Share

4b

4b

Nasa isang bar sina Austin, malapit lang ito sa hotel kung saan sila naka-check in ni Mari. Hindi na sila nag-abala pa na maghanap ng iba pang bar dahil nagustuhan na nila agad ang ambiance ng lugar.

Naka-upo na sila paikot sa isang rounded table.

"Tanginang 'yan, honeymoon niyo pala ngayon tapos gagawin mo pa kaming sabit dito," natatawang saad ni Polaris.

"Hindi kasi tayo nakapag-pastag party kaya ito magpapakasaya tayo buong week," nakangiting saad ni Austin.

"Kami lang ang magpapakasaya, hindi ka na puwede," kantiyaw pa ni Orion na kapatid ni Polaris.

"Anong hindi puwede? Hoy, dahil sa akin kaya nandito kayo," inis na saad ni Austin.

"Pumunta lang naman kami dito kasi akala namin outing ng barkada, 'yon pala honeymoon mong sira-ulo ka," tatawa-tawang saad ni Sid, ang Fil-Am na kaibigan ni Austin.

"May pa stag party ka pang nalalaman diyan, eh ni hindi mo nga sinabi sa amin na kinasal ka na palang damuho ka," kunw

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status