LOGINAng studio ng sikat na talk show na "The Evening Truth" ay punong-puno ng mga audience, camera men, at staff na abala sa pag-aasikaso ng set.Pagkapasok ko pa lang sa backstage, sinalubong na agad ako ng host na si Miss Tanya, isang batikang mamamahayag na kilala sa pag-ungkat ng mga maiinit na isyu.“Mrs. Montenegro, thank you for agreeing to this exclusive,” nakangiting bati ni Tanya, humalik sa pisngi ko. “We are so thrilled to hear the real story behind the marriage. Your husband is highly anticipated.”“My pleasure, Tanya. Kristoff will be here shortly,” malambing kong sagot, dala ang perpektong poise na inaral ko buong maghapon.At gaya ng inaasahan, eksaktong alas-otso ay dumating si Kristoff. Kasama niya si Vivieane na nagpumilit sumama bilang ‘moral support’ ngunit alam kong gusto lang nitong bantayan ang mga sasabihin ko.Nang pumasok si Kristoff sa dressing room, madilim na madilim ang awra niya. Agad niyang pinalabas ang mga makeup artists para makapag-usap kami nang saril
Kinabukasan, paggising ko sa marangyang kwarto na ibinigay sa akin ni Kristoff sa penthouse niya, wala na ang bakas ng kahinaan sa mga mata ko.Bumangon ako at tiningnan ang sarili ko sa malaking salamin ng walk-in closet. Ang mga mata kong namumugto at mapula ay pilit kong tinakpan ng makeup.Ang mga simpleng damit ko ay ibinasura ko na; sa halip, kinuha ko ang isa sa mga pinakamahal at pinakamatikas na red fitted dress mula sa mga binili ng kaniyang personal shopper.Sinuot ko iyon, pinaresan ng isang itim na stilettos, at inayos ang buhok ko. Kung kailangan kong pumasok sa lungga ng mga ahas, kailangan kong maging pinakamamandag sa lahat.Bumaba ako sa dining hall ng penthouse. Nang marating ko ang bukana, nakita ko agad sina Kristoff at Vivieane na masayang nag-aalmusal.Nakasandal si Vivieane sa balikat ni Kristoff habang sinusubuan ito ng prutas, tumatawa at humahagikhik na tila walang pamilyang namatayan kahapon. Si Kristoff naman ay nakangiti, isang totoong ngiti, habang pinup
Matapos mailibing ang nanay ko, unti-unting nagsialisan ang mga tao.Ang memorial park na kanina ay puno ng mga nagkukunwaring nakikidalamhati ay tuluyan nang nabalot ng katahimikan.Kasabay ng pag-alis nila ay ang unti-unting pagbuhos ng malakas na ulan. Parang nakikisama ang langit sa kalungkutan ko. Ang mga patak ng ulan ay mabilis na bumasag sa katahimikan ng sementeryo, hinuhugasan ang mga putik at bulaklak sa paligid.Nakatayo lang ako roon. Nakatingin sa sariwang lupa na tumatabon sa nag-iisang taong mahal ko sa mundong ito.Hindi ako umaalis. Basang-basa na ako. Ang mamahaling itim na damit na ipinasuot sa akin ni Kristoff ay nakadikit na sa balat ko, mabigat at nilalamig. Ang mga luha ko ay sumasabay sa patak ng ulan kaya hindi na halata ang labis na pag-iyak ko.Wala akong pakialam sa lamig. Wala akong pakialam kung magkasakit ako. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa at sumunod sa nanay ko.“Ma'am Sasha...”Narinig ko ang boses ng driver sa likuran ko. May nakapayong na itim
Dumating ang huling araw ng burol.Karamihan sa mga dumalo ay ang mga elitistang kakilala lang ng mga Montenegro, mga taong ni hindi naman kilala kung sino ang nasa loob ng kabaong. Nagsiuwian na ang karamihan matapos ang misa at ang ilang photo ops para sa media.Nakatayo ako malapit sa kabaong, nakayuko at walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko. Ito na ang huling beses na makikita ko siya.Naramdaman ko ang isang mainit na palad na humagod sa likod ko.Paglingon ko, bumungad sa akin ang isang matandang babae, may puting buhok na maayos na nakapusod, at may maamo ngunit malungkot na mga mata. Suot niya ang isang simpleng itim na bestida at may hawak siyang isang tungkod.Si Donya Carmen. Ang lola ni Kristoff.“L-Lola...” usal ko, mabilis na nagpunas ng luha at nagbigay galang.Kilala ko siya. Noong mga panahong namamasukan pa si Nanay sa mansion, si Donya Carmen ang kaisa-isang tao na nagpakita ng kabaitan sa amin. Madalas niya kaming bigyan ng mga sobrang prutas, at tinatrato niya
Lumipas ang ilang araw, at gaya ng ipinangako ni Kristoff, siya ang gumastos sa lahat.Inilagak ang labi ng nanay ko sa isa sa mga pinakasosyal at pinakamahal na memorial chapels sa buong siyudad. Napapaligiran ng matataas na uri ng mga puting rosas, mga nagniningning na chandelier, at mga kabaong na gawa sa pinakamamahaling kahoy.Pero hindi ito para sa nanay ko. Ito ay para sa kanila. Para sa image nila.Sa loob lamang ng ilang araw, ang malaking iskandalo na yumanig sa Montenegro Group—ang video nila ni Vivieane—ay unti-unting natabunan at natunaw. Napalitan iyon ng simpatiya.Sa bawat pahayagan, sa bawat news channel, ang laman ng balita ay ang pagdadalamhati ng bagong kasal.“Billionaire Kristoff Montenegro, isinantabi ang honeymoon upang damayan ang asawang namatayan ng ina.”“Ang mapagmahal na asawa: Kristoff Montenegro, naglabas ng milyon-milyon para sa burol ng kaniyang mother-in-law.”Nakakasuka. Nakakadiri. Bawat flash ng camera mula sa labas ng chapel ay parang sampal sa p
“Babayaran ko ang lahat ng bill sa ospital. I will cover the funeral expenses. Ipapaayos ko ang pinakamagandang burol para sa nanay mo.”Ang mga salitang iyon ay nagpaulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko, tila mga patalim na paulit-ulit na itinarak sa nagdudugo kong puso.Nakatulala lang ako kay Kristoff. Nakatayo siya sa harap ko, matikas, perpekto ang tindig, at walang kahit anong emosyong mababakas sa kaniyang mga abong mata. Parang hindi isang buhay ang nawala. Parang hindi tao ang pinag-uusapan namin, kundi isang simpleng business transaction na kailangang tapatan ng pera para matapos na.“P-Pera?” nanginginig ang boses ko. Ang mga luha ko ay tuloy-tuloy na umaagos sa aking pisngi, nag-uunahan, walang pakialam kung basang-basa na ang damit ko. “Pera lang ba ang katumbas ng buhay ng nanay ko sa'yo, Kristoff?”Bahagyang kumunot ang noo niya, tila naiinis sa naging tanong ko. “What else do you want me to do, Sasha? I am offering the best services money can buy. Kung hindi dahil sa
“Sayaw, Kikay… sige pa…” halos nakapikit na saad ng matanda.Ngumiti ako nang pilit para itago ang pandidiri na umaakyat sa lalamunan ko. Nilunok ko ang lahat ng pride ko.“Gusto mo ba 'to?” bulong ko, ginagawang malambing at mapanukso ang boses ko kahit na gusto ko nang masuka.Tumango siya, tila n
CHAPTER 5:KINABUKASANNagising ako sa ingay ng mahinang ugong ng aircon. Mabigat ang aking talukap, at ang buong katawan ko ay tila bugbog sa hindi maipaliwanag na kapaguran.Ramdam ko ang kakaibang init na nakabalot sa aking likuran, isang matipunong braso ang mahigpit na nakapulupot sa aking bayw
CHAPTER 4:“Rhamesis… ahh…” Ang boses ko ay hindi ko na halos makilala. Nawawala ako sa sarili ko! Pakiramdam ko’y nilalamon ako ng init ng alak at init ng pagdamit ng labi at palad niya.Tiningnan niya ang hubad kong dibdib. Ang mga mata niya ay manghang-mangha at seryosong natingin.Ilang saglit p
“You felt it? How much I wanted to ruin you right now at alisin ang lahat ng titig at haplos ng ibang lalaki sa’yo?”Nanigas ang katawan ko sa sinabi niya, nag-init ang pisngi ko dahil sa inis... pero bakit ganito? Gustong gusto kong iangat ang palad ko para sampalin siya pero hindi ko maigalaw... p







