LOGINSOFIAKINABUKASAN, HINATID ko ulit si mama patungo sa mansyon ng Bowles. Ayos lang kasi sa kanila kahit hindi stay in si mama. Sobrang bait talaga ng mag-asawa at wala akong masabi sa kanilang dalawa. Pagkapasok ko pa lang ng gate, natanaw ko na kaagad si Lily doon. Hindi na rin naman ako magtataka kung bakit siya nandito dahil kaibigan ang mga magulang nilang dalawa at magkababata sila. “Mama…maiwan ko na po kayo dito. Kapag maaga akong nakauwi ulit, susunduin kita. Basta maghintay lang po kayo sa akin dito. Kapag lumagpas na ng ala syete, umuwi na po kayo.”“Okay sige, anak. Ingat ka sa byahe.”Tipid akong ngumiti bago lumakad na. Ngunit paglabas ko ng gate, laking pagtataka ko nang makitang nakapamaywang si Lily. Mukhang hinintay niya pa talaga akong makalabas.“Ang galing mo rin talaga, ano? Hinahatid-sundo mo ang mama mo para makita mo si Andrew dito. Ang galing din ng naisip mo,” halata sa boses niya ang inis.Napakamot ako sa aking ulo at pagkatapos ay matamis siyang nginitia
SOFIAMAKALIPAS ANG TATLONG ARAW, naging normal na ulit ang takbo ng trabaho sa Étoile Maison. Wala nang nangyaring kakaiba sa opisina at wala na ring pagkakataong nagkita kami ni Lily. Sa totoo lang, mas gusto ko na rin iyon. Ayoko nang makipagtalo pa sa babaeng iyon dahil pakiramdam ko ay wala rin namang mangyayari kahit magpalitan pa kami ng isang daang salita. Pareho lang kaming hindi magpapatalo.Pagsapit ng alas singko ng hapon ay natapos ko na rin ang lahat ng reports na ipinagawa sa akin. Nagpaalam muna ako kina Janella at Zid bago lumabas ng opisina."Sofia, uuwi ka na ba?" tanong ni Janella."Hindi pa. Dadaan muna ako sa mansion nila Ma'am Eve. Susunduin ko si Mama.""Araw-araw mo na ba siyang sinusundo?""Hindi naman. Kapag maaga akong nakakalabas, sinusundo ko siya. Mas kampante kasi ako kapag magkasama kaming umuuwi.""Tama lang iyon," sabi ni Janella. "Mas okay na rin na may kasama siya sa biyahe."Tumango lang ako bago tuluyang nagpaalam sa kanila.Hindi naman kalayuan
SOFIAKinabukasan, maaga akong bumangon dahil sinabi ni Mama na sasabay na lang daw siyang umalis sa akin. Gusto ko kasi siyang ihatid sa mansion ng pamilya Bowles para kahit papaano ay makasiguro akong maayos siyang makakarating. Habang kumakain kami ng almusal ay hindi ko pa rin maiwasang paalalahanan siya."Ma, tandaan mo ang sinabi mo sa akin kagabi. Kapag napagod ka, magpapahinga ka agad. Huwag kang mahihiyang sabihin kina Ma'am Eve kapag masama ang pakiramdam mo."Napangiti siya habang umiinom ng kape."Naku, anak. Pang-ilang beses mo na bang sinabi iyan simula kagabi?""Kahit isang daang beses ko pang sabihin iyan, uulitin ko pa rin.""Ang kulit mo talaga.""Natural. Ikaw na lang ang pamilya ko. Siyempre mag-aalala ako.""Hindi mo na kailangang mag-alala. Sinabi ko na sa oyo, hindi naman mabigat ang trabaho ko roon.""Oo na po. Pero gusto ko pa ring marinig na inuulit mo."Napailing siya bago ngumiti."Sige na nga. Kapag napagod ako, magpapahinga ako. Kapag masama ang pakiramd
SOFIA Pagdating ko sa bahay ay agad kong inilapag ang bag ko sa lumang sofa sa sala. Tahimik ang buong bahay. Akala ko noong una ay nasa kusina lang si Mama dahil madalas ko siyang datnan na naghahanda ng hapunan kapag mas maaga akong nakakauwi. Ngunit matapos kong silipin ang kusina, wala rin siya roon. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa pagtataka. "Saan naman kaya nagpunta si Mama?" Napatingin ako sa orasan. Mag-aalas sais pa lang ng hapon. Hindi naman niya ugali ang umalis ng hindi nagsasabi sa akin. Kung may pupuntahan man siya, lagi niya akong tinetext o kaya naman ay iniiwanan ako ng sulat sa mesa. Nilibot ko pa ang maliit naming bahay para makasiguro na wala talaga siya. Nang makumpirma kong ako lang mag-isa, nagpalit muna ako ng damit at naghugas ng mukha. Pagkatapos ay nagsaing ako at nag-init ng ulam na nasa refrigerator. Habang kumakain ako, panay ang tingin ko sa p***o. Lumipas ang halos tatlumpung minuto. Hanggang naging alas siyete pero wala pa rin si Mama. Hindi ko
ANDREWILANG ARAW ANG MABILIS NA LUMIPAS. At sa bawat araw na dumadaan, pakiramdam ko lalo kaming napapalapit sa isa't isa ni Sofia.Pagkalabas ni Sofia sa opisina ko ay hindi ko namalayang nakangiti na pala akong mag-isa. Hanggang sa tuluyan nang magsara ang pinto ay hindi ko pa rin maalis ang tingin ko roon. Napailing na lang ako bago isinandal ang likod sa upuan. Ewan ko ba kung ano na ang nangyayari sa akin nitong mga nakaraang linggo. Dati, sapat na sa akin ang makita siyang dumadaan sa hallway o marinig ang boses niya habang nagbibigay ng report. Ngayon, kahit halos araw-araw ko na siyang nakikita, pakiramdam ko ay kulang pa rin ang oras na magkasama kami.“Hays…Sofia… talagang ginulo mo na ang mundo ko,” mahina kong bulong.Kanina ay sabay kaming nag-lunch sa loob ng opisina ko. Noong una ay tumanggi pa siya dahil baka raw may makakita at kung anu-anong tsismis na naman ang lumabas sa kumpanya. Kinailangan ko pa siyang kulitin nang halos limang minuto bago ko siya napapayag. Si
LILY Hindi ko na halos maramdaman ang pagmamaneho ko pauwi sa sobrang inis. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang bawat salitang binitawan ni Sofia kanina. Sa lahat ng taong nakilala ko, ngayon lang may babaeng naglakas-loob na sagutin ako nang ganoon. Hindi lang iyon. Halata pang wala siyang kahit katiting na takot sa akin. Mabilis kong ipinarada ang sasakyan sa basement parking ng condominium. Pagkababa ko ay padabog kong isinara ang p***o bago tuluyang pumasok sa elevator. Habang tumataas ang elevator ay hindi ko mapigilang mapairap. "Anak ng kasambahay lang, pero kung magsalita akala mo kung sino," inis kong bulong sa sarili. Pagdating sa unit ko ay agad kong ibinagsak ang handbag sa sofa. Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit. Diretso akong nagtungo sa mini bar, nagsalin ng malamig na tubig sa isang baso at ininom iyon nang halos isang lagok. Pero kahit ganoon, hindi pa rin nawala ang inis ko. Mas lalo pang bumalik sa is
EVEDalawang araw na ang lumipas mula nang tuluyan kong iwan ang mansion ng mga Bowles. Ngunit hanggang ngayon ay pakiramdam ko ay hindi pa rin tuluyang nagsisink in sa akin ang lahat ng nangyari. Para bang napakabilis ng mga pangyayari na minsan, naiisip kong baka panaginip lang ang lahat at magig
EVEMABILIS na dumaan ang isang buwan. Maaga akong nagising nang araw na iyon na may kakaibang pakiramdam sa katawan ko. Ilang araw ko nang nararamdaman ang madalas na pagkahilo at mabilis na pagkapagod. Pero hindi ko iyon masyadong pinansin dahil inisip kong baka dala lang iyon ng stress at puyat
EVE Maghapon kong iniwasan ang sarili ko sa loob ng mansion dahil pakiramdam ko, lalo lang akong nalulunod sa katahimikan kapag nandoon ako. Sa bawat sulok ng bahay na iyon ay may alaala ng paghihintay, ng pag-asa at ng paulit-ulit na pagkadurog ng puso ko. Kahit gaano pa ito kalaki at kaganda, hi
EVEMarahan akong napaharap sa kanya. At sa dilim ng kwarto ay bahagya kong nasilayan ang matigas niyang mukha na tila walang bakas ng init o lambing kahit ang mga kamay niya ay patuloy na marahang humahaplos sa akin. Tahimik lang siya, gaya ng dati. Walang paliwanag. Walang paghingi ng tawad sa mg







