Share

CHAPTER 91

Author: GirlonFire28
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-11 20:09:00
HINDI TINITIGILANG kausapin ni Aya si Nick. Nasa labas na ang pamilya ni Nick, pero siya ay nanatili sa tabi nito. Ayaw niyang umalis. Ayaw niyang iwan si Nick. Ang gusto niya ay kausapin lang ito nang kausapin.

Malaki ang paniniwala niya na kahit hindi ito sumasagot sa mga sinasabi niya ay naririnig siya nito.

Ang dati niyang boss na si Liam ang naiwan na kasama niya sa loob para umalalay sa kaniya. Oo, kailangan niya ng alalay ngayon dahil bukod sa kapapanganak pa lamang niya ay nakawawala
GirlonFire28

Palambing ulit ng thumbs up please. Salamuch

| 23
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Elvira Peralta
pagalingin nyo c Nick Ms.A thanks ...
goodnovel comment avatar
Rizza Macaraig
please pagalingin nyo po si nick
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 91 PART 2

    ANG SUMUNOD na mga sandali para kay Aya ay naging kainip-inip. Nando'n lamang siya sa labas ng pinto ng operating room. Naghihintay na matapos ang operation. Naghihintay na bumukas ang pinto at sabihin ng doktor na successful ang operation ni Nick. "Ayaw mo ba talagang umuwi na lang rin muna?" Nilingon niya si Liam. "Ayokong umuwi. Dito lang ako. Maghihintay na matapos ang operation ni Nick." Buo ang pasya na sagot niya. "Hindi natin alam kung anong oras matatapos, Aya. Baka matagalan pa." "Okay lang. Maghihintay ako kahit bukas pa matapos." "But, Aya, you need to rest. Hindi matutuwa si Nick kapag nalaman niyang hindi ka nagpapahinga. Kapapanganak mo lang, dapat nagpapahinga ka pa." Umiling lang siya at muling tumingin sa nakasaradong pinto ng operating room. "Anong nangyari sa kaniya? Paano siya nauwi sa ganito?" mayamaya ay tanong niya kay Liam. Hindi ito sumagot kaya napilitan siyang lingunin ito. "Sir Liam." "Liam na lang. Mas'yadong pormal ang sir. Isa pa, hindi

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 91

    HINDI TINITIGILANG kausapin ni Aya si Nick. Nasa labas na ang pamilya ni Nick, pero siya ay nanatili sa tabi nito. Ayaw niyang umalis. Ayaw niyang iwan si Nick. Ang gusto niya ay kausapin lang ito nang kausapin. Malaki ang paniniwala niya na kahit hindi ito sumasagot sa mga sinasabi niya ay naririnig siya nito. Ang dati niyang boss na si Liam ang naiwan na kasama niya sa loob para umalalay sa kaniya. Oo, kailangan niya ng alalay ngayon dahil bukod sa kapapanganak pa lamang niya ay nakawawala ng lakas ang kalagayan ni Nick. Nakahahabag na nakikita niya ito sa ganitong klaseng sitwasyon. Parang hindi ito si Nick. Nasanay siya sa isang malakas, makulit, at maalagang Nick. Pakiramdam niya ay nananaginip pa rin siya. Hindi niya maipaliwanag iyong sakit habang pinagmamasdan ito na tila wala nang buhay. "Nick, gumising ka na, please? Gusto ko nang marinig ang boses mo." Pakiusap niya rito habang hawak ng mahigpit ang isang kamay. "Gumising ka na... Nandito na ako." Pagkasabi niya ni

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 90 PART 2

    KINABUKASAN, bandang hapon na ng tuluyang makalabas ng hospital ang mag-iina ni Aya. Sa mansiyon ng mga Imperial sila dumiretsong mag-iina. Kailangan pa niya ng pahinga, ngunit hindi na makapaghintay si Aya. Hindi na niya kayang lumipas ang panibagong araw na hindi nakikita si Nick. Kaya nang araw ding iyon, niyaya niya ang ate Rosie niya na samahan siya sa hospital. Naiwan sa mama Julie at mommy Viona niya ang kambal. Bago sila umalis ng ate niya, sinigurado niyang busog ang kambal at nag-iwan pa siya ng gatas niya sa feeding bottle, just incase na magutom at wala pa siya. "Okay ka lang ba, Ate?" Hindi niya napigilang tanong sa kapatid habang magkatabi sila sa backseat. Pag-alis pa lamang nila sa mansiyon, pansin na niya na parang hindi ito mapakali. "Ate, may problema ba?" Ulit niya, hindi kasi ito sumagot sa una niyang tanong. "Wala naman." Kaila nito. "Sigurado ka? Kasi kanina ko pa napapansin na parang aligaga ka, eh. Tapos parang ayaw mong tumuloy tayo." "Prima."

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 90

    KAHIT anong pagbibigay assurance ng mama Julie at mommy Viona ni Aya, hindi naging sapat iyon upang mawala ang takot na nararamdam ni Aya para kay Nick. Kahit ilang beses nang sinabi ng mga ito na nangako si Nick sa kanila na pupuntahan kaagad siya sa oras na matapos ang inaasikaso nito ay hindi naniniwala si Aya. Hinding-hindi niya paniniwalaan ang alibi na iyon ng mga magulang. Kilala niya si Nick, kahit anong ginagawa nito basta kailangan niya ay darating ito kaagad para sa kaniya. At kahit hindi niya ito kailangan, palagi itong nasa tabi niya. Kaya hindi siya naniniwala sa dahilan ng mama at mommy niya. Imposible na ngayon pa uunahin ni Nick ang ibang bagay kaysa sa kanilang mag-iina. Gayong alam niya kung gaano ka-excited si Nick para sa araw na ito. Dahil sigurado si Aya na kahit ang pamilya niya ay hindi maniniwala na mas inuna ni Nick ang inaasikaso nito ngayon kaysa sa kanilang mag-iina. Nagsisinungaling ang mga ito sa kaniya tungkol kay Nick, sigurado siya sa bagay na

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 89 PART 2

    Mula sa wheelchair, binuhat niya ang pinsan. Eksaktong nakasalubong niya si Warren, tinulungan siya nitong dalhin si Nick sa emergency room. "Hey, Nick! Wake up, please! Tang'na mo, ngayon ka pa ba bibigay? Akala ko ba gustong-gusto mong makita ang mga anak mo? Ha?" Kinausap ni Liam ang pinsan. Walang sagot. Walang reaksyon. Pagdating nila sa emergency room, kaagad itong cheneck ng mga doktor at ni Warren. Pinalabas siya ng isang nurse. "But--" "I'm sorry, Sir. Sa labas po muna kayo." Napilitang lumabas si Liam. Habang nasa labas ng emergency room, hindi siya mapakali. Upo-tayo, lakad-hinto ang ginawa niya. Nasa gano'ng estado siya nang humahangos na dumating si Kuya Nicholai, kasunod nito si Uncle Fausto at Auntie Martina. "Liam, anong nangyari sa anak ko?" Kaagad na salubong sa kaniya ng ina ni Nick. "Auntie." "Anong nangyari sa anak ko, Liam?! Bakit hindi ka makasagot?!" Nag-hysterical na ito. Pinagsusuntok sa dibdib si Liam. "Auntie." "Anong nangyayari,

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 89

    AWANG-AWA si Liam habang pinagmamasdan ang paborito niyang pinsan. Si Nick. Nakailang collapsed na ito kanina, pero ang tigas ng ulo. Nagpumilit pa ring puntahan si Aya sa kabila ng sitwasyon.At sa tulong nilang dalawa ni Warren na kaibigan ng pinsan niya, napapayag nila ang doktor na payagan si Nick na makapunta rito sa labas ng operating room kung saan kasalukuyang nanganganak si Aya via cesarean section. Hindi napigilan ni Liam na balikan sa isip ang ginawang pagmamakaawa ni Nick kanina, makapunta lang rito sa operating room. "Please, Liam! Help me. Kailangan kong puntahan ang mag-iina ko." "Nick, kailangan mo ring ma-admit! Look at yourself! Magpapakamatay ka ba talaga?" "I'm fine. Liam, I'm fine." "You're not. Nakailang collapsed ka na ba? Please, kahit ngayon lang unahin mo muna ang sarili mo, Nicholas." "No. Liam, please... She needs me. Nangako ako kay Aya na oras na manganak siya, sasamahan ko siya sa loob." "Nicholas, huwag mo nang ipilit. Hindi ka rin naman papayaga

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 44 PART 1

    Amaya Shannel "Sa tingin mo ba papayag ako na gano'n-gano'n na lang? Pagkatapos mo 'kong tikman, mawawala ka na lang nang parang bula? Paano naman ako?" Hinampo niyang litanya, pero halatang nang-aasar lang. Inirapan ko siya at alistong itinukod ang mga kamay sa dibdib niya nang tangkaing idii

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 43 PART 2

    Amaya Shannel AT DAHIL SA BIGLANG pagsulpot ni Nicholas sa kumpanya, hindi tuloy ako makapag-concentrate sa ginagawa ko. Kaya natapos at natapos ang buong maghapon, wala na akong nagawa. Hanggang sa mag-uwian na ang mga empleyado. Laking pasalamat ko na nakauwi at nakauwi ako sa bahay na inu

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 43 PART 1

    Amaya Shannel "She's here? As in here?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Rachel. "Yes, she's here." Hindi ko na maipaliwanag ang kab0g ng dibdib ko. Lalo na nang sabay-sabay na lumingon sa akin ang mga kasama ko. Lahat sila, nagtatanong ang mga matang nakatingin sa akin. Shít! Umiling

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 42 PART 2

    AMAYA SHANNEL NO. HINDI SIYA IYON. Piping paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili. Kahit ang totoo, kinukutuban na ako. Aya, chill. Maraming San Martin sa mundo. Imposibleng siya iyon. Piping patuloy na pagpapakalma ko sa aking sarili. Pero hindi, eh. Nagkataon lang ba iyon na kaapilyedo ni

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status