Share

Kabanata 22

May fiancee na nga pala siya. Bakit hindi ko man lang iyon naisip noong pumayag akong sumama sa kaniya? Dahil sa pag-iisip kong kailangan siya ng anak ko ay nawala na sa isip ko ang totoong lugar ko sa buhay ni Asmodeus.

Kailangan niya ng ama pero hindi siya pwedeng maging bastardo ng mga Rojo. Naisip kong bawiin ang sinabi kong anak niya ang dinadala ko pero naisip ko rin na baka mabigyan ko siya ng dahilan na saktan ang bata.

Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ngayon. Ngayong nakabalik na ako sa poder niya ay baka mahihirapan na akong kumawala. Nakita ko na lahat ng kayang gawin ni Asmodeus at natatakot akong baka maranasan ko ulit iyon.

Bumukas na ang pintuan ng banyo. At para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa presensya niya. Naka-upo lang ako sa gilid ng kama at hinihintay ang pagkakataong makapagsalita. Para akong naba-blangko ngayong nandito na siya.

Unang naisip ko talaga ay lumayo. Hanggang ngayon gusto ko na talagang lumayo. Isang pagkakamali ang naging desisyon
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status