Share

CHAPTER 173

Author: dyowanabi
last update Last Updated: 2025-08-13 11:16:05

HEAVEN’S POV

Habang naglalakad ako papunta sa altar, ramdam niya ang bigat ng bawat hakbang, hindi dahil sa gown, kundi dahil sa emosyon. Parang lahat ng alaala nila ni Theo mula sa unang pagkikita sa bar hanggang sa nagka-inlaban sila ay nag flashback ang lahat sa utak nya

Nagtama ang kanilang mga mata na para bang sila lang ang tao sa paligid. Hindi niya maiwasang mapangiti habang naiisip... Grabe, ganito pala ‘yung feeling… yung tipong kahit daan-daang tao ang nanonood, isa lang ang mahalaga sa’yo?

Sa gilid ng kanyang paningin, kita niya si Isla na nakangiting parang batang kinikilig habang nakatitig kay Earth. Halos marinig niya ang tibok ng puso ng kambal niya mula sa malayo.

"Finally, Earth… natagpuan mo rin ‘yung taong para sa’yo." She is happy for her twin.

Pagsapit sa tapat ni Theo, inabot nito ang kamay niya. “Hi, Doc.” mahinang bulong nito na may kasamang ngiti.

Napatawa ako ng mahina. “Hi, hubby.” balik biro din niya.

Narinig nyang nagtawanan ang mga bisita, pero
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Diana Rose Mahusay Jabonero
update please
goodnovel comment avatar
Teresa Degoro
thank u sa update at excite n ako sa honeymoon
goodnovel comment avatar
Julie Anne Gaytano
honeymoon is coming aayyee ganda ng kwento nice love it
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 173

    HEAVEN’S POV Habang naglalakad ako papunta sa altar, ramdam niya ang bigat ng bawat hakbang, hindi dahil sa gown, kundi dahil sa emosyon. Parang lahat ng alaala nila ni Theo mula sa unang pagkikita sa bar hanggang sa nagka-inlaban sila ay nag flashback ang lahat sa utak nya Nagtama ang kanilang mga mata na para bang sila lang ang tao sa paligid. Hindi niya maiwasang mapangiti habang naiisip... Grabe, ganito pala ‘yung feeling… yung tipong kahit daan-daang tao ang nanonood, isa lang ang mahalaga sa’yo? Sa gilid ng kanyang paningin, kita niya si Isla na nakangiting parang batang kinikilig habang nakatitig kay Earth. Halos marinig niya ang tibok ng puso ng kambal niya mula sa malayo. "Finally, Earth… natagpuan mo rin ‘yung taong para sa’yo." She is happy for her twin. Pagsapit sa tapat ni Theo, inabot nito ang kamay niya. “Hi, Doc.” mahinang bulong nito na may kasamang ngiti. Napatawa ako ng mahina. “Hi, hubby.” balik biro din niya. Narinig nyang nagtawanan ang mga bisita, pero

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 172

    THE WEDDING DAY: HEAVEN'S POV: Kasalukuyan siyang nasa kwarto niya sa kanilang mansion at inaayusan. Doon sa garden nila idadaos ang kasal nila ni Theo, kasabay ng sa kambal niyang si Earth at si Isla. It’s going to be a double wedding! Dati doon din kinasal ang Mommy Jenna at Daddy Angelo nila. Tandang-tanda pa niya iyon dahil siya ang flower girl at si Earth naman ang ring bearer. Ang mommy at daddy nila ang kanilang pamantayan sa pagpapakasal. Sa kanyang part, kung hindi lang din katulad ng daddy niya ang mapapangasawa ay huwag na lang. Sa part naman ni Earth, kung hindi lang din katulad ng mommy niya ang mapapangasawa ay huwag na lang din. Idol nila ang parents nila. Sino naman ang hindi? Ang mommy lang niya ang minahal ni daddy simula noong college ito. Nagkahiwalay pero nagkabalikan dahil na din sa kanilang dalawa ni Earth. Sila ang gumawa ng paraan kung paano magkabalikan ang parents nila dahil walang kamuwang-muwang ang daddy nila na may anak na ito... at kambal pa! Tin

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 171

    Lumipas pa ang ilang araw at mas pinagsikapan nila ang pag-usad ng kaso laban kay Doc Rodrigo. Dahil na rin sa koneksyon ng pamilya nila, nabawian ng lisensya si Doc Rodrigo at nakulong pa.Kasalukuyan silang nasa garden ng pamilya at nag-uusap. Hawak niya ang kamay ni Isla. Si Theo at Heaven ay ganun din sa kabilang banda. Si Aero ay naglalaro sa alagang aso nito na si Sasha.Si Liza naman ay bumalik na sa Japan. Hindi na nito hinintay ang kanilang kasal. Malungkot man si Heaven dahil hindi ito makakadalo and best friend, wala siyang magagawa.... kailangan ni Liza ang pamilya sa tabi lalo na sa ganitong sitwasyon. Sabihin mang tapos na ang kaso, ang trauma na iniwan kay Liza at sa iba pang kababaihan ay hindi biro. Nakakaawa pero nagpapasalamat na din kahit papaano ay nakatulong sila dahil kung hindi, baka hanggang ngayon ay malaya pa ring nambibiktima si Doc Rodrigo."Ngayon, malinis na ang konsensya ko dahil nakahingi na ako ng tawad kay Doc Liza at pinatawad niya ako… I can conf

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 170

    "Dito muna kayo. Heaven, alagaan mo si Liza. Pupunta kami ni Theo sa ospital para makipag-ugnayan at alamin kung sinu-sino pa ang mga biktima ni Doc Rodrigo, para madagdag sa kaso niya." Tumango si Heaven."Mag-iingat kayo, love," sambit niya kay Isla, sabay hawak sa kamay nito. "Ihahatid muna kita sa inyo?""No… dito lang ako. Sasamahan ko si Heaven na bantayan si Liza.""S-sure ka?" tanong niyang may pag-aalinlangan."Yes, love… don’t worry about me.""Oo nga, Earth. Dito lang si Isla para makapag-bonding naman kami," sabat ni Liza na nakangitin pero halatang may pinagdadaanan."Sige, basta kapag may kailangan ka, tumawag ka lang ha.""Hihihi… okay."Humalik sya sa pisngi ng nobya umalis na sila ni Theo.Pagdating nila sa ospital, sinalubong sila ng head nurse na halatang nag-aalala."Sir Earth, Sir Theo… mabuti at dumating kayo. Nakausap na namin ang ilan sa mga dating staff. May iba pang biktima si Doc Rodrigo, pero karamihan sa kanila natatakot magsalita."Napakuyom siya ng kamao

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 169

    Maya-maya ay may katok silang narinig sa kanyang pinto."Come in!" sigaw niya. Si Theo ang pumasok."Bro, gising na si Liza. Hinahanap ka niya."Nagkatinginan sila ni Isla. "Susunod na ako, bro," sambit niya kay Theo.Tumayo siya sa kama at hinawakan ang kamay ni Isla. Magkasabay silang lumabas ng kwarto at pumunta kay Liza."Earth! Huhuhu…" agad na iyak ni Liza nang makita siya. Lumapit siya sa kama at sa pagkagulat niya ay niyakap siya nito nang mahigpit. Nandoon din si Heaven na umaalo sa bestfriend nito."Salamat at nailigtas niyo ako sa baliw na lalaking yun. Ang akala ko ay katapusan ko na kanina." humahagolhol na sabi ni Liza."Wag mo nang isipin yun, Liza. Tapos na ang lahat. Ligtas ka at nakalulong na si Doc Rodrigo.""Ayaw ko nang bumalik sa bahay, natatakot ako… huhuhuh…"Nagkatinginan sila ni Heaven."Sige, dito ka muna pansamantala, bestfriend, para mapanatag ka. Alam ko ang trauma na nararanasan mo ngayon. Makikipag-ugnayan na din ako sa ospital at sasabihin ko ang ginaw

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 168

    "Wag mo na isipin 'yan, Doc Liza. Andito na kami ni Theo, 'di ka namin pababayaan... Ang mabuti pa, doon ka muna sa amin para mapanatag ka."Tumawag ng pulis si Theo para i-turn over si Doc Rodrigo. Pagkatapos ng imbestigasyon sa police station, bumalik na sila sa Manila, dala si Liza. Si Theo ang nagda-drive, sinamahan niya sa likod si Doc Liza. Buong biyahe lang itong nakayakap sa kanya.Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Heaven."Hello, Earth. Kamusta si Liza? Is she okay?""Uuwi na kami d'yan. Kasama siya namin. Mabuti na lang at napaaga ang pagpunta namin ni Theo, naagapan namin ang masamang balak ni Doc Rodrigo sa kanya.""S-si Doc Rodrigo?""Oo, ang kasamahan n'yo. Siya pala ang nangha-harass kay Doc Liza.""She’s okay now. Nakatulog siya sa bisig ko. Pauwi na kami.""Okay, mag-iingat kayo," nag-aalalang sabi ni Heaven saka pinatay na ang telepono."Hindi ko lubos maisip, Earth, na kung na-late tayo ng konti, ay baka kung ano na nga ang nangyari kay Doc Liza.""Yeah, nai

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status