แชร์

KABANATA 7

ผู้เขียน: GennWrites
last update วันที่เผยแพร่: 2026-05-10 19:32:32

KINABUKASAN, maagang nagising si Marikit dahil sa amoy ng nilulutong almusal mula sa kusina.

Paglabas niya ng kuwarto ay nadatnan niyang abala si Stella sa paghahanda ng pagkain. May nilulutong arroz caldo para sa kaniya, may hiwalay pang steamed vegetables at grilled fish na maingat nitong inilalagay sa thermal lunch container.

“Good morning, anak,” malambing nitong bati nang mapansin siya.

Bahagyang ngumiti si Marikit bago marahang umupo sa dining chair. Kagabi pa niya sinabi kina Roberto at Stella na magre-resign na siya sa Altaverde Group at pansamantalang magiging assistant ni Professor Kent Morales sa loob ng isang buwan.

Noong una ay tutol silang dalawa.

“Buntis ka, Marikit,” paulit ulit na saad ni Stella kagabi. “Kailangan mong magpahinga.”

Ngunit nagpumilit si Marikit.

“Ayos lang ako,” mahinahon niyang paliwanag noon. “Hindi naman mabigat ’yung trabaho. Mas okay nang busy ako kaysa magkulong lang sa bahay at mag overthink.”

At sa huli, wala na ring naisagot si Roberto. Tahimik na lamang itong pumayag.

Habang abala si Stella sa kusina, sinubukan ni Marikit na tumulong ngunit agad siyang pinaupo ulit nito.

“Hindi. Ako na rito,” saad ni Stella. “Ikaw, magpahinga ka.”

Bahagya na lamang napangiti si Marikit bago kinuha ang cellphone niya.

Tahimik siyang nag-scroll online, naghahanap ng prenatal Pilates classes na puwedeng salihan. Gusto niyang maging healthy ang pagbubuntis niya. At higit sa lahat... gusto niyang mapanatiling maayos ang isip niya.

Ilang studio na rin ang napili niya nang biglang nanigas ang ekspresyon niya. Isang bagong post ang lumitaw sa social media feed niya. Galing iyon kay James Vergara, kaibigan ni Mikael.

Dati niya itong nakausap nang ilang beses noong assistant pa siya ni Mikael. Ngunit nitong mga nakaraang buwan, malinaw na nagbago ang trato nito sa kaniya.

Tahimik na bumagsak ang tingin ni Marikit sa larawan. Siyam na pictures sa isang private rooftop bar sa BGC. At sa gitna ng mga iyon, si Mikael at si Celine Lee.

Sa isang larawan ay nakasandal si Celine sa dibdib ni Mikael habang mahiyain itong nakangiti. Nakapulupot naman ang isang kamay ni Mikael sa balikat ng babae habang nakatitig dito nang puno ng lambing. Parang umaapaw sa sweetness ang buong litrato.

Sa caption nito ay nakasulat pa na, “Another night of being the third wheel. When are these two getting married?” Kasunod pa no’n ang laughing emojis.

Biglang sumikip ang dibdib ni Marikit. Parang may mabigat na kamay na marahas na pumiga sa puso niya hanggang sa halos hindi siya makahinga.

Tahimik niyang pinatay ang cellphone. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang tumayo at lumabas papunta sa balcony. Malamig ang hangin sa umaga ngunit hindi iyon sapat para pakalmahin ang gulo sa dibdib niya.

Marahan niyang hinaplos ang bahagyang nakaumbok niyang tiyan. At doon, unti unting namuo ang luha sa mga mata niya.

Kapag tuluyan silang naghiwalay ni Mikael, sigurado siyang pakakasalan agad nito si Celine. Magkakaanak sila, at alam ni Marikit kung gaano kamahal ni Mikael ang babae. Kung gano’n, mamamahalin din nito ang magiging anak ng mga ito.

Pero paano naman ang anak niya? Makikilala pa kaya nito ang sariling ama? Makakaranas pa kaya ito ng pagmamahal ng isang ama?

“Marikit, kain na,” tawag ni Stella mula sa loob ng bahay.

Biglang natauhan si Marikit nang marinig ang boses ng ginang. Mabilis niyang pinahid ang mga luha sa gilid ng mata bago pilit inayos ang ekspresyon niya at pumasok muli sa loob.

Paglabas niya mula sa restroom makalipas ang ilang minuto, kalmado na ulit ang mukha niya. Parang walang nangyari.

---

Pagkatapos ng almusal ay si Gabriel mismo ang naghatid kay Marikit papunta sa Altaverde Group.

Tahimik ang biyahe, ngunit ilang beses na napapatingin si Gabriel sa kapatid niya.

“May problema ba?” tanong nito sa huli.

Bahagyang umiling si Marikit. Ayaw na niyang pag usapan pa. Ngunit hindi nagpaawat si Gabriel.

“Hindi pwedeng kinikimkim mo lahat,” seryoso nitong saad habang nakatutok sa daan. “Buntis ka na ngayon. Hindi maganda ’yan sa’yo at sa baby.”

Matagal na natahimik si Marikit bago marahang nagsalita.

“Masakit lang siguro talaga...” pilit niyang ngiti. “Na tanggapin na may iba na si Mikael.”

Simple niya iyong sinabi, na parang wala lang. Pero alam ni Gabriel na nasasaktan siya. Hindi lang nito alam kung paano siya papagaanin.

“Lilipas din ’yan,” mahina nitong saad. “Dahan dahan kang magiging okay.”

Tahimik namang tumango si Marikit.

“Hmm.”

---

PAGDATING sa Altaverde Group, agad siyang bumaba ng sasakyan habang dala ang thermal lunch container. Nagpaalam siya kay Gabriel bago naglakad papasok ng building.

At doon, muli niyang nakita si Mikael. Kabababa lamang nito mula sa isang itim na Rolls Royce. Naka charcoal suit ito, malinis at elegante tulad ng dati. Broad shoulders, matangkad, at may napakalamig ng aura.

Tahimik na kumirot ang dibdib ni Marikit. Dati, kaya niyang tiisin lahat basta nakikita niya ito araw araw. Pero ngayon, bawat tingin niya rito ay parang unti unti siyang dinudurog.

Mabilis siyang tumabi at magalang na yumuko. “Good morning, President Altaverde.”

Ngunit gaya ng dati, hindi man lamang siya nilingon ni Mikael.

Mas lalo pa ngang lumamig ang ekspresyon nito nang mapansin siya. Diretso itong naglakad at nilampasan siya saka sa sumakay sa private elevator.

Tahimik na napapikit si Marikit bago huminga nang malalim. Pagkatapos ay sumakay na rin siya sa employee elevator.

---

DAHIL sa naging komprontasyon nila kahapon, mas lalo nang hindi maganda ang trato ni Samantha kay Marikit. Pagpasok pa lamang niya sa opisina ay agad na ipinasa rito ang mga trabaho nang walang kahit anong magandang salita. Ngunit wala nang pakialam si Marikit. Ang gusto na lamang niya ay matapos ang natitirang araw at makaalis.

Lumipas ang umaga nang ganoon. At nang mag-lunch break, dahil maganda ang panahon, naisipan niyang kumain sa maliit na eco park sa likod ng building.

Tahimik siyang bumaba ng elevator habang dala ang insulated lunchbox. Ngunit pagdating niya sa lobby ay bigla siyang natigilan. Papasok noon sina James Vergara at isa pang lalaking hindi niya kilala. Matangkad ito at halatang galing din sa mayamang pamilya base sa kilos at pananamit nito.

Ayaw sana silang pansinin ni Marikit kaya yumuko na lamang siya at naglakad palayo. Ngunit agad siyang napansin ni James. Sa laki ng katawan ni Marikit, imposibleng hindi siya mapansin nito.

Mabilis itong humakbang at hinarangan ang daraanan niya. Napahinto naman si Marikit. Pag-angat niya ng tingin ay agad niyang nakita ang disgusto sa mukha ni James.

“Bulag ka ba?” malamig nitong saad. “Hindi marunong bumati?”

Tahimik na napayuko si Marikit. Dati, maayos itong makitungo sa kaniya noong assistant pa siya ni Mikael. Pero ngayon, sa paningin ng mga kaibigan ni Mikael, isa na lamang siyang pangit, mataba, at desperadang babaeng nangarap ng higit sa kaya niya.

“Mr. Vergara,” mahina niyang bati.

Ngunit mapanuyang natawa lamang si James.

“Anong klaseng attitude ’yan?” sarkastiko nitong saad. “Akala mo ba talaga magiging reyna ka pagkatapos mong magpabuntis kay Mikael?”

Mariing napahigpit ang hawak ni Marikit sa thermal container habang ramdam niya ang matinding hiya. Ayaw na niyang patulan pa ito kaya tahimik siyang umiwas at naglakad palampas.

Ngunit sa mismong sandaling dumaan siya, biglang iniunat ni James ang paa nito.

“Ay!”

Hindi nakaiwas si Marikit. Malakas siyang natisod at tuluyang bumagsak paluhod sa matigas na marmol na sahig ng lobby. Napangiwi siya agad sa matinding sakit.

Kasabay no’n ay tumilapon ang hawak niyang insulated container. Tumapon ang mainit na arroz caldo at mga pagkain sa sahig. Biglang namutla ang mukha ni Marikit habang nanginginig ang katawan niya sa sakit.

At mula sa hindi kalayuan, biglang nanigas si Matthew Lee nang makita ang nangyari... Bakit kaya?

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Mine Even After Divorce   KABANATA 10

    SUBALIT wala nang pakialam si Marikit nang mga oras na iyon. Mahigpit niyang inalalayan ang tiyan niya bago diretsong naglakad palabas ng living room.Nang makita naman iyon ni Mikael ay bigla itong huminto. Unti-unting tumalim ang ang mga mata nito habang pinapanood ang asawa, pero katulad ng dato ay hindi ito nagsalita. Nanatili lang itong pinanonood ang papalayong babae.Paglabas ni Marikit ng villa ay agad siyang sinalubong ng malamig na hangin ng gabi. Wala siyang suot na jacket at manipis lamang ang tela ng damit niya kaya agad siyang nanginig sa ginaw. Naiwan din sa loob ng kuwarto niya ang cellphone at susi ng sasakyan.Sandali siyang napalingon sa napakalaking villa ng pamilya Altaverde. Unti-unting tinangay ng malamig na hangin ang mga luha sa gilid ng mga mata niya. Mahigpit niyang niyakap ang sarili at tuluyang naglakad palayo nang hindi na lumilingon pa.Tahimik siyang naglalakad sa ilalim ng mapuputlang ilaw ng exclusive subdivision habang mabagal na hinahaplos ang tiyan

  • Mine Even After Divorce   KABANATA 9

    SUMAKAY si Marikit ng taxi pauwi sa villa sa Ayala Alabang. Tahimik lamang siyang nakatanaw sa labas ng bintana habang mahigpit ang hawak sa bag niya. Pagdating sa villa ay wala siyang nadatnang kasambahay sa sala kaya diretsong umakyat siya sa kuwarto.Tahimik niyang inilabas ang isang malaking maleta mula sa cabinet bago nagsimulang mag impake. Mahigit kalahating taon din siyang nanirahan sa villa na iyon. Napakarami niyang gamit. Pero essentials at ilang damit lang muna ang dinala niya. Babalikan na lang niya ang iba kapag tuluyan na silang nag divorce ni Mikael.Tahimik siyang nagtitiklop ng damit nang biglang bumukas ang pinto. Agad niyang nakita si Aling Lydia. Pagkakita sa maleta ni Marikit ay agad kumunot ang noo nito.“Ano ’yang ginagawa mo?” mataray nitong tanong. “Uuwi rito mamaya si Sir Mikael. Saan ka pupunta?”Tahimik lamang na napatingin si Marikit dito.“Maghanda ka na ng dinner para kay Sir,” utos pa nito.Biglang natahimik si Marikit. Uuwi si Mikael? Marahil ay dahil

  • Mine Even After Divorce   KABANATA 8

    BIGLANG natigilan si Matthew Lee nang makita ang nangyari. Akala nito ay may nakasalubong lamang na kakilala si James kaya hindi siya lumapit kanina. Ngunit nang makita niyang nakaluhod ang babaeng buntis sa sahig habang namimilipit sa sakit, agad siyang mabilis na humakbang palapit. “Miss, okay ka lang ba?” mahinahon nitong tanong habang inaabot ang kamay sa kaniya. Ngunit bago pa makahawak si Matthew, agad siyang pinigilan ni James. “Hey, Matt. Hayaan mo na ’yan,” malamig nitong saad habang nakataas ang kilay. “Deserve naman niya.” Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Matthew bago malamig na nilingon si James. Hindi nito pinansin ang sinabi ng lalaki at diretsong inalalayan si Marikit para makatayo. “Nasaktan ka ba?” tanong nito. Ngunit sobrang sakit ng pagkakabagsak ni Marikit kaya hindi siya agad nakasagot. Tahimik lamang siyang umiling bago pilit na naglakad papunta sa tumilapong insulated container. Tahimik na napabuntong hininga si Matthew bago nilingon si James.

  • Mine Even After Divorce   KABANATA 7

    KINABUKASAN, maagang nagising si Marikit dahil sa amoy ng nilulutong almusal mula sa kusina. Paglabas niya ng kuwarto ay nadatnan niyang abala si Stella sa paghahanda ng pagkain. May nilulutong arroz caldo para sa kaniya, may hiwalay pang steamed vegetables at grilled fish na maingat nitong inilalagay sa thermal lunch container. “Good morning, anak,” malambing nitong bati nang mapansin siya. Bahagyang ngumiti si Marikit bago marahang umupo sa dining chair. Kagabi pa niya sinabi kina Roberto at Stella na magre-resign na siya sa Altaverde Group at pansamantalang magiging assistant ni Professor Kent Morales sa loob ng isang buwan. Noong una ay tutol silang dalawa. “Buntis ka, Marikit,” paulit ulit na saad ni Stella kagabi. “Kailangan mong magpahinga.” Ngunit nagpumilit si Marikit. “Ayos lang ako,” mahinahon niyang paliwanag noon. “Hindi naman mabigat ’yung trabaho. Mas okay nang busy ako kaysa magkulong lang sa bahay at mag overthink.” At sa huli, wala na ring naisagot si Roberto

  • Mine Even After Divorce   KABANATA 6

    ISANG sunod-sunod at mahihinang katok ang nagpabalik sa naglalakbay na isip ni Marikit. “Marikit, anak, nandito na sila Daddy mo,” mahinang tawag ni Stella mula sa labas ng pinto. Agad namang natauhan si Marikit mula sa pagkatulala sa lumang litrato. Mabilis niyang isinara ang photo album bago marahang tumayo.bPaglabas niya ng kuwarto, eksaktong kakapasok lamang nina Roberto at Gabriel sa loob ng condominium unit. Agad na lumiwanag ang mukha niya nang makita ang mga ito. “Dad! Kuya!” Napangiti si Gabriel nang makita siya. “Hey, bunso.” Agad nitong inilapag ang mga bitbit na paper bags sa coffee table. “May pasalubong ako sa’yo.” Biglang kumislap ang mga mata ni Marikit. “Talaga? Ano ’yon?” Natatawang umiling si Gabriel bago kumuha ng isang maliit na luxury paper bag. “Open it.” Excited na tinanggap iyon ni Marikit. At nang mabuksan niya ang velvet jewelry box sa loob, agad tumambad ang isang eleganteng gold bracelet na may minimalist diamond details. “Kuya…” natu

  • Mine Even After Divorce   KABANATA 5

    BIGLANG nagbago ang ekspresyon ni Samantha matapos marinig ang sinabi ni Marikit. Mariin nitong hinampas ang mesa bago biglang tumayo. “Marikit Valejo!” Ngunit wala nang pakialam si Marikit. Tahimik lamang siyang tumalikod at bumalik sa sariling workstation. Pagkaupo niya, dahan-dahan niyang inilabas ang maliit na compact mirror mula sa bag. Tahimik niyang tiningnan ang manipis na sugat sa gilid ng pisngi niya na gawa ng papel na inihagis ni Mikael. May bahagyang dugo pa roon, pero hindi naman malalim. Kumuha lamang siya ng wet wipes at dahan-dahang pinunasan ang sugat. Hindi na niya balak lagyan pa ng gamot. Tutal, sa mukha niyang ito, wala namang magbabago kahit magka-peklat pa siya. Ngunit habang nakatingin siya sa salamin, biglang sumagi sa isip niya ang mukha ng babaeng kasama ni Mikael. Parang pamilyar ito, lalo na ang mga mata. Hindi niya lang maalala kung saan pero sa tingin niya ay nakit na niya ito noon. Pero marahas ding napailing si Marikit. Nagkakataon naman talagan

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status