LOGINChapter 75Vanruth's POVMatagal na akong nakatitig sa malaking digital map na nakabukas sa monitor sa loob ng aking opisina. Iba't ibang ruta ang nakamarka rito—mga airport, private ports, at ilang safe houses sa iba't ibang bansa. Bawat linya at simbolo ay may katumbas na buhay na kailangang mailigtas.Ilang oras na rin akong walang tigil sa pakikipag-usap sa mga pinagkakatiwalaan kong kaalyado sa America.Hindi ito ordinaryong operasyon.Kapag nagkamali kami ng kahit isang hakbang, maraming inosenteng tao ang maaaring mamatay."Everything is ready," sabi ng isa sa mga dating kasamahan ko sa encrypted video call."We'll receive Congresswoman Gomez and her children as soon as they land."Tumango ako."Double the security. Walang dapat makaalam ng lokasyon nila.""Understood."Isa-isang nagsara ang mga monitor matapos kong tapusin ang meeting.Napabuntong-hininga ako.Hindi lamang ang mga anak ni Congresswoman Gomez ang poprotektahan ko.Kasama siya.Alam kong oras na lamang ang binib
Chapter 74Vanruth's POVPagkalabas pa lamang namin sa tahanan ng mga Alvaro ay hindi na mawala ang kutob ko.May mali.Hindi iyon basta hinala lamang.Bilang isang hukom, nasanay na akong magbasa ng kilos ng tao. Maraming taon kong pinag-aralan ang bawat tingin, bawat galaw, bawat katahimikan na kadalasan ay mas nagsasalita pa kaysa sa mga salita.At ngayong gabi...Ramdam kong may mga matang nakasunod sa bawat galaw ko.Tahimik kong minasdan ang side mirror ng sasakyan.Parehong itim na SUV ang ilang beses kong napansing sumusunod sa amin.Hindi sila lumalapit.Hindi rin sila lumalayo.Eksakto lang ang distansyang parang ayaw nilang mahalata.Pero huli na.Napansin ko na sila.Pagdating sa bahay, agad kong tinawag ang lahat ng security personnel."Increase security."Nagkatinginan silang lahat."Magdoble kayo ng bantay. Walang papasok at walang lalabas nang hindi ninyo kinukumpirma ang pagkakakilanlan.""Yes, Judge.""Huwag ninyong aalisin ang mga mata ninyo sa paligid.""May sumusu
Chapter 73Claudia’s POVHindi nakaligtas si Lindsay sa mapanghusgang mga mata ng mga tao.Kahit ilang buwan na ang lumipas mula nang lumabas ang katotohanan tungkol sa nangyari sa kanila ni Matthew, hindi pa rin tumitigil ang mga usap-usapan. Lalo na sa social media at maging sa legal community kung saan kilala si Lindsay bilang isa sa mga pinakabatang mahuhusay na abogado."Matalino nga... pero bobo naman sa pag-ibig.""Top lawyer pero hindi marunong pumili ng lalaking mamahalin.""Nadala ng emosyon.""Bumagsak ang career dahil sa puso."Iyan ang mga komentong paulit-ulit naming nababasa.Sa umpisa, natatakot akong baka tuluyan nang masira ang loob ni Lindsay.Pero mali ako.Mas lalo siyang tumatag.Parang bakal na ilang beses isinabak sa apoy.Hindi na siya umiiyak sa bawat masasakit na salita.Hindi na siya nagpapaliwanag sa kahit kanino.Ang tanging pinagtutuunan niya ng pansin ay ang anak niya.At iyon ang higit kong hinangaan sa kanya.Isang gabi, kinausap siya ng kuya niyang s
Chapter 72Claudia's POVNang mabalitaan ni Beatriz na nagdadalang-tao si Lindsay at si Matthew ang ama ng dinadala nito, hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Kinabukasan din ay dumating siya sa bahay kasama si Matthew.Hindi na kailangan pang hulaan kung ano ang pakay niya.Pagpasok pa lamang nila sa sala ay ramdam na agad ang bigat ng atmospera. Wala ni isa sa amin ang naglakas-loob na ngumiti. Ang dating mainit na tahanan ay tila nilamon ng katahimikan at tensyon.Nakatayo si Matthew sa tabi ng kanyang ina, tuwid ang tindig ngunit halatang hindi mapakali. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya kay Lindsay, ngunit agad ding iniiwas ang tingin kapag hindi siya nito nililingon.Samantala, si Lindsay ay tahimik lamang. Nakaupo siya sa sofa, nakayuko at mahigpit na magkahawak ang kanyang mga kamay. Halatang hirap siyang harapin ang sitwasyon.Sa kabila ng lahat ng naging alitan ng pamilya namin at ng mga Alvaro, isinantabi muna namin iyon.Hindi ito ang tamang panahon para magbilangan ng ka
Chapter 71Claudia’s POVHindi rin ako mapalagay sa napansin kong kakaiba kay Lindsay.Matagal ko na siyang kilala.Isa siya sa mga taong bihirang ipakita ang tunay niyang nararamdaman. Kahit may problema, palagi niyang inuunang ngumiti. Kahit pagod na pagod, sasabihin niyang kaya pa niya.Pero nitong mga nakaraang araw...Parang ibang Lindsay ang nakikita ko.Tahimik.Laging tulala.Madaling magulat.At kapag akala niyang walang nakatingin, nahuhuli ko siyang umiiyak.Hindi iyon normal.Kaya nang mapansin din iyon ni Van ay kinausap niya ako."Love...""Mas mabuting ikaw ang kumausap kay Lindsay.""Babae sa babae.""Baka mas maging komportable siyang magsabi sa'yo."Tumango ako.Alam kong tama siya.Kung may itinatago man si Lindsay, baka sa akin niya kayang ilabas.Kinagabihan ay nadatnan ko siyang mag-isang nakaupo sa veranda.Tahimik lamang siyang nakatanaw sa madilim na kalangitan.May hawak siyang tasa ng tsaa ngunit malamig na iyon.Halatang hindi man lang niya nainom.Lumapit
Chapter 70Claudia's POV“Saan kayo nagkakilala ni Gabriel?” tanong ko sa babaeng isinama niya sa bahay.Magkatabi silang nakaupo sa sala habang naghihintay ng hapunan. Halata sa kilos ng anak ko na komportable siya rito. Hindi niya ito binibitawan ng tingin, at paminsan-minsan ay inaayos pa niya ang baso ng tubig nito o kaya ay inaabot ang mga pagkain na nasa mesa.Matagal ko nang hindi nakitang ganoon si Gabriel.Mula nang mabaril ang daddy niya, tila nawala ang dating masayahin at palabirong anak ko. Palagi siyang tahimik at seryoso. Kaya nang makita ko siyang muli na nakangiti habang kasama ang babaeng ito, para bang nabunutan ako ng tinik.“Sa hospital po,” mahinhin nitong sagot.Napalingon ako kay Gabriel.“Well, nang mabaril si Dad, I was so devastated. Siya ang isa sa mga taong laging nandiyan para samahan ako. Hindi niya ako iniwan kahit isang araw,” kuwento ni Gab habang nakatingin kay Seo-ri.Napangiti ako.Hindi ko man nakita ang lahat ng nangyari sa ospital, ramdam kong n
Chapter 2Claudia Diaz POVSa Maynila ako napadpad. Kailangan kong lumayo sa mga Montefalco. Sa tuwing naalala ko ang pangalan nila, nag-aapoy ako sa galit.Nagbigay ng kondisyon si Senyora Ingrid, “Huwag na huwag na raw akong lalapit pa sa kanila kung ayaw kong makulong.” Kalimutan ko na si Migu
Chapter 1Claudia Diaz POVHinahabol ko ang hininga ko. Pagod na pagod na ako. Sa bawat hakbang, nararamdaman ko ang bigat ng dalawang malalaking plastic bag na bitbit ko.Tirik na tirik ang araw dito sa Divisoria, pero mas matindi ang init na nagmumula sa semento at sa dikit-dikit na katawan ng
Chapter 20Grand Opening na ng aming store. Isang cake shop at 24-hour convenience store. Masayang-masaya ako na nag-prepare ng lahat ng kailangan. At talagang hands-on ako sa bago kong negosyo. Kasama ko si Kuya Rommel na pinsan ko. Siya ang naging general manager ko.Dumalo si Vanruth sa gran
Chapter 5Claudia Diaz POVNagpakilala itong si Elaine sa mga staff. Ibine-landra niya ang katawan niya sa Amores Building. Siya daw ang fiancé ni Van at malapit na silang magpakasal. Ang yabang niya. Napakahaliparot naman.Hindi pa rin ako nagpakilalang ako ang asawa ni Van Amores. Ang akala n







