa rin ang eksena."Focus, Eliana. Trabaho lang," bulong ko sa sarili ko.Wala akong karapatan mainis. Personal assistant lang ako. O mas tama, personal slave kung pagbabasihan ang kontratang pinirmahan ko.Patapos na ako nang bumukas ang pinto ng closet. Akala ko si Kael, pero isang babae ang nakatayo doon.She looked expensive. Fitted dress, matataas na heels, designer bag. Mahaba at makintab ang buhok, maayos ang makeup, halatang sanay maging sentro ng atensyon.Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at ngumiti nang may pang

  • HIS UNWANTED SLAVE    CHAPTER 7

    Tumigil siya sa pagtawa pero nanatili ang ngisi sa labi niya at nakatingin sa akin na parang nang-aasar at natutuwa sa reaksyon ko.“Bakit ka nakangiti?” tanong ko.“Wala,” sagot niya na mahina at nakangiti at kalmado.“May ibig sabihin yang ngiti mo,” sabi ko na seryoso at nakatingin sa kanya at naiinis.“Wala nga,” sagot niya na mahina at nakangiti at ayaw aminin.“Kael,” tawag ko na seryoso at mariin at naghihintay ng maayos na sagot.“Relax, Slave,” sagot niya na mahina at nakangiti at nang-aasar at kalmado.Napairap ako at bumalik sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung bakit gusto kong patunayan sa kanya na wala akong pakialam. Pero habang mas pinipilit kong ipakita na wala akong nararamdaman ay mas lalo niya lang akong inaasar at mas lalo siyang natutuwa.Ilang minuto lang ang lumipas nang tumunog ang cellphone niya at kinuha niya iyon mula sa bulsa at sinagot agad.“Hello?” sagot niya na kalmado at nakangiti ng konti at diretso ang boses.Tahimik akong nagpatuloy sa pag-aayos ng mg

  • HIS UNWANTED SLAVE    CHAPTER 6

    “Interesting,” sabi ni Kael na malamig ang boses at walang emosyon matapos ko siyang sampalin at nakatingin sa akin na parang wala lang nangyari at seryoso ang mukha niya. Iyon lang at tumalikod ako agad. Hindi dahil matapang ako kundi dahil nanginginig na ang kamay ko at ayaw kong makita niyang kinakabahan ako. Isang malakas na sampal ang binigay ko at isang salita lang ang sinagot niya. Para bang ako pa ang talo sa palitan na iyon. Pagdating ko sa kusina ay nagkukunwari akong abala. Hinugasan ko ang pinggan na malinis na at inayos ang mga baso na maayos na. Kailangan kong gumalaw dahil kapag tumigil ako ay maiisip ko ulit ang mukha niya at lalo lang akong maiinis sa sarili ko. “Eliana,” tawag ni Kael na mababa ang boses at nasa likod ko na at kalmado at parang wala lang nangyari kanina at seryoso. Hindi ako lumingon. Kung lilingon ako ay siguradong makikita niya na namumula ako hindi dahil sa galit kundi dahil sa hiya. “Busy ako,” sagot ko na kunwaring abala at matigas ang ton

  • HIS UNWANTED SLAVE    CHAPTER 5

    Kakababa ko lang at basang-basa pa ng pawis ang batok ko, magulo pa ang buhok ko, at pilit kong inaayos ang kwelyo ko para hindi halata. Pagdating ko sa sala, nandoon si Mrs. Montenegro, nakaupo sa sofa, naka-white dress at may hawak na tasa ng kape. Ngumiti siya sa akin, pero kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na makakausap ko siya.“Eliana, pasensya na ha, pinatawag kita ng gabi na,” sabi niya. Malumanay siyang magsalita at halatang mabait siya.“Okay lang po, Ma’am,” sagot ko at tumayo nang maayos sa harap niya, pero ngumiti lang siya at pinaupo niya ako.“May bago kaming nabiling bahay sa lugar ninyo mismo. Kailangan ng kasambahay doon. Naisip kita agad. Mas malapit ka sa pamilya mo, hindi ka na maho-homesick dito. Okay lang ba sa iyo kung ilipat kita doon?” sabi niya.Napaisip ako sa lugar namin. Biglang lumiwanag ang mata ko at ang unang pumasok sa isip ko ay makakalayo ako kay Kael at makakalayo ako sa gulong nangyari kanina sa taas.“Sige po, Ma’am. Papayag po ako—”Hin

  • HIS UNWANTED SLAVE    CHAPTER 4

    “GET OUT!” malakas na sigaw ko nang biglang pumasok si Kael sa silid ko at amoy alak ito.Hindi ko dapat siya pinapasok sa kwarto ko.Iyon ang unang pumasok sa isip ko nang tuluyan niyang isara ang pinto sa likuran niya. Ang akala ko, may ipapagawa siya, pero nakakatakot dahil amoy alak siya.Parang kasabay ng tunog na iyon ay nagsara rin ang natitirang bahagi ng matinong pag-iisip ko.“K-Kael…” Hindi ko alam kung bakit parang naging mahina ang boses ko. Nakatayo siya ilang hakbang mula sa akin, nakatitig nang diretso sa mga mata ko. Bahagyang nakabukas ang itim niyang polo, magulo ang buhok, at may kakaibang init sa mga mata niyang kanina pa nagpapabilis ng tibok ng puso ko.“Sabihin mong umalis ako,” sabi niya.Napahigpit ang hawak ko sa kumot na nasa likod ko.“Umalis ka.” Mahina kong sabi, pero hindi siya gumalaw. Nakatitig lang siya sa akin.“Sigurado ka?” tanong niya, kaya tumango ako pero hindi ko siya matingnan nang diretso. Narinig ko ang mabagal niyang paghinga, then he laug

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status