Home / Romance / Her Billionaire by Destiny / Chapter 1-The Night She Belonged to a Stranger

Share

Her Billionaire by Destiny
Her Billionaire by Destiny
Author: Meindy

Chapter 1-The Night She Belonged to a Stranger

Author: Meindy
last update publish date: 2026-11-06 14:23:30

Naghanda ng isang birthday party sa isang mamahaling hotel ang asawa ni Xiara Wren na si Joross Vander. Maraming mga top businessman and businesswoman ang dumalo rito. Everyone is wearing elegant gowns and top luxury suits.

“Joross, please. Hindi maganda ang pakiramdam ko.”

Mahina ang boses ni Xiara habang mahigpit na nakakapit sa braso ng kanyang asawa. Masyadong maliwanag ang chandelier sa ballroom, malakas ang musika at kasabay nito ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Parang umiikot ang buong mundo niya.

Kanina lang, maayos pa ang lahat. She was smiling, greeting their guests and pretending to be the happiest wife in the room. Pero ilang minuto matapos niyang inumin ang isang baso ng champagne, bigla siyang nakaramdam ng matinding pagkahilo.

Something was wrong.

“Can you take me home?” she pleaded, her eyes silently begging him to look at her.

Joross Vander glanced at her impatiently. Imbes na mag-alala, bahagya lamang siyang napabuntong-hininga habang inaayos ang mamahaling relo sa kanyang pulsuhan.

“Xiara, seriously? Birthday ko ngayon. Hindi mo ba kayang maghintay?”

“I'm not feeling well, Joross. Nahihilo ako. I think I need to lie down.”pabulong na sinabi ni Xiara habang nakahawak sa kanyang ulo.

“Then rest somewhere.”

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kanyang dibdib. As if she were just another unwanted guest.

“Pero asawa mo ako,” bulong niya, halos hindi marinig sa lakas ng musika. “I just need you to take me home.”

For a brief moment, tumingin sa kanya si Joross. Ngunit hindi pag-aalala ang nakita niya sa mga mata nito. Inis. Pagkayamot. Para bang ang simpleng pangangailangan niya ay isa na namang abalang kailangan nitong tiisin.

“Fine. I'll get you a room upstairs. Stay there until you feel better. I'll come check on you later.”

Bago pa siya makasagot, may tumawag na sa pangalan ni Joross mula sa kabilang bahagi ng ballroom. He immediately turned away.And just like that, she was forgotten. Muling sumikip ang dibdib ni Xiara.

Hindi niya alam kung alin ang mas masakit—ang pagkahilo na hindi niya maipaliwanag o ang katotohanang kahit hirap na hirap na siya, hindi man lang siya kayang unahin ng sarili niyang asawa.

Pero ngumiti pa rin siya because that was what she had been doing for the past two years. Smiling through the pain. Pretending that her marriage was worth saving and pretending that Joross might love her someday.

“Happy birthday, Joross,” mahina niyang bulong nang makitang lumayo ito.

Hindi niya alam kung para kanino pa ang pagbati. Para sa lalaking mahal niya o para sa lalaking unti-unting sumisira sa kanya?

---

“Ma'am, dito po muna kayo magpahinga.”

Inalalayan siya ng isang attendant papunta sa isang silid sa ikalawang palapag ng hotel. Tahimik ang hallway, malayo sa ingay ng party sa ibaba. Pagkapasok niya, agad siyang naupo sa gilid ng kama.

“Thank you,” mahina niyang sabi.

“Would you like me to call your husband, ma'am?”

“Yes, please.” Napatingin si Xiara sa p***o.

Kahit papaano, umaasa pa rin siya. Baka kapag nakita siya ni Joross na mag-isa, saka nito mapagtantong kailangan niya ang asawa niya. Baka kahit ngayong gabi lang, yakapin siya nito at sabihing everything would be okay.

Just maybe.

“Hailey.”

Napahinto ang kamay ni Xiara sa pag-aayos ng kumot.

Hailey Parks, ang babaeng matagal nang nakaukit sa puso ni Joross. Ang first love nitong hindi kailanman tuluyang kinalimutan, kahit pa pinili nitong pakasalan si Xiara.

Hindi niya kailangang marinig ang buong usapan para maintindihan. Joross was planning to see Hailey tonight.

Napakagat siya sa ibabang labi upang pigilan ang panginginig nito.

“It's okay,” sabi niya sa attendant, pilit na ngumiti. “You can go.”

Nang tuluyang magsara ang p***o, saka bumagsak ang mga luha niya.

“Why is it never me, Joross?”

Bakit kahit ibinigay niya ang lahat, parang kulang pa rin? She had loved him at first sight. She had chosen him against the wishes of those who once planned her future. She had given him her trust, her loyalty, and even the fortune she had inherited.

It was five hundred million pesos. That was the amount he used to build his business. Pero hindi niya kailanman sinukat ang pagmamahal sa pera. Hindi niya hiningi ang kayamanan ni Joross. Ang gusto lang niya ay ang puso nito.

Kahit isang gabing maramdaman niyang asawa siya nito, hindi isang obligasyong kailangang panindigan. Humiga siya at niyakap ang sarili.

“Please, just this once,” bulong niya sa madilim na silid. “Choose me.”

Pero walang sumagot. And eventually, exhaustion swallowed her tears.

---

Nagising si Xiara sa isang kakaibang pakiramdam.

May humahaplos sa kanyang mga binti. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, ngunit madilim ang silid. Tanging mahinang liwanag mula sa mga ilaw sa labas ng bintana ang tumatagos sa mga kurtina.

May isang lalaking nakaupo sa gilid ng kama. Bago pa siya makapagtanong, naramdaman niya ang isang halik sa kanyang binti. Nanlaki ang mga mata niya.

“J-Joross?”

Hindi sumagot ang lalaki.

Bahagya siyang gumalaw, pilit na inaayos ang kanyang sarili. Ngunit mabigat pa rin ang kanyang katawan, at tila wala pa ring saysay ang kanyang mga salita sa magulong isip na dulot ng gamot.

“Joross, ikaw ba 'yan?”

Walang pa ring sagot. Tanging ang katahimikan ng silid ang bumalot sa kanila.

Dapat sana ay natakot siya. Dapat sana ay lumayo siya at humingi ng tulong.

Pero nang maramdaman niyang nanatili ang lalaki sa kanyang tabi, isang mapanganib na pag-asa ang sumibol sa kanyang puso.

Bumalik siya. Ang asawa niyang kanina lang ay iniwan siya nang walang pag-aalinlangan ay naroon ngayon, sa tabi niya.

Maybe he had changed his mind. Maybe he had finally realized that she needed him.

“Joross...” Nanginginig ang boses niya. “You came back.”

The man remained silent. At sa dilim, hindi niya nakita ang mukha nito. Hindi niya alam na ang lalaking katabi niya ay hindi ang asawa niyang hinihintay. Hindi niya alam na isang estranghero ang nasa kanyang silid.

Ang tanging alam niya, sa wakas, may isang taong lumalapit sa kanya nang hindi niya kailangang magmakaawa para sa atensyon nito.

“Do you...” Napalunok siya, nahihiya sa sarili niyang tanong. “Do you still find me beautiful?”

Walang sagot. Pumikit si Xiara, at isang luha ang dumaloy sa kanyang pisngi.

“Because sometimes, I feel like I'm the only one trying to make this marriage work.”

Sa pagkakataong iyon, bahagyang gumalaw ang lalaki. Ngunit hindi pa rin nito sinabi ang pangalang hinihintay niyang marinig.

At dahil sa kanyang kalagayan, sa kanyang pagkalito, at sa matagal nang pagkagutom sa pagmamahal, napagkamalan niyang ang katahimikan nito ay pagtanggap.

She mistook a stranger's presence for her husband's affection.

At ang gabing iyon, na dapat sana ay puno ng pagmamahal na matagal na niyang hinihintay, ay naging isang sandaling hindi na niya mababawi.

---

Kinabukasan, nagising si Xiara sa sinag ng araw. For a few seconds, she felt peaceful.

Then she noticed the unfamiliar arm resting beside her. Nanigas ang buong katawan niya. Dahan-dahan siyang lumingon. At nang makita ang lalaking natutulog sa tabi niya, para siyang nawalan ng hangin.

Hindi si Joross, hindi ang lalaking minahal niya at hindi ang asawang buong gabi niyang hinintay.

“Who... who are you?”

Walang sagot. Mahimbing pa rin ang tulog ng lalaki. Mabilis siyang bumangon, nanginginig ang mga kamay habang tinitingnan ang sarili. Nang maalala ang mga nangyari sa dilim, napahawak siya sa bibig upang pigilan ang hikbi—it was her first time.

Inakala niyang magiging bahagi ng pagmamahalan nila ng kanyang asawa ang nangyari pero ibinigay nya iyon sa lalaking hindi nya kilala.

“God... what have I done?”

Hindi na niya hinintay na magising ang estranghero. Kinuha niya ang kanyang mga gamit at halos tumakbo palabas ng silid.

Pagdating sa bahay, dumiretso siya sa banyo. Binuksan niya ang shower at hinayaang bumuhos ang malamig na tubig sa kanyang katawan.

She scrubbed her skin, desperately trying to erase the memory of the stranger's touch. Pero kahit ilang beses niyang kuskusin ang kanyang balat, hindi mawala ang takot sa dibdib niya.

“Please...” Humagulgol siya habang nakasandal sa dingding. “Please, let this be a nightmare.”

Ngunit hindi panaginip ang lahat. At hindi rin niya kayang baguhin ang nakaraan.

Nang makalabas siya ng banyo, agad niyang tinanong ang mga katulong.

“Nasaan si Joross?”

Nagkatinginan ang mga ito.

“Ma'am,” maingat na sagot ng isa, “hindi pa po umuuwi si Sir simula kagabi.”

Parang may pumutok sa loob ng dibdib ni Xiara. “W-What do you mean?”

“Hindi po siya bumalik pagkatapos ng party.”

Napatigil siya. Kung hindi umuwi si Joross at hindi ito ang lalaking kasama niya kagabi...

Then who was the man in that room? At higit sa lahat, bakit parang may kung anong pamilyar sa presensya nito na hindi niya maipaliwanag?

Hindi alam ni Xiara na habang pilit niyang kinakalimutan ang gabing iyon, ang lalaking iniwan niya sa hotel ay gising na rin. At ang unang pangalan na binigkas nito ay ang pangalan niya.

“Xiara Wren”

The woman who had disappeared from his life years ago and the woman he had spent years trying to forget.

Vincent Delacroix was back. And this time, fate had placed her right where he wanted her.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Her Billionaire by Destiny   Chapter 8- A Woman's First Realization

    "Ma'am Xiara, huwag muna kayong pipirma sa anumang dokumento hangga't hindi natin nasusuri ang buong agreement."Iyon ang unang sinabi ni Attorney Ramirez nang sagutin niya ang tawag ni Xiara.Nakatayo siya sa tabi ng glass window ng kanilang kuwarto, hawak ang dokumentong ilang minuto na niyang tinititigan."Attorney, may nakalagay dito na personal financial undertaking under my name. I never agreed to this.""May pinirmahan po ba kayong authorization?""Wala. Hindi ko alam kung bakit nakasama ang pangalan ko rito.""Then we need to verify the document's validity. I-send ninyo sa akin ang copy. Huwag muna kayong pipirma o papayag sa anumang arrangement."Napapikit si Xiara. "Can he use my assets without my permission?""Kailangan nating makita ang buong dokumento bago masabi kung ano ang legal effect nito. Pero malinaw na may karapatan kayong malaman kung paano ginagamit ang inyong pangalan at ari-arian."Pagkababa ng tawag, napaupo siya sa gilid ng kama. "How did I let this happen?"

  • Her Billionaire by Destiny    Chapter 7: The Husband Who Forgot His Wife

    Alas-siyete ng gabi nang matapos siyang mag-ayos sa harap ng salamin. Suot niya ang isang eleganteng champagne-colored dress, simple but classy. Bahagya niyang inayos ang buhok at nagsuot ng pearl earrings na regalo pa sa kaniya ng kaniyang ina.Ngayong gabi, anniversary nila ni Joross. Tatlong taon mula nang mangako silang magiging magkasama sa hirap at ginhawa. Tatlong taon mula nang maniwala siyang sapat na ang pagmamahal para bumuo ng isang masayang pamilya.Nasa dining table na ang lahat. May kandila, mga bulaklak, at paborito niyang pagkain. Siya mismo ang nag-asikaso ng dinner dahil gusto niyang maging espesyal ang gabi.Tiningnan niya ang cellphone.7:15 PM.Nag-message siya kay Joross.Xiara: Are you on your way home? Dinner is ready.Walang sagot. Makalipas ang sampung minuto, tinawagan niya ito. Hindi sinagot ang unang tawag. Sa pangalawa, tuluyan nang naputol ang connection.Napabuntong-hininga siya. "Maybe he's just busy," bulong niya sa sarili.Sanay na siyang maghintay.

  • Her Billionaire by Destiny   Chapter 6-The Boy She Left Behind

    Some memories are beautiful enough to make you smile, but painful enough to make you wish you could turn back time. “Hindi ka ba nahihiyang sumunod nang sumunod kay Vincent?” Napahinto si Xiara sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na boses ni Hailey. Nasa private lounge siya ng Delacroix Tower, naghihintay sa kaniyang legal consultant para sa review ng business proposal. Hindi niya inaasahang makikita roon sina Joross at Hailey. “Oh, look who's here,” nakangising sabi ni Hailey habang sinusulyapan siya mula ulo hanggang paa. Nakahawak ito sa braso ni Joross, na para bang sinasadya nitong ipakita ang pagiging komportable nila sa isa't isa. “Good afternoon,” maikling bati ni Xiara. “Good afternoon?” Hailey laughed. “That's all you can say?” Hindi kumibo si Xiara. Wala siyang balak makipagtalo. Ngunit tila hindi iyon sapat para kay Hailey. “Joross, isn't it embarrassing? Your wife is practically chasing her former fiancé. I wonder what people would think if they knew.” Napa

  • Her Billionaire by Destiny   Chapter 5-A Deal with the Devil

    Hindi lahat ng alok ay may kapalit na pera.Minsan, ang pinakamahal na kapalit ay ang kalayaan mong magdesisyon para sa sarili mo. At iyon ang kinatatakutan ni Xiara Wren.Lalo na kapag ang taong nag-aalok ng tulong ay ang lalaking minsan na niyang iniwan—ang lalaking bumalik sa buhay niya bilang isang bilyonaryong kayang bilhin ang halos lahat, maliban sa tiwalang minsan niyang nawala.“I'm offering you a partnership, Xiara. Not charity.”Malamig ang boses ni Vincent Delacroix habang nakaupo sa kabilang bahagi ng malaking conference table. Sa likod niya ay ang floor-to-ceiling glass windows ng kaniyang opisina, kung saan tanaw ang naggagandahang gusali ng Makati.Samantalang si Xiara, nakaupo nang tuwid, ay pilit na pinananatili ang kaniyang composure. Hindi niya hahayaang mahalata ni Vincent kung gaano siya naaapektuhan ng presensiya nito. Lalo na ng mga matang iyon. Mga matang minsang tumingin sa kaniya nang may pag-asa, bago niya tuluyang iniwan ang lalaking nagmamay-ari ng mga iy

  • Her Billionaire by Destiny   Chapter 4-The Wife Who Finally Fought Back

    Hindi nakatulog si Xiara Wren nang gabing iyon. Every time she closed her eyes, bumabalik sa isip niya ang mga salitang binitiwan ni Joross.Everything I've done is for our future.Their future. Nakakatawa. Paano niya nasabing para sa future nila ang lahat, gayong hindi man lang niya kayang maging honest sa sarili niyang asawa?For years, Xiara had defended Joross whenever people questioned their marriage. She had ignored the rumors about his closeness with Hailey. She had convinced herself na normal lang ang pagiging busy nito, na normal lang ang madalas nitong pag-uwi nang late, at normal lang na minsan ay pakiramdam niya ay mag-isa siya kahit kasal siya.But last night, something inside her finally snapped. Hindi na niya kayang ipagpatuloy ang pagpapanggap. At lalong hindi na niya kayang magbulag-bulagan.Alas-sais ng umaga, bumangon siya at dumiretso sa bathroom. Tinitigan niya ang sarili sa salamin. Namumugto ang mga mata niya, at halatang hindi siya nakatulog nang maayos.“Enoug

  • Her Billionaire by Destiny   Chapter 3-The Price of a Wife

    Some betrayals don't break your heart in one moment. They make you question every moment you thought you were loved.Hindi na mabilang ni Xiara Wren kung ilang beses niyang binasa ang kontratang iniwan ni Vincent Delacroix.₱10,000,000,000.Ten billion pesos.Napakalaking halaga para sa isang business deal, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit nanginginig ang mga kamay niya. It was about her name.XIARA WREN VANDER.Nakasulat iyon sa isang dokumentong may kinalaman sa negosyong pinapatakbo ng asawa niya. May mga clause tungkol sa financial cooperation, business representation, at paggamit ng ilang assets na konektado sa kanilang mag-asawa.Hindi niya maalala na pumirma siya sa ganitong kasunduan. Hindi niya rin maalala na tinanong man lang siya ni Joross tungkol dito.“Anong klaseng laro ang ginagawa mo, Joross?” bulong niya.Muli niyang binuklat ang mga pahina, umaasang may namali lang sa pagkakaintindi niya. Pero habang mas binabasa niya ang bawat linya, mas lalo siyang nanlalamig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status