Kinabukasan, pumasok na si Analyn. Agad siyang sinalubong ni Michelle.
“Congrats, Analyn!” pagbati ni Michelle habang mahigpit na yakap ang kaibigan.
“Michelle! Ano ka ba? Nakatingin silang lahat sa atin,” patungkol ni Analyn sa mga kasamahan nila.
“Hayaan mo silang tumingin,” at saka binitiwan ni Michelle si Analyn, “huwag kang magpa-apekto. Ikaw na ang manager dito, subukan lang nila na gawin nila sa iyo iyong ginagawa nila sa iyo dati. Pwede mo na silang alisin sa trabaho nila.”
Nang may biglang dumaan sa likuran nila na dating malapit kay Fatima.
“Tingnan natin kung tatagal ka sa posisyon na ‘yan.”
Pagkalabas ni Analyn sa airport, agad niyang tinawagan si Elle. Pero pinapatayan siya ng tawag niro. Kaya nagpadala na lang siya ng mensahe rito. To: ElleNasaan ka? May ipapakisuyo sana ako sa ‘yo.Nasa sasakyan na si Analyn ng sumagot si Elle. From: ElleBusy ako. I-message mo na lang kung ano ang sasabihin mo. Or puntahan mo ako ngayon dito sa Grand Hotel kung urgent. Doon nga nagpunta si Analyn sa sinabing lugar ni Elle. Pagbaba ni Analyn sa sasakyan niya ay may tumawag sa kanya. Paglingon niya ay nakita niya si Jean na kabababa lang din ng sasakyan. “Jean! What a coincidence?”Lumingon si Jean sa paligid. Pagkatapos ay ibinalik ang tingin kay Analyn. ‘“Ikaw lang mag-isa?”“Oo. Bakit?”“Sikat na sikat ka na. Kasing-sikat ka na ng mga artista. Hindi ka ba natatakot na mapictyuran ka rito?”Ngumiti si Analyn. “Nandito ka naman. Lagi ka namang may paraan para ma-protektahan ako, hindi ba?”Kahit mismo si Analyn ay nagtataka. Hindi sila matalik na magkaibigan ng babae, at b
Nagkaroon ng farewell dinner ang summit. Ayaw nga sanang magpunta na ni Analyn, pero narinig kasi niya kanina sa summit na dadalo raw si Anthony at may isasamang babae. Malamang na si Ailyn ‘yun. Kaya naman wala siyang choice kung hindi ang magpunta na rin. At hindi nga siya nagkamali. Nadatnan niya sa venue sila Anthony at Ailyn. As usual, nakabakod na naman ang babae kay Anthony at kung maka-asta ito ay parang siya ang asawa ni Anthony. Kausap ni Anthony si Eric at Mr. Santos. Nang nakita siya ni Eric ay agad siyang tinawag ng lalaki. Nagpa-unlak naman si Analyn at sumama sa umpukan. Manaka-naka siyang sumasagot sa usapan ng tatlong lalaki. Nahalata naman niya na ang hindi mapakali na si Ailyn at tila bagot na bagot na sa tabi ni Anthony. “Wait. Pupunta lang ako sa CR, gentlemen,” paalam ni Analyn at saka tumayo na at naglakad na papunta sa CR. Pagkapasok niya sa CR, nagulat siya ng bumukas uli ang pintuan, tanda na may pumasok uli sa loob. Nalingunan niya si Ailyn. Mabilis na
Tuluyan ng hinubad ni Analyn ang lahat ng suot na damit at saka binuksan ang tubig para punuin ang bathtub. Nang mapuno, sumampa na si Analyn at saka inilubog ang katawan niya roon. Pumikit si Analyn. Pero laman pa rin ng isip niya ang natuklasan, at kasunod ang marami pang tanong.Ang alam niya lang na nakakaalam sa balat niya ay ang Papa niya. Paano’ng nalaman iyon ni Ailyn? Imposibleng pareho lang sila ng balat ng babae. Malaki ang paniniwala niya na ipinagaya lang ni Ailyn iyon. Pero bakit? Bakit niya ipapagaya at bakit siya nagpalagay ng kaaparehong balat?Ang isa pang tanong ni Analyn ay kung siya ang totoong Ailyn Esguerra, paano’ng nag-match ang DNA test nito kina Sixto at Mercy?Mas nabuo ang hinala ni Analyn sa isip niya. Hindi nag-iisa si Ailyn sa ginagawa nitong pagpapanggap. May mga kasabwat ito. Pero sino? O sino-sino sila? Ang isa pang tanong ay bakit? Ano ang dahilan ni Ailyn? Ano ang dahilan ng mga kasabwat niya?Siguro, kung masasagot niya ang mga tanong na iyon, at
Sa buong panahon ng palaro ay walang ginawa si Analyn kung hindi pasimpleng titigan ang balat ni Ailyn sa likuran niya. Manaka-naka niyang inaalis ang tingin niya kapag napapatingin si Ailyn sa gawi niya. Hanggang sa tuluyan ng natapos ang palaro ni Mr. Santos.“Analyn, bakit namumutla ka? Masama ba ang pakiramdam mo?” Maang na nilingon ni Analyn si Eric. Pagkatapos ay muli siyang lumingon sa gawi ng swimming pool. Nakita niya na hinihila pataas ni Anthony si Ailyn mula sa swimming pool. Imposible na magkamukhang-magkamukha ang mga balat nila pati na kung saan parte ng katawan nakalagay iyon. Hindi naman sila kambal. At kahit siguro kambal sila ay imposibleng mangyari iyon.Hindi alam ni Anthony ang balat na iyon, kahit ilang beses na silang nagtatal*k. Pangit na pangit kasi siya sa balat niya, kaya naman sa tuwing nagtatalik sila, ginagawan niya ng paraan na takpan ng kumot o unan ang bahagi na iyon ng katawan niya para hindi iyon makita ni Anthony. Nasa high school pa lang siya a
Hindi alam ni Analyn kung nananadya ba si Eric, dahil tumabi ito sa kanya. Minabuti ni Analyn na huwag na lang pansinin ang lalaki, at mag-concentrate na lang sa pagkain. Habang tahimik na kumakain ang lahat, nagsalita naman si Mr. Santos na nakaupo sa harapan nila Analyn at Eric. “Miss Analyn, ikaw lang yata ang babaeng nakabihag sa mailap na puso ni Sir Eric. Iba yata talaga kapag first love,” sabi nito at saka bahagyang tumawa.Napahinto si Analyn sa pagkutsara ng pagkain sa plato niya. Tiningnan niya si Mr. Santos. “Mr. Santos, hindi ko inaasahan na ganyan ka pala. Daig mo pa ang mga babaeng nagpupunta sa palengke para sumagap ng tsismis.”Napahinto sa pagtawa si Mr. Santos. Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya.“Miss Analyn, para ka palang sili… nananakit kapag nakagat.”Bahagya namang tumawa si Eric at saka binalingan si Mr. Santos.“Pasensiya ka na sa kanya, Mr. Santos. Natural na kay Analyn ang magsalita ng ganyan. Mahinahon, pero may talas.”Bigla tuloy naalala ni
Nagpatuloy ang summit ng sumunod na araw. “Si Sir Eric. Nandiyan si Sir Eric.”Napalingon si Analyn ng narinig ang pangalan ni Eric. Sakto naman na pumapasok ito sa pintuan ng venue. Buong tikas itong naglalakad, kasunod ang ilang reporter mula sa press. Nakangiti lang si Eric habang tinatanong siya mga reporter at habang nagkikislapan ang mga camera.“Hello, everyone! I am Eric. Eric Hidalgo. From ArGo Industries, the host of this Design & Architecture Summit. I am very glad to meet all of you in such occasion,” panimula ni Eric sa speech niya ng nakarating na siya sa entablado.Sinadya ni Eric na tumingin sa gawi ng kinauupuan ni Analyn at saka tinitigan ang babae habang nagbibigay ng speech niya. Agad na nag-panic si Analyn sa ginawa ni Eric. Natatakot siyang baka kapag nakita ni Anthony na nakikipagtitigan siya sa lalaki ay mag-react na naman ito, kahit pa hiwalay na sila. Agad na nag-iwas ng tingin si Analyn sa lalaki. Sa pag-iwas niya ng tingin kay Eric, sakto naman na sa gawi
Papunta ng San Clemente si Analyn. Kailangan niyang um-aatend sa isang summit bilang representante ng isang proyekto ng DLM.Mabilis na-proseso ang annulment nila Analyn at Anthony. Pero katulad ng sabi ni Anthony, ang mga proyekto na naibigay na ng DLM sa kanya noong nagsasama pa sila ay mananatiling nasa superbisyon pa rin ni Analyn. Pero hindi niya inaasahan na pupunta rin si Anthony at magkikita sila roon. Pero kahit hiwalay na, naroroon pa rin ang respeto at paggalang nila sa isa’t isa. Magkalayo ang mga upuan nilang dalawa. Pero lingid sa kaalaman ni Analyn, hindi siya nilulubayan ng mga mata ni Anthony mula umpisa hanggang sa matapos ang summit.Nagpasalamat si Analyn na maaga natapos ang summit nung araw na iyon. Isa sa ipinunta niya roon ay para sundan si Mercy Esguerra. Nalaman niya na nandito rin si Mercy at ang itinerary ng matandang babae ngayong araw ay ang dumalaw sa pinakamatandang simbahan dito sa San Clemente. Base sa sabi ni Elle, magpupunta ang babae sa araw at
Pagkalipas ng isang linggo nang huling nakita ni Analyn si Anthony, natanggap na niya ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan para sa annulment nila. Ang bilis, ah! Nagmamadali ba si Anthony? “Mam, sabi ni boss, walang magbabago sa mga napag-usapan na ninyo noon. Lahat ng properties na ipinangako niya sa iyo ay ita-transfer na lang ng sabay-sabay. Pinapa-ayos na niya ang mga titles nun. Ang mga project ng DLM na nai-award sa Blank bago ang annulment ay mananatili sa pangangasiwa mo,” sabi ng sekretarya ni Anthony.Napansin ng sekretarya na parang walang naririnig si Analyn sa mga sinasabi niya, kaya kinuha niya ang atensyon nito.“Mam Analyn?”Bilang sagot, bumuntong-hininga si Analyn at saka nagsalita. “Salamat sa impormasyon.”Hindi na nagtaka si Analyn na mabilis ding kumalat sa internet at sa mga balita ang paghihiwalay nila ni Anthony. Ilang araw din iyon na iyon ang laging paksa ng mga balita at tsismis. NAGULAT si Brittany ng nakita si Anthony sa labas ng pintuan ng con
Pakiramdam ni Anthony ay bumalik uli siya nung bata pa siya. Nung araw na umuulan at hinahabol niya ang ina nung iwan siya. Tumakbo siya ng tumakbo noon habang umiiyak. Iyong pakiramdam niya noon nung araw na iyon ay muli niyang nararamdaman niya ngayon.Ang kaibahan lang, noon, sinagip siya sa desperasyon ni Ailyn. Hindi katulad ngayon na wala ng sasagip sa kanya.Mariing pumikit si Analyn. Ayaw niyang makita si Anthony na ganito, mahina at tila walang tiwala sa sarili. Ngunit kailangan niyang panindigan ang kanyang desisyon. May kinuha siyang nilamukos na papel mula sa bulsa ng damit niya, at saka sapilitang inilagay sa kamay ni Anthony.“I hope I can live up to your expectation. Quits na tayo.” Pagkasabi nun ay naglakad na si Analyn paalis, habang pigil-pigil ang pagbagsak ng mga luha niya.Matagal ng nakaalis si Analyn, pero hindi pa rin kumikilos si Anthony. Kung paano siya iniwan ng asawa ay ganun pa rin at nandun pa rin siya sa puwesto niya. Ilang minuto rin ang nakalipas bago