MasukTahimik ang buong opisina ng Navarro Innovations nang pumasok si Celestine.
“Ma’am Celestine, good morning,” bati ng secretary niya. “Morning, Mia. Pakitawag kay Mr. Santos mamaya after lunch. We need to finalize the presentation for next week.” “Yes, ma’am.” Tumango siya, sabay diretso sa glass-walled office niya. Nang isara niya ang pinto, bumuntong-hininga siya. Pinindot niya ang power button ng laptop, pero habang naglo-load pa ito, kusa niyang kinuha ang cellphone. Binuksan niya ang chat thread nila ng “associate.” O mas kilala sa isip niya bilang Adrian’s mystery man. Kahapon pa niya ito gustong i-message. Hindi lang niya alam kung paano sisimulan. Kumapit siya sa phone, tumingin muna sa screen, saka nag-type: Celestine: Hi. Are you busy? Mabilis ang reply. Unknown: A bit. Why? Napangiti siya. “Of course,” bulong niya. Celestine: Nothing serious. do you still drink coffee? Unknown: Occasionally. Why? Celestine: I’m in the mood for coffee. And maybe some company. Napahinto si Adrian sa ginagawa niya nang mabasa iyon. Nasa opisina siya, surrounded by files and reports, pero sa sandaling iyon, parang tumigil ang paligid. Binasa niya ulit. “I’m in the mood for coffee. And maybe some company.” Napakamot siya ng batok. “Okay. Relax, Adrian,” bulong niya sa sarili. “Hindi ito board meeting. It’s just… coffee.” Pero kahit sabihin pa niya iyon, ramdam niya ang kabog ng dibdib niya. Mabilis siyang nag-type: Unknown: You mean now? Celestine: Maybe later. After work. I’ll be at Café Luna, around 6 PM. Napahinto siya. Café Luna. Parehong café kung saan halos nahuli siya ni Celestine noong nakaraan. Unknown: Is this an invitation or an ambush? Celestine: Depends. Will you come? Napangiti si Adrian. ang tapang n'ya Iyon ang pinaka gusto niya kay Celestine Pero kasabay ng ngiti, may kaba rin. What if she starts suspecting something? Nag-type siya ng maingat: Unknown: I’ll think about it. Agad siyang nireplyan ni Celestine. Celestine: No, don’t think. Just say yes. You owe me a coffee from last time, remember? Napailing si Adrian, pero natawa. “God, she’s persistent.” Unknown: You’re not giving me much of a choice, are you? Celestine: Nope. See you at 6. And don’t be late. Sa opisina pa rin, nakatitig si Celestine sa laptop pero wala talaga sa focus. Sa tuwing naaalala niya kung gaano kalamig pero kalambing ang tono ng mga messages nito, hindi niya maiwasang mapangiti. “Why do I feel like I’m in high school again?” bulong niya habang nagso-scroll sa email. Mia knocked on the door. “Ma’am, do you still want me to schedule Mr. Santos?” “Ah, no. Move it to tomorrow. I’m… uh, heading out early.” Tumango si Mia, bahagyang nakangiti. “Date, ma’am?” “Meeting,” mabilis na sagot ni Celestine. Pero hindi niya napigilang mapangiti rin. Nakarating siya nang kaunti sa oras. Umuulan nang mahina, kaya malamig ang hangin sa loob ng café. Umorder siya ng caramel macchiato—usual niya. Habang hinihintay ang order, nagsend siya ng message: Celestine: I’m here. Don’t tell me you’ll be late. Sa loob ng opisina, hawak ni Adrian ang phone. Hindi pa siya makaalis. Nakatingin siya sa relo—6:10 PM. Kung aalis siya ngayon, aabot pa rin siya. Pero ang problema… paano kung makita siya ni Celestine at makilala agad? Hawak niya ang jacket niya, nagdadalawang-isip. Hindi niya pwedeng hayaan na maghintay ito nang matagal. Tumunog ulit ang phone. Celestine: 6:15. One more minute and I’m ordering you the most expensive coffee here. Napangiti si Adrian. She’s teasing him now. Pinindot niya ang reply. Unknown: Don't. I’m already on my way. 6:25 PM Pumasok si Adrian sa café, nakasuot ng simpleng black polo at dark jeans. Walang suit, walang bodyguards, walang aura ng CEO. Just him. Just Adrian. Hinahanap ng mata niya si Celestine, at nang makita niya ito—nakaupo sa corner, may hawak na phone, nakatingin sa labas—parang may sumiklab sa dibdib niya. Gusto niyang lapitan. Pero hindi niya magawa. Kaya umupo siya sa mesa sa dulo, kung saan kita niya si Celestine pero hindi siya madaling mapansin. Kinuha niya ang cellphone, nag-text. Unknown: I’m inside. Napaangat ng ulo si Celestine, napatingin sa paligid. “Inside?” bulong niya. Pero wala siyang makita na mukhang “associate.” Celestine: Where exactly? Unknown: Somewhere near. You’ll find me when it’s the right time. Napakunot ang noo niya. “Lagi na lang riddles,” bulong niya. Pero kahit mainis siya, hindi niya mapigilang mapangiti rin. Celestine: You’re making me sound like I’m in some movie. Unknown: Maybe you are. Maybe this is your scene. Celestine: Then what’s your role? Unknown: The man who can’t show his face yet. Napahinto siya, napatingin sa paligid ulit. “Why does that sound so familiar?” Habang tumitingin siya, napatingin siya sa direksyon ni Adrian, na agad umiwas ng tingin at kunwari abala sa phone. Naramdaman ni Adrian ang kaba sa dibdib niya. Muling nag-text si Celestine. Celestine: You know what, you’re weird. But fine. I’ll wait a little longer. Unknown: You won’t have to wait forever. 7:00 PM Isang oras na silang nagte-text sa loob ng parehong café. Si Celestine, hindi alam na nasa ilang metro lang sa kanya si Adrian. At si Adrian, pilit pinipigilan ang sarili na hindi magsalita. Celestine: It’s funny. I don’t even know your name, yet I feel like I can talk to you for hours. Unknown Number: Then talk. I’ll listen. Celestine: You’re too easy to talk to. But also… too mysterious. Unknown: Maybe mystery keeps things interesting. Celestine: Or maybe it just makes people curious. Unknown: Are you curious about me? Celestine: Maybe a little. Or a lot. I don’t know. Si Adrian, halos mapahawak sa dibdib. Hindi niya alam kung matatawa o matataranta. “She’s flirting with me,” bulong niya sa sarili, habang pilit pinipigilang ngumiti. Unknown: Then I guess I should take that as a compliment. Celestine: Don’t get used to it. I just like the way you talk. Unknown: And how’s that? Celestine: Calm. Gentle. Like you actually mean what you say. Not many people talk like that anymore. Sa sandaling iyon, napatingin si Adrian sa kanya. At doon niya na-realize kung gaano kasimple pero kalalim ang gusto ni Celestine. Hindi siya naghahanap ng grand gestures, o mahal na regalo. Gusto lang niya ng taong marunong makinig. 7:30 PM Dumating na ang order ni Celestine ng second cup. Kinuha niya ito, saka nag-type ulit. Celestine: You know, you could just tell me your name. I might stop guessing then. Unknown: But what if I like the guessing part? Celestine: Then I’ll keep guessing. Unknown: Go ahead. Celestine: Hmm… You sound like someone who’s too composed. Maybe an older type. Businessman vibe. Napangiti si Adrian. “Spot on,” bulong niya. Unknown: Not bad. Celestine: So I’m right? Unknown: Maybe. Maybe not. Celestine: Ugh, fine. You’re impossible. But… I’ll find out someday. Unknown: You will. Just not yet. Habang nagte-text sila, biglang bumuhos ang ulan sa labas. Nagulat si Celestine, pero napangiti rin. “Looks like I’m stuck here for a while.” Nag-type siya: Celestine: It’s raining hard. Guess I’ll stay a bit longer. Unknown: Then I’ll stay too.CHAPTER: What Power Sounds Like When It’s QuietUmaga pa lang, ramdam na ni Calestine ang pagbabago.Hindi dahil may nagsalita.Kundi dahil wala.Ang hallway papunta sa office floor ay dati laging may bulungan—mga paanas na tawa, mga tingin na may halong panghusga. Ngayon, ang tunog lang ay ang maingat na yabag ng sapatos at ang mahihinang pag-click ng keyboard mula sa loob ng mga cubicle.Hindi siya minamadali ng oras. Hindi rin siya hinahabol ng kaba.Huminto siya sandali sa harap ng salamin sa restroom. Tinitigan ang sarili—ang postura niya, ang linya ng balikat, ang steady na mga mata. Hindi ito ang Calestine na dati niyang nakilala. Hindi na siya yung marahang umiiwas ng tingin.She adjusted her blazer. Isang maliit na galaw, pero may bigat.Paglabas niya, naroon na si Adrian sa dulo ng hallway, nakatayo malapit sa bintana. Hindi siya tumingin agad. Parang alam na niya ang presensya nito.Magkasabay silang naglakad papunta sa executive floor—walang hawak-kamay, pero magkasing-hak
CHAPTER: The Weight of SilenceTahimik ang opisina pagkatapos ng announcement. parang tumatak sa mga empleyado ang mga sinabi ni adrian. Walang nag tangka, walang sumuway, pero bakas sa mukha nila na gusto nilang mag usap, gustong may pag usapan, pero bawal.Hindi yung normal na tahimik—kundi yung klase ng katahimikan na may iniwang bakas sa hangin. Parang may dumaan na bagyo, tapos lahat ng tao nagkukunwaring normal kahit ramdam pa rin ang pinsala.Naglalakad si Calestine papunta sa desk niya, hawak ang tablet, tuwid ang likod, steady ang hakbang. Pero sa loob niya, ramdam pa rin niya ang tibok ng puso—hindi mabilis, hindi magulo—kundi mabigat. Parang bawat hakbang ay may kasamang alaala ng mga panahong hindi siya ganito kalakas.Napansin niya ang mga mata.Hindi na mapanuri.Hindi na mapanghusga.Kundi maingat.May ilan na umiwas ng tingin. May ilan na biglang nagkunwaring busy. May ilan na hindi alam kung paano siya titingnan—parang gusto magsalita pero natatakot.At sa unang pagk
Hindi agad sinabi kay Adrian.Hindi direkta.Hindi harapan.Dumating lang sa kanya ang chismis sa paraan na kinaiinisan niya—pira-piraso, pabulong, palihim.Mga mata na biglang umiilag kapag papalapit siya.Mga boses na biglang tumitigil sa kalagitnaan ng pangungusap.At isang katahimikan sa opisina na masyadong pilit para maging normal.Napansin niya iyon bago pa man may magsabi.At nang kumpirmahin ni Calestine—hindi sa reklamo, kundi sa isang mahinahong ulat—doon tuluyang nagdilim ang mukha ni Adrian.“Hindi na bago,” sabi ni Calestine, kalmado habang inaayos ang files sa tablet niya. “Pero mas malakas ngayon. Mas lantad.”Hindi siya galit.Hindi rin nasasaktan.Pero si Adrian?Hindi umupo. Hindi huminga nang malalim.Tumayo lang siya sa gitna ng opisina niya, nakapamewang, tahimik—yung klase ng katahimikan na mas nakakatakot kaysa sigaw.“How long?” tanong niya.“Since yesterday afternoon,” sagot niya. “After the announcement.”Napangiti si Adrian. Hindi dahil amused—kundi dahil n
Sa umaga pa lang, alam na ni Calestine—hindi ito magiging tahimik na araw.Hindi dahil sa schedule. Hindi dahil sa workload.Kundi dahil sa hangin sa opisina.Yung klase ng hangin na punô ng bulungan, ng mga matang kunwari busy pero palihim na sumusunod sa bawat galaw mo. Yung klaseng presensya na ramdam mo sa batok kahit hindi ka nililingon.Habang naglalakad si Calestine papunta sa desk niya sa labas ng opisina ni Adrian, diretso ang tindig niya. Walang ni isang hakbang ang nagbago. Walang bakas ng pag-aalinlangan.Pero sa paligid—Huminto ang mga daliri sa keyboard.Bumagal ang paghinga.At sabay-sabay na nagsimula ang tahimik na usapan.“Siya na ’yon…”“Diretso sa tabi ni Adrian.”“Grabe ang tiwala.”Hindi sila nag-uusap tungkol sa trabaho.Nag-uusap sila tungkol sa kapangyarihan.At mas lalo silang nag-uusap dahil hindi na sila makalapit.Binuksan ni Calestine ang tablet niya, sinimulang ayusin ang mga files. Kalma ang galaw. Eksakto. Walang sayang na kilos.Pero sa loob niya, al
Tahimik ang executive floor—mas tahimik kaysa dati. Hindi dahil walang tao, kundi dahil walang gustong magkamali. Lahat ay alam na: may nagbago na sa balanse ng kapangyarihan.At ang sentro ng pagbabagong iyon ay ang babaeng kasalukuyang naglalakad sa hallway, diretso ang likod, hawak ang tablet, at walang bakas ng pag-aalinlangan sa mga mata.Si Calestine.Unang araw niya bilang executive secretary ni Adrian Cruz.Bawat hakbang niya ay may kasamang bigat. Hindi dahil sa pressure—kundi dahil sa mga matang sumusunod sa kanya. Dati, ang mga matang iyon ay mapangmataas. Ngayon, halo na ng pag-iingat at takot.Sa likod niya, ilang hakbang ang layo, naglalakad si Adrian. Hindi niya kailangang magmadali. Ang presensya niya mismo ang nag-uutos sa mundo na magbigay-daan.Huminto si Calestine sa harap ng opisina. Automatic na bumukas ang pinto. Pumasok siya, inayos ang mesa—malinis, maayos, walang kahit anong personal na gamit. Propesyonal.“Schedule?” tanong ni Adrian, isinara ang pinto sa li
Tahimik ang umaga sa loob ng opisina, pero hindi iyon yung uri ng katahimikan na kalmado. Ito yung katahimikang may nakaambang tensyon—parang alam ng buong gusali na may mangyayaring babago sa takbo ng lahat.Magkatabi sina Adrian at Calestine habang papasok. Pareho silang naka-formal attire, pero kitang-kita ang kaibahan. Si Adrian, dominante ang aura—isang lalaking sanay sundin, sanay katakutan. Si Calestine naman, tahimik pero matatag, hindi na yung babaeng yumuyuko sa bigat ng mga mata ng iba.Ngayon, sila ang iniiwasan tingnan ng mga tao sa company.Habang naglalakad sila sa hallway, ramdam ni Calestine ang mga bulong—hindi na bastos, kundi puno ng pagtataka.“Siya ba talaga…?”“Kasama niya lagi si Mr. Cruz…”“Grabe, ibang iba na siya ngayon.”Hindi na iyon nakakabawas ng loob. Sa halip, parang bawat bulong ay kumpirmasyon ng isang bagay na matagal na niyang ipinaglaban—narating niya ito.Huminto si Adrian sa gitna ng floor. Isang simpleng kilos lang, pero sapat para tumigil ang







