Mag-log in“Ha? Bakit po bawal ang kape? Kapag sumasakit ang sikmura ko noon sa Baguio, umiinom lang ako ng kape at agad na gumagaan ang pakiramdam ko,” pagtutol ni Amara. “At noong sumakit iyan sa Baguio, sa madaling-araw din ba? May kasama bang pagkahilo at pakiramdam na parang nasusuka ka?” mausisa pang tanong ng katiwala. “Ah, hindi po. Hindi naman kasing tindi ng nararamdaman ko ngayon. Simpleng hapdi lang ng tiyan ang nararamdaman ko noon, pero ngayon ay parang ibang klase na ang bigat,” sagot ni Amara. “Ganoon nga! Kaya bawal ang kape. Kailangan mo ng malinamnam at pampalusog para sa iyong sarili at sa magiging tagapagmana ng pamilya,” may ngiting sabi ni Manang. “T-Tagapagmana? Ano po ang ibig ninyong sabihin?” gulat na tanong ni Amara.“Amara, ang nararamdaman mo ay tanda ng pagdadalang-tao! Buntis ka! At mula ngayon, madalas ka nang mahilo at makaramdam ng pagkahapdi ng sikmura. Tinatawag natin itong paglilihi. Mawawala lang ang ganitong pakiramdam kapag nahanap mo na ang mga pagka
“Ang babaeng iyon ay Arabella ang pangalan,” dugtong pa ng matanda, “Pinahanap ko na siya saan man siya naroroon. At sumusumpa ako sa iyo, Anton, na pagbabayaran niya nang husto ang kanyang ginawa sa iyo. Kahit na gumaling ka na ngayon at nakakakilos na muli, huwag mong kalimutan na dahil sa kanya ay naging wala kang silbi, pansantalang naging umpo, at nabuhay sa dilim ng kawalan ng pag-asa sa loob ng maraming buwan. Kaya sisiguraduhin kong mabubulok siya sa loob ng bilangguan. Anuman ang kanyang pagkatao, saan man siya nagtatago, at anuman ang pangalang ginagamit niya ngayon, kailangan niyang panagutan ang krimen na ginawa niya sa iyo.” Sa sandaling marinig iyon ni Anton, napayuko siya at mahigpit na kinuyom ang kanyang mga palad. Ang mga salita ng kanyang lola ay tila nagpapatibay sa kanyang mga hinala, ngunit sa kabila nito ay may kakaibang bigat pa ring bumabalot sa kanyang dibdib. Ang babaeng tinutukoy ng katotohanan ay walang iba kundi ang babaeng kasama niya ngayon, ang minama
“Kung na-realize mo na hindi mo kayang panindigan ang mga sinabi mo noon, naiintindihan ko. Ako na lamang ang lalayo at aalis. Magaling ka na, maayos ka na sa kalusugan at sa pakikipagtalik. Dahil dito, nabubuhay muli ang pag-asa ng iyong pamilya at ang lahi ninyo. Sasabihin ko na rin kay Donya Soledad na naging maayos at perpekto ang pagganap mo habang kasama ako. At dahil tapos na ang misyon ko, wala nang dahilan para manatili pa at mapilitan kang magkunwari ng ganito.” Humugot ng malalim na hininga si Amara, nilalabanan ang pagkabasag ng boses at ang pag-alog ng balikat, pero ang mga luhang tahimik na dumaloy sa mga mata niya ay hindi niya napigilan. “Alam mo naman na ang dahilan kung bakit ako nanatili at tumulong ay upang mabayaran ang utang na loob ko at matulungan kang gumaling. At ngayong nagawa ko na ang lahat ng iyon, dahil maayos ka na at wala nang dahilan para manatili pa ako, aalis na ako.” Pagkatapos sabihin iyon ni Amara, doon lamang lumingon si Anton sa kanya. Ngunit
Sa mga sandaling iyon, unti-unting namutla ang buong mukha ni Anton. Ang dugo ay tila umurong pabalik sa kanyang puso habang binabasa ng kanyang isipan ang mga magkakaugnay na pangyayari. Ang pagkakahawig ng ugali, ang parehong ngiti, ang amoy, at ang mga bagay na dati ay kanyang ipinagwalang-bahala ngayon ay nagtutugma na lahat sa iisang katotohanang handang bumago sa takbo ng kanyang buhay. “Arabela… Amara… ikaw nga ba ang kasama ko sa kubo sa paanan ng bundok noong mga panahong iyon?” Nanginginig ang tinig ni Anton habang pilit na binubuo ang mga tanong na tila matalim na patalim sa kanyang sariling dibdib. “Ikaw nga ba ang dahilan kung bakit ako nahulog sa matarik na bangin? Ikaw nga ba ang tunay na salarin sa lahat ng nangyari? Ikaw ba ang dahilan kung bakit napunta ako sa ganitong kalagayan, nawalan ng alaala, napilitang magsimulang muli, at dumanas ng matinding hirap at pagkalito sa loob ng mahabang panahon?” Huminto siya sandali, parang may nakabara sa kanyang lalamunan ba
Mahimbing nang natutulog si Anton matapos ang halos ilang oras na sesyon sa doktor. Si Amara na lang ang maghahatid sa mga panauhin matapos itong maghapunan. Matapos makapagligpit ni Amara, ay nangbilin na lamang siya sa kasambahay na ito na lamang ang bahalang magsara ng lahat at mag-lock ng pinto. Para kasing napagod din si Amara sa eksaminasyon ni Anton.Sa kalagitnaan ng kahimbingan ni Anton, nagsimula itong maging malikot. Maya-maya, pinagpawisan siya nang malagkit. Nagpabaling-baling siya ng ulo, at maririnig ang mahihinang pagungol na tila naghihirap. Muli na naman itong nanaginip."Aaah, tama na! Huwag kang tumakbo. Bakit ba tumatakbo ka…?" awat niya sa babaeng nakatalikod sa kanya. Ngunit parang hindi siya narinig ng babae.Nagpatuloy sa pagtakbo ang babae. Habang si Anton naman ay patuloy na humahabol.Hindi niya maintindihan kung bakit kahit anong habol niya, ang babae ay parang hindi gumagalaw sa kinatatayuan. Nakapagtataka kung gaano kalambot ang lupa na tila putik na. Ma
Natahimik si Amara. Ang matagal nang itinatagong lihim ni Anton ay sa wakas nabunyag na maging ang kanilang ipinagbabawal na relasyon ay natuklasan din ng matanda. Tama nga ang sabi ni Anton. Kakaiba talaga ang pananahimik ni Donya Soledad. Kung nakapagtataka na ito para kay Anton, na hindi pa lubos na alam ang kabuuan ng sitwasyon, higit pa itong nakakabagabag at kakaiba para kay Amara.Unti-unti nang binabalot ng matinding pagkakasala at panunumbat sa sarili ang kalooban ng dalaga. Alam niyang bukas na ang katotohanan tungkol sa kanilang dalawa, at batid niyang ligtas na at hindi na nasa panganib si Anton. Wala na sanang dahilan para manatili pa siya rito, at wala na ring dahilan para ilihim din niya sa binata ang sarili niyang pinakamabigat na lihim.Ngunit sa kabila ng lahat, pinipigilan siya ng kanyang puso. Hindi siya makawala at hindi niya kayang lumayo. Nais pa niyang makapiling si Anton nang mas matagal. Nais pa niyang pahabain ang mga sandaling puno ng pagmamahalan na kanila







