Share

CHAPTER 139

Author: dyowanabi
last update Huling Na-update: 2025-07-11 23:38:07

ISLA'S POV:

Nagkakasayahan na sa mansyon ng Ninong Angelo niya... andoon na ang lahat ng mga bisita. Nakilala niya na din ang mga iba pa niyang ninong at ninang na ngayon niya lang nakita. Sa America kasi cya pinanganak.

Nakilala niya na din ang mga anak ng mga ito. Ang saya nila doon dahil para iyon isang malaking reunion ng barkada ng mga magulang nila. Pero hindi lubos ang kasiyahan niya dahil wala doon si Earth. Ang lalaki lang ang kulang doon. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit hindi ito nakauwi samantalang magkasama naman si Earth at Theo. Bakit andoon naman si Theo? Iniiwasan ba siya ng lalaki? Naalala niya kanina nang halikan siya nito ay agad itong umalis nang di man lang nagpaalam ng maayos.

"Hey there!" tawag-pansin sa kanya ng lalaking nagpakilala kanina na si Thunder. Pinsan ito ni Earth at anak ni Ninong Luke at Ninang Celine niya.

"Bakit ka nag-iisa dito? Nahihiya ka ba?" wika nito saka siya sinamahan doon sa pwesto niya.

"Hindi naman. Hindi ko pa kasi kayo masy
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Nimpha
madam sana Maaga po Ang update po Ngayon please
goodnovel comment avatar
H i K A B
Mabuti nga at umuwi ka Earth, para complete din kayong 2nd Gen dyan sa party.
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 147

    Pagdating sa lumang bahay nila ay agad na binaba ng mga katulong ang bagahe nila."Welcome back, Senyorito, Senyorita...""Thank you manang!" masayang bati ng mga magulang nya.Ancestral house iyon ng mommy niya. Sila na ang nagmamay-ari doon dahil nag-iisa lang naman itong anak. Ang lola niya ay namatay na sa America sa sakit na cancer.Ang pamilya naman ng daddy niya ay nasa Cebu. Narinig niyang balak din nitong magbakasyon sila doon pero dahil sa nangyari sa kanila ni Earth ay pinagpaliban muna."Mom, Dad... magpapahinga muna ako sa kwarto..." mahinang paalam saka dumiretso ng kwarto niya. Dala niya ang kanyang maleta at pabagsak na humiga sa kama.Di niya alam kung mamatatawa o maiiyak sa mga nangyayari sa kanila. Kanina lang ay masaya siya, ngayon naman ay malungkot.Habang malalim ang iniisip ay biglang nag-ring ang cellphone niya. Napabalikwas siya sa pagkagulat. Nang makita niya kung sino ang tumatawag ay biglang lumakas ang tibok ng kanyang puso... si Earth!"H-Hello?" kinaka

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 146

    "H-he’s not answering, Dad..." mahinang sagot niya."Ryan, take it easy... Kilala mo si Earth, hindi niya ‘yon gagawin kay Isla." Pag-aalo ni Ninong Angelo sa ama nya"Nandoon na tayo, Angelo, pero kahihiyan ng anak ko ang nakataya dito. Sige, pagbibigyan namin siya. Kapag hindi siya bumalik ng isang linggo, ay aalis na kami at babalik ng America, at iyon na din ang katapusan ng pagkakaibigan natin. Sisiguraduhin lang ni Earth na babalik siya!""I can assure you that, Ryan." muling sabi ni Ninong Angelo "Ang mabuti pa ay umuwi muna kami sa bahay namin. Kapag bumalik si Earth, ay alam niya kung saan kami pupuntahan. Ayokong maghintay kami dito sa wala." wika ng dad niya saka tumayo.Tumahimik na siya sa away ng mga magulang nila. Kanina ay okay naman ang mga ito! Maging siya ay naguguluhan na din."Let’s go, Angie... Isla!" wika ng daddy niya saka tumayo at dumiretso sa kwarto."Pagpasensyahan niyo na si Ryan... Jenna, Angelo. It's just that mahal na mahal niya itong anak namin at aya

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 145

    Umalis na si Earth pero nanatili siya doon sa kinatatayuan niya. Ano ba'ng sinabi nito kanina? He is in love with her? Totoo ba? Hindi siya makapaniwala. Ang akala niya ay pinaglalaruan lang siya ni Earth dahil panay ang pangmamanyak nito sa kanya. Marunong din pala itong magseryoso?Shit, kinikilig siyang hindi niya malaman. Earth is in love with her? Paanong hindi siya kikiligin, eh napaka-pogi naman ng nobyo niya.. . este, na fiancé... o kung ano man ang tawag sa relasyon nila.Nakangiti siyang bumalik sa kanyang kama at muling humiga. Niyakap niya ang kanyang unan at iniimagine na si Earth iyon.Pero agad din siyang nalungkot nang magpaalam ito na aalis. Saan ba pupunta si Earth? Alam naman nitong malapit na ang kasal nila, 'di ba? So, void na ba ang kasunduan nilang isang taon lang ang magiging kasal nila? Papayag ba siya?Oo nga't hindi pa siya sigurado sa feelings niya ngayon ukol kay Earth. Hindi niya alam kung mahal niya din ito o hindi, pero hindi naman mahirap mahalin ang l

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 144

    Natahimik silang lahat na naroon. Nakatingin lang siya sa papalayong si Earth. Alam niyang nasaktan ito, pero hindi siya handa sa mga pinapakita nitong interes sa kanya.Mabuti na din 'yun at hindi na maisip ni Earth na lapitan siya. Ang kasal nila ay isang taon lang. She will stick to their first plan. Ayaw naman niya sigurong tumagal sa lalaking maraming babae? Sasakit lang ang ulo niya kahit pa sabihing may pagtingin na ito sa kanya. Sabi nga ni Thunder kanina ay takot ito sa commitment. Baka kapag nakuha na nito ang gusto sa kanya ay bigla na lang siyang iiwan? Mabuti na din na prinangka ito ng daddy niya para malaman nito na hindi siya basta-basta.Hmp! Magtiis ka diyan! ... sigaw ng isip niya.Nanatili pa siya doon ng ilang oras. Naghintay siya dahil mukhang walang katapusan ang party na 'yun. Wala ding katapusan na kuwentuhan. Nakisali na din siya sa grupo ng mga bagong kaibigan niya. Hindi naman siya na-left behind dahil mababait ang mga ito. Parang matagal na silang magkakasa

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 143

    "Can I kiss you, Isla?" bulong niya sa dalaga. Hindi sumagot ang babae, pero ginawa pa rin niya ang gusto niya. He cupped her face and kissed her on the lips. "Ahgh... shit... napakasarap mong halikan... nakakaadik ka..." impit niya sa gitna ng kanilang paghahalikan. "I can't wait for our wedding night. Be mine, baby... you're mine forever..." "Huh? Wala 'yun sa usapan natin?" gulat na sabi ni Isla. "A-anong wala?" "D-di ba magpapakasal lang tayo sa isang taon tapos maghihiwalay?" Nabigla siya. Oo, usapan nila ang ganun, pero iba na ngayon. Na-realize na niyang mahal niya si Isla. Pero ang tanong,... mahal din ba siya ni Isla? "Sige, hindi kita pipilitin sa hindi mo gusto... ayaw ko ng namimilit ng babae..." sabi nya pero bigla cyang ngumisi... "Ang gusto ko ay ikaw mismo ang lalapit sa akin at sasabihin mong gusto mo rin ako... at magmamakaawa ka sa akin na angkinin ka." nakakalokong sabi niya habang hinahaplos ang mukha nito. "Hahaha... in your dreams, Mr. Ferrer. That won't

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 142

    Patuloy sila sa pagsayaw ng slow pero hindi niya maialis sa kanyang paningin si Isla. He can't take his eyes off her. Napakaganda nito, lalo na at napakalapit nila sa isa't isa.Ang nakakamangha pa ay parang hindi nito alam kung gaano ito kaganda. Although maporma at liberated ito manamit dahil laking America, pero simple lang ito gumalaw, hindi maarte at hindi mayabang... at yun pa ang nagustuhan nya sa dalaga. “Pasensya na kanina… kung pinilit kitang sumayaw. Gusto ko lang sana ipakita sa kanila na okay tayo kahit na sinusupladahan mo ako...” tipid na ngiting sabi niya. “Bati na ba tayo?” tanong niya nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa dalaga. Napatingin din ito sa kanya saka kinagat ang ibabang labi.Tumango ito saka iniwas ang tingin sa kanya.“Damn Isla, don’t do that in front of me!” mahinang sabi niya.“Do what?” nagtatakang tanong naman ng dalaga.“Don’t bite your lips… kung ayaw mong ako ang kakagat niyan sa harap nila dito.”Biglang lumaki ang mata nito saka akmang itut

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status