Andrea Nang makarating kami ni mommy Brenda sa baba. Naroon sa living room ang dad ni Atlas. Bumulong si mommy Brenda sa ‘kin ‘Mattheus’ raw ang name ng dad ni Atlas. Nahihiya akong lumapit ngunit naka abresete pa si Mommy kaya kasama niya ako ng lumapit dito. “Kanina ka pa rito, mister?” “Bago lang hindi mo kasi ako binalikan sa study room,” nakataas kilay na sagot ni daddy sa kaniya. “Kagigising lang kasi ng manugang natin hayaan mo na,” anang mommy nakangiti sa asawa. Tumango ang daddy ni Atlas sa 'kin ngumiti ako. “Andrea, welcome sa Martinez family,” aniya na kinagulat ko. “Salamat po Dad,” nahihiya ko pang sagot sa kaniya. Seryoso si Daddy Mattheus. Ngunit ramdam ko tanggap din ako. Seryoso lang talaga ngunit kung sa mommy Brenda, ang lambing ng mata nakangiti. Pero masaya na ako kasi na welcome naman niya ako sa family nila kaya ayos na iyon. Katulad din sa mommy Brenda. H'wag daw ako mahihiya sa kanila kasi pamilya na nila ako simula ng ikasal kami ni Atlas.
Andrea “Kumain ka na tama na ito,” bulong ko kay Atlas ng marami na siyang inilagay na pagkain sa plato ko. Ginawa ko na lang nilagyan ko na lang din siya ng pagkain sa plato. Parang wala pa yata balak magsandok ng pagkain niya. Ako ang inasikaso kahit hindi naman na kailangan. “Atlas,” tinuro ko ang pagkain niya pagkatapos kong malagyan ang plato niya. “Naks si kuya Atlas, lakas maka gentleman. Baby na baby si Ate Andrea,” anang nito napangiti na lang ako. “Mind your own business Ishmael,” sagot dito ni Atlas. Binigyan pa ng may babalang tingin si Ishmael. Subalit hindi lang din naman ito apektado sa pagbabanta ng kuya niya, kahit sinabi nito na titigil na. Patuloy pa rin mayroong sinabi. “Oo na tatahimik na ako. Baka mahalata pa ni ate Andrea nag-ba-blush ka,” pinipigilan ang paglakas ng tawa tapos may pagsiko si Ishmael at Alexaiver. Aliw ang dalawa sa kuya Atlas nila. Na-curious tuloy ako kung totoo nga nagba-blush si Atlas kaya sinilip ko. Namumula nga ang tainga. P
Andrea Sa sala kami ni mommy tumambay pagkatapos naming kumain ng tanghalian. Si Atlas may pinag-uusapan ni daddy Mattheus sa office kaya ako'y naiwan sa mommy Brenda. Ang tatlong kapatid ni Atlas. Kaniya-kaniya akyat sa silid ng mga ito hindi na nakababa hanggang ngayon. Binuksan ni mommy ang television doon ako naka focus ang tingin paminsan-minsan may itatanong ito tungkol sa pag-aaral ko sasagutin ko naman ng maayos. “Hija, saan nga kayo unang nagkakilala ni Atlas?” ani nito lihim kong kinataranta kahit nga tanggap nila ako. Natigilan ako ng una mabuti hindi naman iyon napansin ng mommy Brenda. “Sa school ko po. Hindi pa namin noon kilala ang isa't isa. Tapos nasundan po sa Okada Manila. Hanggang ito po nauwi sa kasal,” Hindi ko na isinama ang nangyari sa bar at tungkol sa kamalasan sinapit ko sa pamilya ko. “Sabi ko nga sa anak ko kami'y mamanhikan ng maayos sa magulang mo,” ani nito kinalunok ko napansin pala nito ngumiti sa ‘kin. “Okay lang no pressure. Naitanong
Andrea Pagkatapos kong tumawag kay Vianca. Hindi ako bumalik sa labas. Kagaya sa paalam ko sa mommy Brenda. Sa halip humiga ako sa kama ng nasa sahig pa nakaapak ang mga paa ko. Tumitig ako sa kisame. Namimiss ko ang daddy ko. Kumusta na kaya ito? Inaalagan ba nito ang sarili niya. Sana 'wag nitong pabayaan ang sarili. Masasaktan lalo ako kung pababayaan niya ang sarili dahil nasa bagong pamilya niya ang isip niya. Biglang may bumara sa lalamunan ko pagkaalala sa Daddy ko. Iisa lang talaga ang lagi kong hiniling simula ng magkaroon ng harang sa pagitan namin ni dad. Sana maging maayos ulit kami ni daddy katulad sa dati, at magising na ito sa katotohanan na hindi makabubuti sa kaniya si Olivia. Naisip ko si Ate Jane. Kung tawagan ko kaya si Ate Jane. Upang kumustahin si Daddy sa kaniya. Tumingin ako sa orasan. Malapit ng mag-alas dos ng hapon baka wala na itong ginagawa. Maari ko na siyang lihim na makausap. Nag-iingat din kasi ako na makatunog si Olivia, na may contact ako sa ka
Andrea Nang matapos kong makausap si Ate Jane. Doon ko lang naisip ang pangako ko sa kaniya, na ako ang magpapasweldo sa kaniya. Napasentido ako. Saan ako kukuha ng pera ngayon. Ayaw ko naman manghingi kay Atlas ano pa ang isipin niya sa ‘kin. Sa bestfriend ko rin hindi ako makahihiram ng pera kay Vianca, kasi nga pareho pa kaming umaasa pa sa magulang. Kung nadala ko lang sana ang wallet ko. May savings ako sa ATM. Kasi ang allowance ko. Sa ATM nakalagay at sobra-sobra ang binibigay ni mommy at daddy noon sa ‘kin kaya may laman ang ATM card ko. Argh! Pambihira buhay ‘to bigla akong nagkaroon ng isipin sumakit ang ulo ko. Kung hindi naman ako nakiusap sa ate Jane. Wala akong contact kung anong nangyayari sa dad ko. Pumikit ako upang mabawasan ang biglang pagsakit ng ulo ko. Hanggang sa nakatulog pala ako. Nagising ako nangangatal sa ginaw kaya hinila ko ang comporter hanggang balikat ko upang maibsan ang ginaw na aking nararamdaman ngayon. Ang init ng balat ko. Shit nila
Andrea Nakauwi rin kami agad hindi na kailangan ma confine sa hospital kahit si Atlas ay gustong ma confine ako. Mas marunong pa sa doktor. I don't have a cold or cough. My laboratory results are also okay. Kaya lamang daw pabalik balik ang lagnat ko at sa findings ng doktor. Tinamaan daw ako ng viral flu na uso ngayon. Humina ang immune system ko kaya kailangan ng pahinga ng sa gano'n hindi na pabalik balik ang lagnat ko. Uso raw ngayon lalo na sa mga bata halos ganun ang cause ng lagnat. Kaya wala pang alas-onse ng gabi nakabalik na kami sa bahay nila Atlas. Kumain na rin kaming lahat. Dahil nag-takeout sina mommy ng pagkain namin ni Atlas, sa malapit na restaurant doon sa ospital na kinainan nila, habang inaantay ang resulta ng laboratory ko. Nag-angat ako ng tingin nakatayo sa gilid ko silang tatlo. Nakaka-touch ang pag-aalaga ng pamilya Martinez sa ‘kin. Kahit hindi naman nila ako kargo ngunit kung ituring nila ako daig pa pamilya nila ako. “Anak, ‘wag mong pabayaan ang
Atlas “Ayaw mo ba? Akong bahala sa dad mo—” “H’wag na nga!” may kalakasan ang boses niya. “Woah! Hindi ako nakikipag-away please, baby?” “Kasi nga ayaw ko ng bumalik ang lagnat ko gusto mo naman maglakwatsa. Dito na lang tayo hanggang bukas,” aniya nag-iwas ng tingin. Pagkasabi nagmamadaling lumakad patungo sa banyo naguguluhan ako sa biglang pag-alis nito. Isang himala ayaw ni Andrea makita ang daddy niya. What's wrong with my wife? Gusto ko lang naman siya maging masaya dahil nga nakikita ko kay Andrea. Kung gaano niya kamahal ang daddy niya. Kahit hindi na siya pinahahalagahan ng sarili niyang ama. Nanatili pa rin ang paggalang nito kay sir Alvin. Baka dahil nagkasakit si Andrea miss na niya ang sir Alvin. Kaya niyaya ko siya dumalaw sa kanila. Gusto ko lang siyang pasayahin. Ngunit nakita ko umiiwas ang misis ko. Hindi ko lang nagustuhan kay sir Alvin hindi nakikinig sa paliwanag ni Andrea. Sigurado ako ng mag-usap ang dalawa ng sarilinan sinaktan nito si Andrea.
Andrea Nang makapasok ako ng CR. Sumandal muna ako sa likuran ng pinto upang magpakalma. Hindi ko napansin nakangiti na pala ako habang tulala. Luh! Anong nangyari Andrea Keth? Alin doon ang nakakikilig sa sinabi ni Atlas? Wala naman nakakikilig. Umiiwas lang ako magkadikit kami. Ayaw ko man aminin ngunit natatakot akong pinagkakanulo ng sarili kong damdamin. Shit! Hindi ako nahuhulog kay Atlas. Kay bago-bago pa namin magkakilala. Mabait lang sa 'kin si Atlas, ano gusto ko agad siya? Hindi mali ito. Para akong shunga iiling-iling napatili pa. Naghilamos ako upang mahimasmasan sa aking pag daydreaming. Ang totoo hindi naman talaga ako naiihi. Alibi ko lang iyon. Kalahating totoo. Kasi ayaw ko rin pag-usapan namin ang daddy. Second na lang ang umiiwas ako sa pagdikit dikit ni Atlas. Kung titingnan ng maigi parang natural na lang dito kung dumikit sa ‘kin Nang matapos akong mag-CR. Wala na sa silid si Atlas. Napansin ko nasa ibabaw ng kama ang phone nito kaya hula ko saglit lan
Andrea “Maxine naiintindihan kita. Pero wala ka bang balak hiwalayan si Paul? Matagal ka na rin naman nagtitiis sa kaniya. Kapag kusang loob naman ang binigay n'yang tulong. Hindi mo kailangang makonsensya. Basta ‘wag kang mahihiya magsabi sa ‘kin ha? Dahil sa abot ng aking makakaya. Handa kitang tulungan. Lakasan mo ang loob mo. Nasaan ang mataray Maxine mukhang bahag na ang buntot ngayon,” wika ko pa at pareho na kaming kumalas sa isa't isa. “Woi!” natawa ako ng sumibi si Maxine. Kaya naman muli ko siyang niyakap upang pakalmahin. Mas lalong lumakas ang iyak kaya hinayaan ko munang nakayakap siya sa ‘kin. Dumaan ang katahimikan. Parang nahimasmasan na si Maxine. Wala ng tunog ang hikbi nito at dahan-dahan na kumalas sa yakap ko. “Okay ka na?” tanong ko at tumango siya at nakangiti na ngayon. Ngunit kitang-kita ko ang lungkot sa mata Maxine pilit lang nitong itinatago. “Gusto ko. Gustong-gusto ko makawala na sa kaniya, Andrea. Pero paano? Hindi lang basta lang si Paul. Natatakot
Andrea Nang bumalik si Atlas sa condo unit namin umahon ang tatlo. Sabi ko nahihiya lang sila kay Atlas. Kaya ayaw magsiahon ng tatlo kong kasama. “Kain na tayo,” niyaya ko sila sa dalang meryenda ni Atlas. Pinagsaluhan namin ang dalang pizza ni Atlas. Dalawang malaking box kaya naman hindi namin naubos binigay ko sa duty guard. Si ate Lucy, nagpalipas lang ng kabusugan maya-maya rin bumalik din agad sa pool dahil gusto pa raw n'ya lumangoy. Kaming tatlo ang naiwan nagkwentuhan na lamang kaming tatlo. “Kayong dalawa kasama sa entourage sa kasal namin ni Atlas, ha? Besh, maid of honor ka at Ikaw naman Maxine bridesmaid.' Nanlaki pa ang mata ni Maxine. Para bang hindi niya inaasahan na kukunin ko siya na abay sa aming kasal ni Atlas. “S-salamat A-Andrea. Ang bait mo talaga at ang ganda pa. No wonder maraming nagkakagusto sa ‘yo,” sabi nito biglang naging malungkot ito. “Parang hindi ako naniniwala na maganda ako. Kasi kapag tumabi ka sa ‘kin lalamunin lang ang kagandahan ko
Andrea The next morning, I woke up dizzy and felt like I was going to vomit. Dali-dali akong bumangon at bumaba sa kama nagmamadaling tumakbo patungong CR sa takot naabutan ako sa kama. Naulinigan ko pa napamura si Atlas, baka raw ako madulas hindi lang ako sumagot. Narinig kong bumangon din siya at sinundan ako ni Atlas. Dahil bumukas ang pinto ng CR hindi ko lang pinagkakaabalahan lingunin dahil masakit ang sikmura ko dahil sa patuloy kong pagsusuka. Kaya rin hindi ko siya nilingon dahil alam ko naman na sumunod agad siya sa akin. Eh, kung magtatagal pa ako baka sa kama ako abutan. Dahil sakto lang din pagdating ko sa bathroom sink nilabas ko ang kanina pa pinigilan ko umiikot sa tiyan ko. Naiiyak na ako at pinagpapawisan ng malamig. Nanghihina rin ako dahil sa walang katapusan na pagsusuka kahit mapait na laway lang din naman ang sinusuka ko. Kumalma lang ako ng haplusin ni Atlas ang likuran ko nag-aalala ito sa ‘kin panay tanong kung ayos lang ako. Dahil wala akong lakas na
Andrea Pagdating ng alas-singko ng hapon dumating si Atlas. “Oh, akala ko ala-sais ka pa darating kasama na sina mommy?” Lumapit siya sa ‘min ni Alvina. Mahina niyang kinurot ang pisngi ni Alvina. Hinalikan ako sa gilid ng ulo ko kasi karga ko si Alvina pinatatayo ko sa hita ko. Umupo si Atlas sa tabi ko. “Gusto mong kargahin si Alvina?” tanong ko kay Atlas kasi nakangiti siyang nakatingin sa ‘min ni Alvina. Ililipat ko si Alvina kay Atlas. Pumalahaw naman ng iyak si Alvina hindi ko itinuloy. “Ayaw niya sa mga pangit,” biro ko kay Atlas na kinasimamangot nito. Humalakhak ako umiyak lalo si Alvina. Natakot pa ang kapatid ko sa pagtawa ko. Tumayo na lang tuloy ako at sinayaw sayaw para lang tumigil ito sa pag-iyak. Nakangiti na si Atlas ngayon sa 'min nakatingin. “Baby, bagay sa ‘yo. I'm sure ngayon pa lang maswerte na ang mga anak natin sa ‘yo. Nagkaroon sila ng mommy na maganda, sexy at mabait pa," “Swerte rin sila kasi guwapo at mabait ang daddy nila,” napangiti ako kasi
Andrea Nang paglabas ko galing CR tapos na magbihis si Atlas at busy kadodotdot sa phone niya. Kaya naman hindi ko mapigilan na kumunot ang noo ko dahil naka ngisi ito habang naka tingin sa phone niya. "Baby," sabi niya at lumapit sa 'kin at nakangiti pa rin inirapan ko tss. Hmp sino naman ang kapalitan nito ng text at ang ngiti abot hanggang tainga. "Si Yorme nag-text. Hindi raw siya makararating bukas, kasi pupuntahan niya ang mag-ina niya hindi raw siya tinitigilan na awayin ni mommy," nakatawa sabi ni Atlas, na para bang nakaalala nito ang katatapos na pag-uusap ng kapatid n'yang si Ishmael. Bahagyang tumulis ang nguso ko. Kasi ang ngiti ngayon ni Atlas para bang alam niyang nauurat ako ng maabutan ko siyang may ka-text kanina. "Selos naman agad Misis? Kung hindi lang pamilya ko ang nag-text sa 'kin hindi ako mag-re-reply. Wala akong panahon sa iba dahil sa 'yo ko lang gustong ubusin ang oras ko." "Edi wow na lang," Pinisil niya ang ilong ko. "Ayaw pa umamin ng asawa ko na k
Andrea “Atlas, tigilan mo mamaya tatawagin na tayo ni nanay Fidelisa para sa hapunan. Sinabi ko pa naman ihanda na at magbibihis lang tayo. Ikaw pa naman hindi papayag kapag hindi iisa pa,” suway ko sa kaniya ngunit hindi lang umalis sa likuran ko. Nanatili lamang nakayakap sa likuran ko panay pa rin halik sa leeg ko. Maya-maya pinihit niya akong paharap sa kaniya at siniil ako ng halik. “Maaga pa naman baby,” saad nito at siniil ako ng halik pagkatapos mabilis n'ya akong kinarga at pinulupot niya ang magkabila kong binti sa baywang niya. Kahit naglakakad si Atlas patungo sa kama hindi naputol ang halikan namin. Na para bang hindi niya ako palaging hinahalikan kung makahalik ngayon puno pa rin iyon ng pananabik. Maingat niya akong ibinaba ngumisi sa ‘kin. “Ayaw talaga paawat huh?” saad ko. Inalis niya agad ang suot kong blouse sinunod ang aking bra. Wala siyang kahirap-hirap n'yang inalis iyon sa ‘kin. Dahil din kanina pa tanggal ang hook sa closet ko pa lang. Tuluyan a
Andrea “Nay! Samahan mo ako bukas bumili tayo ng mga upuan at lamesa. Naisip ko sa labas na lang ganapin para malayang kumilos. Alas-sais naman ng gabi malawak naman ang hardin. Siguro naman po. Kasya tayong lahat doon. Sa tingin mo ‘nay maganda ba ang naisip ko?” hingi ko pa ng opinyon sa kaniya. Bago pa sa akin ang magaganap na pagsalo-salo. Kaya mainam din hihingi ng opinyon sa ibang nakatatanda kung mayroon ma-i-suggest naiba. Baka mas maganda ang maging suggestion ni ‘nay Fidelisa. “Maganda ang naisip mo. Pero Andeng, kung tayo lang ang bibili. Hindi natin iyon kaya. Buti sana kung isang lamesa at upuan lang ang bibilhin natin. E, alam ko malaki ang pamilya Martinez. Hindi iyon sakto sa pamilya ng asawa mo kung isang seat lang ang bibilhin mo,” aniya. “Opo. Isasama na lang natin sina ate Lucy at ate Jane. Nand'yan din si Atlas, hindi iyon papasok bukas may kasama tayo. Sakto rin po ayos na rin natin sa labas pagdating galing bumili.” “Mabuti pa nga anak. Bibili pa ba ta
Andrea Alas singko na ng hapon kami nakauwi ni Atlas sa bahay. Tahimik buong living room ng pumasok kami. Hmmm saan kaya sina ate Lucy at ate Jane? Ang nanay Fidelisa alam ko kapag ganitong oras. Busy iyon sa kitchen kasi siya talaga ang nagluluto ng ulam kahit noon pa. Ngayon tiyak inako pa rin nito dahil naksanayan ng nanay Fidelisa at masarap din kasi itong magluto. “Saan ka pupunta?” tanong ni Atlas ng alisin ko ang kamay n'yang nakapulupot sa baywang ko. “Sa kitchen sisilipin ko lang kung naroon si ‘nay Fidelisa,” “Kararating lang natin magpahinga ka muna baby,” “Mamaya na after natin kumain ng hapunan. Mayroon lang akong pakikiusap sa nanay Fidelisa," “Tulad ng ano?” nakakunot ang noo nito tila ba ayaw niya akong payagan. “May pag-uusapan lang kami ni Nanay Fidelisa na plano para bukas sa pagpunta ng pamilya mo,” “Anong plano?” may pagtataka n'yang tanong sa ‘kin. “Mag-aayos lang kami bukas," “Baby, ‘wag ka ng magpagod okay lang kahit ano lang ang ihanda n'yo
Andrea Naantala lang pala ang reply ni Vianca kasi nag-reply pa ulit siya kung maari kaming gumamit ng swimming pool. Gustong maligo ni Vianca. Nakikiusap sa ‘kin kung p'wede. Ako: Oo naman besh basta magdala kayo ng swimsuit alam mo naman na bawal kagaya noong una mong punta rito. Hindi tayo pinayagan kahit anong pakiusap ko kasi naka t-shirt at short tayo. Naiintindihan ko ang guwardiya ayaw n'yang gayahin ng iba. Kung pagbibigyan nga naman kami. Maaring masabihan na may favoritism ang management. “Papasyal daw sina Vianca at Maxine sa condo natin. Sinabi ko next week at sabado sila pumunta kasi wala tayo sa condo bukas. “Okay nasa condo naman ako niyan papuntahin mo na,” sagot ni Atlas. “P'wede ba kaming mag-swimming niyan?” Lahat naman ng condo owner anytime p’wedeng gumamit ng swimming pool. Para iyon sa lahat ng condo owner. Basta sumunod lang sa dress code. “Sasamahan ko kayo,” “Mahihiya sila. Silipin mo na lang kami palagi roon. Kasama mo naman si ate Lucy,”