Share

HLMHF—Chapter 52

Author: AVA NAH
last update publish date: 2026-09-07 06:52:23
France’s POV

“Jericho! Neil!” hindi makapaniwalang sambit ko sa mga pangalan nila nang makilala sila. “Anong ginagawa niyo rito?”

Tumingin pa ako sa ibang kasama niya at may hinanap. Si Dee.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot nang hindi siya makita. Maybe may mission kaya wala siya rito.

“Akala ko namamalikmata lang ako, hindi pala.” Si Neil. “Kumusta ka na, Miss Cess? Okay ka na?”

Natigilan ako sa tanong niya.

Okay na ba ako?

Actually, ‘yong pagdukot sa akin ni Kaseem, natakot ako,
AVA NAH

Who you ka na talaga, Denmark...

| 10
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Jheng Zurikutoji B
di ba Denmark, yan naman ang gusto mo "noon"... ahahahjaa
goodnovel comment avatar
joime
ayos lang ba tayo jan Denmark? aw aw aw..haha
goodnovel comment avatar
Rizza Macaraig
hahahaha anonka ngayon Denmark
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Her Love Marked Him First   HLMHF—Chapter 53

    France’s POVMAAGA akong gumising nang araw na iyon. Umuwi ako ng bahay dahil pag-uusapan namin ang tungkol sa venture na gagawin ng kumpanya with Mondragon. Nang makatanggap ako ng mensahe na iyon galing sa ama, umuwi ako ng bahay. Usually, during breakfast or after namin pinag-uusapan ang mga bagay-bagay kaya sa bahay na ako natulog.“Morning.” Ngumiti ako sa magulang at isa-isang nilapitan ang mga ito para makipagbeso.“Anak, masyado mo namang inaabala ang sarili mo sa trabaho. Kakauwi mo lang, ‘di ba?” ang inang si Jalene.“Okay lang po ako, Mommy. Kaya naman po.”Saglit niya akong tinitigan bago nagsalitang muli. “Sure?”“Opo,” magalang kong sabi.Tumango na lang siya. Saktong dumating na ang kapatid na si Kai mula sa bahay niya.“Good morning,” nakangiting bati niya sa amin. “Maupo ka na, anak.” Ang amang si Frank. Nilinga pa niya ang mata. “Wala ang mag-ina mo?” tanong niya sa kapatid.“Pinaiwan ko muna dahil napagod kagabi si Nina.” Nakita ko ang pag-iling ng ama. Nagsimula n

  • Her Love Marked Him First   HLMHF—Chapter 52

    France’s POV“Jericho! Neil!” hindi makapaniwalang sambit ko sa mga pangalan nila nang makilala sila. “Anong ginagawa niyo rito?”Tumingin pa ako sa ibang kasama niya at may hinanap. Si Dee.Hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot nang hindi siya makita. Maybe may mission kaya wala siya rito.“Akala ko namamalikmata lang ako, hindi pala.” Si Neil. “Kumusta ka na, Miss Cess? Okay ka na?”Natigilan ako sa tanong niya. Okay na ba ako?Actually, ‘yong pagdukot sa akin ni Kaseem, natakot ako, pero nang mapunta ako sa grupo nila Dee, nawala siya bigla. Hindi ko alam kung bakit. Comfortable ako. Na para bang matagal ko na silang kasama lalo na si… Dee. How is he anyway?Nahiya akong tanungin sila. Nasa akin ang number niya pero na-realize kong babae nga pala ako. Hindi na ako ang dating France.Pinilig ko ang ulo ko para palisin sa isipan ko si Dee. “Okay naman. Kayo ba? Anong ginagawa niyo rito?”“Bonding lang. Free time, e.”“I see.”“Gusto mo bang sumama sa amin? Dyan lang kami s

  • Her Love Marked Him First   HLMHF—Chapter 51

    Denmark’s POV “Zzup, Dee? Kumusta?” “I’m good.” Bahagya akong ngumiti kay Jericho kasama ang ilang kasamahan namin. Paupo na rin sila sa kani-kaniyang upuan. May magaganap ngayon na pagpupulong kaya napilitan akong um-attend ngayon. “Balita kay Miss Cess?” “I don’t know,” kunwa’y sabi ko. Ayoko lang i-share ang balita tungkol sa dating asawa sa kanila. For what? What if puntahan nila? “Cess?” si Rayven na bagong pasok. “As in Frances Alva Mondragon?” “Mondragon?” Halos sabay na sambit ni Neil at Jericho. Tumingin pa sila sa akin. “Oh. Do you even realize who you just saved?” salubong ang kilay ni Rayven kaya napahilot ako sa noo ko. “That woman is your partner’s ex-wife!” Tumingin pa siya sa akin nang masama saglit. “The woman who was never supposed to be part of this mission!” “Nag-usap na tayo tungkol dito, Rayven!” biglang taas ng boses ko rin. “Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, ililigtas mo rin siya. I know that.” Saglit na hindi nakaimik si Rayven. “Pero may protoco

  • Her Love Marked Him First   HLMHF—Chapter 50

    France’s POV “Sh*t!” naiusal ko bigla. Mabuti at ako lang ang nakakarinig. For real? Nandito siya? Nakailang lunok ako bago tumango sa secretary. Pero tumayo na rin ako para salubungin siya at dalhin sa couch. Wala akong upuan sa harap kaya talagang sa couch kami mag-uusap. Although hindi ko pa alam kung paano siya harapin pero sige, sasabayan ko na lang siya. “God,” mahinang usal ko kapagkuwan. Saktong pagtayo ko ang pagpasok ng isang bulto. At kahit na sa gilid ko lang siya nakikita, matindi ang kabang bumalot sa akin. Ito ang unang beses na maghaharap kami after four years. Actually, sa Japan ang huling beses na nagkaharap kami. Nang mga sumunod, hindi na kami nagkakatagpo. Talagang iniiwasan ko siya hanggang sa umalis ako ng bansa. Sanay na akong ngumiti kaya ginawa ko iyon. Hindi dahil sa masaya akong makita siya kung hindi dahil sa nakasanayan ko dahil sa naging trabaho ko. “Mr. Mondragon,” nakangiting harap ko sa kanya kapagkuwan. Muntik na namang sumingit sa isipa

  • Her Love Marked Him First   HLMHF—Chapter 49

    France’s POV Kinuha ko ang remote at humarap sa malaking screen. Napansin ko rin ang pagpokus ng mga executives sa aking slide kaya kinabahan ako. First time ko ito. ‘Yong haharap sa mga executives. Sanay na ako sa harap ng madla pero iba ito sa karaniwang ginagawa ko. Pinindot ko ang remote para lumabas ang first slide ng aking presentation. Bumungad agad ang malaking title niyon na ‘Alva Group x Mondragon Group’, at sa ilalaim niyon ay ang mga salitang ‘Proposed joint venture’. Sinundan iyon ng slide na magkatabi ang logo ng kumpanya namin at ng mga Mondragon. Nang lingunin ko ang mga executives, tutok na tutok ang mga mata nila habang ang kapatid naman ay sapo ang ulo at hilot-hilot iyon. Mukhang hindi siya masaya sa nababasa. Kahit na noong magsimula ako, hindi siya nakatingin sa slide, abala ang mga kamay niya sa pagtipa ng kung anu-ano sa cellphone niya. Pero kailangan ito para sa expansion! Yes, maganda na ang posisyon ng Alva Group. Sa retail, commercial properties, an

  • Her Love Marked Him First   HLMHF—Chapter 48

    Denmark’s POVMATAGAL akong nakatitig sa screen ng aking cellphone. Sa tingin ko, halos kalahating oras na. Nakadisplay lang naman doon ang numero ni France.Iniisip ko kung tatawagan ko ba o hindi.Pero para saan nga ba ang pagtawag ko?Sasabihin ko bang nagkita kami sa Thailand at ako ang nagligtas sa kanya?Dalawang linggo na mula nang umuwi siya pero wala man lang siyang text sa akin. Hiningi niya sa akin ang number ko bago kami maghiwalay pero wala man lang siyang paramdam. Sabi niya magte-text o tatawag siya. Kaya bakit hanggang ngayon wala pa rin?Nilapag ko iyon sa mesa, pero kinuha ko rin agad. Napatingin pa sa akin ang mga kaibigan ko. Pero binalewala ko ang mga tingin nila, maging kay Kai. “Kanina ka pa nakatingin sa cellphone mo. May problema ba?” tanong ni Kai na ikinahilot ko sa ulo.“N-nothing.” Sabay tago ko ng cellphone ko. Sinundan ko rin ng ngiti.“Nothing daw pero kanina ka pa walang imik.” Si Julius. “May nangyari ba sa Thailand maliban sa pagligtas mo sa asawa mo

  • Her Love Marked Him First   HLMHF—Chapter 5

    France’s POVNASAPO ko ang bibig ko nang madatnan si Denmark at ang nobya niya na nasa intimate scene. Nakaupo ang babae sa counter tapos nakapaloob si Denmark sa hita niya habang mapusok na nakikipaghalikan. “I love you, Denmark,” ani ng babae na ikinalabi ko.Hindi ko kayang marinig ang reply ni

  • Her Love Marked Him First   HLMHF—Chapter 4.1

    France’s POVTAHIMIK lang ako dahil hindi naman ako maka-relate sa pinag-uusapan nila. Panay ang alok sa akin ni Denmark kaya napuno ang plato ko. Hindi ko tinatanggihan dahil gusto ko naman na pinagsisilbihan niya ako. First time niyang gawin ito sa akin kaya hinayaan ko siya.“Oh my God! Baka tum

  • Her Love Marked Him First   HLMHF—Chapter 4

    Denmark’s POVNAGISING ako sa dalawang boses na nag-uusap bandang pintuan. Si France agad ang pumasok sa aking isipan. Walang nagawa talaga ang batang ito kung hindi ang inisin ako. Ang aga-aga.“Who’s there?!” Sa talas ng pandinig ko, dinig ko ang paa ng isang nagmamadali, walang iba kung hindi s

  • Her Love Marked Him First   HLMHF—Chapter 3

    France’s POVARAW ng linggo kaya maaga akong gumising. Pagkatapos maligo ay kumatok ako sa silid ni Denmark, subalit walang response mula sa loob, kaya sumilip ako. Nakahiga pa siya. Wala siyang suot na pang-itaas at kumot lang ang nakabalot sa baba niya. Napansin ko nang hindi iyon naka-lock. Pe

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status