로그인NANG GABING iyon... Tahimik na nakatayo si Kent sa malawak na balcony ng kanyang condominium unit. Sa isang kamay ay hawak niya ang isang mababang crystal glass na may kaunting whiskey. Sa kabilang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng slacks niya. Mula roon ay tanaw ang kumikislap na ilaw ng Bonifaci
MAKALIPAS ang halos dalawang linggo... Unti-unting bumalik sa dating ritmo ang buhay sa Arcadia Prime. Sunod-sunod ang board meetings, project presentations, at site inspections. Halos araw-araw ay punô ang schedule ni Marikit bilang Chief Operating Officer. Ngunit sa kabila ng pagod, may isang ba
KINABUKASAN... Bahagyang sumilip pa lamang ang sikat ng araw sa pagitan ng mga matataas na gusali ng Bonifacio Global City nang unti-unting magising si Marikit. Tahimik ang buong unit. Nakatitig lang siya sa puting kisame habang nakahiga. Hindi niya namalayang napahawak siya sa noo. Hindi pa rin m
TAHIMIK na isinara ni Marikit ang p***o matapos umalis ni Mikael. Hindi niya namalayang nanatili siyang nakatayo roon nang ilang segundo, nakatitig lang sa doorknob na para bang may hinihintay pa. Hanggang sa tuluyan siyang napabuntong-hininga. Dahan-dahan siyang bumalik sa sala. Malinis na ang bu
PAYAPA ang buong unit. Tanging mahihinang yabag lamang ni Mikael ang maririnig habang maingat niyang bitbit si Mithi papunta sa kuwarto nito. Mahigpit pa ring nakakapit ang bata sa leeg niya, yakap ang paborito nitong stuffed rabbit. Halos nakapikit na ito sa antok. "Daddy..." mahinang tawag nito.
TAHIMIK na naupo ang tatlo sa maliit na dining table. Hindi ito katulad ng mga mamahaling hapunang madalas na dinadaluhan ni Mikael noon. Simpleng dinner lang iyon na nakasama ang dalawang babae na pinakamahalaga sa buhay niya. Ngunit sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, pakiramdam niya ay ito a
BAHAGYANG natigilan si Professor Kent Morales nang mag-angat ito ng tingin at makita ang babaeng nakatayo sa pintuan. Halos hindi niya agad nakilala si Marikit. Hanggang sa ito na mismo ang nagsalita. “Professor.” Doon lamang tuluyang natauhan si Kent bago bahagyang ngumiti. “Marikit.” Mabilis
BAHAGYANG nanatili ang tingin ni Mikael kay Marikit matapos nitong pumayag nang ganoon kadali. Parang may kung anong gustong hanapin ang lalaki sa mukha niya, ngunit wala itong nakita kundi katahimikan. Hindi na rin ito nagtanong pa. Muli lamang itong tumingin sa harapan habang nagpapatuloy sa pagma
ANIM na buwan nang buntis si Marikit Valejo nang mahuli niya ang sariling asawa na may ibang babae sa mismong araw ng prenatal checkup niya. Malamig ang hangin sa labas ng St. Andreas Medical Center sa BGC. Mahigpit niyang hawak ang brown envelope na naglalaman ng ultrasound at laboratory results
KINABUKASAN, maagang nagising si Marikit dahil sa amoy ng nilulutong almusal mula sa kusina. Paglabas niya ng kuwarto ay nadatnan niyang abala si Stella sa paghahanda ng pagkain. May nilulutong arroz caldo para sa kaniya, may hiwalay pang steamed vegetables at grilled fish na maingat nitong inilal







